Share

Kabanata 4

Nakapalumbabang nakatingin si Selene sa kawalan habang abala naman ang mga tao sa likuran n’ya. Rinig na rinig din sa loob ng coffee shop ang mga sikat na kanta no’ng 80s na parang may pa-throwback segment pa.

Araw iyon ng Sabado, alas-nuebe ng umaga. Ngunit pakiramdam n’ya ay palubog na ang araw sa bigat ng iniisip at nararamdaman n’ya. Hindi pa rin kasi maalis sa kanyang isipan ang pagtatapat na iyon ni Geo. 

Matagal na n’yang kilala ang binata. Sa dami na rin siguro ng mga pelikula, commercial ads at maging TV guestings na pinagsamahan nila, mas lalong lumalim pa ang pagkakaibigan ng dalawa. Ngunit hindi niya naisip na darating sila sa sitwasyong may iisang aamin ng kanyang lihim na pagtingin. 

Bakit ngayon pa? Sapo-sapo ni Selene ang ulo n’ya habang inaalala ang anim na salitang namutawi sa bibig ng kaibigan. Anim na salitang dahilan ngayon kung bakit tila mas nagulo pa ang sitwasyon. 

Noong una, iniisip n’ya lang kung paano gagampanan ang pagiging picture perfect wife sa harap ng media, ngunit dahil sa nangyari kagabi, alam ni Selene na muli na namang mababago ang kanyang plano. 

“I’ll take it that you’re not happy to see me?”  bungad ng isang pamilyar na boses sa likuran n’ya. 

Hindi na niya kailangan pang lumingon upang makita ang mukha ng taong ‘yon dahil sa tono pa lamang ng boses at signature perfume nito, alam niyang si Marion ang lalaking iyon. Wala nang iba. 

“Boses mo pa lang e sapat na para masira ang umaga ‘ko.” ismid na tugon ni Selene nang makaupo na si Marion sa bakanteng upuan sa harapan n’ya. “In fairness naman, ‘di ka late.”

Isang tawang nakakaloko ang naging sagot ni Marion nang marinig ang banat ng dalaga. He knows how to push her buttons, at ito ang gagawin n’ya. 

Tahimik lang ang dalawa, parang nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Selene won’t be having any of it, masyado nang marami ang gumugulo sa isipan n’ya at wala s’yang panahon para makipagtalo sa lalaki.

Mataman siyang pinagmasdan ni Marion. 

“Early bird ako, and besides, ako ang nag-set ng oras. Nakakahiya naman sa future wife ‘ko kung sa simpleng kasunduan lang e ‘di pa ‘ko tutupad.”

Oh, how she cringed at that. “What—did you just say?”

“Na ano? I’m an early bird?”

“Silly, no. The future what?”

“Future wife? Ano bang—oh!” nginitian s’ya ng binata sabay kindat sa kanya. “Ikaw ha, kunwari ka pang ayaw mo pero you really wanted me to call you as my future wife—ay teka, should I say future beneficial wife?”

Sinamaan niya ng tingin ang kaharap. Saan ba nakuha ni Marion ang pagiging antipatiko nito? 

“And there he goes with his dirty mouth, future beneficial husband,” ganti naman niya rito. “Ipapaalala ‘ko na hindi lang ako ang makikinabang, Marion. Kung tutuusin, you already owe me something the moment na pinag-usapan na tayo sa social media.”

Tumikom ang bibig ng lalaki sa narinig. Marahil siguro ay natauhan ito sa nalaman. Inakala ni Selene na iyon na ang huling beses na makakarinig s’ya ng snide remarks mula kay Marion ngunit—

“You really walked on this planet to ruin my quiet life, don’t you?” pigil ang inis na tanong nito sa kanya. 

“So ako pa ang nanira ng quiet life mo? Kung totoo man ‘yang sinasabi mo, bakit kumalat ‘yang private video mo, aber?” hamon naman si Selene sa kanya. 

Ayaw na sana n’yang patulan ang lalaki dahil sensitibo nga naman ang usaping iyon para kay Marion ngunit kailangan bang lagi na lang nitong ipamumukha sa kanya na manggagamit s’ya? Handa s’yang lunukin ang pride niya, maisalba lamang ang career na higit isang dekada niyang pinaghirapan. 

Matindi na ang tensyon sa pagitan nila ni Marion noong mga oras na iyon. Walang gustong magpakumbaba at maunang mag-apologize. Sa itsura ng binata, alam ni Selene na hindi ito basta-bastang hihingi ng tawad sa kanya para matapos na ang sagutan nila.  Sa personalidad na ipinakikita ni Marion, alam niyang mahihirapan silang isantabi ang pagkakaiba nila upang maging kapani-paniwala sa harap at likod ng camera. 

Pa’no pa kaya kung darating na sa puntong kailangan na nilang tumira iisang bubong?

Seryoso at tila walang emosyon ang mga mata ni Marion nang bigla itong magsalita. “Wala ka na bang ibang mababanggit kung hindi ‘yang scandal ‘ko? How pathetic of you.” 

“And you, wala ka bang ibang alam na banggitin maliban sa pagpayag ‘kong magpakasal sa’yo to save my career? That is so low of you.”

Nasa ikalawang verse na ang kantang Nothing’s Gonna Stop Us Now ng Starship nang muli na namang matahimik ang dalawa. Mabigat ang paghinga at kapwang nakakunot ang kanilang mga noo. 

Napabuntong-hininga si Selene at sumandal sa kanyang upuan. Sinabi niya sa sarili na hindi niya papatulan ang binata ngunit heto s’ya at nakikipagtitigan kay Marion na para bang tigre at handang umatake anumang oras. 

“This is nonsense,” narinig niyang sinabi ni Marion at tumayo na ito. “Malinaw namang ‘di tayo magkakasundo at patuloy lang tayong mag-uungkatan ng mga baho natin. Until you’re able to calm down, pwede na nating pag-usapan kung ano man ang dapat nating gawin.”

“‘Yun na lang ‘yon, Marion? Magwa-walk out ka dahil nagkaungkatan tayo ng mga baho natin dito? Imbes na sa’kin mo lang ipa-realize na may mali ako, bakit ‘di mo kaya subukang aminin sa sarili mo na may mali ka rin?”

Malalim ang buntong-hininga ni Marion habang nakatingin ito sa kanya. “Hindi ka ba marunong maka-appreciate ng biro, Selene? My god, ganito na ba magiging sitwasyon natin palagi?” 

“Gusto ‘ko lang na mag-sorry ka. Admit your mistakes, Marion. Sa totoo lang, nakaka-offend ‘ka.”

“And you think na ‘di nakaka-offend ‘yang sinasabi mo about me and the scandal?” umiling-iling si Marion at muli itong umupo. “We’re supposed to be helping each other, Selene. Hindi ‘ko hinihingi na maging totoo ang kasal natin, kailangan lang naman natin ‘to for the sake of our careers, ‘di ba? We only need to work this out.”

Tila nanlambot si Selene sa sinabi ni Marion at natamaan s’ya sa paglalahad na iyon. Aminado naman s’yang below the belt na ang pagbanggit n’ya tungkol sa scandal nito. Tinuruan s’ya ng kanyang ina na ‘wag gamitin ang kahinaan ng isang tao sa isang argumento. That’s just so wrong. Ayaw na n’yang i-justify ang pagkakamali niya sa parteng ‘yon, ngunit masisisi nga ba s’ya?

Dala na rin siguro ng galit ‘yon kung kaya’t nababanggit n’ya ang tungkol sa eskandalo ng binata. 

“I’m sorry, okay? Fine. That’s so low of me,” napabuntong-hininga na lamang si Selene. Wala na ring silbi kung ‘di pa s’ya hihingi ng tawad sa puntong ito. “Instead of arguing, siguro naman e dapat lang na magkasundo tayo for the sake of the contract.”

“Truce?” 

Tumango s’ya. “Truce. Mas okay na ‘yon.”

“Then truce it is.” umaliwalas naman ang mukha ni Marion. “Kung wala na tayong pag-uusapan dito, let’s go.”

“Saan naman tayo pupunta?”

“Kahit saan basta hindi rito. As your future husband, siguro sapat na ‘yung rason na dapat ko ring i-spoil ang misis ‘ko.”

Natawa na lang si Seline. Goodness, napaka-corny ng lalaking ‘to. Wala na bang mas babaduy sa banat n’ya?

“Ano namang masama sa coffee shop? I like this place. It’s homey, napaka-fresh pa ng aroma.” ani Seline.

“Because I don’t like coffee.” sagot nito sa kanya na tumayo na at inayos ang gusot sa damit nito. “Kung gusto mo lang naman ng homey vibe, then I know a place. So, can we go now?”

Wala na rin s’yang choice kung kaya’t napatayo na lamang siya at sinundan ang lalaki palabas ng coffee shop. ‘Di na niya alam ang ginagawa n’ya, o kung ano na ba ang nangyayari. Basta sigurado siyang napakabilis ng mga pangyayari kapag involved si Marion, katulad no’ng mga oras na ‘yon.

One minute they’re arguing about their differences, the next thing she knew, naglalakad na sila palayo sa lugar na iyon habang hawak-hawak ng binata ang kamay n’ya. 

Alam na alam ni Marion ang gagawin na tila ba na-orient na ito sa mangyayari. Marahil ay alam din n’yang may kumukuha na ng litrato nilang dalawa habang magkasama. 

Hinayaan na lang ni Selene ang binata na gawin ito. Tutal naman, ito pa lang ang simula ng lahat. Marami pa silang pagdadaanan at sa pagkakataong iyon, sana naman ay magkasundo na sila… kahit papaano.

“Make yourself comfortable. ‘Wag kang mag-alala, solong-solo ka sa backseat today.” ani Marion matapos n’yang buksan ang pintuan ng sasakyan bago ito nagtungo sa driver’s seat. 

Napatango na lamang si Selene at mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan. Nahuli naman n’yang nakatingin sa kanya ang binata mula sa rear view mirror. “Wala kang driver ngayon?”

“Day-off n’ya ngayon, so it’s just the two of us.” sagot naman ni Marion saka na pinaandar ang makina ng sasakyan. “Saka nakakahiya sa kanya na narinig pa tayong nagkasagutan kahapon.”

Oh shit. Nakalimutan n’yang narinig nga pala sila ng driver ni Marion na nagbabangayan kahapon. Tila nakonsensya naman ang dalaga dahil dito.

“About that—”

“It’s okay. Sanay na rin s’yang makarinig ng mga gano’n, pero nagsorry na rin ako.” paliwanag ni Marion bago nila lisanin ang coffee shop. 

Hindi naman maipaliwanag ni Selene ang biglang pagkabog ng kanyang dibdib nang magsimulang umandar ang sasakyan ni Marion papunta sa susunod nilang destinasyon. Ang alam lamang niya, dalawa lang sila sa loob ng kotseng iyon at hindi pa nakakatulong ang pagiging tahimik ng binata. 

Hindi rin nakatulong ang pamilyar na amoy ng pabango nito sa hangin. Pakiramdam n’ya tuloy ay nako-corner s’ya ni Marion.

“‘Di ka naman nahihilo o nasusuka sa biyahe, ‘di ba?” tanong ng lalaki nang minsan itong mapatingin sa kanya sa rear view mirror. “If so, then tell me. ‘Wag mo lang sukahan ang carpet ng sasakyan ‘ko.”

“Pwede bang mag-drive ka na lang? At ‘di ko susukahan ang carpet ng sasakyan mo, ‘wag kang mag-alala.”

Tila naman nabunutan ng tinik sa lalamunan ang binata nang marinig iyon. “Thank God. Kakapalit lang n’yan at ayokong madumihan agad.”

Goodness, ‘di ako insensitive kagaya—” napairap na lamang si Selene. “‘Wag mo na nga ‘kong inisin. Kung wala kang masasabing maganda, ‘wag mo na lang akong kausapin. Mag-drive ka na lang.”

Hindi na siya kinibo ni Marion at tahimik na lamang itong nagmaneho. 

Saglit namang sumilip si Selene mula sa bintana ng sasakyan. Kasabay ng pag-ihip ng hangin at pagdampi nito sa kanyang mukha, saglit s’yang nakaramdam ng kapayapaan at kapanatagan—na para bang napupuno ang kanyang puso sa galak. Sa maikling pagkakataong iyon, naramdaman n’ya ang pagiging malaya.

“Nandito na tayo.” matipid na sabi ni Marion sa dalaga. Saglit n’ya itong nilingon at pinagmasdan. “Ready to go?”

Iginala muna ni Selene ang mga mata sa paligid bago ito magsalita ngunit nang mapagtanto n’ya kung nasaan sila no’ng mga oras na iyon, napanganga na lamang ang dalaga sa sobrang gulat. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status