PAUL ZABALA VASQUEZ
Ang bigat ng bawat hakbang ko palayo sa bahay ng pinakamamahal ko. Oo Nads mahal na mahal kita noon pa. Hindi mo lang alam kung gaano kabigat ang ginawa kong desisyon na iyon para layuan mo ako. Bawat kirot na nararamdaman mo. Doble sa nararamdaman ko. Mas pinili kong layuan mo ako ng mga panahong iyun, dahil paghinayaan lang kita sa mga ginagawa mo sa akin, baka hindi ako makapagpigil. Aray ko, may humampas pala sa likod ko habang naglalakad ako pauwe. Si lolo Digoy pala. "Bakit po lolo?" sabi ko. "Ano bang nangyayari sayong bata ka? Kanina pa kita kinakausap habang naglalakad ka, hindi mo man lang ako pinapansin. Parang wala kang nakikita at naririnig." Ani ni lolo. "Ay sorry po lolo, hindi nga po kita narinig." Sabi ko habang papasok na kami sa tarangkahan ng bahay namin, medyo nag aagaw na ang dilim at liwanag noon. "Tinatawag kita kasi kakain na tayo ng hapunan" sabi ni lolo. Medyo maaga kasi sila kumain ng hapunan. Ganito din talaga pag dito sa probinsya. "May problema ka ba apo?" Ani ni lolo. Medyo malakas pa ang lolo ko sa edad na 70. Nag-alaga pa siya ng mga hayop, gaya ng manok at kambing. "Sige po maghahain na po ako lo". Sabay alis ko at papunta na ako ng kusina. Nadatnan ko dun si lola na nakapaghain na pala kasi natanaw na kami sa may bintana. "O siya kain na tayo" sabi ni lola. "Wow, ang sarap naman pala ng ulam, ginataang langka at pritong galunggong" sabi ko. Habang kumakain kami, nabanggit ng lola ko na tumawag daw si mama. Ang sabi daw magchat daw kung kailan ako aalis at para masundo daw nya ako. Ang nanay ko ay nagtatrabaho sa Laguna. Doon daw muna ako tumuloy sa tinitirhan nya habang nag-aaplay ako. Maagang nabyuda ang mama ko. Sundalo kasi papa ko. Sanggol pa lng ako nang mabaril daw ang papa habang inambush ng mga npa ang sinasakyan nila. May kinakasama ngayon ang mama ko pero wala silang anak. Medyo may edad na rin kasi sila pareho ng magsama. At balita ko naman kasi yung lalaki ay may asawa at anak dati pero matagal ng hiwalay. Pagkatapos namin maghapunan, tinulungan ko na ang lola kung magligpit ng pinagkainan namin. Habang ang lolo ko naman ay nakaupo sa labas ng bahay namin at pinagmamasdan ang mga manok nyang panabong na nakatali lng sa labas.after ko maghugas lumabas ako at umupo sa tabi ni lolo. Sa inuupuan namin matatanaw yung bahay nila Nads at maliwanag pa dahil sa ilaw na nasa labas nila. Malapit lang kasi mga bahay namin. Nakita ko si Nads na lumabas ng kwarto at umupo sa hapag kainan nila. Siguro ay hapunan na rin nila. Habang pinagmamasdan ko si Nads sa kalayuan, hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na humanga sa angking ganda nya. Naalala ko na naman ng mahalikan ko sya. Parang mas lalo akong nagayuma sa sarap ng mga labi nya. "Kung alam mo lang Nads". Narinig pala ni lolo, akala ko sa isip ko lang nabanggit. Lumabas pala sa bibig ko. "Apo, alam ko na mahal mo si Nads, bakit pa pinipigil mo ang damdamin mo. Sabihin mo sa kanya ang lahat lahat. Alam ni lolo ang dahilan ko kaya at alam din nlya na matagal ko nang mahal si Nads. Noon pa man mahal ko na si Nads, kaya lang pareho kami ng pangarap sa buhay, ang makapagtapos at makatulong sa mga magulang namin. Sa tuwing pinag -uusapan namin noon kung ano ang gusto namin pag laki, napag isip isip ko na pareho kami ng mga gusto sa buhay ni Nads. Pareho namin ginusto na magkasama kami parati at sinadya naman nga ng pagkakataon. parati kami magkaklase. At lalo na ngang minahal ko si Nads nang mag dalaga na sya. Ang ganda nya at ang bait, napakainosente pa nya. Ang gusto ko lang ay protektahan sya khit hindi ko siya nakakasama. Natatakot ako na baka may mangyari sa kanya, lalo na pag niloko siya ng lalake. Parang hindi ko kakayanin iyun. Kaya ngayong nakapagtapos na kami, unti unti na ulit akong lumalapit sa kanya para sabay namin tuparin ang mga pangarap namin. Ginusto kong layuan nya ako noon, kasi sa tuwing nasa tabi ko sya, hindi ako makaconcentrate sa pag aaral at sa tuwing nakaharap sya sa akin gustong gusto ko na siyang halikan. Pilit kong nilalabanan ang nararamdaman ko sa kanya baka may mangyari sa amin sa napakamurang edad pa at baka pareho namin masira ang mga plano namin sa buhay. At nakakababa din ng pagkatao nya yung panay sunod sa akin na napapansin ng mga kaklase namin, na parang feeling ko pinagtatawanan na siya. Hindi ko gustong saktan siya kaya lang umiiwas lang ako sa maaring mangyari sa amin pag hinayaan ko ang nararamdaman ko. Unti unti ko ng binubuo yung mga pira pirasong puso nya na dinurog ko noon. Ang hiling ko lang ay sana papasukin pa nya ako sa buhay nya at mapatunayan ang tunay kong hangarin at iparamdam sa kanya na sya lang talaga ang laman ng puso ko. Marami ding babae na nalilink sa akin noon pero walang pormal na relasyon. Kasi ang gusto ko talaga ay siya lang ang makakaranas noon. Masasabi kong may karanasan na rin ako sa babae dahil ginusto rin naman ng babae at alam ko na okay lang din sa kanila. At ayaw ko din masabihang bakla, at napakahirap din sa sitwasyong pumigil lalo na pag nasa harapan mo na yung hubad na katawan ng babae. Pero kahit na ganun ay hindi pa rin ma satisfied yung nararamdaman ko at parating pakiramdam ko may kulang at ang palaging sumasagi sa isipan ko ay ikaw lang Nadine.Nang matapos silang mag almusal, napagdesisyunan muna nilang lahat na maligo sa dagat habang hindi pa ganun katindi ang sikat ng araw. Binuhat ni Paul at Cris si lolo gamit mismo ang wheelchair papunta sa dagat habang Inaantay nila si lola para samahan si lolo sa pagliligo. Nagbihis muna ito ng pampaligo kasama sina Nadine at Jen. Unang lumabas si Jen na naka one-piece swimsuit dahil ayaw ni Cris na mag two-piece siya. Sumunod si Nadine, kagaya rin ni Jen one-piece din ang suot. Halos mabitawan ni Paul at Cris si lolo habang nakatingin sa dalawa habang naglalakad papalapit sa kanila. Si mang Berto, mama Emily, Jane at nay Nita naman ay napako ang atensiyon sa sunod na lalabas - si lola. Sapong sapo na ni mama Emily ang kanyang dibdib na para bang natatakot sa susunod na lalabas. Napatawa naman si Nadine at Jen, na kanina pa pala pinagmamasdan silang lahat. "Kinakabahan kayo noh" patawang sabi ni Jen. Biglang takbo ulit si Jen papunta kung saan naroon si lola. Habang hindi pa nila n
Sa bahay ni Cris Magkahawak kamay si Cris at Jen habang naglalakad sa baybayin pauwi sa bahay. Si nanay Nita at Jane naman ang magkasama na naglalakad sa likod nila. "Ehemmm, baka naman pwede nyo na akong bigyan ng apo niyan" biglang imik ni nay Nita at napahalakhak naman si Jane. "Nay gusto mo simulan na namin ngayon gumawa habang maaga pa" saad naman ni Cris. "Jen anak, dapat nanay na rin itawag mo sa akin ha, at saka huwag kang mahihiyang lumapit sa akin kung ano man ang problema ninyong dalawa" dagdag pa ni nay Nita. "Opo nanay" matipid at masayang sagot ni Jen. Tahimik lang si Jen habang naglalakad sila pauwi, nang makarating na sila sa bahay nagpaalam na si nay Nita at Jane na matutulog na at ngumiti lang si Jen habang tinitingnan sila na kanya kanyang pasok sa mga kwarto nila. Inakbayan siya ni Cris patungo sa kwarto nila. "Mahal, may napansin lang ako sayo ngayong gabi habang papauwi na tayo na napakatahimik mo" seryosong tanong ni Cris na may halong pag aal
"Babe naman eh, ayan ka na naman" sabi ni Nadine, pero may lambing na ang boses niya at babe na ang tawag niya kay Paul. "Babe ulitin mo nga ang sinabi mo? Ang sarap pakinggan ng boses mo lalo na pag malambing at lalo na pag naririnig ko na babe na ang tawag mo sa akin." ""Babe mahal na mahal kita, is that enough?" pabulong ni Nadine kay Paul. Niyakap siya ni Paul sabay sabi nang..."Babe sampalin mo nga ako?" "Hala, bakit?" takang tanong ni Nadine. "Kasi gusto kong malaman na lahat nang nangyayari sa atin ngayon ay totoo na at hindi kagaya dati noong andito tayo sa resort na eto. Pag uwi natin nag iba ka na." Ngumiti si Nadine sabay hinalikan siya nito. Ginantihan naman niya ito ng yakap at kinulong na niya ito sa mga bisig niya habang nakaupo lang sila sa kama na wala pang naisusuot na damit. "Babe naalala mo yung pumunta ka dati sa boarding house at isusuli mo nga ang backpack ko at tinawag mo akong babe?". Tumango lang si Nadine at ngumiti. "Gising ako nun, at baka pag hi
Para mas lalong romantic ang gabing iyun, binulungan ni Cris si Jen. Nagrequest sya ng isang love song mula kay Jen. Gusto ulit niya marinig ang magandang boses nito. Nawala kasi ang music after ng presentation, kaya muling nagpatugtog ulit at tumayo na si Jen para kumanta. "Ladies and gentlemen, good evening. I would like to serenade the beautiful couple, Nadine and Paul, with a song. And to you as well, mahal." nakangiting sabi ni Jen habang nakatingin kina Paul at Nadine. At syempre sa kanyang pinakamamahal na may kasamang irap sa huli, kaya napatawa na lang si Cris. Pati sila lola at Nay Nita napatawa sa inasal ni Jen, alam din nilang medyo jolly type ang kagaya ni Jen. Nagsimula na siyang kumanta, biglang napatayo silang lahat sa pagkabigla at hindi nila inaasahan na maganda ang boses ni Jen na pwede ng ilaban. At si lola napapalakpak at gandang ganda sa boses ni Jen. Si mama Emily naman napaiyak, iyun ata ang kanilang theme song ni mang Berto. Medyo luma na kasi ang piniling k
Biglang tumayo sila mama Emily at lola nang makita na nila sila Paul. "Andito na pala sila, pwede na ba tayong pumunta?" tanong ni mama Emily sa kanila."Anong oras na ba?" sabi naman ni Jen."Seven o clock na, tara na, mukhang ready naman na ang lahat. Lalo ka na babe" sabi naman ni Paul habang papalapit kay Nadine at ginawaran pa niya ito ng halik, sabay bulong nang "ang ganda mo talaga babe, parang mahihirapan ako nito"."Bakit""Kasi ang hirap pigilin ng nararamdaman ko sa tuwing katabi kita". "Eh, doon na lang ako matutulog mamaya sa kwarto nila lola, para hindi ka na mahirapan, ganun lang kasimple yun.""Wag naman ganun babe, parusa na ang gagawin mo sa akin eh." "Ewan ko sayo, hirap mong kausap" natatawang sabi ni Nadine, habang akbay siya ni Paul na naglalakad papunta sa venue. "Sila nay Nita at ate Jane?" tanong ni Nadine kay Paul."Andoon na yata, kasi mas malapit sila doon eh". Sakto at andoon na rin si nay Nita at Jane sa venue. Nakahanda na rin ang mesa nila. Halo
Hindi makapaniwala si Jen. Parang gusto niya kurutin ang sarili niya. Kaya para siyang natitigilan, sa isip niya, baka panaginip lang ito. Nakaluhod na si Cris, ang tagal niyang sumagot kaya naghihiyawan na ang mga tao. Kaya nang matauhan siya napaluha na siya bago sumigaw ng yes at napalundag pa siya sa tuwa. Hinalikan niya si Cris na halos ayaw na maghiwalay ng mga labi nila, parang wala na siyang pakialam kung maraming tao sa paligid. Kaya nagsigawan ulit yung mga tao sa paligid at may sumigaw nang, mga bata takpan niyo ang mga mata niyo. Kumakanta pa rin ang banda habang sinusuot ni Cris ang singsing kay Jen, at tuloy tuloy na umagos ang luha niya sa tuwa. Kasi kahit sa pangarap hindi pa niya naiisip ang ganitong pangyayari na para sa kanya. Si Nadine naman ay hindi maiwasang napaluha na din sa sobrang saya niya para sa kaibigan. Halos umayon lahat sa plano at panahon ang mga nangyari. Kahit sinong nakasaksi ay kinilig sa kanila. Lalo na at may music pa na nagpeperform. Kanina p
At eto na nga ang pinakaaantay nilang lahat. Hindi nila maitatanggi na lahat sila excited. At may kanya kanya silang rason kung bakit. Wednesday na ng umaga halos lahat abala. Sa bahay nila Paul ay nagluluto na si lola at mama Emily ng almusal. Si Nadine naman ay tumulong na din. Samantalang kina Jen at Cris naman ay halos tulog pa ang dalawa. Gawa nang sabi naman ni Cris ay gabi pa gaganapin ang pagpropose ni Paul kay Nadine. Kaya patanghali na sila aalis. Kina Paul naman ang instruction daw ni Cris ay dapat maaga sila at mauuna dapat sila. Para pagdating naman nila ni Jen, andoon na silang lahat. Napapatawa na lang si mama Emily at lola dahil alam nila ang lahat na double ang magpopropose na magaganap. Isinama na nila mama Emily si lolo kasi mabilis naman ang recovery nito. Nakakaupo na siya sa wheelchair. At maigi din ang simoy ng hangin sa dagat para kay lolo. "Ready na ba ang lahat? sabi ni Paul habang pinapaandar ang sasakyan. "Si lola po, asan na?" tanong ni Nadine kay M
Sa bahay naman nila Paul, Friday ng umaga pagkagising ni Nadine, andoon pa rin sa tabi niya si Paul. Nakayakap na naman ito sa kanya. Dahan dahan niyang inaalis ang kamay nito at babangon na sya. Lalong hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya, kahit nakapikit pa ito. "Alam ko gising ka na, alisin mo nga kamay mo at babangon na ako. Bakit hindi ka pa pumasok ngayon? Okay naman na ako eh, kasi di ba sa Wednesday aabsent ka ulit at pupunta naman sa beach." "Baka kasi pag umalis ako, umalis ka na rin." sabi naman ni Paul. "Ah yun pala ang dahilan mo kung bakit ayaw mong pumasok. Magpapaalam naman ako pag aalis na ako eh. Tsaka hìndi naman pwedeng dito na ako tumira." "Pwede naman na dito ka na tumira" sabi naman ni Paul. "Bitawan mo na nga ako at ako'y naiihi na. Tutulong pa ako kay lola sa pagluluto ng almusal" ani Nadine. Napapangiti na lamang siya habang naglalakad papuntang cr. Ang isipan na ayaw na siyang paalisin ni Paul at takot nito na umalis siya, ay sobrang saya ni
Maagang nagising si Cris. Alam niyang sa canteen na si Jen nag aalmusal. Kaya nagluto na sya nang maaga para sabay na sila at huwag na sa canteen kumain si Jen.Pagkatapos niya magluto bumalik ulit siya sa kwarto para gisingin si Jen. Pinagmamasdan niya ito bago gisingin. Nakahubad pa rin ito at may kumot lang. Hinawi nya ang buhok ni Jen para mapagmasdan pa ito sa mukha habang tulog ito. Mahal na mahal niya ito at sigurado siya sa desisyon nya. Pakakasalan niya si Jen at sa palagay niya ito yung pinakatamang desisyon niya. Marami rin siyang nakarelasyon noon pero kahit minsan hindi sumagi sa isip niya ang kasal. Pero ngayon iba na, natatangi para sa kanya si Jen, pagkakita pa lang niya noon sa mall kay Jen, sinundan na niya ito at humanap ng timing para mapalapit siya. Kaya siya ang umabot ng napkin na nasa taas ng rack para lang makausap niya ito. Akala niya hindi na niya ulit makikita si Jen, kaya noong nakita niya ulit sa isang fastfood na kakain at andoon na siya, gumawa talaga s