Share

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛʜʀᴇᴇ: ᴡᴇʟᴄᴏᴍᴇ!

Kaye's POV

"Goodmorning students!"

Bumati rin ang lahat sa nagsalita. Buong akala namin ay si Mr. Hanay siya ngunit hindi. Isang babaeng kung titignan ay mataray at professional. Pawang puno ng confidence ang pagkatao niya sa tayo pa lang, pati na rin sa pananalita.

"Today is the day where you'll learn all the things that you have to learn and all the abilities that you have to begin," sambit nito habang nililibot ang buong entablado. Sa bawat salita niya ay tumitingin siya sa mata ng bawat isa.

"Sa likod niyo, mga lamesang naglalaman ng mga bagay na makatutulong sa inyo upang makapagtapos."

Tumingin ang lahat sa ground, may mga lamesang pinagdugtong-dugtong at napakahaba nito. Ang ibig sabihin niyang makatutulong?

"Ang mga lamesang 'yan ay naglalaman ng mga sumusunod; mga kutsilyo, mga lubid, mga matatalim na gamit, at kung ano-ano pa."

Sandali, ibig niya bang sabihin, habang suot namin ang magagandang uniform na ito, mag-aagawan kami for that piece of metals?

Napatingin ako kay Ax. As always, iisa lang reaksyon niya kaya hindi ko malaman kung ano ang ibig niyang sabihin sa titig nya.

"Remember this, you are not a psychopath—you are the new face of a hero. Now, you have your subjects and we know that the basic subjects ay naituro na kaya naman ibang subject naman ngayon. First is Strategies and Style, kung saan ituturo ang iba't ibang pamamaraan ng pagpatay. Bibigyan kayo ng ideya kung paano kayo papatay. Second is the Instruments and Hows, kung saan malalaman niyo ang mga nasa paligid niyo na maari pa lang gamitin sa pagpatay. Third is Economy ang Law, kung saan ituturo ang mga bagay na nangyayari sa bansa. Fourth is the Rules of Killing, kung saan ituturo ang mga pamantayan at mga dapat gawin sa pagpatay. And the last and fifth one is Practical killing, alam niyo na 'yon."

Nagulat ang lahat, isang subject lang ang matino ah. Paano niya kaya nasasabi ang mga 'yon sa makalmang paraan? Sanayan ba 'yon o may diperensya na siya sa pag-iisip?

"Any questions? Violent reactions? Addition? Clarification?"

Tahimik lang ang lahat habang nakaupo at nakikinig sa kaniya. Tinitignan ko ang mga reaksyon nila, karamihan ay seryoso pero may mangilan-ngilan na walang pakialam. May ilan namang galit, excitement at tuwa ang nasa mukha. Ang weird nila, I swear!

"Okay, lets proceed. Killing of school official, faculty and staffs are strictly probhibited. Hindi niyo magugustuhan ang parusa. Hinding hindi."

Naka-smirk pa siya nang sabihin niya 'yon. Ibang klase talaga.

"Now, in the count of ten, tatakbuhin ninyo ang lamesang iyon at kukuha kayo ng mga bagay na sa tingin niyo ay maililigtas kayo at magagamit niyo."

Nagsitayuan ang lahat except kay Yuhan na tinawag kanina. Kakaiba talaga siya.

"Go!"

Nagsimulang tumakbo ang mga paa ko, nakikita kong nangunguna si Ax. Pagkarating niya sa mesa ay kumuha siya ng apat na kutsilyo, isang lubid at iba pa. May mga nakasabay siya ngunit malayuan ito kaya naman hindi siya napano.

Matapos niyang kumuha ay lumayo siya sa lamesa. Nang makarating ako ay nagkakagulo na ang lahat. Maya-maya ay may tumalsik na dugo sa mukha ko. Natigilan ako saglit ngunit nang marinig ko ang boses ni Ax na tinatawag ako ay agad kong sinubukang makakuha ng gamit. Nang makalapit sa mesa ay kumuha na lang ako nang hindi tinitignan ang mga ito at tumakbo sa direksyon ni Ax.

Yuhan's POV

Isang katangahan. Siguradong pinagtatawanan sila ngayon ng mga tauhan ng walang kwentang paaralan na ito.

Tumayo ako at naglakad hanggang sa makarating sa may damuhan habang tinitignan ang mga studyanteng nag-aagawan sa mga bagay na papatay sa kanila.

May mga nagtutulakan, may mga natatapakan, may nasusugutan ay may mga nagpapatayan na. Ano pa nga ba?

Dito, kailangan mong pumatay para mabuhay at umangat. May nakadisplay na ranking sa may field, isa itong VTR kung saan ipinakikita ang ratings ng bawat estudyante. Hiwalay ang group of B's sa group of A's pero lahat ng 'yan ay maaaring magpatayan.

Hinubad ko na ang earphone ko at naglakad papunta sa mga classroom kung saan nakita ko ang ilang estudyante. A-64, nakita ko siya sa rankings. Ika-13 siya out of 34 students, tinignan niya ako at base sa kilos niya ay medyo nakakatakot ang awra niya. Parang kahit anong oras ay sasaksakin ka na lang niya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Maaga pa base sa relo ko, 8:15 pa lang. Tapos na kaya silang mag agawan?

A-16 ang nangunguna sa ranking, I wonder kung sino siya. Sa unang tingin mukha lang itong regular school na may kaunting bilang ng studyante. Sa paglalakad ko sa corridor ay may nakita akong dalawang babaeng nag-uusap.

"Basta, kailangan mo lang dumipensa. Hindi natin kailangan magsimula sa pagpatay."

"Sige, pero ikaw? Kung sakali, talaga bang papatay ka?"

"Wag mo akong isipin. Kung sakali man na gagawin ko 'yon, ay dahil kailangan."

Rinig kong usapan nila B-34 at B-2, ayon sa plate nila. Nang makita nila ako halatang nagulat sila.

Umiwas sila nang makalapit ako ngunit dineadma ko lang ang mga ito.

Katulad niyo rin ako na nandito dahil kailangan. Ang pinagkaiba natin ay nandito ako dahil ginusto ko. Ako si B-99, ang taong may misyon na kailangang gawin at handang pumatay kung susubukin.

Naalala ko na, sabi ko na eh, pamilyar 'yong B-2. Siya ang katapat kong room. Maya-maya ay may kakaiba akong naramdaman, para bang may papalapit sa akin kaya huminto ako at base sa tunog ng hakbang niya ay tumatakbo siya. 

Papatayin niya ba ako?

Nang makalapit siya at bahagya kong nakitang sasaksakin niya ako ay umiwas ako. Dahil sa lakas ng impact ng pagtakbo niya ay gumulong siya sa sahig. Umayos ako ng tayo ako at lumapit sa kaniya, B-71 ang lalaking ito.

 

"Pakiusap, 'wag!" pagmamakaawa niya habang pinupulot ko ang kutsilyong nabitawan niya. Akalain mo 'yon, hindi naman pala kailangan pa makipagsisiksikan doon, may kutsilyo na ako.

"Bakit mo 'ko gustong patayin?" tanong ko gamit ang seryosong mukha. Pero sa totoo lang ay natatawa ako sa itsura niya. Parang kanina lang, ang tapang-tapang niya.

"Para umangat, saka kailangan 'yon. Please 'wag!"

Ngumiti ako nang bahagya na naging dahilan ng pag-ngiti niya. Ngunit kahit na nakangiti siya ay bakas ang takot at kaba sa mukha niya. Akala niya siguro ay okay na kami.

"Pa'no ba 'yan, 'yan din ang sagot ko."

Lumapit ako sa kaniya matapos magsalita, habang siya ay sinusubukang umatras at sumisigaw ng tulong. Seryoso? Walang tutulong sa 'yo rito, baka nga panoorin ka pa nila habang pinapatay kita.

 

"Dapat kasi pinipili mo ang inaatake mo," sambit ko.

Pumunta ako sa bandang ulohan niya at umupo. Hinawakan ko ang buhok niya at pinatingala siya. Gamit ang kutsilyo niya ay sinaksak ko ang leeg niya sa may bandang gilid. Bumuhos ang napakaraming dugo na halos kulay itim na sa rami. Tumayo ako matapos gawin iyon at nakita ko si B-2 na nakalagay ang kamay sa mga mata ni B-34.

Tinignan ko siya na seryoso ang mukha. Tumalikod ako nang makita ko ang galit sa mukha niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Kahit naman pumapatay ako, hindi ibig sabihin no'n ay masamang tao na ako. Hindi ko nga alam kung kaya kong pumatay ng babae.

Mr. Hanay's POV

"Nangunguna pa rin po si A-16."

Nakatayo ako ngayon sa harap ni Principal, habang siya ay nilalaro ang rubics cube.

Tumayo siya at naglakad papunta sa isang bintana na puro salamin, kung saan kita ang buong paaralan. Nasa bandang itaas kasi ang office niya kaya naman kita ang field ng school na pinalilibutan ng mga corridors at classroom.

Sa gitna ng field ay may umagaw ng atensyon ko, dalawang babaeng nakaupo sa may fountain, mukhang magkaibigan sila. Tignan natin kung hanggang saan aabot ang pagkakaibigan niyo.

Axelle's POV

Ang sama niya. Talagang sa harapan pa namin? Sabi ko na nga ba. Unang beses pa lang kitang nakita, Yuhan Callejo, wala ka nang gagawing tama. Isa ka sa mga estudyanteng nagpasakop sa kultura ng paaralang ito.

Katabi ko si Kaye at nandito kami sa gitna ng field, sa may fountain. 'Yong mga nakuha naming gamit ay inilagay namin sa bag namin at yung matatalim ay binalot muna namin ng papel bago ipasok sa bag.

Mukhang safe rito sa gitna dahil kitang-kita mo kung may papalapit sa 'yo.

"Tinatawagan ang lahat na pumunta sa Pavilion, group of A's and group of B's," isang mensaheng bumulabog sa lahat.

Nakita na lang namin na nag-iipon-ipon ang lahat sa may hall na tinatawag nilang Pavillion. Dahil medyo may kalayuan ito mula sa kinaroroonan namin ay nasa likod na kami. 

"Sa mga naritong A, alam niyo na ang activity natin every week 'di ba?" tanong ng nagsasalita, siya rin 'yong nagsalita kaninang umaga. Sumagot naman ang mga A ng 'oo'.

Activity every week? Mukhang hindi maganda ito. Tinignan ko si Kaye, muli ay kinakabahan siya. Sadyang mahina ang loob niya at alam ko rin na takot siya sa dugo at 'yon ang ikinatatakot ko.

"Criminal haunting ang tawag sa proseso ng paghahanap ng mapapatay. At dito sa eskwelahan na ito ay mayroon ding ganoon, ito ay tinatawag na 'Killer Goals'."

What a weird name.

"Every Saturday, bubunot kayo. At kung anong group letter at number ang makuha niyo, you have to keep it secretly. Kasi ang taong makukuha niyo ay ang dapat niyong patayin, for the whole week. But it doesn't mean na ikaw lang ang mangha-haunt, dahil may tao rin na nakabunot sa 'yo na kailangan kang patayin."

That's insane! 

"Anong mangyayari 'pag hindi namin sila napatay? At pwede rin ba kaming pumatay except sa dapat naming patayin?" tanong ng isang babae sa bandang unahan.

"Nice question B-43, you have your points. Kapag napatay niyo ang dapat niyong patayin, may 20 points ka. Kung hindi naman ay maiiwan ka sa baba. Kapag naman pumatay ka ng ibang estudyante, 10 points lang ang makukuha mo. Remember na Top 10 lang ang makaka-graduate. The rest, matitira rito mag mags-stay hanggang sa makapasok sila sa Top 10 at back to zero ang points nila."

Cool pero hindi makatarungan. Tahimik ang lahat habang nakikinig.

"After you graduate, magiging licensed killer na kayo. Kung saan ang sahod niyo ay depende sa kriminal na papatayin niyo. Example, ang papatayin niyo ay isang drug pusher na may 1,000,000 pesos. Ang 500,000 ay sa inyo at ang natitirang kalahati naman ay sa gobyerno. Siyempre kung hindi kayo kikilos, walang kikita. Before I dismiss you, ang bunutan ay magaganap bukas at ang identity plate ninyo ay hindi pwedeng alisin. Dahil kapag ginawa niyo 'yon ay ha-haunting-in ka ng lahat ng students, dahil 15 points ang pwede nilang makuha sa 'yo."

I hate it! Akala ko ayos lang na hindi kami pumatay. Pero bakit naiipit kami sa dapat makaalis at 'wag pumatay! May 5 points na makukuha sa pag-defend at 'pag nabigong mapatay ka ng papatay sa 'yo. Pero hindi sapat 'yon para makapasok sa Top 10.

"So kailangan kong pumatay?" tanong ni Kaye. 

Kaya pala kanina pa siya tahimik, iniisip niya rin 'yon. Nandito kami ngayon sa isang upuang semento na may disenyong kahoy sa may corner ng school.

"Ang alam ko lang, kailangan natin makalabas dito. Dapat makapasok tayo sa Top 10."

 

Hindi ko kayang sabihin ng direkta na kailangan nga naming pumatay.

Napatingin siya sa VTR na nasa bandang itaas at tanaw ng lahat.

"145 points ang rank 1 na si A-16, hindi natin kakayanin kung patago-tago lang. Kailangan kumilos, pero pa'no?" tanong niya ulit.

Napatingin ako sa kan'ya. Bakit gano'n? May tapang na lumalabas sa kaniya, malayo sa Kaye na palaging polbos at liptint ang priority, malayo sa Kaye na kilala ko.

"Kaya mo ba?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko rin alam."

Habang nag-uusap ay nakita ko ang isang grupo ng mga A students, lima sila. Tatlong lalaki at dalawang babae, mukhang isa silang grupo ng magkakaibigan dito at hindi ko gusto iyon.

Habang nagtatawanan sa corridor ay napatingin sila sa isang babaeng naglalakad papunta sa direksyon nila. Ang tapang naman ng babaeng ito, sa mga itsura ng magkakaibigan mukhang papatayin ka nila anytime.

Pero nang makalapit ang babae ay mali ang hinala ko, nagsitabi sila upang padaanin yung babae. Nakapagtataka naman na gano'n ang ginawa nila. Sino ba siya?

Nung makaliko 'yong babae ay tinignan ko ang plate niya.

A-16

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status