Share

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛᴡᴏ: ᴄᴏɴғᴇʀᴇɴᴄᴇ

Axelle's POV

Isang black na van ang inabutan namin ni Kaye sa labas ng gate ng Lockwood University. Magkasama kami dahil naabutan niya akong naglalakad.

Pareho kaming tig-dalawang bag, ngunit halata sa bag namin ang pagkakaiba ng estado namin sa buhay. May kaya sina Kaye kaya naman medyo maarte ito. 

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Nang makarating sa room ay bumungad sa amin ang isang babae at dalawang lalaki na mukhang alalay niya.

"Goodmorning, Section A of Grade 11. I am Ms. Tilly and these guys are my assistants," pagpapakilala nito nang makaupo kami ni Kaye.

Pumunta 'yong babaeng si Tilly sa gitna. Tuwid siya kung tumayo habang suot ang kanyang heels. She's wearing a black and white business woman attire. Malinis rin ang buhok niyang nakabrush-up.

"We are here to clear things out. Ms. Esguerra and Ms. Horrie, please stand up."

Tumayo si Kaye habang tinitignan ang reaksyon ng mga kaklase namin. Tumingin din siya sa akin na tila ba hinihikayat akong tumayo rin.

Mabilis akong tumayo na seryoso ang mukha, ayokong makita ng babaeng ito na takot ako sa AUSOK thingy nila.

"We all know that our country has been suffering through a lot. Now, for us to help, we are studying ang being trained in our respective schools. But these two students will have a big role in changing this country. If fortunate, they will become our new heroes." Tumingin siya sa aming dalawa ni Kaye. "The two of you, after you leave this room, you won't be just an ordinary student anymore. And all of you, I hope to see you all next year. I wonder who will be the next student of AU from LU."

Ngumiti siya bago lumabas at sumenyas ito na sumunod na kami. Dinala ng dalawang lalaki ang mga bag namin at naglakad papunta sa black na van.

Ano daw? Hero? Kung wala lang talagang banta, hindi naman ako sasama.

Highly tinted ang kotse kaya naman walang kita sa loob. Kapansin-pansin din ang logo ng AU sa harapan ng van. Napakaganda nito, makintab ang kulay gold na pangalan ng school.

Binuksan ng isang lalaki ang sliding door at pumasok na kami. Napanganga si Kaye sa ganda ng loob ng sasakyan. Nakapagtataka lang kung bakit hindi rin kita ang nasa labas mula sa loob.

Nasa likod na part kami ng sasakyan katabi si Ms. Tilly. 'Di rin namin kita ang nasa unahan dahil may division ito.

"Habang nasa byahe ay ipaaalam ko na sa inyo ang ilang impormasyon tungkol sa Allison University. Ang ibang impormasyon ay malalaman niyo na lang through experience," saad ng isang babaeng hindi namin kilala.

Napakaraming alam ng AU. Kesyo dapat daw handa bago magsimula ang klase, dapat maging attentive at iba pang mga ka-etchosan nila. 

Base sa mga basic information na ibinigay ng babaeng ito, normal na paaralan lang naman pala ang AU. 

Bakit parang ang init ng dugo ko sa babaeng ito? Seryoso, simula nang makita ko siya, hindi ko na kaagad gusto ang aura niya. Ewan ko ba.

"Matagal pa ba? Nagugutom na 'ko eh," angal ni Kaye. Walang ano-ano ay binuksan ng babae ang apakan ng van kaya naman in-adjust namin ang mga paa namin.

Akalain mong may mga pagkain sa loob no'n? May mga biscuit, junkfood at drinks na nasa loob ng cooler na may katamtamang laki. Binigyan niya kami ni Kaye ng tig-isang drinks at junkfood na malaki.

 Sa tingin ko ay mukhang malayo pa ata 'yong lugar kaya naghanda sila ng pagkain in case na magutom kami. I can say na cool 'yon.

"Wala bang ibang libangan dito?" mataray na pagkakasabi ko.

Walang kibo si Ms. Tilly at may pinindot sa harapan namin. Biglang bumukas ang isang maliit na screen doon at pwedeng manood ng kahit na ano.

Nakakapagtakang ang nasa history at recommended ay puro creepy videos. Mga patayan, horror ta's thriller. Mga baliw na nga talaga sila.

Maging cartoons, Happy Tree Friends lang ang available. So weird!

"'Yan na lang, nanonood ako n'yan." 

Nagsimula kaming manood ng Happy Tree Friends. This is so sick. Super cute ng mga characters and they were just killed or died in the most horrible way!

Ilang oras pa ang lumipas at biglang huminto ang sasakyan. Gustuhin ko mang makita ang nasa labas ay hindi ko makita. Pilit na sinusubukan ni Kaye na makita ang hinintuan namin. Ginamit niya ang kamay niya at halos idikit na ang mukha niya sa glass ng bintanang tinted.

"Girls, prepare. Hindi tayo pwedeng bumaba na haggard kayo..." tugon ni Ms. Tilly.

"Faster!" pahabol niya nang matulala kami dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-Tagalog siya.

Agad kaming nagpulbos.

"Ax, use this," offer sa akin ni Kaye. Tinignan ko ang hawak niyang isang maliit na glass container na mayroong pulang liquid sa loob.

"Ano 'yan?"

Napangiti siya sa tanong ko.

"Liptint? Why? Ngayon ka lang ba nakakita ng ganito?"

Naririnig ko ang salitang 'yan at nakikita ko rin ang mapupulang tuka ng classmates ko dahil do'n. Pero hindi pa ako nakakagamit ng bagay na 'yan.

Kinuha ko ito at in-apply.

Tamis. Masarap siya, pwedeng i-ulam.

Maya-maya ay bumukas na ang pinto. Sabay-sabay nagsibabaan ang isang daang studyante sa mga sasakyan nila na katulad ng sa amin. Kasama kami sa mga bumaba na 'yon.

Ba't puro pader? Ang taas ah, kailangan ng buong effort sa pagtingala para lang makita ang nasa itaas.

Ginabayan kami ng mga agents hanggang sa makarating kami sa isang higanteng gate.

Lahat ay nagulat at namangha except kay Kaye na takot ang nasa mukha. Pwera na rin doon sa isang lalaking seryoso ang mukha habang suot ang earphone niya.

 

Iba ang timpla ng mukha niya, parang galit? Well, good looking siya. Naka-hoodie, denim pants, may suot na backpack, sneakers at waxed ang buhok nito. Isama mo pa ang makapal niyang kilay at 'di kalakihang katawan na bumagay sa lahat ng suot niya.

Ako naman, deep inside na naa-amaze ngunit hindi ko ito ipinapahalata.

Tumaas ang dalawang kilay ko nang pasukin namin yung gate at makita ang isang napakalawak na ground. May mga parts na sementado at may part naman na may grass. Nasa dulo nito sa gitnang bahagi ang isang matangkad na building na may malaking orasan. Kahit na malayo ay tanaw ang hugis nito sa kinatatayuan namin.

Napapalibutan ito ng mga building na mistulang mahabang corridor. Napakalaki talaga nito, kasing laki na siguro ng buong munisipalidad namin. I wonder kung ano ang mga nasa loob ng mga gusali na 'yan at kung anong itsura.

"This is cool."

"Wow."

"I dont wanna go home na."

Ilan sa mga naririnig kong sambit ng mga estudyanteng malapit sa amin ni Kaye. Narinig ko rin ang paglunok ng laway ni Kaye, pati na ang paghinga niya nang malalim. Halatang pinapakalma niya ang sarili.

 

Hindi masyadong luma ang itsura ng lugar pero halatang matibay ito.

Nakakapagtakang napakakaunti lang ng mga estudyante. Kung sa bawat taon ay isang daan, at may dalawang taon—so dapat, two hundred na kaming mga studyante. Pero bakit parang hindi na ata aabot sa fifty ang nakikita ko?

 

Sa bagay, sa sobrang laki nito ay baka nasa loob pa yung iba.

"Freshmen, proceed to the pavilion."

Tumingala ang lahat sa boses na narinig namin, si Kuya pa 'to ng PBB? Nakakamangha na nakapalibot sa buong campus yung speaker.

Muli ay ginabayan kami ng mga babaeng effort na effort kung magsuot ng takong.

Nung makarating sa pavillion ay pumila kaming lahat. Bale nasa gitna kami ng column sa pangatlo sa row at katabi ko lang si Kaye.

"Welcome to Allison University! I am Rodrigo Hanay, the assisstant of the head director. I am here make some announcements."

Nakikinig lang kaming lahat habang siya ay naglalakad-lakad sa stage habang nag sasalita. Rinig ang boses niya kahit walang mic kasi covered yung hall.

"There are 3 things to remember. First, always be prepared. Second, show us what you got and always do your best to amaze us. And lastly, you have no friends here. Only you and yourself can help each other."

Ano kaya ang ibig sabihin no'n?

"We have eyes around this campus, so we can see all your actions. Your grades and ranking will be based on your strategies of killing and how you will defend yourself."

Ano raw? So dito pa lang magpapatayan na kami? May sakit na talaga mga tao rito.

"So, kailangan naming magpatayan?" tanong ng isang babae sa harapan. 'Yan din gusto kong itanong, bes.

"Apparently. 'Yon ay kung gusto niyong makagraduate... nang buhay."

Tinatakot niya ba kami?

'Yon ata ang rason kung bakit kakaunti lang ang nakita kong students. Malamang they were the ones who killed each other just to gain grades and... to escape this place?

"Kung walang kikilos, walang makakapagtapos. Bago ko makalimutan, every points niyo ay may katumbas na halaga. Example, maganda ang paraan mo ng pagkakapatay. It means, mataas ang grades na makukuha mo. Ten ang highest na maaring ibigay namin at every point ay may katumbas na 5,000 na ipadadala sa pamilya mo. It's called winwin. Natuwa kami, makakagraduate ka at makakatulong ka pa sa pamilya mo."

Habang nakikinig ay nakita kong hindi intersado yung lalaki kanina. Naka headset siya at parang nasa ibang dimensyon hanggang sa...

"You, ikaw na naka-earphone. What's your name?" tanong ni Rodrigo, ay... hindi pala kami close so it should be Mr. Hanay.

"Yuhan Callejo, may problema ba?"

Ang tapang. Akala mo kaya na sarili nya.

"Maaari mo bang ulitin ang mga sinabi ko?"

"Kasama ba 'yong mga nonsense?" pabalik niyang tanong. Halos magtawanan ang lahat.

"Iyong may mga sense lang, hijo."

"Fine, magpatayan kayo kasi sa tingin ko 'yon ang solusyon sa kahirapan. Ayos na po ba?"

Gusto ko 'tong taong 'to, parang masaya siyang maging kaibigan at magkakaintindihan kami. Matapos niyang sabihin 'yon ay ibinalik niya ang earphone niya.

Mukhang pag-iinitan na siya ngayon nitong si Mr. Hanay.

Nang nagsilabasan na ang lahat ay kinausap ko si Kaye na kanina pa walang kibo.

"Kaye, 'wag na 'wag mong ipapakitang takot ka. 'Wag na 'wag mong ipapakitang mahina ka kasi pag-iinitan ka nila. Ganito, 'di ba may grades naman at points ang pag defend ng sarili? Do'n tayo mag fo-focus."

Tumingin siya sa akin na may lungkot sa mukha. "Ax, pa'no kung 'di ko kaya? Mamamatay na ba ako?"

Nakita ko na lang ang luhang tumutulo sa mata nya. Nagtago muna kami sa may corridor.

"'Wag na 'wag kang iiyak, lahat ng takot kailangan mong kalimutan. Sarili lang natin ang aasahan natin dito kaya be strong!"

Nagulat na lang ako nang niyakap niya ako. Bumalik ang lahat sa realidad nang magsitakbuhan ang lahat. Napatingin kami sa mga tumatakbo at sumisigaw na studyante.

"Anong nangyayari?" tanong ni Kaye habang pinupunasan ang luha niya.

"Nagsisimula na."

Agad kong tinakbo si Kaye sa kwarto niya. May sariling dorm ang impyernong ito at medyo malayo ang 34 sa 2 kaya naman nasa may bandang dulo yung kwarto ko. Nag lock si Kaye ng pinto at ako naman ay tumakbo na papunta sa kwartong para sa akin.

 

Ang corridor na sa kanan ay kwarto ng mga babae at sa kaliwa naman ay kwarto ng mga lalaki. Bago pumasok ay napatingin ako sa numero ng kwartong nasa harap ko. 99.

Pumasok na ako at... is this hotel? May sariling bed na brown at white ang bed sheet na terno sa unan, pang-isang tao lang ito. May bintana rin sa may mini kusina, na may lababo at maliit na space na lalagyan ng gamit.

Kapansin-pansin din ang 2 sets ng uniform sa dingding. Blouse na maroon na mayroong yellow-maroon stripes na neck tie, at black-maroon na checkered skirt.

May plate ang blouse na may nakalagay na number at letter na B-2. Maharil ang B ay dahil sa A ang last batch, at 2 dahil sa number ng pagkakabunot sa akin.

Sa baba nito ay dalawang black shoes, ang isa ay may heels at ang isa ay flat lang. Meron din itong long socks. May apat ding ribbon na nakalagay sa higaan. Ang dalawa ay maroon at ang dalawa naman ay yellow. Baka panali ito sa buhok.

May katamtamang haba ang buhok ko na lagpas sa balikat at hanggang likod. May kakapalan ang kilay ngunit sumakto ito sa shape ng mata ko. Masasabi kong kahit papaano ay hindi ako pangit at hindi rin naman kagandahan.

Hindi ko inakalang ganito ang nasa loob nito. White ang pader at napakalinis, kakaiba.

Tumingin ako sa bintana at nakita ko na madilim na pala, safe kaya ang lumabas 'pag gabi?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status