Share

Chapter 1: The Journey of Walking Spell

Chapter 1: The Journey of Walking Spell

After what happened, my mom decided to explain me everything. Nandito kami ngayon sa lamesa habang ako'y nakayuko, nahihiya sa inakto ko.

My mom sighs. Nilingon ko siya. Nagulat ako sapagkat nakangiti siya habang tinitignan ako. Nakikita ko sa kan'yang mata na siya'y masaya habang tinitigan ako.

Mom. What happened?

Pero kinalaunan, umiyak nanaman si mama at tumayo ako para patahanin siya.

Hinawakan niya ang aking kamay at laking gulat ko nang umakto si mama na lumuhod saaking harapan. Pinipilit ko siyang patayuin ngunit ayaw niya.

“Patawarin mo ako sa'king nagawa. Ginawa ko lang 'yon para saiyong kabutihan kahit pa ang saktan ka,” paghingi niya ng pasensiya saakin.

“Ma, wala kang kasalanan. Kasalanan ko kung bakit ka nagagalit saakin dahil tanga ako,” pag-amin ko kay mama.

“Pero anong ibig-sabihin na para sa ikakabuti ko?” tanong ko sa kan'ya.

Pinatayo ko siya at ipinaupo ulit sa upuan. 

“Matagal ko nang alam kung anong kapangyarihang taglay ka at paano mo ito magagamit,” wika nito.

Hindi ako makapaniwala. Hindi ko maprocess saaking isipan ang sinabi ni mama. Bakit 'di niya sinabi? 

“Patawarin mo ako anak, pero ginawa ko lamang ang sinabi ng opisyal sapagkat ito rin ang sinabi ng iyong ama,” humihikbi si mama habang sinasabi ang katagang iyon.

Hindi ko alam kung panaginip o binibiro lang ako ni mama, pero kilala ko si mama. Hindi siya nagbibiro kapag nasa seryosong usapan.

“Bakit ngayon mo lang 'to sinabi saakin?” Sa pagkakataong 'yon umagos ang luhang matagal ko na iniipon sa loob ng aking mata.

“Dahil sa'yo nakasalalay ang buhay namin at ng Alpheus Academy.” 

Alpheus Academy? Sa paaralang 'yon? Anong koneksiyon ang meron ako sa kanila? Ang pamilya ko? Bakit nasali ako?

Ang Alpheus Academy ay isang akademya kung saan nag-aaral ang mga taong mayaman. Well-educated ang mga tao rito. Some of the higher-ups magic wielders dito nagaaral.

Hindi ko mawari kung bakit gusto ng mga tao na pabagsakin ang Alpheus Academy pero naririnig ko noon na may isyu na may isang lugar na sinugod ng mga estudyante sa Alpheus Academy at sinira ang mga gusali. Sa hindi malamang rason kung bakit iyon nangyari, tumatak na 'yon sa isipan ng mga tao.

Gustuhin man ng Gobyerno ang ipasara ito, ngunit 'di nila nagagawa kasi kahit isang paa lamang ang itatapak mo sa lupa ng Alpheus Academy ay parang nililibing na ang iyong kaluluwa.

Ganiyan kalakas ang mga estudyanteng Alpheus dahil nagagawa nilang masindak kahit gobyerno.

“Ayaw ng opisyal ng Alpheus Academy na malaman ng mga gobyerno ang kapangyarihan mo dahil gagamitin ka nila laban sa Alpheus Academy upang mapabagsak ito.”

I feel something trapping in my throat. Hindi ko tuluyang madigest ang mga katotohanang sinasabi ni mama.

Bakit ako?

“'Yong taong pumatay ng iyong ama.”

Kinabahan ako. Bumalik ulit ang mga ala-alang dapat nang kalimutan.

“Napaniwalaan ng opisyal ng Alpheus Academy na kasapi ito ng mga gobyernong gustong ipasara ang akademya.”

So after all this time, hindi masama ang mga estudyante ng Alpheus.

Matagal ko na iniisip kung bakit ako ang tinarget ng masamang taong 'yon at bakit pinatay niya ang aking ama.

Panahon na para simulan ang paghiihimagsik at paghihiganti ko para saaking ama.

“Ano ang kailangan kong gawin?” Desidido kong tanong.

“Ang panatilihing itago ang iyong kapangyarihan sa publiko kasabay ng iyong nararamdaman.”

“Bakit kasabay ang aking nararamdaman?”

“Dahil sa emotion mo, nagagamit mo ang kapangyarihan mo. Sa pamamagitan ng pagkontrol nito, makokontrol mo rin ang kapangyarihan mo.”

“Sige po 'nay. Maglalakad na po ako papunta sa palengke.”

Tatlong araw na simula no'ng nangyari na nagamit ko ang kapangyarihan ko, pero guilty na guilty pa rin ako kahit alam ko sa sarili kong hindi ako ang may gawa no'n.

Simula rin noon, maayos na si mama. Hindi na niya ako pinapagalitan o sinasaktan man. Somehow, I am grateful na nagawa ko 'yon.

Sabi ni mama, she will contact the officers of Alpheus Academy para ipaalam na nagamit ko ang kapangyarihan ko.

Sa loob ng tatlong araw, sinubukan ko ang bawat emosyon ko para magamit ko ang kapangyarihan, ngunit walang nangyari. Paano ko nga ba nagamit ang mahika ko?

Malayo kami sa bayan kung saan bumibili kami ng gulay o karne. Nasa bundok kami nakatira, malayo sa maingay na lugar. 

Wala naman kaming masyadong kapitbahay, pero kilalang kilala ako ng bayan sapagkat kapag sinasama ako ni mama sa palengke noon, pinapagalitan niya ako palagi.

Nang nakarating na ako, pansin na pansin ko ang bawat tutok nila saakin. Mga matang takot kung tumingin saakin at mga matang pinagtatawanan kasabay ng poot at galit.

“Ewan, pero nagiinit ang ulo ko kapag naaamoy ko ang presensya niya.” sambit ng kaklase ko noon sa akademya. He is a flame bringer.

“Bakit? Hindi ko alam, pero ayaw ko sa kan'ya at natatawa ako sa kan'ya,” sabi ng kasama niya. Tinignan ko ang kamay niya and he is Matters Manipulator.

Tumingin ako sa gawi nila at binigyan sila ng masamang tingin.

“OH? Anong tingin-tingin mo diyan huh?” galit na tugon ng kaklase ko noon.

Dahan-dahan lumalapit sila sa gawi ko at hindi ko pa rin inalis ang tingin ko sa kanila. Para silang alitaptap na kaysarap  isalampak sa pader.

“Ayaw mo ba talaga kami tigilan?” Nakangiting sambit ng kasama niya.

Alam kong may gagawin sila kaya hinanda ko ang sarili ko. Hindi ako binuhay para apihin.

“Masyado ba kayong threatened to the point na kahit pagtingin ko kinatakutan niyo na?” Ngisi kong tanong sa kanila.

Lumaki naman ang mata nila. Hindi ata nila alam na punong-puno na ako sa pang-iinis nila saakin.

“Sumasagot-sagot ka na saakin?”

Nakita ko ang kamay niya na itinutok saakin na para bang handa na akong sunugin gamit ang apoy.

Sa mundong aking ginagalawan. Makukulong ka sa paggamit ng mahika, pero sadyang magaling ang mga tao sa pagtago caused them to escape from being caught.

I was about to turn back, pero sadyang napakamalas nga naman. Ginamit ng kasama niya ang mahika niya para ikulong ang paa ko sa lupa. Bakit ko ba pinapatulan ang mga gunggong na 'to?

Nang wala sa oras, naramdaman ko ang hapdi ng sakit na dahilan ng apoy. Natamaan ako sa paa.

Nang dahil sa sakit, napasigaw ako. Ito nanaman, naalala ko nanaman ang mga ginawa nila saakin. Umiyak ako sa kirot.

May mahika ako, bakit 'di ko nagagamit ito para protektahan ang aking sarili?

Maraming tao ang nasa paligid namin. Pinagtatawanan ako.

I feel something from inside of me is about to go out. The pressure. This is what I felt no'ng kay nanay.

Hindi ko nanaman nagagalaw ang aking katawan. Tumigil na ako sa kakasigaw at masasabi kong nakakatakot na ngiti ang gumuhit saakinng mukha.

My former classmate is about to blow flame towards me, but it didn't reach me. I feel like, I am the one who controlled it.

“Taste your magic. Alam kong mas'yado mong magustuhan ang lasa nito kaya ipapadala na kita sa inferno.”

Mas lumapad pa ang aking ngiti at kitang kita ko kung gaano sila katakot sa itsura ko ngayon.

Nakakatayo na ako at nagawa kong kontrolin ang mga lupa that was entangled at me earlier. Why?

Tumawa lang ang kaklase ko. “Akala mo matatakot mo ako?” He tried to produce flames again, but before it will reach me, natumba siya dahil ginamit ko ang lupa para patumbahin siya. Sa huli, siya lamang ang natamaan sa sarili niyang mahika.

Anong nangyari? Bakit?

Umalis na ang kasama niya at tumakbo palayo. Paano ba tigilan 'to? 

BAKA MAPATAY KO ANG KAKLASE KO!

Naalala ko ang sinabi ng aking ina. 

“Dahil sa emotion mo, nagagamit mo ang kapangyarihan mo. Sa pamamagitan ng pagkontrol nito, makokontrol mo rin ang kapangyarihan mo.”

Sinubukan kong huminga ng malalim at kumalma at gumana naman. Nawala na ang apoy. Hindi ko na nakokontrol ang lupa.

Tinignan ko ang gawi niya, pero laking gulat ko na gumagapang na ito patalikod habang nakaharap saakin.

Sinubukan kong lumapit sa kan'ya para sana humingi ng tawad sa aking nagawa. Aware ako na masama 'yon. Alam kong hindi ako ang may kontrol pero dahil sa galit na nararamdaman ko kaya nangyari iyon.

“H'WAG KANG LALAPIT! ISA KANG MASAMANG NILALANG!” Napakalakas ng sigaw niya. Inikot ko naman ang mata sa gawi ko at kahit dinadapian ko lamang ang direksyon nila, umaatras na ang mga tao saakin.

“Malaking gulo ito,” bulong ko saaking sarili.

Tangin*, ba't niyo ba kasi ako pinagusapan. Bakit ka naging careless Andre?!

Sa kahihiyan ko, lumakad na ako para bumili ng gulay sa palengke, pero may napansin akong nakahoodie na ngumiti habang nakatingin saakin.

I don't know but it creeps me out. Na-p-praning na ako. Baka 'yon 'yung lalaking pumatay ng aking ama. Sa takot na aking nararamdaman, mas binilisan ko pa ang paglakad ko.

Nakauwi na ako bago pa lamang lumalim ang gabi. Kinwento ko kay mama ang nangyari pati 'yong lalaking nakita ko na nakangiti saakin.

Tumayo si mama at kinuha ang cellphone. May tinawagan siya.

Hinawakan ni bunso ang aking kamay. “Wala kang kasalanan kuya. Bagay lang din naman 'yon sa kanila kasi sila 'yong nauna,” sabay ngiti saakin.

Ngumiti rin ako pabalik. Simula noon, siya na ang nagsilbing lakas ko. Siya ang nandiyan sa'kin every time na sinesermonan ako ni mama.

“Mag-impake ka na. Ihanda mo ang lahat ng gamit mo para bukas. Aalis kana.” napatingin ako ni mama.

ANO?

“MA, BAKIT PALALAYASIN MO SI KUYA?” Tanong ni bunso. Konting-konti nalang ata iiyak na siya.

“MA, SORRY. HINDI NA MAUULIT. NADALA LANG TALAGA AKO SA GALIT,” paghingi ko ng paumanhin.

Sinita naman kami ni mama.

“Mga tanga. Hindi kita papalayasin. Sinula bukas mag-aaral kana sa Alpheus Academy.”

A-Ano?

“Ma, bukas talaga? Ni hindi na nga tayo nakapagbonding eh.” hikbi na tugon ko.

“Sinabi ko sa opisyal ng Alpheus ang nangyari at alam nila kung sino ang lalaking nakangiti sa'yo.”

The moment, I heard the phrase para akong nakaharap at nanonood sa sarili kong kamatayan. 

“Si Veslasuir. Ang sekretarya ng Gobyerno.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status