Share

Chapter 2: The Journey of Magic

CHAPTER 2 The Journey Of Magic

Inimpaki ko na ang lahat ng bagay na dapat kong dadalhin sa akademya. Labag man sa loob ko ang mag-aral at mananatili ro'n, ngunit kailangan ko itong gawin.

Ipaghihiganti kita aking ama. Humanda ka saakin Veslasuir dahil ang kamatayan mo ay mas masahol pa sa pagpatay mo saaking ama.

Sinita ako ni Aurora. “Hoy Kuya?” Tinulak niya ako. 

Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako sa sulok. Buti nalang at natapos na akong ipanglagay ang mga damit ko sa maleta.

“Kuya, kung may problema ka man, lagi mong iisipin na nandito lang kami ni mama. Wala man kami saiyong tabi, pero ibulong mo nalang sa buwan ang iyong hinanakit,” nakangiting sambit ng aking bunso.

Sa hindi malamang dahilan, dahan-dahang bumubuo ang luha saaking mata. Hindi ko mawari kung dahil ba sa sinabi ni Aurora o dahil mamimiss ko sila mama?

“Andre, anak?!” Tawag ni mama saakin.

“Halika't pumunta na tayo sa labas. Hinihintay na tayo ni mama. 'Wag kang mag-alala bunso. Okay lang ako at masasanay din ako ro'n,” nakangiti kong sambit.

Gagawin ko 'to. Hindi dahil para saakin. Kung hindi ay para kay ama na makamit niya ang hustiya na karapatan niya, para mahilom na ang isyung ipapasara ang Alpheus Academy at higit sa lahat, para saaming kaligtasan.

Papatunayan ko sainyo na hindi mga masamang tao ang naninirahan o nag-aaral sa akademyang Alpheus.

Nakaupo kami ngayon sa isang kotse. Habang nasa biyahe kami. Hindi ko lubos malaman kung gaano ako nagandahan sa bawat bahay na nakikita ko.

Papunta na kami ngayon sa akademya at mas'yado nga'ng malayo ang lugar na ito, sapagkat ilang oras na kaming bumiyahe, pero hindi pa rin kami nakarating sa destinasyon.

I feel something is about to burst out from my throat kaya, “Ma, cellophane!” Agad namang ibinigay ni mama ang plastik.

“Jusko, Andre. Mahigit limang plastik na ang nagamit mo para sa sinukahan mo. Suka ka pa, ibabalik ko 'yan lahat sa bunganga mo!”

I can feel how pissed my mom is, but I know that it wasn't the same as before. Nakakatuwa lang na sinesermonan niya ako. Dinidisiplina na niya ako paraang hindi ako masasaktan.

“Finally, we have arrived,” Anunsiyo ng driver.

Binuksan niya ang pinto for us. Ganito pala feeling maging mayaman? Chos!

Sa paglabas namin, bumungad saamin ang isang malaking gate. May disenyo. Talagang napakaganda nga naman dito. Sa taas ng gate, may nakalagay na “Welcome To Alpheus Academy.”

Hindi ko mawari kung gaano ako kasaya at the same time kinabahan. Hindi ko alam kung anong gagawin at balita ko puro mga mayayaman ang mga estudyante rito. Ni hindi ko nga man lang maranasan na magkaroon ng isang libong pera.

“Let's proceed, Mr and Mrs.”

Kasabay ng pagbukas ng gate. Bumungad saamin ang isang matandang lalaki na nasa edad 35. Katabi naman niya ay ang babaeng nakasalamin na nasa edad ata na 32.

Magasawa ba sila? Tinignan ko ang gawi ni mama at nakita ko silang yumuko. Sinabayan ko sila sa kanilang ginagawa.

“Nako, hindi niyo na kailangan pang yumuko. Famila De Donovan, pero marahil ako'y magpasalamat sainyong kabaitan,” sambit ng lalaki. Napakamanly ng boses nito na mararamdaman mo talaga na isa siyang makisig na lalaki.

Lumingon ito saakin at ngumiti. Inilahad niya ang kamay niya sa gawi ko. Napakapormal naman. Bakit pa ba ako tumuloy? 

“Magandang hapon po. Ikinagagalak ko po ang makita kayo,” bati ko sa kan'ya habang nakangiti.

Tinanggap ko ang kaniyang kamay at nakipaghandshake.

“Napakagalang naman ng iyong anak, Rosalinda. Nakakatuwa na lumaki siyang mabait at magalang,” natutuwa niyang sabi.

“Ako rin ay masayang makilala at makita ka, Andre. Ako si Headmaster Cleevan. Ang namumuno sa paaralang ito. Sana ay masiyahan ka saiyong pananatili rito.”

Ngumiti nalang ako sapagkat wala akong masabi.

“Let me introduce you to my Secretary. She is Athena,” pagpapakilala niya.

“Nice to meet you, Andre. I am looking forward for what you can do. Welcome to Alpheus Academy,” she handed me her hand and I accepted it.

“Thank you so much, Ms. Athena for your delighted welcome for me. I appreciated it,” I said.

Pagkatapos ng pagkakamustahan at pagpapakilala. Inimbitahan kami ng Headmaster na pumunta sa opisina niua para roon pag-usapan ang lahat.

Napakaganda nga naman ng nasa loob. Napakaorganized at napakalinis. Masasabi kong napakagaling ng may-ari ng akademyang 'to sapagkat nagawa niyang pagandahin ang akademyang ito.

Nakarating na kami sa opisina. Pagbukas ng pinto, sumalubong saamin ang isang nakapormal na lalaki. Nakasalamin na para bang may hinihintay. Kami ata.

“Master. Nandito na po kami,” nakayukong sambit ng headmaster. 

Sinita ako ng aking ina na sumabay. Kung master ang tawag nila sa lalaking ito, ibig sabihin, isa itong opisyal.

“Hali kayo't umupo. Pinatawag ko na ang ibang kasamahan para pag-usapan ang mga bagay-bagay. Magandang hapon sainyo,” nakangiti nitong bati saamin.

Sa kabila ng paghihintay namin. Ipinakilala na ako ng Headmaster kay Master Lethal. Akala ko opisyal lamang jto, ngunit siya pala ang current owner ng Alpheus Academy.

Hindi naman pala sila mas'yadong seryoso sapagkat nagbibiro rin sila. 'Yon nga lang corny.

Bumukas ang pinto at bumungad saamin ang dalawang lakaki at dalawang babae. Napakalakas ng aura nito na para bang nililibing ako saaking inuupuan.

“Master, pasensya't natagalan,” nakayukong sabi ng lalaki.

“Maari na ba tayong magsimula?”

Maraming napagusapan ang mga matatanda. Minsan wala ng konek saakin ang kanilang pinaguusapan.

“Andre saw Veslasuir,” sa isang iglap biglang nag-iba ang atmosphere.

It feels like there's someone who lend his heavy hand on my shoulder. I can feel how massive the burden is.

“Nasa delikadong state ngayon si Andre at kailangan siyang mag-aral at manatili rito para na rin matuto siya kung paano gamitin ang kapangyarihang taglay siya,” sambit ng Headmaster.

“Kailangan namin ng inyong kooperasyon. Si Andre ang pinakamahalagang tao sa ngayon sapagkat mayroon siyang kapangyarihang walang nakakapantay,” sabi ng Master dahilan sa pagkaguhit ng aking nagtatanong na ekspresyon.

“At lingid saating kaalaman na siya ang target ni Veslasuir. Sa pagkakaalam ko isang power diffuser or controller si Veslasuir. Marahil alam niya kung paano mang-agaw or kumopya ng isang abilidad.”

Gusto kong magtanong, pero natatakot ako sa aking nararamdaman at nakikita ngayon.

“Naintindihan po namin at gagawin namin ang lahat para maprotektahan si Andre.” sambit ng babae na isa ring opisyal na si Frey.

“Aking idineklara na si Andre ay magiging kasapi na sa mga estudyanteng kataas-taasan,” sambit ni master.

ANO? BAKIT NAMAN NAPAKABILIS ATA NITO?

“Kung sino man ang kokontra saaking decision, nawa'y kayo ay magsalita na.”

Hinintay ko kung sino, but no one does. Why are they trusting me the position?

As much as I know, Higher-up students strive and do their best to acquire this position. Pinapalaban-laban bago sila maidiniklarang isang higher-up student.

Pero ba't ako?

“Mag-ingat ka anak. Alagaan mo sarili mo. Huwag magpapasaway. Makipagkaibig—” pinutol ko ang sinabi ni mama.

“Ma, mahigit isang libong beses mo na 'yan sinabi. Oo na, magingat ako. Alagaan ko sarili ko't makipagkaibigan dito,” natatawa kong sabi.

Pinasakay ko na si mama at si bunso sa kotse. Gabi na rin at kailangan na nilang bumalik sa bahay.

“Paalam ma, mag-ingat din kayo.” 

Umandar na ang kotse. Sa pagkawala nila sa paningin ko, umagos ang mga luhang nanatiling nakatago sa anino ng aking mga mata.

Hindi ko maisip kung anong buhay ang mayroon ako rito, pero alam ko na para ito sa aking ikabubuti — saamin.

“Sometimes in our life, we need to rely to no one, except ourselves,” Headmaster teached.

“Tara na't pumasok na tayo. Gagabayan kita sa designated room mo.”

Nakarating na kami. Napakadilim dito. Wala pa akong nakitang kahit isang estudyante. Saan ba rito ang kanilang paaralan? Ni kwarto ko nga napakalayo na.

Marami na kaming nadaanang kwarto.

Hanggang ngayon, dala dala ko pa rin ang tanong kung bakit napili akong higher-up at mukhang napansin naman ata ito ng Headmaster.

“May bumabagabag ba sa'yo?” Natatawang tanong ng matanda.

“Bakit po napakadali kong nakuha ang position?” Tanong ko.

Lumingon siya sa harap nang nakangiti.

“Hindi ko rin alam kung bakit.”

“Po?” Gulat kong tanong.

“Pero wala namang opisyal ang nagbigay opinion. Pumayag naman sila. Ibig-sabihin lang no'n ay naniniwala sa'yo. Sa'yong mga nagagawa at sa iyong kapangyarihan.”

That makes sense tho hindi pa rin ako kontento sa sagot na ibinigay niya. 

“Nandito na tayo.”

Binuksan niya ito at bumungad naman saakin ang napakagandang kwarto. M-ma, pwede bang hindi na ako uuwi? Ay joke only.

Kulay puti ang pader at mayroon na akong lalagyan ng damit. Mayroon namang isang pinto na pakiramdam ko ay banyo. 

Ang sarap naman pala ng buhay dito.

“Papasok ka na bukas. I-press mo lang ang button na ito upang ipadala ka sa paaralan mo. May mga taong gagabay sa'yo,” itinuro niya ang isang maliit na bagay.

Kaya pala, hindi ko nakita ang ibang mga estudyante. Ibig sabihin, itong lugar na ito ay mga kwarto ng mga estudyante.

“Huwag mong kalimutan ang identification card mo dahil nakalapat o nakasulat doon ang section mo. Sana ay masiyahan ka sa pagstay mo rito,” nakangiting tugon nito.

“Alam ko pong masasanay at masiaisyahan ako rito, Headmaster. Maraming salamat.” 

“Hindi gan'on kadali,” lamig niyang tugon.

Hindi ko alam pero sa oras na 'yon. Nang masambit niya ang salitang 'yon, bigla akong kinabahan. Tama ba ang decision ang kinuha ko?

“In order to be happy in this academy. You have to befriend with someone whose fiend's tail concealed with its shadow.”

Isinarado na ng Headmaster ang pinto at naiwan akong nangiginig sa takot at tulala.

Hindi nagtagal, nawala rin naman.

“If there are people who concealed their fiend's tail by its shadows, then I'll be the one who will unveil it.”

After that, inihanda ko na ang gagawin ko at susuotin ko bukas. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status