Share

Chapter 1

Inalis ko ang suot kong shades at masamang tumingin sa kabilang dulo. Pinagmasdan ko ang pakikipagkamay ng kliyente sa isang tanyag na Atty. Damon Wade—ang tinitingalang abogado ng marami dahil sa magandang reputasyon napakalinis nitong record, na kahit minsan ay hindi pa natatalo mula sa ano mang kaso na hinawakan nito.

Naibaba na ang hatol at naipanalo nito ang laban. Hindi na iyon bago at kahit sino ay inaasahan na ang tagumpay ng isang Damon Wade. Napawalang sala ang lalaki sa kasong murder, but I didn't know if the guy really killed someone. Ang importante lang kay Damon Wade ay mapalaya ang client nito.

Napangiti ako nang mapait nang muling manumbalik sa alaala ko na isang attorney Damon rin ang siyang dahilan kung bakit ako nakulong. He was the lawyer of the other party at siya ang nagdiin sa akin sa kasong hindi ko naman ginawa. Ito ang walang pusong lalaki na hindi man lang ako pinakinggan sa mga paliwanag ko, but look how playful destiny was. Wala akong kahirap-hirap na makalalapit sa kanya. Napalingon siya sa akin at mukhang gulat na gulat siya na makita ang mukha ng isang Ellena Imperial.

It was good to be back with a new face. Ilang taon din akong namalagi sa States para pag-aralang mabuti ang katauhan ni Ellena, na ultimong pangangatawan niya ay napilitan pa akong mag-gym makuha ko lang ang sapat na bikas ng bawat parte niya. And now, I was ready to face all of the people who ruined my life, at kasama na roon ang isang Damon Wade.

He would be the key to my sweetest revenge... Siya ang magiging susi ko para malaman kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa asawa ko.

"Ellena?" Gulat itong napalapit sa akin at matamis akong napangiti sa kanya.

"Hey..." I laid my hands on his broad and chest and gently caressed it. "Missed me?"

"What the hell are you doing here?" nanggagalaiti nitong tanong sa akin at hinila niya ang braso ko palayo sa maraming tao. Ngumisi akong hinaplos ang maamong mukha ni Damon.

"Hindi ka ba masaya makita ang asawa mo?" mapang-asar kong tanong sa kanya. Damon Wade was the secret husband of Ellena Imperial. It was a fixed marriage between them, and as far as I knew, itinago nila sa maraming tao ang tungkol sa kasal. They just married each other dahil sa utos ng pamilya ng bawat isa, and they had a deal that they wouldn't involve each other in their lives unless the family codes required them to.

"We have an agreement, remember? Anong kailangan mo?"

Natatawa ako sa naging tanong niya. It was my first time to meet the most prominent and respected attorney as Ellena, and I never thought na ganito siya ka-straightforward. "Nothing, I just want to see you."

"Don't play games with me, Ellena. We didn't grow up together for nothing. I know you well."

Oh, and I forgot that they grew up together. Pero ayon sa background ni Ellena at Damon, hindi sila magkaibigan. They were forced to like each other, pero talagang mainit ang dugo ni Damon sa isang Ellena dahil sa bitchy attitude nito. Napangiti akong hinawi ang buhok ko at inilapat ang labi sa tainga niya. He smelled good—it was something sweet with a touch of fresh mint, but still a manly scent that every woman would love.

"I want to live with you," diretso kong bulong sa kanya.

He was the one who held my case before as Gracia Alonzo, and it would be easy for me na makilala ang mga tao sa likod ng pagkakakulong ko kung mapapalapit ako sa kanya. He was the only way to have my revenge and find justice—hindi lang sa pagkamatay ng asawa ko kundi pati sa ilang taong pagkakakulong ko.

"It's beyond our contract," mahinang bulong niya, and obviously ay nagpipigil siya na sumabog sa inis. What a hotheaded man. Mukha siyang kalmado sa harap ng korte pero mukhang mainit ang dugo niya sa isang Ellena.

"Oh well, you can't say no to me, Attorney. Alam mo iyan," Nakangisi kong hinila ang necktie niya. Inayos ko iyon at mapang-inis na hinagod ang mukha niya hanggang magsalubong ang mga tingin naming dalawa.

Nagdidilim ang mga mata niya sa sobrang inis. I didn't know what secrets he had, pero ang tanging alam ko ay kayang-kaya siyang pasunurin ng isang Ellena Imperial dahil sa isang sikreto na walang ibang nakakaalam. I needed to know it too, as soon as possible, para mahawakan ko rin nang maayos sa leeg si Damon.

"Fine, nasaan ang gamit mo?" Huminga siya nang malalim at tila kinakalma ang sarili. Naging isang maamong tupa ang nagwawalang leon kanina. I loved being Ellena. She had a powerful personality. Hindi tulad ng isang Gracia—mahina at tanga.

"Good, nasa tabi ng sasakyan mo. Would you put it in your car trunk?"

Hinilot niya ang sentido, tipid na napatango habang hindi maipinta ang mukha. Ngumisi ako at naunang sumakay. Sumunod siya at walang kumibo sa amin sa buong oras ng biyahe. I kept staring at the road, vividly remembering everything. Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano niya sinabi sa mukha ko na ako ang pumatay sa sarili kong asawa.

Mariin akong napapikit at umiwas ang tingin kay Damon. Hanggang ngayon ay nanatili pa ring sariwa ang lahat, ang lahat ng mga ginawa at ibinintang nila sa akin. At siya, isa siya sa dahilan kung bakit ako nakulong.

Paano nagawa ng isang abogado na ipakulong ang mga taong walang sala at palayain ang mga tunay na kriminal?

Were they really after money? Fame? Reputation?

Dahil kung oo, hindi niya deserve ang titulo niya bilang abogado dahil nilalagay lang nila ang batas sa sarili niyang mga kamay at ninanakaw ang totoong hustisya. Napuno muli ng galit ang puso ko nang maalala ang lahat sa nakaraan, pero hindi na nila ako muling maaapakan pa dahil lalaban ako at lilinisin ko ang pangalan ko. Babalikan ko ang lahat at sisiguraduhin ko na makakamit ko ang hustisya para sa amin at para kay Henry.

"This will be your room and your keys. Please lang...kung may balak kang umuwi ng madaling-araw at lasing, huwag kang mag-ingay. Iyon ang oras ng tulog ko," seryosong bilin ni Damon nang inabot niya sa akin ang susi.

Luminga-linga ako sa buong kwarto. It was pretty big and nice. Maganda ang taste ng lalaking ito sa bahay at sa mga gamit at disenyo. It had a minimal design yet it was so aesthetic, at halatang mamahalin ang lahat ng nandito. Mula sa mga furniture hanggang sa huling hibla ng painting ay masasabi kong may kamahalan.

Ganito pala talaga kayaman ang mga Wade. Galing rin ako sa mayamang pamilya, but mas mayaman yata ang pamilya niya—or should I say na marami na siyang naipon sa pagiging abogado niya? But I didn't think so. I always heard how famous they were, at hanggang sa ibang bansa ay umaabot ang negosyo nila. They were also involved with the biggest personalities and politics, but their backgrounds remained private, kaya nga walang mahanap na butas ang mga kalaban nila sa negosyo para pabagsakin ang mga Wade. Now, I wondered what secrets they had.

Gaano ba kabaho ang tinatago ng mga Wade at tila takot na takot ang isang Damon Wade sa pinanghahawakan ng isang Ellena?

"One more thing—you are not allowed to touch anything. Hindi ka rin pwedeng pumasok sa ibang kwarto at lalo na opisina ko. Naiintindihan mo ba?"

Natigilan ako sa paglilibot ng tingin at ibinaling ang atensyon sa lukot na noo ni Damon. In fairness, kahit gaano kasibangot ang pagmumukha niya ay nanatiling gwapo ang isang ito. Nakapagtataka kung bakit pumayag ang isang Ellena na humiwalay nang tuluyan sa isang gwapong lalaki...o baka boring ang buhay na kasama siya? Knowing Ellena, she was a fan of bar hopping and parties. She enjoyed her life at ayaw niyang kinokontrol at pinagbabawalan siya sa mga gusto niyang gawin. She also got everything she wanted, kaya siguro ay hindi niya ginusto ang makisama sa lalaking ito.

"I understand, hindi naman ako bobo," mataray kong sagot sa kanya at napaupo sa gilid ng kama. Kung hindi ako makakapasok sa opisina niya ay walang sense ang pag-stay ko rito. I couldn't wait for long, kaya oras na makaalis siya ay dapat na agad akong kumilos para maghalungkat ng mga lumang papeles ni Damon. Kakailanganin ko iyon para mas maintindihan ko pa kung ano ba talagang nangyari sa kaso ko, na kung bakit ako ang naidiin sa pagpatay kay Henry.

Napatingin ako sa kanya at napaisip nang mabuti. Why did he really hate Ellena? Was he gay? I suddenly wanted to test how this man reacted around Ellena. May kalokohang pumasok sa isip ko kaya marahan kong inalis ang sapatos. Sadyang ipinakita ko pa ang mahahaba kong hita bago mapang-akit na kinagat ang labi. Ibinaba ko ang zipper ng suot kong dress.

"Hmm...baka gusto mo 'kong tulungan?"

"Marami pa 'kong gagawin," mabigat ang paghinga niyang sagot sabay iwas agad ng tingin. Ngumisi ako sa naging reaksyon niya—I knew it! He had an attraction, somewhat, to Ellena!

"Kung may kailangan ka, kumatok ka na lang. Katabi lang nito ang kwarto ko," sabi niya nang hindi man lang ako tinitingnan.

"Okay." At lumabas na siya ng kwarto. Nakakatawa! Halatang malakas ang epekto ng isang Ellena sa kanya at hindi naman siya mukhang bakla sa reaksyon niya. Sa tingin ko, umaayon ang lahat sa 'kin at mas magiging madali ang lahat. Ito pa lang ang umpisa. Babalikan ko ang lahat ng taong dahilan kung bakit ako nakulong pati na rin ang taong kumuha sa anak ko.

Gagamitin ko si Damon para maabot ang lahat ng iyon at hindi ako titigil hangga't hindi sila nagbabayad sa lahat ng kasalanan nila sa akin. I will crash them until they beg me to stop... Ipaparanas ko sa kanila ang lahat ng pinagdaan ko...

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status