Share

Chapter 5

I was about to run to Damon when that dirty looking man held me back. Nagtama ang tingin namin ni Damon ay kita ko ang panlilinsik ng mga mata niya.

"Sino ka ba? Kung gusto mong makisawsaw, game kami d'yan pero huwag mong solohin!"

"Yeah, we can explore."

"Play and fuck." Sabay tawa ulit ng tatlo, and I couldn't look at him when I felt that I was under his dark gaze.

Please lang...sana this time, hindi umiiral iyong kawalan niya ng puso para sa akin o kaya kalimutan niya muna ang kontrata nila ni Ellena...I didn't want to go with these three idiots.

"I hate to repeat and explain myself, so if you're not going to do what I asked..." Panandalian siyang tumigil at walang takot na humakbang palapit sa amin. Hinawakan niya pa ang balikat ng isang lalaki at nanlaki ang mata ko nang marinig kong umuungol at namimilipit sa sakit ang maskuladong lalaki, pero parang nakapatong lang ang kamay ni Damon sa balikat niya.

I never thought he could be strong that way. He looked slim but built enough with muscles. Nakalalakas siguro iyong mga ugat niya dahil iyon ang nakikita ko na nagagalit ngayon.

"Who the hell are you?!" namimilipit na tanong ng lalaki.

Agad niya akong binitiwan para tulungan iyong kasama nila. Akmang susugurin pa nila si Damon nang may dumating na isang lalaki na parang kakambal ni Damon pero sa tingin ko ay mas matanda lang ito sa kanya ng...limang taon?

"Nandito pa rin pala kayong mga maskuladong may bonsai na talong," hagikgik niyang sabi, at ewan ko pero parang naririnig ko ang boses ni Damon sa kanya. Iyon nga lang, mas masigla ang tono niya at mas nakakaaliw siyang tingnan kaysa sa seryosong mukha ni Damon.

Nakangisi siyang sumenyas at ngayon ko lang napansin na kasama niya ang mga security, "Dalhin n'yo na 'yang mga bonsai na 'yan sa presinto. Hindi ba sabi ko, ayokong may nakakapasok na mga rugby boys dito?" natatawa niyang biro, pero bakas ang awtoridad sa tinig niya. Mukhang natakot ang tatlong lalaki at ilag rin ang mga security sa kanya.

"Yes, Attorney. Hindi na mauulit." Attorney? Abogado rin siya?

Napatingin ako kay Damon at mariin siyang pumikit, halatang nagpipigil na kumawala ang emosyon niya.

"Good, ayokong masira ang pangalan at reputasyon ng bar ko dahil sa mga batang hamog."

"Would you just stop talking, you're such rubbish."

"Hoy magdahan-dahan ka sa pananalita mo. Anong rubbish ako? Wala nga kaming alagang aso, puro pusa lang kaya wala akong rubbish."

I bit my lower lip to suppress my laughter. He was kind of weird, but I liked his attitude and aura. Umismid si Damon at nahinto ako sa pagtawa nang hawakan niya ang kamay ko. Para akong nakuryente sa pagtama ng mga balat namin. Napatingin ako sa kanya at seryoso ang tingin nito roon sa isang lalaki.

"Uuwi na kami, ikamusta mo na lang ako kay Nessa at sa mga bata."

"Sabihin mo kapag dadalaw ka sa bahay nang makapagluto ako." Matamis ang ngiti niya sa amin at kumindat pa ang lalaki sa akin.

Lumabas na kami ng bar at naglakad papunta sa parking lot. Malaki ang mga hakbang niya kaya kinailangan ko pa tumakbo para maabutan siya.

"Hindi mo ako isasabay?" alanganin kong tanong na kinasingkit ng mga mata niya.

"Be straightforward, tell me if you need a ride or not. Hindi iyong magtatanong ka pa," dire-diretso niyang sabi at inis ko siyang tiningnan.

"Thank you, ah, napakamaalaga mong asawa," sarkastiko kong sabi at nagmamadali akong umikot at sumakay sa kabilang side. Wala akong kotse at iyong ginamit namin kanina papunta rito ay kay Queen. Walang imik na pinaandar ni Will ang sasakyan at napatingin ako sa kanya na halatang iritable at inis. "Anong problema mo?"

"Ikaw."

Mas mabilis pa iyong sagot niya sa pag-ihip ng hangin at talagang diretso ang sagot, walang paligoy-ligoy.

Now, I absorbed it little by little. Mainitin ang ulo, maikli ang pasensya, straightforward, medyo bastos, at may sariling mundo. Okay, good ang ginagawa mo, Gracia. Napagtagpi-tagpi mo na ang ugali ng lalaking pinaglihi sa pait ng buhay.

"And what's your problem with me?" maarte kong tanong sa kanya, trying to mimic Ellena's accent. I heard her talking in a video clip. Mga isang buwan ko iyong pinanood bago ko makuha ang tamang tono niya, kaya kabisado ko ang klase ng pagsasalita ni Ellena.

Besides, hindi gaanong nagkakalayo ang tone of voice namin. Medyo mahinhin lang nang kaunti ang boses ko at maarte naman ang kay Ellena.

Sa katawan, we were almost the same, medyo mas malaki lang ang boobs niya.

"Your toxicity, stubbornness, bitchy attitude—everything about you is a problem. Hanggang kailan ka ba rito? Dahil kung pwede, bilis-bilisan mo at ayoko nang maglinis ng mga kalat mo sa buhay."

Napasinghap ako sa sinabi niya at nasasaktan ako. Hindi ako ang tinutukoy niya, pero ang sakit niyang magsalita. Walang preno man lang ang bibig.

Pwede niya namang daanin sa maayos na usapan, pero mas pinili niyang makasakit ng damdamin, at asawa pa niya ako—si Ellena.

"You're rude. Pwede bang sabihin mo nang maayos kung ayaw mo akong nandoon sa bahay mo, hindi iyong ganyan ka?"

Kahit anong tago ko sa emosyon ko o sa mukha ni Ellena, hindi ko maiwasan maipakita ang totoong Gracia kay Damon. Nag-iinit ang mga mata ko at naggigilid ang mga luha. Mabigat din ang dibdib ko na tila may nakdagan na mabigat na bagay roon.

Nakasasama ng loob ang sinasabi niya—ngayon lang ako tinrato nang ganito. Sa buong buhay ko, mabuti ang pakikitungo ng lahat sa akin, and they could approach me nicely. Hindi tulad sa trato niya sa akin na akala mo aso lang ako na itinataboy.

"Hindi kita sa bahay pinapaalis, kundi sa buhay ko."

Ikinuyom ko ang kamao ko sa sobrang sama ng loob. Marahas akong napasinghap para pigilan ang pagpatak ng mga luha ko at buong tapang ko ibinuka ang bibig ko.

"You can't ditch me!" inis kong bato sa kanya at kahit anong sabihin niya...hinding-hindi ako aalis sa buhay niya hanggang walang hustisya akong nakukuha para kay Henry at sa akin.

"Then at least leave your shit alone. Daig ko pa ang nag-aalaga ng teenager sa 'yo."

"I can handle myself."

Inis na ako sa tono ng pananalita niya, akala mo ang laki kong pabigat.

Wala pa nga kaming isang buwan na magkasama e, pero kung tratuhin niya ako, akala niya isa akong malaking salot. Naiintindihan ko na talaga kung bakit ayaw ni Ellena makasama ang asawa niya na puro na lang panenermon ang ginagawa, dinaig pa niya ang nanay kong armalite.

"Really? Huh?"

Nagulat pa ako ng inis niyang iabot sa akin ang isang papel.

"Nagbaba ng subpoena sa pagiging kabit mo. You can handle yourself? Really? Then clean your own mess, Ellena."

Kinuha ko iyon at binasa. Hindi ako makapaniwala na may ganitong issue si Ellena. Mahigpit pa akong napakapit sa papel dahil naiinis ako sa mga nababasa. Bilang babae at kasal na tao ay hindi ko matatanggap ang ganitong gawain ni Ellena, ang pangangabit. Masakit sa parte ko iyon kung sa akin nangyari ito. Baka hindi lang pagsampa ng kaso ang gawin ko kung sakaling malaman kong may kabit si Henry.

Naging tikom ang bibig ko dahil hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga sinabi ni Damon. Ang gulo ng buhay ng isang Ellena. Nagkamali yata ako ng mukhang pinili.

"See? Hindi ka makaimik!"

Tumungo ako sa sobrang hiya kay Damon Imagine, mag-asawa sila ni Ellena, pero ito, nakatanggap siya ng ganitong issue. Sa kanya pa mismo dadaan ang subpoena ng asawa dahil sa kaso na pangangabit. I wondered kung ano kayang pakiramdam niya ngayon at noong narinig niya kanina ang mga sinasabi ng lalaki habang pinagpapasahan ako. Sigurado na hindi natutuwa si Damon, na kahit sabihin mo lang papel lang ang mayro'n sa kanila, siguradong naapakan ang pagkatao at pagkalalaki niya.

Somehow, I felt guilt for him.

Parang ang insensitive ko sa part na iyon at sarili ko lang ang naisip ko.

I felt sorry for everything. Hindi man ako ang totoong Ellena, gusto kong humingi ng tawad iyong ilang sakit ng ulo na binibigay sa kanya ni Ellena.

"I-I'm sorry..."

Mapawi ko man lang iyong ilang bigat sa dinadala ni Damon o maiahon ko man lang iyong pagkatao at pagkalalaki niya, dahil kung ako ang nasa sitwasyon ni Damon ay baka nag-breakdown na ako. Mahina ako pagdating sa emosyon. Talo ako sa sarili kong pakiramdam.

Biglang huminto ang sasakyan. Hindi ko alam kung dahil ba nagulat siya o sadyang nandito na kami sa bahay.

"Sorry?" He smirked.

I bit my lower lip and nodded at him, because it looked like he wasn't sure if I was serious or not. So I sincerely glanced back at him, genuinely apologizing through my eyes. At the end, he sighed and glared at me, as if he was warning me.

"Huling beses na ito, Ellena. Isang kaso pa, hindi ko na lilinisin ang pangalan mo. I'm done, wala na akong pakialam kung sa susunod mabulok ka na sa kulungan."

And then he got out of his car, leaving me shocked and frustrated. No, it couldn't be. What the hell were you doing in this world, Ellena? Behave— wherever hell you are. I couldn't hold this face for good. Ako ang nahihiya sa mga pinaggagawa mo.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status