Share

Chapter 3

Tagaktak ako ng pawis. Tirik na rin ang mga mata ko sa gutom, pero wala pa rin akong nahalungkat na papeles o ebidensya sa buong bahay ni Damon. I think I could only find it inside his office or in the master's bedroom, but I didn't have the keys for those. All I had was for the main door.

I sighed in frustration. Kanina ko pa balak sirain iyong mga doorknob, pero ayoko na magduda siya o maghinala sa akin. Maayos ko pa nga ibinalik iyong mga gamit sa kung paano iyon nakaayos bago ko ginalaw. Sobrang linis ng buong bahay at hindi mo aakalain na busy ang nakatira rito. Siya kaya ang naglilinis?

Napapagod kong ibinagsak ang katawan sa may malaki at puting sofa na hugis S. Napaisip tuloy ako kung ano na nga ang tawag dito. Parang ta-tan-taranta? Hindi e, basta parang malapit do'n. I already saw this kind of sofa before in my husband's online cart. Binili niya nga iyon pero walang dumating sa bahay.

And I wasn't sure what the purpose of this sofa was, but it felt comfortable on my back. Bigla akong nahulog sa sofa nang dumagundong ang baritonong boses ni Damon. Nanliliit ang mga mata niyang nakatitig sa akin. It brought chills to my nerves—the good kind, yet it feared me a bit. I composed myself and tried to act as Ellena.

"Why the hell are you lying on my tantra?!"

"Bawal ba akong humiga dito sa taranta—" Oh shit! Ano na nga raw ang tawag dito?

"Tantra," he supplied, stepping forward, and I forced myself not to step back.

"Y-Yeah, tama...bawal ba akong humiga d'yan sa tantra mo?" I crossed my arms, raised my brow at him as if he was the one overreacting in the situation.

Parang upuan lang, ang damot-damot niya. Pinagpag niya pa iyon na kinairap ko.

"Naligo ako, 'no." Hindi ko napigilang mag-react. Feeling niya ba ang daming germs sa katawan ko kaya ayaw niya ako pahigain sa tantra niya?

"Are you asking me to have sex with you?"

Nawala lahat ng dugo ko sa katawan sa sinabi ni Damon at ang mas nakakahiya ay iyong mga tingin niya sa akin—like I was the one who initiated the conversation about sex or I was the one who teased him. I tried to collect my senses to answer him back, but the cat got my tongue.

He smirked and shook his head in disbelief. "What's wrong, Ellena? It's your expertise, right?"

I swallowed the lump in my throat, blinking my eyes in confusion. Iniisip at dina-digest mabuti ng isip ko ang mga sinabi ni Damon, and I remembered that Ellena was good at bed, the total opposite of me.

"Oh! That! Ha ha!" I faked a laugh and covered my mouth like I was having a good time with him, like I enjoyed what we were talking about.

Sumimangot siya sa akin at ngumisi ako, pero deep inside I was thinking of a good excuse.

Susmaryosep! Anong level ng kamanyakan ba mayro'n si Ellena? Hanggang ilang rounds ba sa kama ang kaya niyang itagal?

"I can have a good time with others, but not with my oh-so-boring husband. Mahirap na, baka hindi ako mag-enjoy." Inirapan ko si Damon at agad siyang tinalikuran.

Okay, breathe, Gracia! That's below the belt, but that's Ellena! She's rude to everyone—kahit pa sa asawa niya. There's nothing wrong, huwag kang makonsensya dahil siya—sila ang may atraso sa 'yo.

"Hindi mag-e-enjoy? Really, huh?" He laughed at me. "You always beg for it, Ellena. Kaya nga binili ko pa 'yang tantra for different positions, remember?"

Natigilan ako sa mapang-asar na pagtawa ni Damon. Nanigas ang buo kong katawan at pilit siyang nilingon. Nakaupo na siya sa may malaking couch, nakalatag ang kamay sa sandalan habang nakatungtong ang paa sa tantra. Malapad ang ngisi niya sa akin at mapang-asar ang mga tingin na hinihimas ang upuan.

"Don't you remember how you screamed my name on this sofa?" He lowered his gaze to the tantra and I quietly gasped. "And oh—what's your favorite position again?" Mas lumapad ang ngisi ni Damon. Nag-init ang mga tainga pati na rin ang mukha ko sa sobrang hiya. I knew it wasn't me, but he was having a dirty thought with me—with this face I had.

"Ah, doggy style," mapanuya niyang sabi at bumaba ang tingin niya sa may sofa. Ngising aso niyang sinenyas ang sofa at naipon lahat ng dugo sa ulo ko.

"Fuck you!" I stomped my feet and turned my back.

Hindi ko maisip na baka iniisip niya na ang posisyon naming dalawa sa tantra niya, at sa doggy style? Shit! I could figure it out inside my head at ewan ko ba kung bakit imbes na kilabutan ay nag-init ang katawan ko.

"Don't lie down on my tantra again unless you want a fuck," narinig ko pang sigaw ni Damon at hindi ko maintindihan kung bakit ba ako nanginginig sa inis.

Okay, mag-asawa sila kaya malamang may nangyari na sa kanila ni Ellena, pero hindi sa amin! Nakakainis!

Padabog kong tinungo ang kwarto at pabalagbag na sinara ang pinto, pero naririnig ko pa rin ang mapang-asar na tawa ni Damon. Nakakahiyang isipin na may iniisip siyang kalandian sa pagmumukha na mayro'n ako. Humarap ako sa salamin at napahawak sa sariling mukha. Maganda si Ellena, at ako itong nanghihinayang sa kanya.

Imagine, she had a bad reputation. She slept with many men and was labeled as a slut. Napaisip tuloy ako kung ano kayang pakiramdam ni Damon. Alam niya kaya na...na ganoon ang asawa niya? Marami akong inalam kay Ellena, pero mukhang hindi sapat ang impormasyong nakuha ko tungkol sa kanila ni Ellena.

I sighed and looked at my phone. Kinuha ko iyon at hinanap ang pangalan ni Dr. Armstrong. Siya ang nag-opera sa mukha ko. Mabait siya at tinulungan niya pa ako na maka-recover sa mga trauma na sinapit ko. I texted him to ask if he had additional information about Damon. Mahihirapan akong magpanggap dito kung hindi ko alam kung paano pakisamahan ni Ellena ang asawa niya.

Si Dr. Armstrong din ang nagbibigay sa akin ng mga info tungkol kay Ellena, I didn't know if and how they knew each other, but he said he wanted to help me. Hindi na ako nagreklamo sa bagay na iyon dahil wala akong ibang mapagkatiwalaan ngayon maliban sa kanya.

He was the one who saved me, so I didn't have any reason to distrust him.

Isa pa, malaki ang utang na loob ko kay Dr. Armstrong. Natigilan ako at ngiwi na napahawak sa tiyan nang bigla itong kumulo. Napatingin ako sa orasan.

Alas otso na pala kaya nagwawala na ang mga alaga ko. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para maghanap ng makakain. Naabutan ko roon si Damon na nagluluto at mukhang nakapagpalit na siya.

Humahalimuyak iyong mabangong amoy, halatang masarap iyong niluluto niya. Pakiwaring wala akong pakialam at kumuha ng inumin sa ref.

Pasimple ko siyang pinagmasdan at naglalaway ako sa makinis pero ano bang iniisip ko? Ako, naglalaway sa kamay? Kailan pa nakakabusog iyong kamay na may mahahabang daliri, makinis, at kitang-kita iyong mga maugat niyang kamay—este doon sa sinasalin niyang pagkain sa mangkok?

Siya lang yata iyong lalaking nakita kong maraming ugat, pero imbis na pumangit ang kamay niya ay parang mas nakakatawag pa ng pansin 'yon.

Umupo siya bitbit ang mangkok. Inilapag niya sa lamesa ang mangkok niya at walang sabi-sabi siyang kumain, at literal na nahulog ang panga ko nang dire-diretso siyang sumubo na para bang wala ako sa harapan niya.

Hindi niya ba ako aayain man lang?

Tumikhim akong hinila ang bangko sa tapat niya at pasimple siyang tiningnan.

"Nagugutom ka?" tanong ni Damon na nagpabalik sa akin sa realidad. Mabilis akong tumango sa kanya at kulang na lang ay literal na pumuso ang mga mata kong nakatitig sa ramen niya. Mabango kasi iyong amoy n'on at mukhang masarap ang pagkakaluto niya. Si Henry, hindi marunong magluto, kaya ako lagi ang naghahanda ng makakain namin, pero hindi ko gamay ang mga ganyang klase ng pagkain.

"May mga frozen d'yan, magluto ka na lang kung gusto mo. You're not my responsibility."

Bumuka ang bibig ko. Hindi ko mapaniwalaan ang mga sinabi niya, "Seriously?"

"Do I look like a joke to you?" walang alinlangan niyang sagot.

Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing kaharap ko si Damon ay nakakalimutan ko kung paano umasta bilang si Ellena. Okay naman, gamay ko ang pagkatao ni Ellena at nasubukan ko na iyon nang maharap ko ang ilan sa mga kakilala niya. Ilang beses din naming pina-practice ni Dr. Armstrong ang mga pag-arte ko, pero talagang pagdating kay Damon, walang-wala iyong ilang taon kong paggamay sa katauhan ni Ellena.

Nag-angat siya ng tingin sa akin habang sinubo iyong huling hibla ng ramen.

Napapitlag ako sa gulat nang bigla na lang niyang inilapat ang mga palad sa lamesa. Mabilis na sumadsad ang mukha niya sa akin at halos mahalikan niya ako sa sobrang lapit. Nahihirapan akong huminga at muntikan na akong tumumba mula sa kinauupuan ko.

Ilang beses akong napakurap sa seryosong mga tingin niya. I couldn't read what was running inside his head, but surely, he could read mine.

I was mesmerized and starstruck by his dark brown, almond-shaped eyes with dark and thick eyelashes, his chiseled jawline, manly eyebrows, high-bridged nose, and full red sexy lips. I swallowed hard when I noticed his manly scent with a touch of musk, and it was sensually attractive. Damn! His scent became my favorite one!

He lowered his eyes down to my lips, but it was just a quick glance when his eyes leered back at me. He playfully smiled at me. "What's wrong, Ellena? Where's the liberated and independent woman? You look like a typical girl who's seeking and begging for someone's attention. It's not you."

"You're rude!" nanginginig kong sagot sa kanya at hindi ko maalis ang tingin sa mga mata niya na para bang alam niyang kinakabahan ako.

"No, I'm not, you're just getting weak."

Pakiramdam ko sasabog ako sa ginagawa niya. Sobrang lapit niya kasi na para bang hinihigop niya ang hangin ko sa katawan. Napatingin siya sa 'kin at nagmamadali akong tumayo, pero mabilis lang niyang nahablot ang kamay ko.

Nag-angat ako sa kanya ng tingin, pero 'di iyon nagtagal nang bigla niya akong hilain palapit sa kanya.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang yumuko siya at lumapat ang labi niya sa tainga ko—pero mas gumuho ang mundo ko at animo'y may kung anong sumabog nang dahil sa mga sinabi ni Damon.

"Alam mo ba ang ginagawa mo? I know you are not who you think you are..."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status