Atty. Damon Wade...
Tumutulo ang luho ko habang nakatingin sa abogado ng kabilang panig. Galit kong pinagmasdan ang kabuohan ng kanyang mukha at pinakatandaan ang bawat detalye nito. Hinding-hindi ko makakalimutan ang itsura niya kahit saan man ako magpunta.
Napatingin ang abdogado sa akin at nagtama ang mga mata namin. Kalmado ang ang tingin nito, wala akong mabait na kahit anong pag-aalinlangan sa kanya. Mula pagpasok niya sa court room ay iisa lang ang reaksyon niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon nagbabago.
Napakagaling niya... nabaliktad niya ang kaso. Ako ang naidiin niya sa kasalanang hindi ako ang gumawa.
"Ikaw, Gracia Alonzo ay itinuturo ng mga ebidensya... at bilang parusa ay hinahatulan ng habambuhay na pagkakakulong..."
Gumuho ang mundo ko nang marinig ang pagbasa ng hatol laban sa akin kasabay ang hiyawan ng mga tao na puno ng iba't ibang opinyon.
Hindi!
Hindi ako ang pumatay sa asawa ko. Walang katotohanan ang mga sinasabi at ibinibintang nila sa akin. Hindi ko kailanman magagawang saktan at patayin ang asawa ko. Hindi ako. Hindi ko magagawa. Pero kahit ano man ang pagpupumiglas ko at pagmamakaawa ay wala akong nagawa nang damputin ako ng mga pulis. Hindi nila ako pinakinggan at pilit na ikinulong sa apat na sulok ng madilim na silid, at ang tanging makakapitan ko lang ay ang mga rehas na puno ng kalawang.
Nadudurog ang puso ko. Nagluluksa ako sa pagkamatay ng taong pinakamamahal ko, pero bakit? Bakit sa akin nila ibinibintang ang pagkamatay niya? Ang pagkawala niya ay labis kong ikinangungulila.
At kahit pagdalaw man lang sa libing niya at masilayan siya sa huling sandali ay hindi nila ako pinagbigyan. Hindi ko na mabilang kung ilang gabi o araw na ang nagdaan. Wala ni isa ang dumalaw sa akin—kahit ang sarili kong kapatid ay hindi ko na muling nasilayan pa. Nangako siya na iaapela namin ang kaso ko sa mas mataas na hukuman, pero ilang buwan na ang lumipas at unti-unti na akong nabubulok sa loob ng masikip at madilim na selda.
Ano bang kasalanan ko at pinarurusahan ako nang ganito? Wala akong ginawang mali—pinilit ko maging mabuting anak, kapatid, kaibigan, at asawa, pero sa kabila ng lahat, nagdurusa ako sa salang hindi ko naman ginawa. Unti-unti akong nawalan ng pag-asa, at kahit katiting na liwanag ay hindi ko na matanaw. Pero pinilit ko, lumaban ako, at nanatili akong matatag para sa batang nasa sinapupunan ko. Isinilang ko siyang malusog, at sa unang pag-iyak niya ay muling nabuhay ang pag-asa sa puso ko.
Ngunit pati siya ay ninakaw sa akin ng panahon at pagkakataon. Nilayo siya sa akin at hindi ko na siya muli pang nasilayan. Kasabay ng paglaho ng sarili kong kapatid ay pagnakaw sa akin ng pagkakataon para maging isang ina.
Tuluyan akong pinanghinaan ng loob at kinain ng lungkot. Hindi ko magawang kumain. Napapagod na akong imulat ang mga mata at tanging hinihiling ko na lang ay bawian na ako ng buhay. Mukhang narinig ako ng Maykapal at pinakinggan niya ako.
Unti-unting nalagot ang hangin sa katawan ko at ramdam ang bawat paglamon ng apoy sa akin. Napuno ng hiyawan at paghingi ng tulong ang seldang kinabibilangan ko. Natataranta ang lahat, nagwawala, at umiiyak sa sakit, pero mukhang ito na ang kapalaran namin, ang katapusan naming lahat—buhay pa man ay gusto na nila kaming sunugin sa impyerno. Sabay-sabay kaming tutupukin ng apoy para maging abo hanggang sa huling hibla ng mga buhok namin.
Ito na...ito na ang hinihintay ko—ang pagdating ng sarili kong kamatayan.
"Gaano kalala ang pagkasunog niya?"
"Apektado hanggang pangalawang layer ng balat niya, pero sa tingin ko magagawan ko ng paraan para maiayos muli 'yon."
Dinig ko ang usapan mula sa 'di pamilyar na boses ng isang babae at lalaki, pero hindi ko maaninag ang mga mukha nila. Mas ramdam at dinadaing ko ang hapdi sa buong katawan, ang bigat ng mga talukap ng mga mata ko.
"Gising na siya..."
Unti-unti kong iminulat ang mga mata, at doon nakita ang mukha ng babae at lalaki. Nakasuot sila ng puting gown, guwantes, at nakatakip ang ibabang bahagi ng mga mukha. Ilang kurap pa ang ginawa ko at nagpumilit akong bumangon. Nagtataka akong napatingin sa kanila, inilibot ang mga mata sa buong paligid, pero hindi naging pamilyar ang buong silid.
"S-Sino kayo? Nasaan ako? Anong nangyari?"
Buhay pa 'ko? Anong nangyari?
"Kakampi mo kami, Gracia. Ligtas ka rito," sagot ng babae at hinaplos ang balikat ko.
Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Ang tanging naaalala ko lang ay nasusunog ang buong kulungan at tuluyan na akong nawalan ng malay, pero bakit? Bakit buhay pa rin ako?
"Iniligtas niyo ako sa sunog?"
Bakit nila iyon ginawa? Sino sila at bakit nila ako tinulungan?
Nagkatinginan ang dalawa at sabay na mahinhin na tumango. Inabot ng babae ang isang salamin sa lalaki bago niya inilapit ang labi sa tainga ko.
Napupuno ako ng kaba. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko ay siyang patunay na nakaligtas ako mula sa sunog. Pero mas naguguluhan lang ako sa mga nangyayari kung saan ay dama ko ang pagkirot ng bawat laman sa katawan ko, ang bigat ng mga kamay at paa ko, at ang hirap na pagkibot ng mukha ko.
Bakit hindi pa ako namatay? Bakit nabuhay pa ako kung puro pagdurusa lang din ang nararanasan ko?
Nawala na ang lahat sakin... Ano pang silbi ng buhay ko?
"Pagmasdan mo mabuti ang ginawa nila sa 'yo, Gracia... Hindi pa sila nakontento na ipakulong ka, ipinasunog pa nila ang kulungan para patayin ka..."
Mabilis ang tibok ng puso kong tumititig sa salamin. Napuno ako ng takot nang makita ang nakakatakot na mukha mula rito. Hindi ko napigilan ang mapahawak sa sariling mukha habang napapailing na pinagmamasdan ang halimaw sa salamin.
H-Hindi, hindi ako 'yan! Hindi ako ang babae sa salamin!
"Pagmasdan mong mabuti ang nangyari sa mukha mo, Gracia, at itanim mo sa puso mo lahat ng galit sa mga taong umapi sa 'yo, sa taong nagnakaw sa anak mo, sa taong nagtangka kang patayin. Dahil simula ngayon, patay na si Gracia Alonzo. Simula ngayon, ikaw na si Ellena Imperial... Balikan mo ang lahat ng may kasalanan sayo at nagpahirap, gamit ang pangalan na yan."
"At kapag babae?""Another child until we have a boy that will carry on the Wade name."Napabuntonghininga ako at mas komplikado pa ito sa paghahanap ko sa ex ko dahil nasa sementeryo lang naman si Henry at siya lang ang aking first and last boyfriend. Parang naiisip ko pa lang na magpapabuntis ako sa ibang lalaki, pakiramdam ko hihilain na ni Henry ang paa ko at isasama na niya ako sa hukay."Okay, given na mabigyan kita ng anak na lalaki, anong mangyayari 'pag gusto ko nang kumalas?""You'll forget and leave everything to me, including our child."Lumuwag ang pagkakahawak ko kay Damon at alam ko sa sarili ko na hindi ko iyon kayang gawin. Kaya nga ako nandito para makasama ko na ang anak ko, tapos ano? Kung sakaling pumayag ako, iiwan ko ang isa kong anak sa kanya? Hindi yata makatarungan iyon. Hindi ako papayag."I-I—shit! Give me enough time to decide!" Iyon na lang ang naiisip ko.Kailangan ko ng oras, pero hindi para mag-isip ng solusyon sa problema nila ni Ellena kundi para mat
Fuck!I kept on analyzing how Damon manipulated those gathered pieces of evidence against me, but every file and paper seemed to be real and genuine, and there was no sign of any form of alterations or concealment.I glanced at a piece of paper, trying to find things that will invalidate the arrest.Walang arrest warrant ang mga pulis nang damputin ako kaya naisip ko na baka pwede akong mapawalang-sala ng mga oras na iyon, but there was a statement here that said in flagrante delicto. Wala akong masyadong alam sa batas dahil sa IT ang kinuha kong course noong undergrad pa ako at likas na wala akong pakialam sa mga bagay-bagay.But now in this situation, I needed to search for things that could help me.Binuklat ko ang libro na kinuha ko sa opisina ni Damon. It contained legal and technical terms that weren't familiar with me and I stopped when I found those words. In flagrante delicto was being caught in the act—they arrested me because they caught me killing Henry? Pero hawak ko lang
Malinaw na malinaw pa sa isip ko ang mga nangyari noon."George!" tawag ko sa nakababata kong kapatid habang binubuksan ang pinto, pero madilim sa loob at mukhang walang tao Nasaan na naman kaya napunta ang isang iyon?Sabi ko na bibili lang ako ng ice cream dahil sa nagtatakaw ako sa malamig. Naglilihi na rin kasi ako, pero wala si Henry para ibili ako ng gusto ko. Kaya nandito si George para sana may mautusan ako 'pag nahihirapan akong maglakad, kaso pinapairal pa rin niya ang pagiging tamad.Binuksan ko ang ilaw pero nanatiling madilim sa buong bahay. Nakailang pindot ako sa switch pero mukhang walang kuryente kaya ako itong nangangapa sa dilim. Teka, saan ko nga ba inilapag ang cellphone ko?Ibinaba ko muna ang binili ko sa lamesa para sana umakyat sa kwarto.Naka-charge doon ang phone ko. Dahan-dahan pa akong kumapit sa hawakan ng hagdan habang umaakyat nang may marinig akong kumaluskos."George, ikaw ba 'yan?" Pilit kong inaninag iyong itaas pero wala rin akong nakuhang sagot ka
"For pretending to be Ellena.... For deceiving me..."I laughed hard at his face. He frowned at me, but it didn't stop me from laughing even though I was stupidly nervous inside."Pretending to be Ellena?!" I faked a loud laugh and choked at his joke. Pakiwaring hindi ako makahinga sa sobrang tuwa sa sinabi niya.Tinabig ko pa ang kamay ni Damon bago siya tiningnan nang seryoso. Umupo ako nang maayos, at kahit hiyang-hiya ako na humarap sa kanya nang hubo't hubad, I let him witness every inch of my body.Ano pa bang ikahihiya mo, Gracia? Nilabasan ka nga sa sobrang sarap sa harapan niya tapos mahihiya ka? Wake up, you are no longer innocent for that!Itinuro ko ang tagiliran ko kung saan kanina ay doon siya nakatingin at ngumising hinawakan ang baba ni Damon."Dahil sa wala na ang peklat ko rito, inisip mo na agad na hindi ako si Ellena?" tumatawa kong tanong kay Damon. May malaking peklat sa tagiliran si Ellena, and no one knew where she got that scar. Buti na lang ay nabanggit sa ak
Tumalikod ako pero mabilis na hinablot ni Damon ang pulso ko. Nagtataka akong nakatingin sa kanya pero mas nagulat ako nang mariin ako nitong isinandal sa cabinet. Bumaon ang mga daliri niya sa magkabilang balikat ko, pero puno ng gaan at pag-iingat ang mga hawak niya. Gusto kong matakot at magprotesta, pero mas lamang ang kakaibang kaba na bumabalot sa puso ko."I told you not to make a single misstep or else..."Bumuka ang bibig ko para magsalita, pero hindi ko alam kung anong sasabihin.Humigpit ang pagkakahawak niya sa magkabila kong balikat. Napalunok ako habang nakatitig sa mga mata niya at sabay na mabigat ang bawat paghinga namin."The game is over."Nagulat ako nang marahas na dumampi ang mga labi niya sa akin. Hindi ako nakakibo, nanigas ang buo kong katawan hanggang sa maramdaman kong gumalaw na ang mga labi niya. Nalulunod ako sa mga halik ni Damon, para akong kakapusin ng hangin, kaya mabilis akong kumapit sa malapad niyang balikat.His lips felt good and I couldn't help
Inalis ko ang suot kong tsinelas at binitbit iyon. Marahan kong pinihit ang doorknob at kagat-labi ko pang tinulak ang pinto. Iniwasan ko makagawa ng kahit na anong ingay. Napasilip ako at bumungad sa akin ang natural na amoy ni Damon. It was really addictive, and I almost forgot why I was secretly invading his room.Lumingon ako sa may kama at kita ko na tulog pa ang abogado. Dahan-dahan pa ako lumapit sa gilid, at parang giraffe rin ang ulo kong sinisilip kung talagang tulog pa siya. Iwinagayway ko pa ang kamay ko malapit sa mukha ni Damon at mukhang malalim ang tulog niya. Nakahinga ako nang malalim at diretsong tumayo bago namaywang at ismid na tinitigan ito.In fairness ah, ang gwapo niya. Hindi na ako mag-iinarteng aminin iyon, at dahil topless siya, kitang-kita ko kung gaano kalapad ang mga balikat niya, slim ang bewang.Walang ganyan si Henry dahil may unity ang abs n'on. Malakas kumain pero tamad mag-exercise kaya laging napagkakamalan na dalawang buwang buntis. Pero itong la