Share

9

Nasa hapag kaming buong pamilya at nakain ng payapa, wala si Feline at ang nanay n'ya na katulong namin ay kanina pa hindi mapakali at hawak ang phone nito.

I enjoyed eating tonight, walang anak ng katulong na kasama sa hapag. At solo ko any buong bahay, I feel safe now. I hope Feline know her place now, at magising s'ya sa katotohanan na anak s'ya ng hamak na katulong at ang laki ng pagkakaiba naming dalawa.

"Where is Feline, kanina pa ata wala at hindi pa nauwi, it's eight of the evening." Papa stands up at lumapit ang katulong namin na nanay ni Feline.

"Tumawag po ang office, pauwi na si Feline at may problema po, uuwi na ako—"

"No, stay here and dito na sila dumiretsyo," I rolled my eyes and Mama noticed it. Pinanlakihan ako ng mata ni Mama at ako naman ay tumayo, kumuha ng wine sa lagayan ng alak, kumuha ng champagne. I am low-key celebrating now.

"Papa, I think we need to talk for a while. It's about business, and it will ring a bell to you," bumalik ako sa pag-kakaupo ko, dala na ang papel at tumango si Papa.

"So, the prof and the dean want me to do some important part, and it's about the new investors. Binigay nila sa akin ang info and background about it, and I heard na isa sila sa niligawan at big fish na nabanggit mo kay Mama." Papa finally looked at me, nakuha ko ang atensyon nito.

"They want me to pursued the investors, and I need some info about the project na iooffer n'yo sa kanila, we need some thing na hindi nila matatanggihan. Kumbaga ihaharap natin ang hinahanap nila na pag-iinvest nila, like we will provide a man power. Lower cost at yung mababa na pera sa man power at the same time, andoon sa lugar na 'yon ang product or such." Pinahid ni Papa ang bibig n'ya at tumayo.

"Let's discuss this at my office, come with me." Dala ko ang bote at baso ng champagne, kinindatan sila Mama at Ate. My sister look tensed now. I am not competing with any one.

Ginagawa ko lang ang best ko at sa abot ng makakaya ko, this is what I am capable of, so bakit ko pipigilan para lang sa pakikisama.

"Nathalia, I hope you will work with this things too, I am looking forward for your moves." Naunang umakyat si Papa at sumunod ako.

Pag-pasok ko sa loob, may folder na inabot si Papa sa akin, naupo ito sa sofa kaya sa harapan n'ya ako umupo.

"Amelia, I know you're good at this and your capabilities, but maybe you should give some mercy to your older sister, actually I assigned her on this, but it looks like you're more eager and it also related to your school." Tumango ako at binasa ang plan at mga info.

"Actually, bago ako lumapit sa'yo Papa. May mga nacanvas na ako, I do some research and this is my plan. I am not that professional on this, but I did my best to find what is the best at kung ano ang papasok sa panlasa nila," paliwanag ko at sumimsim ako sa baso.

"Deans provide some information, at naghahanap sila ng mga campus, para sa mga exchange student. They are aiming for agricultural projects and they want to trained some of their students, so I just remembered that we have a farm and ranch." Natigilan si Papa at lumakad sa desk n'ya.

Kinuha ang folder na at inabot sa akin. "Yes we have, pero hindi ko maasikaso dahil sa ibang priority." Tumango ako kay Papa, ngumiti ng nakakaloko.

This is perfection, pasok nga ito sa hinahanap nila. Kailangan na maunahan namin ang iba at maayos ang farm, at the same time ay kami ay mag-bbenifit sa mga experiments nila.

"Papa, can I work on the farm. Hanggang magkano ang budget na maibibigay mo?" I asked at nilabas ang phone ko para sa calculator.

My father smile at sinulat sa papel. "I trust you at this situation, at kapag makuha natin ang sila. Malaki ang impact non sa company, mag-uumpisa na maging indemand tayo at lalapit ang mga local companies sa atin," paliwanag ni Papa. Tumango ako at sinulat sa papel ang mga estimate ko.

"I used my connection Papa, but don't worry. Hindi naman ito illegal, but believe me sobra pa ang pera na ito." Tumayo ako at lumakad sa white board, binaliktad ito at walang sulat ang likod.

"May mga teacher na willing gawing training grounds ang farm, they are looking at the place, they said na mag-babayad naman sila dahil part ng offer nila yon, but the real deal here is this—"

"Sir, hinahanap po kayo ni ma'am, andito na po ang professor ni Feline." Bumagsak ang balikat ko at sumenyas si Papa.

"Later anak, babalik ako." Lumabas si Papa at binato ko ang white board pen sa inis.

Tangina, napaka galing talaga sumapaw ni Feline, nasa kalagitnaan kami ng meeting ni Papa. I am well prepared to this meeting, tapos sisirain n'ya lang para sa pag-iinarte ni Feline!

"Fuck you, argh!" Sinipa ko ang white board at nag martsa palabas ng study room, dinig ko kaagad ang hagulgol ni Feline.

"I am locked there, wala ibang tao at kung hindi pa nag-ground check ang janitor, hindi makikita na andoon ako, like no one is willing to help me." I smirked on what she said.

Wala talaga tutulong kay Feline, nilagyan ni Briggette ng no entry yon matapos makapasok ng mga varsity player.

Hindi n'ya sinabi na pumasok ang mga varsity players, mukhang nag-enjoy s'ya sa kung ano ang ginawa nila roon.

"Lahat ng gamit ko ay nawala, hindi ko po alam ang gagawin." Lumapit si Ate Nat sa akin at inaya akong bumaba.

Sumama na lang ako, baka kasi magsuspetsya sila na may kinalaman ako, kaya mas mabuti na rin na naririnig ko ang mga iniinarte ni Feline.

"Don't worry, the deana office will do their best to find who is behind this, and Miss. Amelia. Can you give us a hand?" Sumandal ako sa pader at umiling kaagad.

"I can't, nakatanggap ako ng report sa mga feedback about sa booth nila Feline, they said na mukhang strip house na ito and I have a picture here, I cannot help someone lalo na at may malaking project ang mga head ng campus sa akin, sorry." Natulala sa akin ang prof at mukhang naalala n'ya ang ibig ko na sabihin.

"Just check the footage, nandoon ang sagot. But I will find some way para makatulong." Nakatingin si Feline sa akin, and I just keep my cold attitude now.

"For the mean time, let her rest." Papa said at sumama si Papa sa prof, the way he act is like he is Feline's father.

"Akyat na ako Mama, tatapusin ko lang yung reports." Hindi ko na inantay ang sasabihin nila, it's a good move. Act like I am helping, pero ililigaw ko ito. I will make sure na mas masisira ang imahe ni Feline sa campus.

Sinarado ko ang pinto at patay ang ilaw sa kwarto ko, dumiretsyo ako sa terrace at inilabas ang phone ko, sent a text message to Briggette. It's just a simple go, and tomorrow will be the biggest day of Feline's life.

"Cong—" natigilan ako ng nakita sila Papa at prof.

"Yes, I am her father." Kumunot ang noo ko, yun lang ang nadinig ko at humina lalo ang usapan nila, palabas na sila ng bakuran namin ngayon.

All of the sudden, naguluhan at nangibabaw ang galit. Of course he is my father, what does it mean at sino ang tinutukoy ng tatay ko.

Napaka imposible na anak ni Papa si Feline. He is so head over heals to my mother.

In just a simple sentence, my night ruined and there it developed my anxiety.

...

Nakatulala ako habang hawak ang kape sa cup at nakaupo, nagsosolo sa convenient store. I took a sip and looked at the car na papalapit, it's Samuel.

Tumayo ako kaagad at dinala ang gamit ko. Nag-babayad ako sa store ngayon, para sa pag-paparada ng sasakyan ko sa tapat ng store nila.

Lumabas si Samuel at sinalubong ko ito ng yakap, wala akong gana na makipag usap, pero masaya ako na kasama ko si Samuel ngayon.

"Let's go somewhere else," I said at kita ko sa mga mata ni Samuel na nag-aalala s'ya sa akin, hindi ko pa masabi ang nasa isip ko, ang hirap ilabas kung ano man ang saloobin ko ngayon.

I just kept it, kahit masakit na sa d****b, ayoko na magkaroon din s'ya ng problema sa buhay ko.

May kanya-kanya kaming buhay, ako na ang bahala sa akin, basta nagkakasama kami at nagiging kalmado kapag magkasama, okay na ako roon. A simple presence is enough for me.

Tahimik ako sa buong byahe at hanggang sa hindi ko napansin na nasa Antipolo na kami, tumigil kami sa tabi at paradahan doon, kitang kita namin ang over view ng buong syudad.

"This is so good," lumabas ako at dala ang kape ko, nasa tumbler ko ang kape para mainit pa, binuksan ko na ito at sumimsim.

"Amelia, I think I need to tell some things that bothers me on this past few days," nilingon ko si Samuel, binuksan n'ya ang likod ng pick up na dala n'ya ngayon at naupo ako roon.

Nilapag ang mga dala ko na kape, sigarilyo at siopao, ang sarap ng siopao.

"Yes, I am listening." Dinampot ko ang sigarilyo at sinindihan ito. Huminga ng malalim si Samuel at hindi mapakali ang kamay n'ya.

"I don't know kung magagalit ka, but I need to be honest." Nakilagok ito sa kape ko at tumingin sa akin, mukang ako na rin ay kinakabahan na sa sasabihin ni Samuel.

Tungkol saan kaya ito, ayoko na mas magkaproblema, pero bakit mukhang mahirap ito ngayon.

"Feline, she keep on pushing herself to me even I already said it to the whole campus that I am your suitor." Binuga ko ang usok, tinignan ko ang mukha ni Samuel at hindi pa ata ito tapos sa sasabihin n'ya.

"And when I am waiting for you, sa rooftop. She tried— no, she kissed me there." Tumingin sa baba si Samuel ng sabihin n'ya ito.

Akala ko noon ay mas okay na sabihin n'ya ito sa akin, pero bakit parang ang hirap. Alam ko naman na ito, pero kapag sinabi ko na alam ko, baka mag-iba ant tingin ni Samuel sa akin.

Iisipin n'ya na sinusundan at binabantayan ko ang bawat kilos n'ya, but I am feel great na naging honest s'ya sa akin.

"Do you like the kiss?" I asked at mabilis na tumingin sa akin si Samuel, umiling at kung ano ang sinasabi n'ya at kapareho ng sagot sa mga mata n'ya. I thankful that he is honest.

"Of course not, I don't want other women to touch me, we are dating and I am true to my words." Ngumiti ako at natatawa, mukhang bata na nahihiya si Samuel.

I can't hide my happiness now, like he is loyal and respect me. This man is too good for me, but I am trying to be the best for him.

"What did you do when she kissed you?" I asked again at huminga ng malalim si Samuel.

"Una, she get my baller. Pilit ko syang inilalayo sa akin, and kapag ibigay ko sa kanya ang baller titigilan n'ya ako, so I gave it. The second is sa rooftop, she kissed me and I throw the foods to her," Samuel almost whisper when he said the last part.

Lumapit ako at kinurot ang pisngi ni Samuel. He is honest, I knew it. Walang mintis ang sinabi n'ya sa nakita at nabalitaan ko.

"She also followed me at my home—"

"Don't worry babe, ako bahala. I guess mawawala s'ya sa ng ilang araw, but if you discovered the truth, mapapasabi ka na mas mabuti si Feline over me." Humigpit ang hawak ni Samuel sa kamay ko.

"Kahit ano ka pa, I love you, okay?" Samuel said and seal it with a hot kiss.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status