Seventeen.Hindi ko maiwasang mamangha nang marating na namin ang isang isolated at elevated na lugar kung saan may mga ilaw sa paligid, at may nakalapag pa na picnic blanket. Kung may makakakitang tao sa setup ay iisipin na may romantic date na mangyayari. Iba talaga mag-isip ang g*gong 'to. Akala niya ata kikiligin ako. Inexpect ko na rin naman na may pakulo siyang ganito, ano pa nga bang aasahan ko kay Zeikko? Eh karugtong ng pangalan niya 'mayabang'. "Hindi naman halatang pinaaghandaan mo nga ito," saad ko. Taas kilay ko pa siyang tinignan. Kumindat siya. "Of course, Baby. Kailangan kitang pakiligin. Alam mo na dagdag points. Ang hirap pa namang pumasa sa'yo," saad niya na may malanding ngiti sa kanyang labi. Lahat na lang talaga na lalabas sa bibig niya ay puro kabulastugan, kaya ang hirap niyang paniwalaan. "Hindi naman ako nagpapaexam, paano ka papasa?" pabalang na tanong ko saka ko siya inirapan. Tumawa naman siya na akala mo joke ang sinabi ko. Binuksan niya ang backseat
Eighteen.Mas lalong pinatunayan sa akin ni Zeikko kung gaano niya ako nirerespeto. Akala ko hahayaan niya ang sarili niya na angkinin ako, pero nagawa niyang pigilan iyon dahil lang sinabi ko na natatakot ako. Si Zeikko ang tipo ng tao na adik sa s*x, kaya naman nang sinabi niyang hindi niya ito gagawin ay nagulat ako. He really respects me. He really cares for me. Hindi ko akalain na mapipigilan niya ang landi niya dahil sa akin. Gano'n ba talaga ako kaimportante sa kanya? Sa totoo lang ay muntikan ko ng maibigay ang sarili ko sa kanya. Hindi ko na rin kasi talaga maintindihan ang sarili ko. Para akong nalulunod sa tuwing nagsasalubong ang mga mata naming dalawa. He is making me feel something I shouldn't. "Zel..." nakangusong tawag ko kay Zelly nang makita ko siyang papasok sa restaurant kung nasaan ako ngayon.Kakauwi lang niya, at naisipan ko talaga siyang tawagan hindi lang para kumain kundi para mag rant na rin at masabi ko sa kanya ang mga saloobin kong gustong-gusto ko ng m
Nineteen.My heart is pounding so hard. I can't take my eyes off of him. Shoot*ngina! Inaasahan ko na rin naman na darating ang araw na makikita ko siya, kaya lang hindi ko akalain na sobrang bilis nito. Pakiramdam ko ay sinasakal ako. Hindi ko alam kung paano babawiin ang mga mata ko sa kanya, para akong isang tanga na naghahanap ng maaari kong gawin mabawi lang ang pagkakatingin ko sa kanya.Wala siyang pinagbago. He still the same Kiel I saw years ago. Kita sa mga mata at mukha niya ang kasiyahan. Nakagat ko ang aking dila. Pansin ko ang tingin sa akin ni Zel pero hindi ko siya magawang balingan ng tingin. Mas lalong bumigat ang aking pahinga nang mag-umpisa silang maglakad palapit sa mga babaeng nakabangayan namin ni Zel. I gulped as I keep breathing hard. Buti na lang nagawa kong mabawi ang mga mata ko sa kanya bago pa niya ako mahuli na nakatingin ako sa kanya. Gusto ko na lang umalis sa lugar na ito, pero hindi ko naman magawang igalaw anh katawan ko. Shoot*ngina. Hindi ko ak
Twenty."Baby, may dumi ba ako sa mukha, o talagang nasasarapan ka lang sa akin?" tanong ni Zeikko na agad kong ikinairap. Kahit kailan talaga napaka pasmado ng bibig niya. Ang sarap niyang ipalapa sa buwaya.Sinabi ko kay Zeikko ang nangyari sa restaurant kung saan nakita ko si Kiel. Pinaliwanag ko rin sa kanya ang tungkol sa tawag. Hindi ko alam kung bakit sinabi ko pa sa kanya ang tungkol doon, kaya lang naisip ko na may karapatan siya kasi pakiramdam ko ginamit ko siya para lang maipakita sa mga judgmental na iyon na talagang may ugnayan kami ni Zeikko, o sa Teng."Baby, kung iniisip mo na naman 'yong tungkol sa nangyari sa restaurant, mas magandang ako na lang ang isipin mo."Hindi ko alam kung tanga si Zeikko, o talagang patay na patay lang talaga siya sa akin. Nanatiling palaisipan sa akin kung bakit gustong-gusto ako ng gago eh wala naman espesyal sa akin eh."Hindi ka ba talaga galit?" tanong ko.Grabe na yung guilty na nararamdaman ko, pero kung umakto siya ay parang wala la
Twenty-oneNakahinga ako ng malalim nang makapasok ako ng matiwasay sa aking unit. Hindi ko na pinayagan si gago na ihatid ako dahil baka magkanda letche-letche pa ang ang lahat eh letche pa man din siya madalas."We're getting married soon?" Napailing na lang ako. Iba talaga ang sapak niya sa utak. Ako pa talaga ang ginawa niyang panangga niya.Ano na lang ang maipapaliwanag ko sa mga magulang ko once na malaman nila ang tungkol dito? Hindi nga ako pumayag sa alok ni Zeikko na magpanggap na kami para matulungan niya ako sa problema namin... pero gano'n din naman pala ang ending. Naku naman! Wala na talaga siyang magawang tama sa buhay ko. Ang laki talaga niyang pasakit.Nabaling ang tingin ko sa phone ko. Uh? Bakit tumatawag ang bruhang ito?"Bakit?" tanong ko pagkasagot na pagkasagot ko ng tawag.(Wala chine-check ko lang kung humihinga ka pa.)Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapairap dahil sa sinabi niya.(Anyway, if you have time tomorrow, magpapasama sana ako.)"Saan?" tanong
Twenty-twoNang lumabas ang resulta ng tests ni Zeikko ay umuwi na rin ako, kita ko nga sa mga mata ni G*go na ayaw niya akong umalis pero wala itong nagawa. Ano siya gold? Tsk. Maayos naman ang resulta ng tests niya kaya lang kailangan niya munang mag stay sa hospital dahil under observation pa siya.May dumating ding mga pulis para kunin ang statement niya, napag-alaman ko na nadamay lang pala ito sa naging banggan ng bus at van, akala ko naman siya na ang nag cause ng aksidente eh. Madami namang nakisimpatya kay Zeikko online, may mga nanghusga sa kanya noong una pero nang maglabas ako ng article na pinayagan naman ni Chief ay bumango ang pangalan ni Zeikko.Kinabukasan maaga akong nagising dahil dadaan pa ako sa hospital para dalha ng pagkain si Zeikko na hindi ako tinantanan kagabi sa kakatawag niya. Sobrang galing talaga niyang mameste, tipong kailangan mong kalmahin ang sarili mo para lang hindi ka makagawa ng kasalanan.Simpleng almusal lang ang ginawa ko kaya naman mabilis na
Twenty-threePagkatapos kong masamahan si Zel sa pag s-shopping ay idinaan niya ako sa hospital kung saan ang demanding na si Zeikko ay ayaw payagan ang mga nurse na lumapit sa kanya hanggang wala ako sa tabi niya. Sobrang laki niyang perwisyo talaga. Ano siya baby na kailangan may guardian pa? Ugh!Kung wala lang talaga akong utang na loob sa kanya hindi ko siya pupuntahan eh. "Miss Krystal!"Mabilis akong lumapit kila Nurse Eli na nasa labas ng kuwarto ni Zeikko. "Anong nangyari?" tanong ko. "At anong ginagawa niyo rito sa labas?" dagdag tanong ko with matching salubong pa ang kilay. "Nilock po ni Sir Zeikko," saad ni Nurse Eli na mukhang stress na. "Sabi po niya kapag bubuksan namin idedemanda raw po niya kami, kaya hindi rin naming magawang buksan." Nilock? Seryoso ba ang g*gong ito? Feeling naman niya pagmamay-ari niya ang hospital kung umasta ito. Sakit talaga siya sa ulo. "May spare key kayo?" tanong ko. Inabot sa akin ni Nurse Eli ang hawak niyang susi, at hindi na ako n
Twenty-four"Baby naman, ako na nga itong may sakit pero ako pa itong pahihigain mo sa sofa? P'wede ka naman dito sa tabi ko kung gusto mo eh. Halika ka na huwag ka ng mahiya, forte ko pa man din ang pagyakap," saad nito habang taas baba pa ang kilay niya nang sabihin ko sa kanya na sa sofa siya matutulog at ako ay sa kama niya."Joke lang. Sinubukan ko lang kung papayag ka, kasi nga sabi mo handa kang isakripisyo o gawin ang lahat para sa akin, pero parang lata ka rin pala, maingay lang pero walang laman ang sinasabi," sarkastikong saad ko with matching taas kila pa.Nakita ko naman agad ang pagbabago ng expression niya at tila ba na realize niya ang sinabi ko. Ngumisi ako."Sige matulog ka na." Umupo ako sa sofa saka ko binuksan ang laptop ko.Hindi ko napigilan ang matawa nang makita ko si Zeikko na nanatiling nakatingin sa akin na tila ba sising-sisi siya sa nangyari. I really can't believe him."Oh bakit ka ganiyan makatingin?" taas kilay na tanong ko.Nakita ko ang marahas niton