LOGINSi Madison Georgette Fortunato ay isang dalawampung taong gulang na ulila na lumaki sa ampunan. Sa murang edad, natuto siyang mabuhay mag-isa habang pinagsasabay ang pag-aaral, pagiging coffee shop crew, at freelance modeling para lamang mabayaran ang renta at mabuhay nang maayos. Tahimik at simple lang sana ang mundo niya—hanggang sa makilala niya si Lucian Charles Stryker, isang batang bilyonaryong sanay makuha ang lahat ng gusto niya. Gwapo, makapangyarihan, ngunit mapanakit at wasak ang pagkatao. Nagsimula ang lahat sa isang gabing puno ng alak, musika, at matatamis na salita. Isang gabing hindi nila akalaing magiging simula ng magulong pag-ibig. Sa kabila ng babala ng utak niya, unti-unting nahulog si Madison sa lalaking puno ng sikreto at kasinungalingan. Ngunit habang lalong lumalalim ang relasyon nila, unti-unti ring nabubunyag ang madilim na katotohanan tungkol kay Lucian—ang pamilya nito, ang ibang babaeng ipinapakilala bilang kasintahan, at ang mundong hindi kailanman magiging para sa isang simpleng babae tulad niya. Hanggang sa isang gabi, tuluyan siyang nasaktan at piniling lumayo. Bitbit ang wasak na puso at isang sikretong hindi alam ni Lucian… umalis si Madison habang dala-dala ang anak ng bilyonaryo.Pagkalipas ng ilang taon, muli silang pagtatagpuin ng tadhana. Ngunit sa pagbabalik ni Madison, handa pa bang mahalin ni Lucian ang babaeng iniwan niya noon—o muli niya lamang itong sisirain?
View MorePOV: Madison Georgette Fortunato
"Cheers." hiyaw naming lahat. Matapos ang trabaho ay nagkaroon kami ng konting kasiyahan matapos ang shoot. dahil birthday ng co-model namin ay sumama ako. Ayoko namang maging kj sa ganito lalo na minsan lang makasama dahil nga busy at mahirap ang pera at iyong school na pinapasukan ng anak ko ay private school at walang nag-babantay sa kanya sa condo. Sobrang lakas ng tugtug at talagang mapapaindak ka sa saya kaya naman sumama ako sa dance floor kahit nakainum na pero hindi ako ganoon kalasing. ang mga ilaw talagang sumasabay sa saya namin. Isang bar na puno ng buhay at nakakabighaning ilaw—sumasayaw ang makukulay na laser sa madilim na paligid habang malakas na musika ang bumabalot sa buong lugar. Siksikan ang mga taong nag-eenjoy, may ilan na sumasabay sa tugtog habang ang iba nama’y abala sa pakikipag-usap at pag-inom. Sa gitna ng entablado, tila buhay na buhay ang gabi dahil sa DJ na nagpapaindak sa lahat. Ang makulay na ilaw, usok, at enerhiya ng crowd ay nagbibigay ng pakiramdam na parang walang gustong matapos ang gabi. Malakas ang tugtog sa loob ng bar habang sumasabay sa paggalaw ng makukulay na ilaw ang bawat taong naroon. Halo-halong amoy ng alak, pabango, at usok ang bumabalot sa paligid. Nakakabingi ang sigawan at tawanan, pero sanay na ako rito. Ito ang klase ng lugar na madalas puntahan ng mga taong gustong kalimutan ang problema kahit isang gabi lang. Tahimik akong nakaupo sa VIP couch habang iniikot ang wine glass sa kamay ko. Hindi ako mahilig sa ganitong klaseng lugar, pero pinilit lang talaga ako ng kaibigan kong si Maxine na sumama ngayong gabi. “Madison, relax ka naman,” reklamo niya habang umiinom ng tequila shot. “Parang dadalhin mo pa rin trabaho mo rito.” Umirap lang ako bago uminom ng kaunti sa hawak kong wine. “Kailangan kong mag-relax dahil may meeting ako bukas,” sagot ko. “At isa pa, hindi ko kailangang maghanap ng lalaki rito.” Napahalakhak siya bago biglang tumabi sa akin nang may mapansin. “Shit…” bulong niya habang nakatingin sa kabilang side ng bar. “Madison, tingnan mo ‘yong lalaking nasa second floor.” Hindi ko agad pinansin. Sanay na ako sa pagiging baliw niya kapag may nakikitang gwapo. “Hindi ko kailangan makakita ng lalaki,” malamig kong sagot. “Single ka naman!” pang-aasar niya. “Baka ito na soulmate mo.” Napailing ako. “Marami akong priority kaysa sa love life.” “Sus. Tingnan mo muna.” Dahil sa kulit niya, napabuntong-hininga ako bago marahang lumingon sa direksyong tinuturo niya. At doon… parang tumigil ang mundo ko. Nawala ang ingay ng paligid. Nawala ang musika. Nawala ang lahat. Dahil ang lalaking nakatayo sa second floor habang malamig na nakatanaw sa ibaba ay isang lalaking hindi ko inaasahang makikita pang muli. Matangkad. Naka-black suit kahit nasa bar. Malamig ang mga matang kayang patahimikin ang buong silid. At ang mukha niyang minsan ko nang minahal… pero siya ring sumira sa akin. Lucian Charles Stryker. Nanlamig ang buo kong katawan. Hindi maaari. Hindi siya puwedeng narito. Pitong taon. Pitong taon ko siyang tinakasan. Pitong taon kong pilit kinalimutan ang pangalang iyon. Pero heto siya ngayon—parang multong bumalik para guluhin ulit ang buhay ko. “Madison?” nagtatakang tawag ni Maxine nang mapansin niyang namumutla ako. “Kilala mo?” Hindi ako agad nakasagot. Dahil abala ako sa paghinga. Sa pagpigil na huwag manginig. Hindi nagbago si Lucian. Mas lalo lang siyang naging mapanganib tingnan. Natatandaan ko pa kung paano ako unang nahulog sa kanya noon. Campus heartthrob. Matalino. Mayaman. Tahimik pero dominante ang presensya. Lahat ng babae noon, gustong mapansin niya. Pero ako lang ang minahal niya. O iyon ang akala ko. Hanggang sa dumating ang gabing winasak niya ang puso ko. Mahigpit kong kinuyom ang wine glass habang pilit inaalis ang tingin sa kanya. Hindi niya ako dapat makita. Ayokong bumalik sa nakaraan. Ayokong maalala kung paano niya ako iniwan nang walang paliwanag. Kung paano niya akong pinaramdam na wala akong halaga. Tumayo ako agad. “Uuwi na ako,” mabilis kong sabi. “What? Kakadating lang natin!” “May emergency.” “Madison—” Hindi ko na siya pinatapos. Naglakad ako palabas habang mabilis ang tibok ng dibdib ko. Halos hindi ako makahinga habang tinatahak ang daan papunta sa exit. Pero bago pa ako tuluyang makalabas— May matigas na kamay na humawak sa pulsuhan ko. Napapikit ako. Kilalang-kilala ko ang pakiramdam na iyon. Dahan-dahan akong lumingon. At naroon siya. Mas malapit. Mas mapanganib. Mas guwapo. Mayabang. Ang malamig niyang mga mata ay diretsong nakatingin sa akin na parang binabasa ang bawat takot na pilit kong tinatago. “Leaving already?” mababa niyang tanong. Dumulas ang hangin sa lalamunan ko. Pitong taon. Pero ganoon pa rin epekto niya sa akin. “Let go of me,” malamig kong sabi kahit nanginginig loob ko. Hindi siya gumalaw. Sa halip, mas lalo lang humigpit ang hawak niya. “Pitong taon kitang hinanap.” Napatawa ako nang mapait. “Hindi mo ako hinanap, Lucian.” His jaw tightened. “Akala ko patay ka.” Parang may humigpit sa dibdib ko matapos marinig iyon. Dahil alam kong totoo iyon. Noong gabing umalis ako, sinigurado kong walang makakatunton sa akin. Binura ko lahat. Pangalan. Tirahan. Numero. Kahit mga taong nakakakilala sa akin noon. Dahil kailangan kong mawala. Dahil kung hindi… baka tuluyan akong masira. “Bakit?” tanong niya habang titig na titig sa akin. “Bakit ka nawala?” Unti-unti akong napangiti pero walang saya roon. “Funny,” bulong ko. “Ikaw pa talaga nagtatanong?” Nanlilim ang mga mata niya. At sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon, nakita ko ulit ang emosyon sa mukha ni Lucian Charles Stryker. Galit. Pagsisisi. At sakit. “Madison—” “Congratulations,” putol ko habang pilit inaalis ang kamay niya sa akin. “Mukhang successful ka na.” Hindi niya inalis tingin niya sa akin. “At mukhang galit ka pa rin.” Napangiti ako nang malamig. “Hindi na ako galit.” Mas masakit ang sumunod kong sinabi. “Wala na akong nararamdaman para sa’yo.” Pero pareho naming alam na kasinungalingan iyon. Dahil kahit ilang taon pa ang lumipas… Lucian Charles Stryker was still the only man capable of destroying me with just one look. Alam mo 'yon bigla ako nanlamig sa pwesto ko. Hindi ko na alam ko ano gagawin. matapos mangyari ang lahat bilyonaryo na sanay makuha ang lahat ng gusto niya—pera, kapangyarihan, babae, at respeto. Ngunit sa likod ng perpektong imahe niya ay isang lalaking puno ng bisyo, pagtataksil, at emosyonal na kaguluhan. Kilala siya bilang cheater na walang takot makasakit para lang mapanatili ang kontrol sa kanyang mundo. Nakakatawa lang isipin na pinatulan ko talaga siya. Sa dami ng lalaking puwedeng pumasok sa buhay ko, bakit siya pa? Iyong lalaking ubod ng yabang, laging nakakunot ang noo, at akala mo pag-aari niya ang buong mundo kapag tumingin. Noong una, bwisit na bwisit ako sa kaniya. Sa bawat paglapit niya, para akong nauubusan ng pasensya. Palagi niya akong inaasar, hinahamon, at pinaparamdam na para bang isa lang akong laruan sa paningin niya. Pero sa tuwing ngumingisi siya, nakakainis mang aminin… may kung anong kakaiba sa dibdib ko. Hanggang sa hindi ko namalayang hinahanap-hanap ko na ang presensya niya. Iyong simpleng “kumain ka na ba?” niya na tunog utos, naging parte ng araw ko. Iyong malamig niyang tingin na dati kong kinaiinisan, siya na palang nagbibigay ng kakaibang init sa puso ko. Nakakatawa talaga. Dahil ang babaeng nangakong hindi maiinlove sa katulad niya… ako rin pala ang unang susuko. Ayoko na nito. Parang bawat ilaw sa bar na ito mas lalo lang nagpapagulo ng isip ko. Habang malakas ang musika at abala ang lahat sa pagsasaya, ako naman ay tahimik na nauubos sa sarili kong iniisip. Naiinis ako dahil kahit anong pilit kong iwas, bumabalik pa rin siya sa utak ko—ang mga alaala, ang sakit, at ang mga bagay na dapat matagal ko nang kinalimutan. Humigop ako ng alak habang pinagmamasdan ang makukulay na ilaw na tila sumasabay sa mabilis kong paghinga. Nakakairita. Nakakasakal. Parang gusto ko nalang mawala sa lugar na ito pero hindi ko magawa. Dahil sa totoo lang, hindi ang ingay ng bar ang dahilan kung bakit magulo ang gabi ko—kundi ang taong hindi ko matanggal sa puso at isip ko kahit galit na galit na ako sa sarili ko. Umalis ako sa dance floor nang mag-isa, pilit na binabalewala ang sakit na unti-unting sumisikip sa dibdib ko. Habang naglalakad pabalik sa mesa namin, nakita ko siyang nakaupo roon—relaks, walang pakialam, at ni hindi man lang ako nilingon. Para bang wala akong iniwang presensya sa tabi niya kanina. Ngunit ang mas masakit… may babae siyang kasama. Tahimik itong nakangiti habang may sinasabi sa kanya, at siya naman ay nakatitig dito na parang sanay na sanay sa presensya nito. Hindi niya sinabi kung sino ang babae. Hindi niya ipinaliwanag kung bakit kasama niya ito. At higit sa lahat, hindi niya naisip na baka nasasaktan ako habang pinapanood silang dalawa. Pero sa bagay… sino ba ako para magtanong? Wala naman akong karapatan. Wala akong label sa buhay niya. Isa lang akong taong madaling lapitan kapag gusto niya, pero madaling kalimutan kapag may iba nang mas mahalaga. At habang nakatayo ako roon, unti-unti kong naramdaman ang bigat ng katotohanang matagal ko nang pilit tinatakasan— Hindi ako espesyal para sa kanya.POV: Madison Georgette Fortunato May mga tao talagang hindi mo pa nakikilala pero pakiramdam mo ay may masama nang mangyayari sa oras na magkrus ang mga landas ninyo. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kutob na iyon. Pero habang nakaupo ako sa loob ng coffee shop at inaayos ang mga order ng customer, hindi mapakali ang pakiramdam ko. Parang may kung anong mabigat sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling, pero ramdam na ramdam ko ang bigat na para bang unti-unting dinidiin ang puso ko hanggang sa halos hindi na ako makahinga. Humihinga ako nang malalim, pero parang hindi sapat, parang may kulang pa rin sa hangin na pumapasok sa baga ko. Tahimik ang paligid, pero sa loob ko, maingay. Ang isip ko sabog-sabog—mga alaala, mga salitang hindi nasabi, mga desisyong hindi ko alam kung tama ba o mali. Parang may mabigat na nakasabit sa dibdib ko na ayaw bumitaw, ayaw gumaan, ayaw mawala kahit anong pilit ko. Hinawakan ko ang dibdib ko
POV: Madison Georgette Fortunato May mga pagkakataon sa buhay na gusto mong huminto ang oras. Iyong tipong kahit ilang beses mong ipikit ang mga mata mo, umaasa ka pa rin na pagdilat mo, pareho pa rin ang lahat. Na nandiyan pa rin siya. Na hindi pa dumadating ang sakit. Na hindi pa nasisira ang lahat ng bagay na akala mo ay buo na. Ganito ang nararamdaman ko habang nakahiga sa kama ng maliit kong apartment. Tahimik. Sobrang tahimik. Parang pati hangin ay ayaw maistorbo ang bigat na dinadala ng dibdib ko. Nakatingin lang ako sa kisame na tila walang sagot sa mga tanong na paulit-ulit na umiikot sa isip ko. Malamig ang paligid, pero mas malamig ang pakiramdam ko sa loob. Sa kamay ko, hawak ko ang cellphone. At sa screen na iyon, nandoon ang huling mensahe niya. Ni Lucian. Paulit-ulit kong binabasa, kahit alam kong hindi na ito magbabago. Parang sa bawat ulit, may inaasahan akong ibang salita. Ibang tono. Ibang wakas. Pero pareho pa rin. Pareho pa rin ang sakit. “I’ll be gone f
POV: Madison Georgette Fortunato May mga pagkakataon talagang dumarating sa buhay mo na parang panaginip. Iyong tipong alam mong masyadong maganda para maging totoo. At iyon mismo ang nararamdaman ko habang nakaupo sa harap ni Lucian Charles Stryker. Tahimik kaming magkatapat sa isang maliit na café sa gilid ng siyudad. Hindi ito katulad ng mga mamahaling restaurant na madalas niyang puntahan. Mas simple. Mas tahimik. Mas komportable. Sa loob ng ilang linggo naming pagkikita, napansin kong mas gusto niya ang mga ganitong lugar kapag kasama ako. Parang kapag kaming dalawa lang, hindi siya iyong kilalang bilyonaryo na laman ng mga business magazine. Nagiging normal siyang tao. At iyon ang nakakatakot. Dahil habang mas nakikilala ko siya, mas lalo akong nahuhulog. "Masyado kang tahimik." Napakurap ako nang marinig ang boses niya. Nakahawak siya sa tasa ng kape habang nakatingin sa akin. "Wala." Tumaas ang isang kilay niya. "Wala?" Napabuntong-hininga ako
POV: Madison Georgette Fortunato May mga pagkakataong gusto mong pigilan ang sarili mong mahulog. Yung tipong alam mong delikado, alam mong mali, alam mong sa dulo ay ikaw lang din ang masasaktan—pero bakit ganon? Sa bawat tingin niya, sa bawat ngiti, sa bawat simpleng paglapit niya, parang unti-unting gumuho lahat ng paninindigan mo. Paulit-ulit mong sasabihin sa sarili mo na hindi pwede. Hindi pwede dahil magkaiba kayo ng mundo. Hindi pwede dahil may mga bagay na hindi para sa’yo. Hindi pwede dahil alam mong ikaw lang din ang talo sa huli. Hindi tama. Hindi tama na hinahayaan mong bumilis ang tibok ng puso mo sa tuwing naririnig mo ang pangalan niya. Hindi tama na hinahanap mo siya sa gitna ng mga taong wala namang kinalaman sa’yo. Hindi tama na mas masaya ka kapag nandiyan siya, kahit sandali lang. Hindi dapat. Hindi dapat ka tumitingin nang matagal. Hindi dapat ka napapangiti sa mga simpleng bagay na ginagawa niya. Hindi dapat mo siya hinahayaan na makapasok sa mga i
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.