Share

Chapter One

                              Blaise

Ngayon ang ikalawang araw ng burol ni Sia, hindi parin ako makapaniwala na wala na siya. Nahulog ito mula sa veranda ng kaniyang condo unit na nasa ikapitong palapag ng gusali. At ayon sa mga pulis ay nagpakatay daw ito. 

She committed suicide.

Sia took her own life.

Nabalik lang ako sa reyalidad noong huminto na sa tapat ko ang sasakyan na ini-book ko. Buong biyahe ay nakatingin lang ako sa kalsada habang tinatahak namin ang daan patungo sa funeral homes.

"Mam nandito na po tayo." ani ng driver

Pagkatapos kong magbayad ay agad na akong bumaba ng sasakyan. Nandoon na rin ang ilan sa mga kaklase at professors namin. 

"Blaise!" tawag sa akin ni Lucas na kasama na sina Shantel

Tinungo ko na ang kinaroroonan nila at mababakas sa mga mukha nito na napilitan lang silang magtungo roon.

"Pasok na tayo." ani Maam Baltazar

Nagsimula na kaming magmartsa papasok hanggang sa marating ang kinaroroonan ng labi ni Sia. Napaawang pa ang bibig ko noong makitang bukod tanging isang matandang lalaki lang ang nandoon. Sa tindig at pananamit pa lang nito ay masasabi mo ng isa itong elitista.

"Oh, so he is Sia's sugardad?" natatawang bulong ni Shantel

Sinamaan ko ito ng tingin pero nagkibit lang siya ng balikat saka ngumisi.

"Nakikiramay po kami, maging kami ay di makapaniwala na wala na si Sia." ani Tori sa malungkot na tono

"Sa maikling panahon, naging kaibigan na rin namin siya. Nakakapanghinayang." dagdag pa ni Shantel

Kung makaasta sila, akala mong hindi nila pinagbuhatan ng kamay kahapon si Sia. 

Napabaling naman ako sa kabaong at doon ko lang napagtanto na naka-sarado maging ang sa ulohang bahagi nito. Bakit-

"B-Bakit po nakasarado?" tanong ni Lucas na halos mabasag pa ang boses nito

Hindi sumagot ang matanda, sa halip ay napaiyak ito.

"Pasensiya na po, nakikiramay po ulit kami." sabi ni Grey at inaya na kaming maupo

Noong maupo kami ay napansin kong wala sa sarili si Lucas at nakatitig lang ito sa kabaong ni, Sia.

"Gusto mo bang umiyak, Lucas?" tanong ni Grey na may bahid ng pang aasar

Tila natauhan naman ito at saka kami hinarap. "M-Mag ccr lang ako." Hindi man lang nito hinintay ang tugon namin at mabilis na umalis.

"What's wrong with him?" Nagtatakang tanong ni Shantel. 

Wala naman sa amin ang naka-sagot sa tanong niya kaya ipinag-kibit balikat niya na lang ito.

"Ugh! What a selfish freak? Ni hindi ko man lang makikita ang mukha niya sa huling pagkakataon." inis na sabi pa ni Shantel saka binalingan ang kabaong ni Sia

"Patay na ba talaga 'yan? Di ako makapaniwala." dagdag ni Grey at sumilay pa ang smirk

"Should we open her coffin, I just wanna make sure she's fucking dead." segunda pa ni Shantel

"She's dead. I am sure of it." Napabaling kaming lahat kay Tori.

"Why? Did you kill her with your own hands?" tanong ni Shantel na sinamahan pa ng mapanuksong ngisi

"Blaise?!" sabay sabay na sabi nila noong ibagsak ko sa mesa ang mga kamay ko

"Pwede ba, kahit ngayon lang irespeto niyo man lang siya. Kahit ngayon lang." 

Tila natigilan naman sila dahil sa naging reaksiyon ko. 

"Sige na umiyak kana, di ka namin pipigilan." nakabungisngis na sabi ni Shantel 

Sa inis ay tumayo na lang ako at naglakad palabas. Hindi ko na kayang pakinggan ang mga sasabihin nila. Hanggang sa huli ay hindi parin nila magawang magpakatao man lang. 

"You must be, Blaise?" 

Napalingon ako sa nagsalita, iyong matandang lalaki pala. Tumango tango ako rito.

"Naikwento ka sakin ni Sia, ang sabi niya ikaw raw ang biggest rival niya sa academics." pagkukwento nito

Bahagya akong napangiti. "Malabo po 'yon, masiyadong matalino si Sia para mapantayan ko siya. Hindi ako papasang rival niya." 

Humugot ito ng isang buntong hininga. "Sia is a genius. Nakakapanghinayang." Bakas sa mukha nito ang matinding lungkot at panghihinayang. 

"Kailan po pala ang libing niya?" pag iiba ko

"Bukas ng alas dos." 

Napaawang ang bibig ko, kung ganoon ay dalawang araw lang ang burol niya.

"Wala namang pamilya o kaibigang darating. Kayo na nga lang ang hinihintay niya, bago tuluyang umalis." paliwanag nito na tila nabasa ang iniisip ko

Mas lalo akong nakaramdam ng lungkot at awa kay Sia. Ulilang lubos na kasi ito at sa ilang buwan na nakasama namin siya ay walang kamag anak o kaibigan siyang nabanggit. Hanggang sa huli ay mag isa siya. 

"Salamat ulit sa pagpunta hija." bahagya pa itong ngumiti bago tuluyang bumalik sa loob

Muli ko pang nilingon ang kinaroroonan ni Sia bago nagpasyang umuwi. Ayoko nang makita ang pagpapakitang tao ng mga kaklase ko sa harap ng labi ni Sia.

Maaga akong pumasok kinabukasan. Ngayon na ang libing ni Sia pero hindi man lang ako makakapunta. 

Pinagmasdan ko ang mga kaklase ko na abala sa pagtatawanan at pagku-kwentuhan. Napailing na lang ako, ano pa bang aasahan ko sa kanila. Napabaling naman ang tingin ko sa upuan ni Sia. Naaalala ko ang mga panahon na nakaupo siya roon at nakikipag kulitan sa mga kaklase ko. She is an easygoing person na madaling makasundo.

Maya maya ay bumukas ang pinto at iniluwa noon ang tatlo at mayroon pang bitbit na bulaklak sina Shantel at Tori. 

Bakit kaya wala si, Lucas?

"Why are ya'll laughing and gossiping like we doesn't have a classmate who's officially living us today?" seryosong bungad ni Tori

Napatahimik naman ang mga kaklase namin. Naglakad ang dalawa patungo sa upuan ni Sia at inilapag doon ang bulaklak.

"Rest in peace, Sia." ani Shantel

"Let us pray for her soul." dagdag ni Greyson

Napabaling ako rito, hindi ko mapigilang mapaismid sa mga ginagawa nila.

Nagsilapitan naman ang mga kaklase ko at pumalibot sa upuan ni Sia. Unbelievable.

"Blaise?" baling sa akin ni Shantel, ako na lang pala ang hindi lumalapit doon

Wala na akong nagawa kundi ang lumapit at sabayan sila sa palabas nila. What can I do? Wala akong choice kundi ang sumunod.

"Okay, let us pray for her silently." ani Tori at iniyuko ang ulo

Pinasadahan ko sila ng tingin, ipinagdadasal nga ba nila si Sia? O naghuhumiyaw ang utak nila kung gaano sila kasaya sa pagkawala niya.

"Oh- I'm sorry." ani Ma'am De Leon pagpasok nito

"Okay lang po ma'am. Tapos na rin po kaming ipagdasal si Sia." tugon ni Tori

Lumakad naman si Ma'am patungo sa upuan ni Sia at naglagay doon ng bulaklak. 

"It must be hard for all of you, but I know you can get through this. You guys aren't called a perfect section for nothing. Masakit mawalan ng kaibigan pero alam kong matatag kayo, diba LawFam?" 

"Yes ma'am, kakayanin namin." tugon nila

"Okay, let's do lawfam hug!" sigaw pa ni Greyson

Pinagmasdan ko lang sila na mag group hug. Hindi ko na kayang sabayan ang kalokohan nila.

That's it.

That is how we play a perfect section role everyday. 

Kami ang section ng mga mababait at matatalinong estudyante. Kami ang depenisyon ng perpeksiyon sa Unibersidad na ito.

Lumipas ang maghapon na iyon sa pagpapanggap ng section namin na nagluluksa sa pagkawala ni Sia. Sa totoo lang nasusuka na akong pagmasdan sila. Sobra na sa expectation ko ang kayang gawin ng section na ito.

"Blaise, ang tahimik mo maghapon ah. Di ka parin ba tapos sa pagluluksa mo kay Sia?" natatawang tanong ni Shantel

Hindi ko na lang ito pinansin, ayoko ng patulan ang mga kahibangan niya.

"You're coming later, right?"

Napabaling naman ako kay Tori, nagtataka ako sa kung anong tinutukoy niya. Ah, iyong party. . .

"Don't you think it's too much? Ngayon lang ako nakakita ng mga taong kayang ipagdiwang ang pagkamatay ng iba." Hindi ko na napigilan ang pagka-dismayang nararamdaman ko sa kanila.

"Tsk. I am so tired of your drama. Adios!" ani Shantel at nakangiti pang kumaway sa akin

Sunod na ring umalis si Tori na nag iwan pa ng ngisi. At agad namang sumunod dito si Greyson, na nanatitiling nasa likuran ni Tori. Marahil ay hindi pa sila nagkaka-ayos

Napabuntong hininga na lang ako habang naghihintay ng masasakyan.

Maya maya lang ay dumating na rin ito at nagpamaniobra na ako patungo sa sementeryo. Papunta kay Sia.

Pagkarating doon ay agad na akong nagmartsa papasok, saan ko kaya hahanapin dito ang himlayan ni Sia? Habang patuloy sa paglakad ay natanaw ko ang isang matandang lalaki, si Mr. Nam na guardian ni Sia. Patakbo kong tinungo ang kinaroroonan niya.

"H-Hello po. ." naghahabol sa hiningang bati ko

"Hija, you came." sumilay ang munti niyang ngiti

Tumango tango naman ako, hindi ko parin mabawi ang hininga ko.

"Halika, samahan kita patungo kay Sia." sabi nito na sinang ayunan ko naman

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa huling hantungan ni Sia, hindi ko mapigilang makaramdam ng awa at konsensiya sa lalaking nasa gilid ko. Wala man lang siyang kasamang magluksa sa pagkawala ni Sia.

Tumighim ako para makuha ang atensiyon nito. "Puwede ko po bang itanong kung anong koneksiyon niyo kay Sia?" nag aalangang tanong ko

"Anak na ang turing ko kay Sia, but I doubt na tinuring niya akong tatay." bahagya pa itong ngumiti, "Alam mo si Sia, napakahirap pasukin ng puso nun." dagdag nito na may bahid ng lungkot

That's what exactly Sia is. Madali siyang mapaki-samahan pero mahirap siyang maging kaibigan. Para bang may mataas na pader na nakaharang sa pagkatao niya. 

"Masaya ako na may kaibigan siyang nagpunta ngayon." baling nito sa akin

"Hindi po ako sigurado kung kaibigan niya ako?" tugon ko na ikinangiti nito

"I totally understand. " aniya

Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa marating ang bagong lapida na nasa lupa. Pinasadahan ko ito ng tingin.

Anastasia R. Dawson

Born: February 15 2002 

Died: November 27 2020

Napahigpit ang kapit ko sa bulaklak na hawak ko. Sia, why are you lying there?

"I don't believe that Sia took her own life." 

Napabaling ako sa biglang pagsasalita ni Mr. Nam. Nakatitig ito sa lapida ni Sia.

"Napakarami niya nang pinagdaanan, napakadami na ng pagkakataon na pwede siyang sumuko pero hindi niya ginawa. Hindi siya iyong tipo na nagkikimkim ng sama ng loob. Pag galit iyon, kaya niyang magwala. Pag malungkot, umiiyak. Ganoon si Sia, hindi siya mapagkimkim kaya imposibleng nagpakamatay siya. I won't buy it." Luhaan ang mata nitong bumaling sa akin saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Tell me, may alam ka bang dahilan para gawin 'to ni Sia? O may kilala ka bang puwedeng gumawa nito sa kaniya?" 

Nakatitig lang ako sa pag iyak nito, hindi ko mahagilap ang salitang dapat kong sabihin. Naramdaman ko pa ang pagyugyog nito sa balikat ko.

"H-Hindi ko po alam." Ngayon ko lang napagtantong umiiyak na rin pala ako.

Napabitaw ito sa pagkakahawak sa akin saka mabilis na nagpunas ng luha.

"Pasensiya na, hindi ko lang talaga matanggap." mapait pa itong ngumiti, "Maiwan ko na kayong dalawa. " 

Napatango na lang ako at sinundan ng tingin ang pag alis nito. Noong hindi na ito abot ng tanaw ko ay hinarap ko naman si Sia. Naupo ako at inilagay sa tabi ng lapida ang bulaklak na dala ko.

Saka dahan dahang naglakbay ang mga kamay ko patungo sa pangalan ni Sia, kasabay ng pagpapakawala ko ng buntong hininga.

"Wag kang mag alala hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang pagkawala mo. Aalamin ko ang totoong nangyari noong gabing iyon. Pangako." 

Tumayo na ako at nagsimulang magmartsa palayo, at bago pa man ako tulayang makaalis ay muli akong lumingon sa lapida.

Why did you have to die, Sia?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status