Share

Chapter Two

          Months Before Sia's Death

It was normal morning in our room. Kaniya kaniyang kwentuhan, harutan, at ang iba naman ay abala sa sarili nilang mundo. At isa ako sa mga may sariling mundo, mas gusto ko pang magbasa ng libro kaysa makipag kwentuhan sa kanila.

Nanahimik lang ang paligid noong bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang ang aming homeroom adviser na si Ma'am Baltazar. Ngunit may kasama ito sa pagpasok, isang babae. 

"Okay Lawfam, you'll be having a new classmate today." pasimula ni Ma'am

Muli akong napabaling sa bago naming magiging kaklase. Sa tansiya ko ay nasa 5'6 ang tangkad nito, balingkinitan ang katawan at may kaputian, at masasabi kong isang anak mayaman tulad ng mga kaklase ko.

"Please introduce yourself." 

"Hi, my name is Anastasia Dawson, I just turned 18 last week. And you can just call me Sia, not Ana and definitely not Tasia. I hope we get along." Masiglang pagpapakilala nito. 

Maging ang pangalan niya ay naghuhumiyaw ng kagandahan. But wait—she's only eighteen? How come?

Mas lalong tumitingkad ang kagandahan nito noong sumilay ang matatamis niyang mga ngiti. Napaka-perpekto ng mukha nito, mula sa maninipis na hugis pusong labi, matangos na ilong, bilugan at kulay cobalt na mata, hanggang sa maalon niyang blonde na buhok na abot sa balikat. She's a class A beauty indeed.

Napabaling ako kay Shantel na panay ang ismid at irap, knowing Shantel and her pride as a beauty queen. Ayaw na ayaw niya ng nasasapawan pagdating sa usaping ganda.

"Woah! Anastasia Dawson, so are you related with Jack Dawson?" nakangising tanong ni Lucas

Tsk, that jerk.

"Well maybe, he's the great great great grandfather of my father. But sadly, i don't have a father, so I guess we're not related." nakangising tugon nito saka nagkibit balikat

She must be an easygoing person, paniguradong mabilis lang siyang makakapag adjust dito.

"Uhm, I am just curious. How come that you just turned 18 and your already a third year?" tanong ni Grey

Mukhang hindi lang pala ako ang curious tungkol sa edad niya.

"I accelerated twice. First is from grade two to grade five, and second is from grade eight to grade ten." paliwanag niya saka muling ngumiti

"Wow!" usal naming magkakaklase

She must be a genius.

"Okay Sia, you can sit where ever you want." ani Ma'am Baltazar

Tumango naman ito at saka naghanap ng bakanteng upuan. 

"I'll take that seat." turo nito sa center aile ng kaliwang bahagi ng fourth row

She was seating next to Greyson, kaya naman ganoon na lang ang pag ikot ng mata ni Tori noong tingnan ko ito. 

                              ***

It's been a week since Sia moved in to our school at gaya ng inaasahan ay mabilis itong nakapag adjust. Let me rephrase it, madali kaming naka-adjust sa kaniya. Siya iyong tipo na hindi kailangan ng kaibigan, wala siyang pakiaalam kung gusto siya o hindi ng mga tao sa paligid niya. She just do her things without minding other peoples business. 

Naging mabilis din ang pagiging popular niya, paano nga namang hindi? Bukod sa magandang mukha at medyo badass na ugali, na talaga namang ideal type ng mga kalalakihan. Napaka-talino rin nito, and I am not exaggerating when I say 'napaka'. She is indeed a genius, hindi siya nagno-notes ng mga lesson at higit sa lahat tinutulugan niya lang ang mga klase namin, pero mina-mani niya lang itong sagutin sa tuwing tinatawag siyang magsagot ng mga professors. 

"Hey Sia, hang out with us." aya ni Tori rito

"Why would I?" bakas ang pagkaburyong sa mukha niya, "Oh—is it previlege  to be part of your squad?"

"Ofcourse! We're the most popular squad in this University." pagbibida pa ni Lucas

Tumango tango naman si Sia saka ngumisi. "Okay. Pero baka masawapawan ko kayo." baling nito sa amin, "Just kidding." bumungisngis pa siya

May pagkabaliw din talaga ito si Sia. Napakahilig niyang ngumisi at humalakhak na parang nababaliw. Kaya naman kilala rin siya bilang  'nanno wannabe' sa University.

"I don't like her." bulong ni Shantel at umikot pa ang mata

Bahagya na lang akong natawa rito. 

That is how Sia became part of our so called squad. At sa ilang araw na namin siyang na nakakasama ay nakakasundo na rin namin 'to. 

"Blaise, why do you keep on hanging out with them? Obvious namang hindi mo sila gusto." Umupo pa ito sa tabi ko.

Bumuntong hininga muna ako bago ko tapunan ng tingin ang apat na abala sa paghaharutan. Nandito kami ngayon sa rooftop.

"Iyon lang ang best choice na mayroon ako e. Mas okay na 'to kaysa naman pagdiskitahan nila ako." tugon ko at bahagyang ngumiti

"Hindi ko parin gets, di hamak naman na mas matalino at may potential ka kaysa sa kanila. Well, sa itsura medyo lamang nga iyong dalawa. But it doesn't matter, kayang kaya mo silang talunin." 

Napa-buntong hininga ako sa mahabang litanya nito. Saka ako muling tumulala sa kawalan. "Di talaga mage-gets ng privilege na taong tulad mo ang lagay ko. Sia, kahit anong talino at hardwork pa ang gawin ko, wala paring laban iyon sa pera, kapangyarihan, at koneksiyon nila. Kaunti na lang naman ga-graduate na ako. Makakalaya na 'ko sa kanila." paliwanag ko 

"Sabagay. Bakit mo nga naman gagawin pang komplikado ang lahat kung pwede mo naman silang sabayan sa mga kabaliwan nila." natatawang bulong nito 

Maging ako ay bahagya ring natawa sa tinuran nito, tapos ay sabay pa naming binalingan ang apat.

"Teka, balita ko nga pala dean's lister lahat sa section since freshman ah. How come?" bakas ang pagtataka nito habang papalit palit ang tingin sa akin at kina Shantel

Ngumiti ako ng makahulugan. "Madami ka pang hindi alam." tugon ko at umiling

Makikita mo rin ang totoong kulay ng class 3A.

                               ***

Mabilis lumipas ang buwan ng ikatlong taon namin sa kolehiyo. At sa ilang buwan na iyon ay matagumpay parin naming naipagpatuloy ang aming perpektong imahe. 

"Got it!" masayang iwinagayway ni Greyson ang hawak hawak niyang papel

"Bro, iyan na ba ang key answer sa quiz bukas sa Statistics in Political Science?" mangha na tanong ni Lucas sabay kuha sa papel

"Ofcourse!"

"Whoa! That was fast, Grey. Akin na Lucas, pi-picturan ko." ani Shantel at akmang aagawin ang papel pero itinaas ito ni Lucas para hindi niya maabot

"Ayoko nga, bahala kang bumagsak." humalakhak pa ito na mas lalong ikinabwisit ni Shantel

Napabaling naman ako sa katabi kong si Sia, ito ang unang pagkakataon na masasasaksihan niya ito. She doesn't seem shock, mukhang namamangha pa nga ito sa nakikita niya.

"Whoa! Don't tell me, ito ang dahilan kung bakit dean's lister kayo?" namamangha na tanong niya

"Yeah. What can you say?" tanong ni Tori dito na mukhang proud pa sa gawain nila

Sa halip na sumagot ay bumaling sa akin si Sia.  "Even you?" 

Umiling-iling ako. Mas gugustuhin ko pang magsubsob sa pag aaral kaysa mandaya. May pride pa naman ako kahit papaano.

Nabigla pa ako noong umalingawngaw ang paghalakhak ni Sia. Hindi parin talaga ako sanay sa pagka-baliw ng babaeng 'to.

"How. . . pathetic?" Naghahabol pa ito sa paghinga dahil sa pagtawa. I can't believe this girl.

Napabaling naman ako sa apat na seryosong nakatingin sa tumatawang si Sia. Halatang hindi nila nagustuhan ang sinabi nito.

"Well obviously, it was just a ridiculous thing for you. Pero seryosong bagay ito sa amin." paliwanag ni Greyson

"Sinabi ko naman kasing wag niyo ng ipaalam sa kaniya e." hirit ni Shantel

"Don't worry. Wala naman akong planong isumbong kayo." malawak parin ang ngisi nito bago kami tuluyang iwan

"Hindi ba talaga magsasalita iyon?" kinakabahang si Lucas

"Hindi." tugon ko na nagpabaling sa kanilang lahat sa akin, "Walang pakialam si Sia sa kung ano man ang nasa paligid niya. Sigurado akong hindi siya magsasalita." kumpiyansang paliwanag ko na nagpahinga sa kanila ng maluwag

                              ***

Midterm. . .

Pagpindot ng ballpen.

Paglipat ng papel.

At ang mahihinang pagbuntong hininga.

Iyon ang nangingibabaw sa silid namin noong araw na iyon. Lahat kami ay naka-pokus sa pagsasagot ng aming midterm exam. Lahat ay kabadong mawala ang pangalan sa listahan ng dean's lister. 

Napa-buga pa ako ng hangin noong makitang kalahati na ang nasasagutan  ko sa exam naming Introduction to International Relation. 

Inhale.

Exhale.

Kaya ko ito!

"Ma'am!"

Napahinto ako sa pagbabasa dahil sa biglang pagsigaw ni Sia, lahat kami ay napabaling dito na may pagtataka.

"What's the problem, Anastasia?" seryosong tanong ni Ma'am Baltazar

"Tori, Shantel, Greyson, and Lucas are cheating. They have the key answer of this exam." 

Napabaling ako sa apat na bakas ang kaba sa mga mukha. Maging ako ay kinakabahan rin—para kay Sia.

"Anastasia, are you sure of it?" 

"Yes ma'am. Nakita ko mismo ang papel mula kay Greyson, papunta kay Tori, at sunod kay Shantel." kumpiyansang tugon nito

"Okay. Kayong apat pumunta kayo dito sa harap, wala kayong gagalawin sa desk niyo." 

Bago nagsimulang maglakad patungo sa harapan ay isa isa pa silang bumaling sa akin. Tingin na humihingi ng tulong. Tingin na nagtatanong kung anong dapat nilang gawin.

Ano nga ba? Kahit ako ay hindi ko alam dapat kong gawin. 

Lahat kami ay pigil hininga sa mga sunod na mangyayari, ito na ba ang katapusan ng pagiging perpekto ng section namin? 

Shoot!

Napasinghap pa ako noong mabilis na hilain ni Ivan ang piraso ng papel sa ilalim ng exam papers ni Shantel. Hindi iyon napansin maging ni Sia. Napabaling ako kay Shantel at kitang kita ko ang pagtamis ng ngiti nito. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napahinga rin ako ng maluwag.

Mali ito.

Unang nilapitan ni Ma'am ang desk ni Shantel at gaya ng inaasahan ay wala itong nakita. Sunod naman ay kay Tori, at Greyson pero bigo parin ito. 

"Anastasia, niloloko mo ba ako? Alam mo bang nakaka-abala ka ng exam?" halatang pilit nitong ikinakalma ang sarili

"But I am certain of what I saw. Ivan, imposibleng hindi mo nakita, nasa tabi ka ni Shantel." 

"Ma'am wala po akong nakita. At kung meron man, ako mismo ang magsusumbong." tugon nito 

Nakita ko ang pag ismid ni Sia, napapa-iling pa ito habang nakatingin sa apat sa harap. Kitang kita ko pa ang pag smirk nina Tori at Shantel na tila ay nanunukso pa.

"My God, Sia. Alam ko namang kaya mong tapusin ang exam na 'to in just ten minutes, pero hindi naman tama na mang abala ka ng iba." Napapahawak pa ito sa ulo niya, marahil ay sa pagkadismaya. "I can't tolerate this kind of behaviour, come to the dean's office after this exam." pahabol pa nito

"Ma'am, baka naman po nagkamali lang si Sia. Can we just. . .let it slide?" singit ko na kumuha ng atensiyon ng lahat

"Oo nga po Ma'am, baka bunga lang ng stress kaya nagha-hallucinate na si Sia. Wag na lang po natin paabutin sa dean. Naiintindihan po namin siya." dagdag pa ni Tori

"At isa pa Ma'am, kaya parin naming tapusin ang exam in time. Diba guys?" ani Greyson at bumaling sa amin

Sinang ayunan naman siya ng lahat kaya mukhang wala na ring magagawa si Ma'am.

"Sia, I will let slide this time. You should be thankful na sila ang naging kaklase mo." 

Wala ng binitawan na salita si Sia, sa halip ay naupo na lang ito. Ni hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya.

Pagkalabas na pagkalabas ni Ma'am Baltazar ay alam na agad ng mga kaklase ko ang kailangan nilang gawin. Isinarado nila ang pinto at maging ang mga bintana at kurtina.

"Wow!" Narinig ko pa ang pagpalakpak ni Sia. "What a great team work. Ngayon gets ko na, nakuha ko na kung bakit kayo perfect section. Just wow!" parang isang bata na namamangha si Sia habang pinapasadahan kami ng tingin

"Traydor ka!" pagsugod ni Shantel sabay tulak kay Sia

"Shantel, baka may makakita sa 'yo." pagsaway ko rito pero inismiran niya lang ako

"Pinaka-ayoko sa lahat ay ang traydor, Sia. Tinanggap ka namin dito ng maayos, and I even let you joined our squad, tapos ito ang isusukli mo?" bakas ang gigil sa boses ni Tori

Napapikit pa ako noong tumama ang palad ni Tori sa pisngi ni Sia. Hindi lang isa kundi tatlong beses niya itong pinaulanan ng sampal. 

Hindi ko na napigil na pumagitna, kilala ko si Tori. Alam na alam ko kung gaano ito kalupit. 

"Sia, ayos ka lang." humahangos na tanong ko

Pero imbes na sumagot ay inialis niya ang kamay kong nakahawak sa mukha niya. 

"Lucas, Greyson, please ilayo niyo muna sila." baling ko sa kanila

"Yes, Ma'am." sarkastikong tugon ni Greyson

Hindi ko na sila pinansin at muling binalingan si Sia. 

"Ako nang humihingi ng pasensiya sa nagawa nila. I am sorry, Sia." 

Nakita ko ang paglitaw ng mga ngisi nito saka inayos ang buhok niyang nagulo dahil sa pagsampal ni Tori. 

"Sia—"

"You were just like them—No. You're worst." she harshly said and then left me dumbfounded

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status