Share

Anastasia is Dead
Anastasia is Dead
Penulis: luna_blaire

Prologue

Penulis: luna_blaire
last update Terakhir Diperbarui: 2021-10-04 11:26:13

Kasalukuyan kaming nasa Grey's Cave–it's a study room specially made for Greyson. Ito ang nagsisilbi naming tambayan pagkatapos kumain. 

Gaya ng nakagawian ay kaniya kaniya na kami ng pinagkaka-abalahan. Sina Tori at Grey ay abala sa pag p-pda, si Lucas naman ay nanonood ng music video ng kaniyang grupo, at si Shantel na hindi mapakali sa cellphone niya. Ako naman ay abala sa pagbabasa ng paborito kong libro.

"What the fuck?!" 

Napatalon kami sa biglang pagtili ni Shantel, para itong nakakita ng multo habang nakatingin sa screen ng cellphone niya.

Dali-daling inagaw ni Grey ang cellphone nito at nakita ko ang pagbilog ng kaniyang mga mata. Kaya naman out of curiousity ay nakisilip na rin ako. 

'AB PolSci 3A, Class of Lies.'

Iyon ang caption ng post sa aming group page, tapos sa baba ay mayroong dalawang larawan.

A fake beauty queen.

Iyon ang caption sa picture ni Shantel noong nanalo siya as Miss Quezon City.

A cheater.

Sa taas noon ay ang picture ni Grey, na may kahalikang babae. Hindi ko alam kung sino iyong babae, pero sigurado akong hindi si Tori 'yun.

Walang salita na naglakad palabas si Greyson, at para naman kaming mga magnet na nagsinuran dito. 

Pagkapasok namin sa room ay alam na agad ng mga kaklase namin ang kanilang gagawin. What happens here, must stay here. Hindi pwedeng masira ang perpektong imahe ng section namin.

Naabutan naming nakadukmo sa armchair niya si Sia, nakasuot pa ito ng earphone at mukhang nag eenjoy sa pakikinig ng music. Kaya naman ganoon na lang ang gulat ko noong kaladkarin siya patayo ni Greyson.

"I already warned you, Sia." Bakas ang galit sa mga mata ni Grey na matapang namang sinasalubong ni Sia.

"You freak! Why don't you just leave us alone. Why don't you just die?!" tili ni Shantel sabay sabunot kay Sia

Mabilis ko naman itong inawat at inilayo kay Sia na ngayon ay nakalitaw na naman ang mga mapanuksong ngisi.

Inayos nito ang sarili saka hinarap si Shantel. "Kasalanan ko bang pati sa pageant mandaraya ka? Kasalanan ko bang hindi mo kayang manalo kung hindi ka mandadaya kasi nga talentless ka?" Humalakhak pa ito kaya naman mas lalong nag alburuto si Shantel.

"Bitawan mo 'ko Blaise, I will kill that freak!" Nagpupumiglas pa ito pero hindi ko siya hinayaang makawala sa kamay ko.

"At ikaw naman Greyson. . ." Muling umalingawngaw ang paghalakhak nito. ". .hindi ba't ikaw ang humalik sa akin? Kaya bakit parang kasalanan ko?" panunuya pa nito saka bumaling kay Tori at napailing

"You can't fool me. Malandi ka!" Walang pag aalinlangan nitong sinugod si Sia at sinabunotan.

Maging ang kanina pang nagpupumiglas na si Shantel ay nakitulong din sa pagsabunot dito. 

"Ano bang ginagawa niyo? Awatin niyo sila?" baling ko sa mga kaklase ko habang pilit inaawat ang dalawa

Ngunit wala ni isa sa kanila ang tumulong sa akin. Akala mo ay hindi nila nakikita ang nangyayari.

"Lucas?!" baling ko pa rito pero nakatitig lang ito sa tatlo ng walang emosyon

"Shantel, Tori, please tama na." pagmamakaawa ko habang pilit kong itinatago sa likod ko si Sia

"Wag kang makialam dito, Blaise. Baka ikaw ang sabunotan ko!" banta ni Shantel

Akmang susugod ulit ang dalawa noong itaob ni Sia ang teacher's desk, dahilan para mapaatras sila.

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako ang may gawa nito! Isipin niyo kung anong gusto niyo, wala na akong pakialam." humahangos pa ito na tinapunan ng tingin ang dalawa, saka nagmartsa palabas ng room

"That freak, I will kill her." Napasabunot pa sa inis si Shantel. "At ikaw, bakit mo ba kami pinipigilan ha? Kampi ka ba sa freak na iyon?" baling nito sa akin

"Wala akong kinakampihan sa inyo. Sadyang hindi lang tama na saktan niyo siya. Ako ng bahala, kakausapin ko siya." 

"Do what you need to do." baling sa akin ni Tori

Tumango na lang ako at sinundan sa labas si Sia. Hinanap ko ito sa mga lugar na pwede niyang puntahan pero wala ito, marahil ay umuwi na. 

Sa huli ay bumalik na lang ako sa room, mamayang uwian ko na lang siyang kakausapin.

Kinabukasan. . .

Maaga akong pumasok, hindi ko kasi nakausap kahapon si Sia. 

Unti unti nang nagsidatingan ang mga kaklase ko, maging sina Shantel ay dumating na rin pero wala paring Sia na pumapasok. 

Unti unti na akong tinatamaan ng kaba, hindi kasi nito ugali ang mahuli sa klase. Palagi itong maaga kaysa sa amin.

"Mukhang natakot ng pumasok ang freak." nakangising si Shantel

Napa-buntong hininga na lang ako at matamang naghintay. 

"Guys! Guys! Guys!" Humahangos pa si Keily noong dumating ito. "I have a shocking news." 

"Is it about that freak?" curious na tanong ni Shantel

Mabilis naman itong tumango na mas lalong nagpakaba sa akin. Lahat kami ay nag aabang sa sasabihin nito. Ano nga bang nangyari kay Sia?

"Anastasia is dead." 

Para akong nabingi sa sinabi ni Keily. Paanong. . .

"What?!" sigaw pa ni Tori

"I repeat, that freak Sia. . .is dead. Dead." ulit pa ni Keily

Napuno ng katahimikan ang silid na iyon, lahat kami ay di makapaniwala. Paanong patay na si Sia?

"Well, that's great!" ani Shantel at pumalakpak pa, "We should celebrate." 

Napabaling ako dito? Puno ng pagtataka, sa kung paano niyang nasasabi ang ganoon.

Tumayo naman si Tori. "Shantel's right. Sagot ko na ang party." 

Dinaluhan pa siya ni Shantel at maging ang mga kaklase namin ay nakisali sa kanilang pagsasaya. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. 

Nanghihina ang mga tuhod ko sa bawat pagpalakpak at pagtawa nila.

Paano nila nagagawang magsaya sa pagkamatay ni Sia. 

At ang pinaka-malaking tanong sa isip ko ay, bakit at paano biglang namatay si Sia?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Anastasia is Dead   Special Chapter

    Tori"Hurry up! Baka mamaya nandiyan lang sa paligid si Grey." sigaw ko kay Blaise. Napakabagal kasi nitong maglakad."Teka, hindi ka ba nagpaalam kay Greyson?" tanong niya noong makasakay na"Stupid! Bakit ako magpapaalam e magkaaway nga kami. Wala talaga 'tong alam sa lovelife." Napairap pa ako rito.Natawa naman siya sa sinabi ko. "Atleast di katulad ni Shantel na naghahabol sa lalaking di siya gusto." depensa nito"Sabagay. Poor,girl–""Hoy mga bwisit, naririnig ko kayo!"Nagkatinginan pa kami ni Blaise, nakalimutan kong naka-on call nga pala kami nito."Ibang Shantel iyon. " tugon koNapahalakhak pa kami ni Blaise noong marinig ang pagmumura sa kabilang linya. Sorry Shant

  • Anastasia is Dead   Epilogue

    "Sia, sigurado ka na ba talaga sa gagawin mong 'to?" tanong ni Mr. Nam "Oo naman. Ayoko kaya ng hindi ako nananalo. Wag kang papapalpak ah." Nilakihan ko pa ito ng mata. Napailing pa ito. "Sus, sisiw na sa akin ito." aniya sabay pakita ng syringe, "Ito pala, magagamit mo 'to." "Luh? Ano iyan? Gusto mo ba talaga akong maging murderer?" Natawa ito at siya na ang naglagay ng baril sa kamay mo. "It was just a replica." Napahinga naman ako ng maluwag. Kala ko, gusto niya na akong maging murderer. "Tatawagan na lang kita kapag handa na ang lahat." sabi niya "Salamat." tugon ko saka ngumiti Noong tuluyang mapag isa ay doon ko muling ginunita ang nangyari noong gabing iyon. I was so terrified. Hindi ko inakalang magagawa sa akin ni Blaise ang ganoon. Hinigitan niya ang ekspektasyon ko

  • Anastasia is Dead   Chapter Fifteen

    Sia Five. Four. Three. Two. One. "You're awake my dear, Meree Blaise." Nakangiting bungad ko. Pupungas pungas pa ito sabay kusot sa mata noong masilayan ako. "S-Sia?" "Why? Hindi mo ba inexpect na sasalubungin ka sa kabilang buhay ng taong pinatay mo?" Napahawak pa siya sa ulo niya saka, iginala ang mga mata sa paligid. Noong magbalik ang tingin niya sa akin ay bakas ang pagkalito nito. "K-Kabilang buhay? Patay na ba–" Napahalakhak ko sa kaniyang tanong. "Oh Blaise, I didn't expect you're that stupid. Sa tingin mo ba, pwedeng magsama ang killer at biktima niya sa kabilang buhay?"

  • Anastasia is Dead   Chapter Fourteen

    BlaiseSabi nila pag ang kasinungalingan pauli ulit mong sinabi sa sarili mo, ito na ang paniniwalaan mong katotohanan.Noong gabing iyon, nasa restaurant ako para tumulong sa business namin.Hindi ako nagtungo kay Sia.Hindi ko pinatay si Sia.". . .Blaise, it was you who killed ,Sia."Sinampal ako ng katotohanan at gumuho ang katotohanang binuo ko sa isip ko. Hindi, hindi puwede 'to.Noong mabawi ang katinuan ay agad kong sinundan si Shantel, hinila ko ito patungo sa lugar na walang makakarinig sa amin."Anong kalokohan ang sinasabi mo?!"Sumilay ang mga ngisi niya. "Kung kalokohan ang sinabi ko, bakit ka nag atubiling hilain ako patungo rito? C'mon wag na tayong maglokohan. . . tayong

  • Anastasia is Dead   Chapter Thirteen

    ShantelNight of Sia's death . .How dare she try to ruined us, matapos niya kaming isumbong noong midterm exam ay ito namang paninira sa social media ang next step niya.That freak, ano bang mapapala niya sa paninira sa amin?Bakit niya kami kailangan isumbong sa ginagawa naming pandadaya, kung isa naman siyang genius? For fairness? Fvck! Sia, doesn't care about that shit.Why would she complicate things? Matapos namin siyang tanggapin sa squad, ito ang isusukli niya? Ugh! She's freak.I tried to clear my mind. Anastasia Dawson, sisiguraduhin kong magiging impyerno ang bawat araw ng pagpasok mo sa University.Inihanda ko na ang sarili ko sa pagtulog, lalo at na-eexcite na akong pagdiskitahan si Sia bukas. Humand

  • Anastasia is Dead   Chapter Twelve

    BlaiseUnti-unti ng nagkakalinaw ang lahat, kahit papaano ay alam na namin ang dapat naming tunguhin para mahanap ang katotohanan sa pagkamatay ni Sia. Kaunti na lang. . ."Guys, listen. ." Pagkuha ni Tori sa atensiyon ng lahat sa room namin. "We will no longer give you, blessings." That is how they called the answers of exams.Agad namang namuo ang bulong-bulongan."Why? C'mon we're doing it for so long. Why would we stop it now?" protesta ni Cheska"Yeah. May problema ba? Did someone betrayed us?" dagdag pa ni Bea"Wala. Let's just be better, lawfam. Please." kalmadong sabi nito na may halong pakikiusapWalang nakapag salita sa amin. Well, ibang bagay siguro talaga pag gumamit na ng word na please, ang isang Victoria Zamora. It sound

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status