Panay ang pabaling-baling ni Andrew sa dalagang nakabukas ang bibig habang mahimbing na natutulog. Sakay sila ng kotse papunta sa Pangasinan. Naiinis siya sapagkat tinulugan siya nito kaya wala siyang makausap ngayon. Pakiramdam niya tuloy ay napanis na ang laway niya. Hindi niya napigilan ang sarili at napapairap siya sa hangin habang nagkandahaba-haba pa ang nguso.Napabulong na rin siya at bakas sa tono ng pananalita ang pagkainis."Wala man lang makausap! Mabuti pa ang iba diyan ang sarap ng tulog, samantalang ako? Panis na ang laway ko!" Panay ang irap niya sa hangin. Pero matutuluyan na lang yata lahat-lahat ang mga mata niya sa pagtirik ay walang pakialam ang dalaga. Hanggang sa bigla na lamang niya itinigil ang kotse sa isang tabi dahilan upang mapasubsob ang dalaga sa unahan. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat, hawak-hawak rin nito ang sariling dibdib."Anong nangyari?!" tila wala pa sa sarili na tanong nito sabay tingin sa kaniya.Napangisi si Andrew. Nagdiriwang ang isipan niya sa tuwa. Pigil niya ang sarili na hindi matawa sa reaksyon ng dalaga. Para itong nakakita ng multo sa anyo nito ngayon."Nothing happen. May pusa lang na natutulog sa daan kaya itinigil ko muna ang kotse at baka masagasaan ko siya." Pagsisinungaling niya. Nais niyang palakpakan ang sarili dahil nakuha pa niyang maging kalmado sa tingin nito samantalang ang kaluluwa niya ay panandaliang umalis sa katawan niya para humalakhak sa isang tabi."Ganoon ba, Sir? Naku, mabuti po at nakita mo kaagad." komento nito.Napabulong si Andrew sa isipan niya.Hindi ko alam na madali pala siyang mauto.Lalo siyang napangisi. Binalingan niya ang dalaga. Namumula ang mukha nito at namumungay pa ang mga mata. Halata rin na naputol ang masarap na pagtulog nito dahil sa namumulang mga mata. Nakaramdam tuloy siya ng konsensya, pero hindi niya pinagsisihan ang ginawa."Let's go, and don't sleep while I'm driving. Baka makatulog rin ako. Kailangan ko ng makakausap habang nagmamaneho kaya kausapin mo ako." wika niya. "Sige po, Sir. Pero ano naman po ang pag-uusapan natin?" Binuhay niya muna ang makina at minaneho ang kotse bago sinagot ang dalaga."Anything. Ikaw ang bahala. Basta kausapin mo lang ako para hindi ako antokin,"Sus, Andrew. Antokin ka riyan, gusto mo lang magpapansin e! Hiyaw ng isipan niya sa kaniya. Binalingan niya ang dalaga. Napangiti siya nang makita na tila malalim itong nag-iisip. Marahil pinagiisipan nito ang itatanong sa kaniya. Umandar na naman ang kalokohan niya. Humikab siya ng malakas para kunwari ay inaantok na siya."Huwag ka pong antokin, Sir, at baka hindi tayo makarating sa Pangasinan." ani nito."That's why I told you to talk to me." saad niya na pinapaantok pa ang tono ng pananalita.Napaisip naman si Akie ng itatanong nito sa amo."Ano po ang pakiramdam na mayaman ka? Na nakukuha mo ang mga bagay na gusto mo?"Wala namang pag-aatubiling sinagot niya ang katanongan ng dalaga."Cool. Dahil hindi mo na kailangan pang mamalimos sa iba para lang makuha ang gusto mo. I can buy the things I want. I can help others too." saad niya sa dalaga sabay baling rito. He saw amusement in her eyes."Pero hindi rin lahat ng gusto ko ay nakukuha ko gamit ang kapangyarihan ng pera." Ibinaling niya muli ang tingin sa kalsada matapos iyong idugtong."Katulad po ng ano, Sir?"Malungkot siyang napabuntonghininga. Naalala niya ang ina. Kung kaya lang ng pera na magpabuhay ng patay ay matagal na niyang isinuko ang lahat ng yaman niya para lang buhayin ang nanay niya. But he knows that it is impossible to happen. Ano man ang yaman mo sa mundo ay hindi mo iyon magagamit para buhayin ang patay na. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa nangyari sa ina. Alam niyang hindi na maibabalik pa ang lahat at kailangan niyang harapin ang kung ano mang kasalukuyan."My mom..." malungkot na saad niya."Nariyan pa naman po sina Ma'am Beth at Sir Daniel, Sir. Mahal ka po nila." komento ng dalaga. Napangiti siya nang marinig ang pangalan ng dalawang matanda. Sa maikling panahon na nakasama niya ang mga ito ay isa lamang ang sigurado niya. Mahal nga siya ng dalawa. Pero nasa stage pa rin siya ng pagtatanggap. Hindi naman mahirap sa kaniya na mahalin ang Pamilyang Greyson, pero unti-unti niya palang sinasanay ang sarili. May pagkakataon na naiilang pa rin siya sa Ginang pero alam niyang darating ang araw na masasanay na siya rito."I know and I'm thankful dahil malugod nila akong tinanggap sa pamilya nila kahit na anak lamang ako sa labas." senserong pahayag niya. Sa kabila ng nagawa niya sa kapatid na si Damien at sa mga mahal nito ay pinatawad pa rin siya. At hindi lamang iyon, dahil tinulungan rin siyang mamulat sa katotohanan, na walang maidudulot ang paghihigante."Sir, ano po ang pakiramdam na ang dating asawa mo ay kuya na ang tawag sayo ngayon?" Napangiwi pa siya sabay baling sa dalaga. "Sorry po, Sir, iyon ang naisipan kong itanong sayo e." napapakamot sa ulo na sambit pa nito.Si Trina ang tinutukoy nito. Well, wala naman siyang nararamdaman. It seems normal for him. Mas okay pa nga iyon sa pandinig niya kaysa tawagin lang siyang 'Andrew' ng dalaga.Kumibit-balikat siya. "Nothing's wrong. I felt so special because she's calling me kuya.And why you asked?" aniya rito.Ang dalaga ay pinagkatitigan siya sa mga mata at tila atat na atat ito sa itatanong sa kaniya. Samantalang nirarambol naman ang puso niya dahil sa lakas ng tibok niyon habang pinagkatitigan siya ng dalaga."Eh, 'di ba po kapag mag-asawa ang dalawang tao ay nagtatalik rin sila? Ibig sabihin po, nagtatalik rin kayo---"Napapreno si Andrew at ang dalaga naman ay napasubsob sa unahan.Napapangiwi siyang binalingan si Akie."What the hell, Akie? Watch your mouth," Disgust was visible in his face's reaction. Sa tatlong taon nilang pagsasama ni Trina ay never niya itong ginalaw. Why? Dahil kay Damien at lalong hindi niya gawaing maniping sa babaeng hindi niya gustong makasiping. Trina is beautiful, hot and sexy. Pero hindi niya ito gusto at lalo't hindi rin siya nito gusto. Para lamang niyang kapatid si Trina. Para siyang kuya na pinaghihigpitan ang nakakabatang kapatid na huwag makipagkita sa nobyo nito. Masasabi pa niyang nagkagusto siya kay Jenny nang makilala niya ito noon kumpara kay Trina na para lamang niyang kapatid."Totoo naman po, Sir, ah. Bakit wala po bang nangyari sa inyo ni Ma'am Trina?" ungot pa ng dalaga."At bakit gusto mong malaman ha? Alam mo bang personal na iyang tinatanong mo? At alam mo bang kapag narito ang kapatid kong ubod ng seloso ay baka nasakal na ako dahil sa tanong mo na iyan?" Napangiwi ang dalaga sa tinuran niya, kapagkuwan ay nag-peace sign ito."Curious lang po ako, Sir, kaya natanong ko." Napailing-iling si Andrew. Matabil lang talaga ang dila ng dalaga."Ako naman ang magtatanong sayo ngayon, Akie." sambit niya. Binuhay niya muli ang makina at minaneho ang kotse."Ano po iyon, Sir?"Sinulyapan niya ang dalaga bago magsalita."Matagal na ba kayo ng nobyo mo?" diniinan pa niya ang salitang nobyo.Mabilis namang tumango ang dalaga na siyang ikinasimangot ng mukha niya."Opo. Siya po ang kauna-unahan kong naging nobyo, at siya na rin po ang aasawahin ko."Wala sa sarili na nahampas niya ang manibela. Nagulat naman ang dalaga sa inakto niya. Lalong hindi na mapinta ang anyo niya sa narinig.Buwesit! Singhal ng isipan niya."Sa katunayan nga po ay pagbaba niya ng barko ay magpapakasal na kami--""Bullshit!" inis niyang sabi."Bakit po, Sir? Galit ka po ba?" anang dalaga na puno ng pagtataka."Hindi ako galit! Tuwang-tuwa nga ako eh!" pamimilosopo niya. Pumeke pa siya ng ngiti. "Saan mo ba nakilala ang letse–nobyo mo? Baka mamaya lokohin ka lang niyan," saad niya. Puwede na nga sigurong akyatan ng langgam ang nguso niya sa pagkataas niyon."Kababata ko po siya, Sir. Mabait po iyon at kilalang-kilala ko ang ugali niya kaya sigurado ako na hindi niya ako lolokohin." Lalong nainis ang kalooban niya dahil halata ang saya sa mga mata ng dalaga habang sinasabi nito iyon.Pero hindi siya magpapatalo. Gagawa siya ng bagay na ikakasira ng imahe ng nobyo nito sa isipan ng dalaga."At paano ka nakakasiguro, Akie, huh? Walang sino man sa atin ang nakakasiguro sa nilalaman ng isipan ng kapwa natin. Anong malay mo kung sa bawat pagdaong ng barkong sinasakyan niya ay iba't ibang babae ang nakikilala niya? Alalahanin mo, lalaki siya at malaki ang posibilidad na magkakagusto siya sa iba lalo't malayo kayo sa isa't isa." wika niya.Natigilan ang dalaga sa sinabi niya samantalang nagdiwang naman ang kalooban niya dahil tila tinamaan ito sa sinabi niya."H-Hindi naman siguro, Sir..." malungkot na saad nitoNapangisi pa siya lalo."Hindi ka sigurado, right? Dahil malaki nga ang posibilidad na mahulog siya sa iba. Katulad mo, hindi mo masasabi na siya na nga ang makakatuluyan mo dahil baka bigla ka nalang mainlove sa iba." ungot pa niya.Napasulyap sa kaniya ang dalaga at sumeryuso rin ang itsura nito."Hindi iyon mangyayari, Sir."Mapakla siyang natawa. "Oh, really? Kahit sa akin hindi ka maiinlove?" sambit niya habang sa daan nakatingin. Mula sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang binalingan siya ng dalaga. Napangiti siya.Malayong mangyari na hindi mo magugustuhan ang katulad ko Akie. I am more handsome than your boyfriend. Bulong niya sa isipan. Ngunit napawi ang pagngisi niya nang magsalita si Akie."Hindi kita gusto, Sir. At hindi iyon mangyayari kailanman."Hindi siya nakasagot.Parang may bagay na tumusok sa puso niya. Napa-igting ang mga panga niya at napahigpit ang hawak sa manibela. Kapagkuwan ay pinatakbo ng mabilis ang kotse dahilan para muling mapasubsob ang dalaga.
Panay ang tingin ni Carla sa isang gwapong lalaki na kakapasok lang sa loob ng bar na pinagtatrabahuhan niya. Matikas ang pangangatawan nito, matangkad at sobrang guwapo. Alam niya rin na mayaman ito. Pero wala siyang pakialam sa kung ano man ang estado nito sa buhay—kung mayanan ito o mahirap, basta ang alam niya, crush niya ito. Tinatawag niya ito kanina pa at tinatanong ng kung anu-ano pero hindi siya nito pinapansin."Kahit anakan mo na lang ako," pilyang bulong niya sa sarili. Ang ganitong klase ng lalaki ang gusto niyang maging tatay ng anak niya. Anak lang naman ang gusto niya. Wala siyang balak na guluhin ang buhay nito o ano pa man. Matagal na niyang gustong magkaroon ng anak pero wala siyang lalaki na napipili na bigyan ng kanyang pagka-birhen."Tangina, eh. Trenta na ako pero birhen pa rin. Hindi kaya ang kunat ko na? Por dios, ayaw kong mamatay na hindi nakakatikim ng malaking hotdog!" Napasampal siya sa noo sa naiisip.Tinawag siya ng amo nila kaya kaagad siyang napalap
Tuloy ang kasiyahan sa mansion Sebastian—sa venue kung saan naroon ang mga bisita. Naghagis na rin ng bouquet si Akie at sa lahat ng mga babaeng sumali ay si Suzette ang mapalad na nakasalo sa bouquet, syempre naghiyawan ang mga tao, at hindi lang iyon dahil mas malakas humiyaw at tumili si Suzette. Nang maghagis naman ng garter si Andrew, syempre hindi si Enton ang nakasalo dahil hindi naman ito sumali. Ibang bisitang lalaki ang nakasalo, pero dahil ipinanganak nga talagang pilya itong babaeng si Suzette, inagaw nito sa lalaki ang garter at pinilit iyon kay Enton."Kami ang susunod na ikakasal!" malakas na tili ni Suzette sabay na tumakbo papunta kay Enton na umakmang aatras nang napagtanto ang gagawin ng babae, pero huli na ang lahat dahil para ng tuko na lumambitin ang dalaga sa katawan nito."Oh, bebe, tayo na ang ikakasal!""Shut up! Umalis ka nga sa katawan ko!" pilit na pinaalis ni Enton ang dalaga sa katawan nito, pero para na yatang magnet ang babaeng dumikit sa katawan niya.
January 22, 2024 The Garden Wedding Sebastian's Mansion It was a wonderful and glorious day for a wedding. Ang paligid ay puno ng magagandang tanawin— sa hardin na pagdarausan ng kasal nina Andrew at Akie. It's simple yet breathtakingly beautiful. A venue that has a long and expansive table with a different kind of flowers on the top and side of it, at sa itaas ay mayroong ilang chandelier papunta sa pinakadulong bahagi ng lamesa na nakasabit sa luntiang halaman na sinet-up ng magaling na organizer. Mayroon na rin plate and glasses na nakahanda sa ibabaw niyon. Ang pahabang table ay sapat para sa bilang ng pamilya Greyson mula sa asawa hanggang sa mga anak. Sa kabilang banda naman ay may isa pang pahabang lamesa na para naman sa mga ninong, ninang at ilang bisita. Everything is ready. Lahat ay nasasabik na masaksihan ang pag-iisang dibdib nina Akie at Andrew. Naroon na silang lahat at nakahanda nang lumakad sa red carpet na nakalatag sa bermuda grass patungo sa altar. Mayroon din
TRUE love doesn't care about the past, it cares about the future. Tama nga naman na hindi na pagmamahal ang nararamdaman ng isang tao kung patuloy siyang bumabalik sa nakaraan, kundi galit siya o sadyang hindi maka move on. Patuloy na tumitingin ng maling nagawa o ginawa ng taong mahal o minahal nito kaya imbes na pagmamahal ang mararamdaman nito ay napapalitan na ng galit. When you say mahal mo ang isang tao, nandoon na lahat. You are willing to sacrifice everything for the people you loved, kahit pa masaktan ka. Ipaglalaban mo siya, ipagtatanggol sa lahat ng gustong manakit o sumira sa kaniya. Kung minsan pa nga'y ubos na ubos kapag tayo'y nagmahal. Iyon bang walang tinitira sa sarili dahil gusto lamang natin iparamdam kung gaano natin sila ka mahal. It doesn't care anymore, right? Dahil nga mahal natin ang taong iyon kaya handa tayong gawin ang lahat para sa kaniya. Iyon ang nagagawa ng love. Because love is powerful at kayang pabaliwin ang isang taong nagmamahal at kaya nitong ga
"NASAAN ang pasyente, Sir?"Salitang nagpakunot sa noo ni Andrew.Pasyente raw!Napabaling siya sa magkabilang gilid niya. Walang pasyente. Pero siya ang nakasakay sa stretcher at prenteng nakahiga. So ako ang pasyente?"Mr. Sebastian, mukhang wala yata kayo sa inyong huwisyo. This is a Delivery Room at tanging pinapapasok ko lang dito is 'yong babaeng manganganak na. So, hindi naman ikaw 'yong manganganak, syempre." Makahulugan siyang tiningnan ng Doctor ni Akie. "Where is your wife? Bakit ikaw ang nandito imbes na siya ang dapat?"Oh my fuck!Realizing his stupidity, napangiwi si Andrew at dali-daling bumangon at tila napapasong bumaba sa stretcher."M-my wife. . . Oh God what have I done! Iniwan ko siya sa bahay!" natataranta niyang sabi na napapakamot din sa kaniyang ulo. "I need to go back to my house!"Napatawa at napailing sa kaniya si Doc. Santos. Sa isip-isip ng Doctor ay nasobrahan sa pagkataranta ang binata kaya imbes na isakay ang asawa sa ambulance ay ito ang sumakay at
1 and ½ months later. . .Isa't kalahating linggo na ang lumipas matapos mangyari ang trahedya, pero pakiramdam ni Akie ay kahapon lang ito nangyari. Nailibing na ang bangkay ni Miguel Cortez sa L.A at si Jack ang nag-asikaso ng labi nito na dinala pa sa nasabing bansa. Humingi ng patawad sa kanila si Jack sa kung ano mang ginawa ni Cortez sa kanila. Si Jack ay pinatakas ni Enton matapos siyang bawiin ng binata rito. Hindi na rin sila nagsampa pa ng kaso kay Jack dahil sa kabila ng pagiging loyal nito kay Cortez ay nagawa pa siya nitong iligtas. Si Enton nama'y bumalik sa L.A at may mga importante itong aasikasuhin.Napatanaw sa kalangitan si Akie. May namuong luha sa gilid ng mga mata niya habang hinahaplos ang tiyan na may kalakihan na. Sa susunod na linggo ay kabuwanan na niya. Baka nga hindi na dumating ang due date niya't tuluyan na siyang manganak. Medyo nahihirapan na nga siyang gumalaw-galaw ngayon. Nag-i-exerise rin naman siya dahil iyon ang payo sa kaniya ng OB niya."Bakit