Share

Kabanata 2992

Author: Crazy Carriage
Gumagamit ng Curse Magic ang Chancellor. Gayunpaman, pagkatapos itong magpasalin-salin sa iba't ibang henerasyon, nagkaroon na ng maraming baryasyon ang Curse Magic ngayon. Ang Curse Magic na gamit niya ay ang Mind Control Art.

Ang Mind Control Art ay isang Curse Magic na may kakayahang kontrolin ang ibang mga buhay na nilalang. Nang gamitin niya ang Mind Control Art, nagsimulang magwala ang mga halimaw na nasa likod niya. Tila nakakaramdam ng matinding sakit ang mga halimaw na ito, puno ng paghihirap ang kanilang mga sigaw. Umalingawngaw sa kalangitan ang nakakabinging mga sigaw na puno ng paghihinagpis, na sumira sa madidilim na ulap at yumanig sa lupa.

“Sugod!”

Sumenyas ang Chancellor.

Pagkabigay niya ng kanyang utos, hindi mabilang ang mga halimaw na sumugod.

Nagbigay si James ng ilang katanungan sa Chancellor, na tumanggi naman siyang sagutin. Nang makita niyang pasugod sa kanila ang mga kalaban, iniutos niya na, “Pumasok kayo sa formation!”

Pagkabigay niya ng utos, apat
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2993

    Pinakalma ni James ang kanyang mga kalamnan at ikinuyom niya ang kanyang mga kamao. Nang maramdaman niya ang kapangyarihan sa loob ng kanyang katawan, hindi niya napigilang sabihin na, “Ito ba ang kapangyarihan na kayang higitan maging ang Divine Rank? Nakakatakot…”“James, salo!”Ihinagis ni Thea ang Crepe Myrtle Divine Sword papunta kay James, na nagawang saluhin ito. Habang hawak ang Divine Sword, nanginig si James. Pagkatapos, nagmula ang napakalakas na kulay lilang liwanag sa Divine Sword.“Napakalakas ng Divine Sword na ‘to!”Habang hawak ang Divine Sword, nararamdaman ni James ang napakalakas na kapangyarihan na nagmumula sa espada. Ngayon lamang siya nakakita ng ganito.Sa sandaling iyon, sumugod ang Martial Reverend patungo sa mga halimaw at inatake niya ang mga ito. Dahil isa siya sa mga pinuno, kaya niyang gamitin ang kaunting kapangyarihan ng hukbo ng apat na raang libong malalakas na mga cultivator. Sa tulong ng formation, para siyang isang diyos ng digmaan. Sumugod s

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2994

    Sa sandaling iyon, maging ang isang cultivator na kasing lakas ng Martial Reverend ay naguluhan. Noong sinira ni James ang Flowery Pattern Formation, alam niya na si James ay isang hindi kilalang makapangyarihang cultivator. Noong inamin ni James na hindi siya ganun kalakas at nasa Sage Rank pa lamang siya, natawa lamang ang Martial Reverend. Gayunpaman, matapos niyang makita na nahirapan si James na kontrolin ang kapangyarihan ng formation, pinili niyang maniwala sa mga sinabi ni James noon. Ngayon, pagkatapos niyang makitang gamitin ni James ang nakakatakot na sword technique, naguluhan siya.“Sino ba talaga siya? Ano ba talaga ang rank niya?”Sa sandaling iyon, sumugod na si James sa hukbo ng mga halimaw. Noong nasa Planet Galileo siya, nilabanan niya ang Heavenly Path Embodiments ng tatlumpung libong taon. Nagpamalas ng iba't ibang malalakas na mga sword technique ang mga Embodiment, at pinag-aralan niya ang mga ito at ihinalo niya ang mga ito sa kanyang First Swordsmanship. Ga

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2995

    Ngayon, inalis ni Thea ang Mind Control Art sa mga halimaw na ito at pinakawalan sila mula sa kontrol ng Chancellor. Pagkatapos niyang magmura, tumingin sa malayo ang Chanceller ng may seryosong ekspresyon. “Hmph, magpakasaya kayo hangga't kaya niyo! Sa oras na mamatay si James, walang makakatakas sa inyo.”Hindi nataranta ang Chanceller. Iyon ay dahil siya lang ang tanging nakakaalam ng daan palabas sa Cursed World. Isa pa, napakalakas ng Curse Power dito. Sa ganitong klaseng mundo, walang makakatalo sa kanya. Pagkatapos alisin ni Thea ang Mind Control Art sa ilang mga halimaw, pansamantalang huminto ang umaatikabong labanan. Ang lahat ng mga tingin ay nakapako kqy James at sa hukbo ng apat na raang libong malalakas na mga cultivator. Sa sandalong iyon, sumulpot si James sa harap ng Twelve Furies. Habang hawak ang Divine Sword, tumingin siya sa kanila at tinutok ang espada sa kanila. Lumipad sa ere ang napakalakas na Sword Energy, at sinabi niya ng may seryosong ekspresyon, “

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2996

    “Argh!”Umalingawngaw sa buong lugar ang nakakapangilabot na sigaw.Sa ilalim ng mapagmasid na mga mata ng nakararami, isang Grand Emperor na nasa Third Heaven ang naging abo. Walang natira maging sa Primordial Spirit niya. Nabigla ang lahat. Anong nangyari? Ganun lang kadaling namatay ang isang Grand Emperor na nasa Third Heaven? Sino ang taong ‘yun? Paano siya nagkaroon ng nakakatakot na kapangyarihan? Pagkatapos patayin ang Fury, nagtipon-tipon ang mga anino ni James upang buuhin ang orihinal niyang katawan. Habang hawak ang Divine Sword, tumingin siya sa natitirang labing isang Fury ng may malamig na ekspresyon sa kanyang mukha, at sinabi niya ng nakangisi, “Curse Magic, huh? Hayaan niyong ipakita ko sa inyo ang tunay na Curse Magic.”Bagama't Confinement at Reincarnation lang ang alam ni James, gusto niyang makita ang tunay na kapangyarihan ni James. Itinabi niya ang Divine Sword, tumayo siya sa ere at gumamit ng Curse Magic. Sa sandaling iyon, ang mga itim na karakter sa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2997

    Humalakhak ng malakas ang Chancellor. Walang makakatalo sa kanya sa mundong ito. Walang kayang lumaban sa kanya.Sa sandaling iyon, nagmamadaling sumulpot si Thea sa tabi ni James. Dahil naapektuhan siya ng Curse Power, namutla at naglabasan ang mga berdeng ugat sa kanyang mukha.“Kailangan mong mag-isip ng paraan, James! Hindi na makakatagal pa ang hukboi ng apat na raan-libong-malakas na mga cultivator. Kapag nasira ang formation, katapusan na nating lahat."Ang nagmamadali niyang sinabi.Malagim ang ekspresyon ng mukha ni James.Tumingin siya sa Chancellor sa di kalayuan, na binalot ng napakalakas na Curse Power. Hindi lamang iyon, hindi tumigil sa pagtitipon ang Curse Power, at ang Chancellor ay lalong lumalakas. Kapag patuloy na tumaas ang kanyang aura, hindi magtatagal ay magagawa niyang sirain ang Nine Heavens God-Annihilating Formation nang walang kahirap-hirap.Ang tanging paraan ay ang pigilan siya sa paggamit ng Curse Power ng mundo.Subalit, paano?Biglang nagkaroon

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2998

    Hinigop ng Jade Seal ang lahat ng Curse Power ng mundong ito, kabilang na ang Curse Power sa katawan ng Chancellor at lahat ng nabubuhay na nilalang. Ang lakas ng Curse Power na ito ay lumampas sa pang unawa ni James sa kapangyarihang ito. Sa pagpasok ng Curse Power sa kanyang katawan, walang awa nitong sinira ang kanyang katawan.Sa sandaling iyon, ang kanyang Demonic Body ay naging aktibo. Ang Demonic Energy sa loob ng kanyang katawan ay umikot, agad nitong pinagaling ang kanyang sugatang katawan. Samantala, hiniram naman ni James ang kapangyarihan ng hukbo ng apat na raang libong malalakas na mga cultivator upang pigilan ang Curse Power. Bagama't ginamit ng Martial Reverend at Thea ang bahagi ng kapangyarihang ito, sapat na ang natitirang kapangyarihang ito upang mapigilan ni James ang Curse Power na pumasok sa kanyang katawan. Sa ngayon, naayos na niya ang sitwasyon. Ngayon, kailangan na lang niyang maghintay na mahigop ang lahat ng Curse Power ng mundong ito para manalo sa laban.

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2999

    Ang Blood Essence ay hinigop ng misteryosong Resurrection Formation. Sa sandaling iyon, nawalan ng pag-asa ang lahat.“Katapusan na natin.”“Talaga bang mamamatay na tayo dito?”“Lalaban tayo hanggang sa huli upang tapusin ang demonyong ‘yun!”Marami ang sumigaw sa galit.Sa mahalagang sandaling iyon, sinunog nila ang kanilang mga kaluluwa at nakakuha ng napakalakas na kapangyarihan bago sila nagsimulang umatake. Gayunpaman, ang Curse Power ng mundong ito ay sobrang nakakatakot. Ang Chancellor na nakakuha sa kapangyarihan ng mundong ito ay nasa Ninth Heaven na ng Grand Emperor Rank. Bilang kauna-unahang nilalang na nakaabot sa Ninth Heaven ng Grand Emperor Rank sa Boundless Realm, wala nang makakatalo sa kanya.“Hahaha, mamatay na kayong lahat!”Humalakhak ang Chancellor.Nagpatuloy ang labanan.Walang sinuman ang sumuko, pinakita nila na gusto nilang mamatay ng marangal.Nasa gitna ng isang matinding labanan sila Thea at Xainte.Sa sandaling iyon, si James ay nakahiga sa is

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3000

    Masyadong makapangyarihan ang Chancellor. Hinigop niya ang kabuuan ng Curse Power ng mundong ito at naabot niya ang Ninth Heaven ng Grand Emperor Rank. Syempre, medyo nagmamalabis ang mga sinabi ni Jabari. Gayunpaman, ito ay katibayan ng lakas ng Chancellor. Sinusubukan lang niyang paalalahanan si James na mag-ingat.Nakatayo si James sa isang bato sa isang tumpok ng mga bato sa ibaba niya. Isang matinding labanan ang sumiklab doon. Milyun-milyong buhay na nilalang ang nakipaglaban sa isa't isa, at yumanig ang langit at lupa.“Hahaha! Mamatay kayong lahat!"Ganap na naging isang demonyo ang Chancellor. Kahit na nagsasanay siya ng Curse Magic, halos imposible para sa kanya na kontrolin ang ganito kalakas na kapangyarihan. Pumangit ang ekspresyon ng kanyang mukha, at lumabo ang kanyang isipan. Isa lang ang nasa isip niya—lipulin ang lahat ng may buhay sa mundong ito at buhayin ang makapangyarihang nilalang.Hindi umupo ng matagal si James. Habang nag-iisip siya, pinagana niya ang Jad

Latest chapter

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4149

    Alam na alam ng lahat ang background ni Wynnstan. Siya ay isang napaka prestihiyosong powerhouse mula sa Doom Race at may napakalaking lakas. Sa kabila noon, napakadali niyang naalis. Hindi lamang nawasak ang kanyang pisikal na katawan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi rin nakaligtas sa pagpatay.Matapos masaksihan ang pagkamatay ni Wynnstan, ang mga nakapaligid na nilalang ay natakot. Kahit ang mga gustong pumatay kay James ay natakot sa kanyang lakas.Napaatras ang lahat kay James."Anong uri ng apoy ang mga iyon? Bakit napakalakas ng mga ito?""Hindi ko pa nakita o nabasa ang tungkol dito dati.""Napakahusay niyang itinago ang kanyang lakas.""Sa palagay ko hindi niya ito itinatago. Dapat ay nakuha niya ito sa Palace of Compassion."…Matapos patayin ni James si Wynnstan, isang powerhouse ng Doom Race, ang lahat ay lubos na natangay. Hindi makapaniwala ang lahat ng naroroon, ngunit nasaksihan nila ito ng kanilang mga mata.Inalis ni James ang Ignis, at huminga ng malali

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4148

    Ipinagmamalaki ni James ang pambihirang lakas. Alam ni Wynnstan na kung ang mga banta ni James ay tinakot ang mga nilalang na ito, magiging mahirap na patayin siya nang walang sama samang lakas ng lahat. Ang tanging paraan para patayin si James ay ang magkaisa sila.Pinagmasdan ni James ang mga nilalang na nanatili sa lugar. Sa pamamagitan ng paghihikayat ni Wynnstan, pinili ng maraming nilalang na huwag tumakas. Sumang ayon sila kay Wynnstan. Kung hindi nila pinatay si James ngayon at pinayagan siyang gumaling, sa huli ay papatayin niya silang lahat.Isang nilalang ang sumigaw, "Sabay sabay nating salakayin at patayin siya."Maraming nilalang ang agad na naglabas ng kanilang mga sandata.Tumingin si James sa kanila at mahinahong sinabi, “Malamang na hinihiling ninyong lahat na mamatay.”Dumadagundong ang mga simpleng salita niya. Ang kanyang boses ay nagpasabog ng ilang mga nilalang na may mas mahinang cultivation base, at sila ay natigilan sa takot."Sa tingin ko mas lumakas si

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4147

    Nagpasya si James na umalis sa Palace of Compassion at pumunta sa Planet Desolation upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon bago gumawa ng anumang karagdagang mga plano.May ilang oras pa bago ang mapagpasyang labanan, kaya hindi niya kailangang magmadali sa kanyang paglilinang. Siya ay magiging sapat na malakas upang talunin ang lahat hangga't maaari niyang maabot ang Quasi Acme Rank at linangin ang Tatlong Pagbabagong Apoy ng Flame Art.Itinabi ni James ang Ignis at iniunat ang kanyang katawan, na naging tugon nito.Ang pagsipsip at pagpino ng Ignis ay epektibong nagpainit sa kanyang katawan. Kaya, ang kanyang pisikal na lakas ay mas matatag kaysa dati. Gayunpaman, hindi pa nito naaabot ang huling stage ng Quasi Acme Rank, ngunit sa kabutihang palad ay hindi siya nalalayo rito. Malamang na maabot niya ito sa lalong madaling panahon kung nakakuha siya ng ilang higit pang mga kayamanan.Matapos masipsip at pinuhin ang Ignis, pinili ni James na huminto sa paglilinang at naghanda na

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4146

    Malaking bahagi ng Ignis ang pumasok sa bibig, ilong at pores ni James.Bagama't naubos na ni James ang Frost Pill, sinunog pa rin ng apoy ang kanyang katawan. Hindi nagtagal, natatakpan ng mga duguang sugat ang kanyang balat. Nasunog din ang kanyang mga laman loob at meridian.Maliban doon, wala itong ibang ginawang pinsala.Ang kapangyarihan ng Frost Pill ay nagpoprotekta sa kanya at ang kanyang pisikal na lakas ay sapat na malakas upang matiis ang mga pinsala. Bukod dito, mayroon din siyang karunungan sa Life Path. Kaya naman, mabilis siyang makaka recover sa kanyang mga sugat hangga't siya ay nabubuhay.Pinatatag ni James ang kanyang sarili at ginamit ang kapangyarihan ng Life Path upang gamutin ang kanyang mga sugat. Kasabay nito, ipinagpatuloy niya ang pagpino sa Ignis.Lumipas ang mga minuto.Sa isang kisapmata, lumipas ang isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Ang epekto ng Frost Pill ay halos nawala.Buti na lang at naubos na ni James ang halos lahat ng Ignis at kaunti

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4145

    Sa loob ng manwal ng Three Fire Transformations ng Flame Art, nakasaad na ang tagal ng epekto ng Frost Pill ay tumagal lamang ng humigit kumulang 1,000,000 taon. Kaya, kinailangan ni James na sumipsip at irefine ang Ignis sa loob ng panahong ito. Kung hindi, magiging imposible para sa kanya na irefine ang Ignis gamit ang kanyang kasalukuyang lakas kapag nawala ang epekto ng Frost Pill.Sa kasamaang palad, ang limitasyon sa oras ay ganap at hindi umaayon sa oras na ginugol sa totoong mundo. Kaya, ang epekto ng Frost Pill ay mawawala pa rin kahit na gumugol si James ng isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Lumapit si James sa Ignis at tumayo ng isang metro ang layo dito.Ang Ignis ay naglalagablab ng matindi at ang nakakapasong mga alon ng init ay nahuhugasan siya ng tuluy tuloy. Natunaw ng mataas na temperatura ang yelo sa kanyang katawan. Gayunpaman, ang kanyang katawan ay patuloy na nilagyan ng Cold Energy, na nakatulong sa kanya upang labanan ang init.Matapos inumin ang Frost Pi

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4144

    Umalis si Wotan sa Palace of Compassion.Tumayo si James sa bangin, pinagmasdan ang malalim na kalaliman sa unahan niya at nakita ang isang bola ng puting apoy sa ibaba. Ang apoy ay patuloy na kumikislap ng paiba iba at nagbabago ng mga hugis. Kasabay nito, nagbuga ito ng napakainit na init. Bilang karagdagan, ang bola ng apoy ay protektado ng isang formation. Kung hindi, mas mataas pa ang temperatura sa lugar.Kahit na sa kasalukuyang cultivation rank ni James, mahirap tiisin ang init. Nagsimula siyang pawisan ng husto at tumulo iyon sa kanyang damit.Nagsalubong ang mga kilay ni James. Alam niyang hindi magiging madali ang pag absorb ng Ignis. Kahit na nakuha niya ang Frost Pill, isa pa rin itong mahirap na gawain. Kung matagumpay niyang na absorb at napino ang kapangyarihan ng Ignis, matutupad niya ang mga kinakailangan para macultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art. Labis na tataas ang kanyang lakas kapag natutunan na niya ang Three Fire Transformations ng Flame Ar

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4143

    Si Wotan ay lubos na nagtitiwala sa kanyang sariling lakas. Gayunpaman, si James ay isang cultivator na may hindi masasabing potensyal. Siya ay isang tao at naabot na ang median ng Seventh Stage ng Omniscience Path. Bilang karagdagan, nakuha niya ang Three Fire Transformations ng Flame Art.Nabawasan ang kumpiyansa ni Wotan habang nakatayo sa harap ni James.Ngumisi si James at sinabing, "Hindi pa tayo nakakarating sa huling stage. Kung talagang mapawalang bisa ko ang formation sa paligid ng Planet Desolation, talagang gagawin ko ito at tutulungan kitang umalis."Ng marinig ito, gumaan ang loob ni Wotan. Malaki ang pananalig ni Wotan kay James at naniwala siya na sa kalaunan ay magiging isa siya sa mga pinakatanyag na cultivator sa Greater Realms kung mabubuhay siya.Kapag dumating ang oras na iyon, ang paniniil ng Ten Great Races ay magwawakas at ang mga tungkulin ay mababaligtad. Ang Human Race na nagdurusa sa lahat ng mga taon na ito ay muling babangon at magiging isa sa mga pan

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4142

    Inalis ni James ang sinaunang aklat, na iniwan si Wotan na bahagyang nabigo. Ang Three Fire Transformations ng Fire Art ay isang kahanga hangang Supernatural Art at ito ay pinagnanasaan maging ng mga Acmean. Gayunpaman, nagkaroon sila ni James ng naunang kasunduan, kaya hindi niya maipahayag ang kanyang mga pagtutol."Ang natitirang mga kayamanan ay magiging akin, kung gayon. Ayos ka ba dito?" Napatingin si Wotan kay James.Sumenyas si James na nagpalakas ng loob. "Lahat ng iba pa sa silid ng silid aklatan ay sayo."Ang Three Fire Transformation ng Flame Art ay ang pinaka mahusay na biyaya sa pinakamataas na palapag. Dahil nakuha na ni James ang pinakamagandang biyaya sa palasyo, wala siyang interes sa iba pang mga manual.Tumalikod si Wotan at bumaba. Maraming top-notch at mahuhusay na Supernatural Power manual ang inimbak sa ikawalong palapag, na lahat ay mahirap hanapin sa labas ng palasyo.Hindi sila tiningnan ni Wotan ng maayos at itinago na lamang ang lahat. Pumunta siya sa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4141

    "Ito ay akin."Nagsalita si James bago nagkaroon ng pagkakataon ang iba at sinabing, "Napagkasunduan na namin noon pa na may makukuha kaming bawat isa."Pagkatapos magsalita, humakbang pasulong si James at humarap sa bola ng liwanag. Isa itong sinaunang aklat na kumikinang sa puting liwanag. Lumapit si James at kinuha ang libro.Sa sandaling hinawakan niya ito, ang puting liwanag mula sa sinaunang libro ay biglang lumabo at nag iwan lamang ng isang ordinaryong librong sinaunang itsura. Sa pabalat ng sinaunang aklat ay ilang sinaunang kasulatan—Three Fire Transformations ng Fire Art. Bagama't medyo lipas na ang mga banal na kasulatan, nakilala ito ni James.Nakita ni Wotan, na kasama niya, ang libro sa kanyang kamay. Nakahinga siya ng maluwag matapos basahin ang sinaunang kasulatan sa pabalat. Ang ekspresyon ni Wotan ay nagpapahiwatig na tiyak na alam niya kung ano ang Three Fire Transformation ng Flame Art.Tumingin sa kanya si James at nagtanong, "Ano ang problema? May alam ka ba

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status