From Worthless Son-in-Law to Heir Supreme

From Worthless Son-in-Law to Heir Supreme

last update최신 업데이트 : 2026-05-20
작가:  Blue Jasmine연재 중
언어: Filipino
goodnovel16goodnovel
순위 평가에 충분하지 않습니다.
5챕터
190조회수
읽기
보관함에 추가

공유:  

보고서
개요
장르
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.

Tiniis ni Juancho ang lahat ng insulto ng pamilya Gokongwei, ngunit ngayong natapos na ang sampung taong sumpa, tapos na rin ang kanyang pagpapasensya. Hawak ang natatagong kapangyarihan at pambihirang galing sa medisina, babaguhin niya ang takbo ng Buenavista City para protektahan ang asawang si Mercedes, at pabagsakin ang lahat ng humamak sa kanya.

더 보기

1화

Chapter 1

"Juancho?!” Tarantang sigaw ni Gretchen saka mabilis na lumingon sa paligid. “Bakit pipi ang sumundo sa akin?" 

Kunotnoong sinalubong ni Gretchen si Juancho pagkalabas na pagkalabas nito sa gate ng St. Augustine University. Kitang-kita ang pandiriri sa mga mata ng hipag niya habang balisa itong lumingon-lingon sa paligid.

"Bilisan mo nga! Kapag nakita ako ng mga kaklase ko, ewan ko na lang kung anong mukha ko pa ang ihaharap ko sa kanila!" 

Hindi na hinintay ni Gretchen ang tugon ni Juancho. Humakbang na ito palayo nang mabilis.

Bahagyang pinagdikit ni Juancho ang kanyang mga labi bago tahimik na sumunod. 

Narito siya para sunduin si Gretchen dahil sa pakiusap ng kanyang asawa. Kadalasan ay si Mercedes ang gumagawa nito, ngunit nag-text ito kanina na marami pa itong kailangang asikasuhin sa kumpanya kaya siya muna ang pinapunta.

Papunta na sana sila sa sasakyan nang biglang may tatlong magkakabarkadang babae ang humarang sa kanilang landas, nangingiti ang mga ito nang mapanuri.

"Oh my God! It’s Gretchen Gokongwei, the St. Augustine’s beauty queen!" kantiyaw ng isa.

Natigilan si Gretchen, at agad na namutla ang mukha nito bago mabilis na binalingan si Juancho ng matatalim na tingin. Halata ang matinding inis. Takot na takot siyang makita ng iba na kasama ang pipi niyang bayaw, ngunit huli na ang lahat. At ang mas malala pa, ang mortal niyang kaaway sa school ang nakakita sa kanila.

"Oh, it's you guys. Ano'ng kailangan niyo?" pilit ang ngiting tugon ni Gretchen, halatang nagpipigil lang.

"Wala naman, we’re just saying hello," parang ahas na ngumisi ang babaeng may mahabang buhok.

Dahan-dahang lumipat ang tingin ng babae kay Juancho. Nanlaki ang mga mata nito at exaggerated na napa-singhap. 

"Wait, Gretchen... hindi ba ito 'yung palamunin at pipi mong bayaw na isang taon nang nakikitira sa inyo? Bakit ka nagpapasundo sa kung sino-sino lang dito sa school natin?"

Namilog ang mga mata ni Gretchen sa labis na kahihiyan at galit. Nag-apoy ang kanyang mukha. 

"Ano'ng pakialam mo? Ang mabuting aso, hindi humaharang sa daan. Tabi!" Marahas niyang tinabig ang babae saka hinila si Juancho pasakay ng kotse, at padarag na isinarado ang pinto!

"Bilisan mo ngang mag-drive! Gusto mo ba talagang magmukha akong tanga roon?!" asik ni Gretchen habang nagngangalit ang mga ngipin.

Natigilan si Juancho nang ilang segundo bago tahimik na pinaandar ang sasakyan.

Mariing ipinikit ni Gretchen ang kanyang mga mata habang dinadamdam ang bahagyang tawanan ng mga babae sa labas na umaabot sa loob ng kotse. Mabilis ang pagbaba-taas ng kanyang dibdib sa galit.

"Hurry up!" sigaw muli ni Gretchen. "Napakabagal mo!"

"Hindi ko talaga alam kung ano'ng pumasok sa isip ni Ate! Pinakasalan ka na nga, wala ka pang trabaho. Isang taon ka nang umaasa sa kanya, tapos pipi ka pa!"

She crossed her arms. "Kung ako sa kaniya, nagpakamatay na ako!"

Ibinuhos ni Gretchen ang lahat ng frustrasyon niya, ngunit kahit anong hiyaw niya ay nanatili lang na walang kibo si Juancho habang nakatutok ang tingin sa kalsada.

Natawa na lang si Gretchen sa sariling frustration. "Sabagay, bakit ba ako nagagalit sa isang pipi? Mukha na akong tanga."

Lumingon na lang ito sa labas ng bintana, habang bakas pa rin sa bawat hininga ang poot.

Bahagyang kumislap ang mga mata ni Juancho.

Pipi.

Sampung taon na niyang naririnig ang bansag na 'yan.

Noong mawala ang kanyang mga magulang, nilapitan siya ng isang misteryosong matanda na may kakaibang kakayahan…. mga kakayahang hindi kayang abutin ng utak ng ordinaryong tao. Sinabi sa kanya ng matanda na kung gusto niyang mahanap ang mga magulang niya, kailangan niyang tiisin ang lahat ng pang-aalipusta at hirap.

Dahil sa labis na pighati noon, pumayag si Juancho nang walang pag-aalinlangan. Ipinasa sa kanya ng matanda ang lahat ng kaalaman nito bago ito tuluyang naglaho na parang bula.

Ngunit may kapalit ang lahat ng 'yon: ang hindi pagsasalita sa loob ng sampung taon.

Kung susubukan niyang magsalita bago matapos ang takdang panahon, hindi kakayanin ng kanyang katawan ang natatagong enerhiya at maaari niya itong ikamatay. Mukha mang kwentong pambata o pantasya, ngunit 'yon ang totoong dahilan kung bakit siya nanatiling tahimik sa mahabang panahon. Akala ng lahat ay napipi siya dahil sa labis na pag-iyak noong nawala ang mga magulang niya. Hindi nila alam ang katotohanang nakatago sa likod niyon.

Sampung taon siyang nagpanggap na pipi, sampung taon siyang tinapak-tapakan ng lahat.

Ngunit ang araw na ito... ang huling araw ng sampung taon na 'yon!

Humugot ng isang malalim na hininga si Juancho habang nararamdaman ang marahas na paggalaw ng enerhiya sa loob ng kanyang katawan. 

Simula sa araw na ito, tuluyan na niyang iwan ang bansag na pipi.

Hindi niya napigilang mapangiti sa ideyang iyon.

Mabilis na pumasok ang kotse sa mansyon ng mga Gokongwei. 

Pagkahinto na pagkahinto ng sasakyan ay agad na bumaba si Gretchen at patakbong pumasok sa loob. Habang naglalakad ito ay iwinagayway pa nito ang kamay sa harap ng kanyang ilong, na parang ang pananatili sa loob ng iisang sasakyan kasama si Juancho ay katumbas ng paglubog sa isang maruming estero.

Hindi na iyon pinansin ni Juancho. Ni-lock niya ang sasakyan at mabilis na tinahak ang hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Wala siyang pakialam kung saan man magsuot si Gretchen dahil mas lalo nang nagwawala ang enerhiya sa loob niya.

Sampung taon niyang tiniis ang lahat ng hirap. Hindi niya hahayaang masayang ang lahat sa huling sandali.

Pagsadlak niya sa loob ng kwarto, agad na nahagip ng kanyang paningin ang kalendaryong nasa ibabaw ng lamesa. Isang tipid na ngisi ang gumuhit sa kanyang mga labi habang hinahawakan ang panulat at marahas na binura ang huling numero sa kalendaryo.

Tapos na ang sampung taon ng pagtitiis.

Umupo siya nang de-kuwatro sa ibabaw ng kama, hinubad ang kanyang pang-itaas na damit, at pumikit. Humugot siya ng malalim na hininga upang kontrolin ang nag-uumapaw na enerhiya sa kanyang katawan para tuluyang wasakin ang harang na pumipigil sa kanya.

Habang abala si Juancho sa kanyang silid, pumasok naman sa mansyon si Teresita na siyang biyenan ni Juancho kasama ang isang binatang mayaman. Masayang nagtatawanan ang dalawa.

"Sana naman ay nagsabi ka agad na darating ka, Alfonso! Para naman nakapaghanda ako ng meryenda," nakangiting wika ni Teresita habang ginagabayan ang binata patungo sa sala. "Maupo ka muna, ikukuha kita ng juice."

Si Alfonso ay anak ng matalik na kaibigan ni Teresita. Gwapo, matangkad, at may mapang-akit na ngiti na tipikal sa isang edukado at marangyang lalaki.

"Tita, huwag na po kayong mag-abala. Kararating ko lang po kasi galing abroad kaya naisipan kong dumaan para bumati... at para na rin makita si Mercedes."

Si Alfonso na mismo ang kumuha sa takure ng kape para salinan ang kanyang tasa.

"Kung hindi lang po siguro ako napilitang mag-aral sa ibang bansa noon, baka kami na ang nagkatuluyan ng anak niyo," makahulugang biro ni Alfonso sabay ngiti nang matamis kay Teresita.

Bahagyang napawi ang ngiti ni Teresita. Pilit ang tawang pinakawalan niya para lang maitago ang biglang pagka-ilang.

Pinanood niyang lumaki si Alfonso. Kilala itong henyo sa bayan nila, at noon pa man, pangarap na niyang ito ang makatuluyan ng panganay niyang si Mercedes. Sino ba namang mag-aakala na ipagpipilitan ni Mercedes ang kasal sa piping lalaking iyon?

Kapag naiisip niya ang walang kwenta niyang manugang at ikinukumpara kay Alfonso na nasa harap niya ngayon, pakiramdam niya ay hindi man lang karapat-dapat si Juancho na magbitbit ng sapatos ng binata.

"Tita, I brought a gift specifically for Mercedes this time," nakangiting saad ni Alfonso bago sumandal sa sofa at lumingon sa paligid. "By the way, where's Mercedes?"

"Ah, nasa kumpanya pa siya at hindi pa nakakauwi," sagot ni Teresita.

Isang mabilis na pagkadismaya ang dumaan sa mga mata ni Alfonso bago muling nagtanong, "How about Mercedes's husband? I heard he's unemployed and staying at your home, right? Gusto ko sanang makilala kung sino ang lalaking nakakuha sa puso ni Mercedes."

Bahagyang umayos ng upo ang binata, tila mayabang na nagpapakitang-gilas. "It just so happens that the district head is visiting me these days. Pwede ko siyang tulungang makahanap ng trabaho."

Punong-puno ng kabutihang-loob ang mukha ni Alfonso habang nagsasalita, ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay umaapaw ang matinding pandiri para sa asawa ni Mercedes na hindi pa niya nakikita. Isang ganap na lalaki na umaasa lang sa asawa at may kapansanan pa? Mas mababa pa ang uri ng buhay nito sa isang aso.

Lalong naani ang inis sa dibdib ni Teresita dahil sa mga naririnig. Agad na nagtagpo ang kanyang mga kilay at marahas na sumigaw patungo sa ikalawang palapag. 

"May bisita tayo rito sa bahay! Hindi mo ba alam kung paano bumaba at bumati?!"

Ngunit nasa pinakakritikal na sandali si Juancho sa loob ng kwarto kaya wala siyang naririnig na kahit ano mula sa labas.

Sa halip na si Juancho, si Gretchen na nasa first floor ang nakarinig sa ingay. Lumabas ito ng kwarto at nang makita kung sino ang nasa sala, isang matinding pagkairita ang rumeshistro sa kanyang mga mata.

Bakit bumalik na naman ang langaw na 'to?

"Mom, I was packing my things at hindi ko napansing may dumating pala," paliwanag ni Gretchen kay Teresita habang naglalakad lapit sa kanila.

Nang makita si Gretchen, agad na nagtangkang tumayo si Alfonso para bumati, ngunit hindi siya binigyan ng pagkakataon ng dalaga. Dumiretso agad ito sa hagdan.

"Ako na ang magtatawag kay Juancho."

Ayaw ni Gretchen kay Juancho, ngunit mas doble ang pagka-ayaw niya kay Alfonso. Kung papipiliin siya sa pagitan ng langaw na hindi nakakapagsalita at sa langaw na walang tigil sa pag-ingay buong araw, mas pipiliin na niya ang una.

"Sabihin mo bumaba na siya rito ngayon din! Kailan pa siya naging ganyang kayabang? Hindi man lang marunong sumalubong ng bisita sa sarili nating bahay!" galit na utos ni Teresita habang nakatitig sa hagdanan, nag-aapoy ang mga mata.

"Tita Teresita, don't get upset. Sa pamilya niyo naman nagmula ang kasunduang iyon, at desidido si Mercedes na pakasalan si Juancho kaya wala na tayong magagawa," mapang-uyam na saad ni Alfonso, may halong patutsada sa naging desisyon ng matanda noon.

Para kay Teresita, parang sinabi na rin nito na kung hindi lang siya nagpumilit sa lumang kasunduan, hindi magkakaroon ng pagkakataon ang isang Juancho na makapasok sa pamilya nila. 

Agad na nagdilim ang mukha ng matanda at tuluyan nang naglaho ang natitira niyang pasensya para sa manugang.

Nasiyahan naman si Alfonso sa naging reaksyon ng matanda. Plano niya talaga dapat pakasalan si Mercedes, ngunit sa dalawang taon niyang pananatili sa ibang bansa, nakuha ni Juancho ang pagkakataong sulutin ito. 

Ang totoo, napadpad siya rito ngayon para lang ipamukha sa piping lalaking iyon na milyong milya ang agwat ng agwat nilang dalawa. At para na rin ipaalala kay Teresita kung gaano kalaki ang naging pagkakamali nito noon.

Isang palihim na ngisi ang gumuhit sa mga labi ni Alfonso habang nananatiling nakatitig sa hagdanan.

Samantala, nakatayo siy Gretchen ngayon sa harap ng nakasarang pinto ng silid ni Juancho, bakas ang inis sa mukha.

"Hindi pa mag-lock ng pinto kahit nasa loob ng bahay. Napakatanga talaga," bulong niya sa sarili.

Nang walang pasabi ay bigla niyang itinulak ang pinto. Natigilan si Gretchen sa kanyang nakita dahil nakaupo si Juancho sa ibabaw ng kama, walang kahit anong saplot sa itaas na bahagi ng katawan habang nakapikit. Kitang-kita nito ang matipunong katawan ng lalaki.

"Ah! Manyak!"

Mabilis na umakyat ang dugo sa mukha ni Gretchen nang mapagtanto ang sitwasyon. Malakas niyang ibinalibag ang pinto para isara ito.

"Juancho, nababaliw ka na ba?! Nasa bahay ka tapos hindi ka man lang nagbibihis o nagla-lock ng pinto! Pinapababa ka ni Mommy, may bisita tayo, bilisan mo!" sigaw niya mula sa labas bago nagmamadaling bumaba ng hagdan, namumula pa rin ang mga pisngi.

Sa hindi malamang dahilan, kahit na labis ang inis niya, hindi mawala sa kanyang isip ang hubog ng katawan ni Juancho… para itong si machete dahil puro muscle ang katawan na tila ba isang propesyonal na bodybuilder. Napakagat-labi si Gretchen at marahas na umiling para alisin ang imaheng iyon sa kanyang utak.

"Bumababa na ba?" tanong ni Teresita nang mapansing mag-isa lang na bumalik ang anak.

"Papunta na," iritableng sagot ni Gretchen bago padarag na umupo sa sofa, walang balak bigyan ng magandang mukha ang ina o ang bisita.

Bagaman bigla ang pagpasok ni Gretchen, mapalad pa ring hindi nabulabog ang konsentrasyon ni Juancho. Matagumpay niyang nawasak ang harang na nagpahirap sa kanya sa nakalipas na sampung taon.

Kasunod niyon ay isang masangsang na amoy ang biglang humalimuyak sa paligid.

Nang tingnan niya ang kanyang sarili, napansin niyang nababalutan ang kanyang balat ng itim at malapot na likido na siyang mga dumi at lason na matagal nang nakaimbak sa kanyang katawan. 

Isang tipid na ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi.

"Sa wakas... tuluyan na ring nawala," bulong ni Juancho.

Paos ang kanyang boses ay magaspang na parang isang lumang cassette tape na ilang daang beses nang napatugtog. Napakatunog at tila may kakaibang kilabot. Likas lang na maging kakaiba ang tunog niyon matapos ang sampung taon na pananahimik, ngunit alam niyang babalik din agad ito sa normal sa mga susunod na oras.

Sa ibaba, hindi na mapigilan ni Alfonso ang magpasaring. "Tita, ganyan ba talaga palagi katigas ang ulo ni Juancho rito sa bahay niyo?"

Agad na naging abuhin ang mukha ni Teresita sa labis na kahihiyan. Hindi siya tanga dahil malinaw na malinaw sa kanya ang pang-uuyam sa boses ng binata. Isang manugang na nakatira lang sa pamamahay niya ang may lakas ng loob na bigyan siya ng sakit sa ulo, at hindi man lang bumababa matapos ang paulit-ulit na tawag!

Lalong nagbago ang timpla ng mukha ni Teresita. Tatayo na sana siya para personal na sugurin si Juancho nang sa wakas ay marinig ang mga yabag nito pababa ng hagdan.

Sabay na lumingon sina Teresita at Alfonso. Ang mga mata ng binata ay agad na napuno ng labis na pandiri at panghahamak habang nakatitig sa papalapit na pigura ni Juancho.

Ang isang katulad niya ay hinding-hindi magiging karapat-dapat para kay Mercedes.

펼치기
다음 화 보기
다운로드

최신 챕터

더보기

독자들에게

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


댓글 없음
5 챕터
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status