Nakaalis na si James, ngunit tahimik pa rin ang buong lugar. Tanging si Flying Eagle lamang ang namimilipit sa sakit sa lupa. Gasp!Paglipas ng mahabang oras, napasinghap ang mga tao sa paligid. Sino ba si Flying Eagle? Siya ang chief instructor ng Flying Eagle Special Forces. Pinamunuan niya ang grupo sa napakaraming mapanganib na misyon. Gayunpaman, natalo siya sa isang atake lang. "Nakita niyo ba ang nangyari?" "Paano umatake ang Black Dragon?" "Sa tingin ko nakita ko ito. Sinuntok niya si Flying Eagle sa dibdib ng ganito."Maraming diskusyon tungkol sa laban nila ang narinig. Hindi nagpaabala si James. Gusto niyang ibalik ang pabor kay Chase at kailangan lang niyang magpakita. Pag-alis niya, nagpadala siya ng mensahe kay Chase upang sabihan ang mga sundalo sa North Cansington Military Region na isang lihim ang kanyang pagkatao at kailangang pumirma ang lahat ng isang non-disclosure agreement. Paparusahan ng mabigat ng batas ng militar ang sinumang magbubun
Huminga ng malalim si Clinton. "Syempre naman. Napakalakas ng Black Dragon. Ang pinakamalakas sa North Cansington, si Flying Eagle ay hindi man lang tumagal at natalo siya agad sa isang atake lang." Kumukulo pa rin ang dugo ni Clinton habang inaalala niya ang nangyari. Noong marinig niya ito, nakumpirma ni Xara na nakita talaga ni Clinton si James. Gasp!Hindi niya napigilang suminghap. Pakiramdam niya ay sakal na sakal siya, dahil kailangan niyang itago ng mag-isa ang sikretong ito. Matagal na niyang alam ang pagkatao ni James ngunit hindi niya pwedeng sabihin sa kahit na sino ang tungkol dito. Ngayong may ibang tao na mula sa mga Hill ang nakakaalam sa pagkatao ni James, sa wakas ay pwede na nilang pag-usapan ni Clinton ang tungkol kay James. "Clinton, yung totoo, matagal ko nang alam kung ano ang pagkatao ni James. Hindi lang siya ang General ng Southern Plains, ang Black Dragon kundi siya rin ang behind-the-scenes boss ng Transgenerational New City at ng Transgener
Bahagyang naguluhan si James kay Thea. Hindi siya sigurado kung gusto ba ni Thea ang isa pang pagkatao niya.Anong gagawin niya lung ganun nga ang sitwasyon?Upang makumpirma niya ang kanyang hinala, gusto niyang subukan si Thea. Balak niyang magpanggap bilang ang misteryosong Mr. Caden at kausapin si Thea upang malaman kung ano ba talaga ang nasa kanyang puso't isipan. Hindi niya sinagot ang mga tanong ni Henry. Binaba niya ang tawag at matiyaga siyang naghintay sa bahay. Dismayadong umalis si Thea sa Majestic Corporation. Bago siya makauwi, nakatanggap siya ng tawag mula kay Newton. "Ms. Thea, pinapasabi ng chairman na pwede kayong magkita ngayong gabi. Sasabihin niya sa'yo ang mga detalye mamaya."Tuwang-tuwa si Thea pagkatapos niyang matanggap ang tawag. Nagsimula siyang masabik sa kanilang pagkikita. Inabangan niya ang pagsapit ng gabi. Humuni siya habang papasok siya sa bahay. "Anong nangyari, mahal? Bakit parang ang saya-saya mo?" Si James, na nasa sofa, a
“James.”Pagpasok pa lang niya sa clinic, isang babae na nasa kanyang twenties na naka suot ng isang manipis na shirt na pinarisan ng isang maiksing denim skirt at naka ponytail ang nakangiting bumati kay James. Siya si Whitney. Ilang araw nang nakikitira si Whitney sa clinic ni Henry. Nasaksihan niya ang pag-uutos ni James sa ilang mga tao upang wasakin ang pabrika ng Purity Pharmaceuticals, at pagkatapos niyang magsaliksik, may hinala na siya tungkol sa pagkatao ni James.Kahit na hindi niya alam ang mga detalye, nahulaan niya na si James ay isang makapangyarihang tao na mula sa Southern Plains. “Hello.”Tumango si James kay Whitney at pumasok siya sa silid. "James." Nagmadaling lumapit si Henry at bumati. "Nasaan yung mga hinihingi ko?" "Doon. Kakarating lang ng mga 'yan." Tinuro ni Henry ang isang kahon sa sahig at sumagot siya. Lumapit si James, dinampot niya ang kahon, at pumasok siya sa silid sa likod upang simulan ang kanyang gagawin. Sa labas. Hinila ni
Nagmadali si Newton na ihanda ang kotse.Kinuha ni Newton ang mga sumukong negosyo ng Great Four at itinayo ang Majestic Corporation.Ang Majestic Corporation ay may bilyon-bilyong halaga ng mga ari-arian ngayon.Madali lang para sa kanya na bumili ng isang mamahalin na kotse.Naghanda siya ng isang Rolls-Royce Silver Ghost sa isang iglap.Ang kotse ay nagkakahalaga ng isang bilyon at walong daang milyong dolyar at hindi mabibili gamit ng pera lang. Kailangan ay may malakas kang koneksyon.Ang Majestic Corporation ay may malawak na koneksyon ngayon.Ito ay dahil sa ang mga negosyo na nasa ilalim ng Majestic Corporation ay isinuko ng Great Four. Ang Great Four ay may malalim na koneksyon sa Cansington. Bukod sa mga bangkaroteng Xavier, ang iba pang tatlong pamilya ay maimpluwensya pa din.Hindi nagtagal, las singko na ng gabi.Nilabas ni James ang bago niya phone at nagpadala ng mensahe kay Thea.“Anong oras tayo magkikita?”Si thea ay nasa Pacific Group. Lutang ang isipan
Naglakad silang dalawa ng magkatabi.Palihim na kinuhaan ng mga reporter ang eksena.Nagulat si Quincy mula sa malayo. Kaagad niya silang nilapitan at tumayo sa harapan nilang dalawa, saka hinubad ang kanyang sunglasses.“Thea…” Sinabi niya habang nakanganga.Sumunod, nilingon niya si James.May konting pagkamuhi sa kanyang mukha, at nagsimulang lumuha ang kanyang mga mata. Napasimangot si James. ‘Bakit nandito si Quincy?’“James…”Nagsimulang lumabo ang kanyang paningin dahil sa luha, at tumingala siya para malungkot na tingnan si James.“Hmm?“Bakit ka nandito?” Tiningnan siya ni James at tinanong.Si Thea, na nakatayo sa tabi ni James, ay nailang tungkol sa sitwasyon.Alam niya na ang misteryosong Mr. Caden ay ang boyfriend ng mataling niyang kaibigan na si Quincy sampung taon na ang nakakaraan.“Quincy…”Tinignan niya si Quincy ng may namumulang mukha dahil sa hiya.Tinignan siya ni Quincy ng may luha sa kanyang mga mata at sinabi, “James, alam mo bang sampung tao
“Ako…”Tumigil sa pagsasalita si Thea.Gusto niyang sabihin na may asawa siya at ayaw niyang hiwalayan ito.Subalit, hindi niya nagawang sabihin ang bagay na ito.“Hindi kami ikinasal ni James dahil mahal namin ang isa’t isa. Pinili lang siya ng lolo ko na maikasal sa mga Callahan.”Nang sinabi niya ito, kaagad na naunawaan ni James ang nilalaman ng kanyang puso.Pagkatapos, maraming sinabi si Thea, at ang lahat ay pagpapakita ng kanyang pasasalamat.Subalit, lutang ang isipan ni James.Natapos silang dalawa sa pagkain.Pagkatapos kumain, sinabi ni James, “Ihatid na ba kita pabalik sa inyo?”‘H-Hindi na, ayos lang,” magalang na tumanggi si Thea. “Pag-iisipan ko…na makipag-divorce,” sabi ni Thea. Namula siya at tumakbo paalis pagkatapos magsalita.Naiwan si James na namomoblema. Pinanood niya si Thea na umalis at hinawakan ang kanyang ilong.‘Makipag-divorce…’’’Napangiti na lang siya ng bahagya at natahimik.Bumalik siya ng Majestic Corporation, nagpalit ng damit, a
Ang Emperor ng Capital, isa sa Five Commanders?Ang pinakamakapangyrihan sa Five Commanders, na maayos na nagpapatakbo sa Capital?“Meron pa bang iba?”Tinignan ni James si Jake. "Inimbestigahan ko ang lahat tungkol sa pinanggalingan ng ancient box na iyon at nagtanong na din ako tungkol sa mga grave robbers. Ang grupo ng mga grave robbers ay nakatanggap ng pera mula sa isang misteryosong employer. Nakatanggap sila ng mapa ng Prince of Orchid Mountain, na nakatulong sa kanila para matagumpay na makapasok sa loob ng libingan at mahanap ang ancient box. Subalit, isang hindi inaasahan na aksidente ang nangyari, at may nagnakaw nito habang ang susi ay napunta sa mga kamay ni Scarlett.”“Dumiretso ka na sa importanteng bahagi. Sino ang taong nagnakaw ng ancient box, at sino ang misteryosong employer?” Sinilip siya ni James mula sa tabi. “Ayon sa impormasyong aking nakalap, ang taong nagnakaw ng ancient box ay si Floyd Zink. Isa siyang kilalang tao sa underworld. Siya ang nagdala ng
Maraming magagandang biyaya ang lumitaw sa panahong ginugol ni James sa pag cucultivate at ang iba't ibang nilalang ay walang katapusang nakipaglaban sa kanila. Ang ilan ay nawalan pa ng buhay sa matinding labanang ito. Ang mga malalakas lang ang natira sa huli.Kahit na pagkatapos ng 500,000 taon, walang iba kundi si James ang bumisita sa gitnang rehiyon. Ginugol ni James ang mga nakaraang taon sa pag cucultivate sa loob ng pagbuo ng oras at ang kanyang pag unawa sa mga Formation Inscription ay lumalim pa. Naglabas siya ng nakakatakot na aura at umikot sa kanya ang mahiwagang Formation Inscriptions.Boom!Biglang nagsanib ang Formation Inscriptions at isang nakakatakot na pwersa ang sumabog.Nabasag ang nakapalibot na kalawakan at ang mga shock wave ay bumagsak sa hangin.Ang lakas ng aura ni James.Dahan dahan siyang tumayo at kampante na tumawa. "Naabot na ng aking Formation Path ang Quasi Acme Rank."Matapos ang hindi mabilang na mga taon ng maingat na pagsisikap, sa wakas a
Umalis si James sa lugar, naiwan si Leilani. Naramdaman ni Leilani na blangko ang kanyang isip at tumayo siya sa kinatatayuan.Si James ay nagpakita ng nakakatakot na kapangyarihan. Naalala pa niya ang unang pagkikita ni James. Ginawa niya ang lahat para makuha ang pabor nito. Gayunpaman, siya ay naging napakalakas sa loob lamang ng maikling panahon. Maging si Leilani ay nag iingat sa kanya sa kanyang kasalukuyang cultivation rank.Agad niyang naunawaan na nagkamali siya sa pag atake kay Wotan. Kung hindi niya ipinagkanulo ang mga ito, maaaring naiwanan niya ng buhay ang Planet Desolation dahil naintindihan na ni James ang pagbuo sa paligid ng planeta. Baka buksan ni James ang formation at palabasin siya sa huli. Gayunpaman, nawalan siya ng pagkakataon.“Huff.” Walang magawa si Leilani.Samantala, nakaalis na si James. Ang balita ng pagpatay ni James kay Wynnstan ay agad na kumalat sa buong Planet Desolation at narinig ng lahat ang tungkol sa labanan. Si James ay naging isang exist
Alam na alam ng lahat ang background ni Wynnstan. Siya ay isang napaka prestihiyosong powerhouse mula sa Doom Race at may napakalaking lakas. Sa kabila noon, napakadali niyang naalis. Hindi lamang nawasak ang kanyang pisikal na katawan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi rin nakaligtas sa pagpatay.Matapos masaksihan ang pagkamatay ni Wynnstan, ang mga nakapaligid na nilalang ay natakot. Kahit ang mga gustong pumatay kay James ay natakot sa kanyang lakas.Napaatras ang lahat kay James."Anong uri ng apoy ang mga iyon? Bakit napakalakas ng mga ito?""Hindi ko pa nakita o nabasa ang tungkol dito dati.""Napakahusay niyang itinago ang kanyang lakas.""Sa palagay ko hindi niya ito itinatago. Dapat ay nakuha niya ito sa Palace of Compassion."…Matapos patayin ni James si Wynnstan, isang powerhouse ng Doom Race, ang lahat ay lubos na natangay. Hindi makapaniwala ang lahat ng naroroon, ngunit nasaksihan nila ito ng kanilang mga mata.Inalis ni James ang Ignis, at huminga ng malali
Ipinagmamalaki ni James ang pambihirang lakas. Alam ni Wynnstan na kung ang mga banta ni James ay tinakot ang mga nilalang na ito, magiging mahirap na patayin siya nang walang sama samang lakas ng lahat. Ang tanging paraan para patayin si James ay ang magkaisa sila.Pinagmasdan ni James ang mga nilalang na nanatili sa lugar. Sa pamamagitan ng paghihikayat ni Wynnstan, pinili ng maraming nilalang na huwag tumakas. Sumang ayon sila kay Wynnstan. Kung hindi nila pinatay si James ngayon at pinayagan siyang gumaling, sa huli ay papatayin niya silang lahat.Isang nilalang ang sumigaw, "Sabay sabay nating salakayin at patayin siya."Maraming nilalang ang agad na naglabas ng kanilang mga sandata.Tumingin si James sa kanila at mahinahong sinabi, “Malamang na hinihiling ninyong lahat na mamatay.”Dumadagundong ang mga simpleng salita niya. Ang kanyang boses ay nagpasabog ng ilang mga nilalang na may mas mahinang cultivation base, at sila ay natigilan sa takot."Sa tingin ko mas lumakas si
Nagpasya si James na umalis sa Palace of Compassion at pumunta sa Planet Desolation upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon bago gumawa ng anumang karagdagang mga plano.May ilang oras pa bago ang mapagpasyang labanan, kaya hindi niya kailangang magmadali sa kanyang paglilinang. Siya ay magiging sapat na malakas upang talunin ang lahat hangga't maaari niyang maabot ang Quasi Acme Rank at linangin ang Tatlong Pagbabagong Apoy ng Flame Art.Itinabi ni James ang Ignis at iniunat ang kanyang katawan, na naging tugon nito.Ang pagsipsip at pagpino ng Ignis ay epektibong nagpainit sa kanyang katawan. Kaya, ang kanyang pisikal na lakas ay mas matatag kaysa dati. Gayunpaman, hindi pa nito naaabot ang huling stage ng Quasi Acme Rank, ngunit sa kabutihang palad ay hindi siya nalalayo rito. Malamang na maabot niya ito sa lalong madaling panahon kung nakakuha siya ng ilang higit pang mga kayamanan.Matapos masipsip at pinuhin ang Ignis, pinili ni James na huminto sa paglilinang at naghanda na
Malaking bahagi ng Ignis ang pumasok sa bibig, ilong at pores ni James.Bagama't naubos na ni James ang Frost Pill, sinunog pa rin ng apoy ang kanyang katawan. Hindi nagtagal, natatakpan ng mga duguang sugat ang kanyang balat. Nasunog din ang kanyang mga laman loob at meridian.Maliban doon, wala itong ibang ginawang pinsala.Ang kapangyarihan ng Frost Pill ay nagpoprotekta sa kanya at ang kanyang pisikal na lakas ay sapat na malakas upang matiis ang mga pinsala. Bukod dito, mayroon din siyang karunungan sa Life Path. Kaya naman, mabilis siyang makaka recover sa kanyang mga sugat hangga't siya ay nabubuhay.Pinatatag ni James ang kanyang sarili at ginamit ang kapangyarihan ng Life Path upang gamutin ang kanyang mga sugat. Kasabay nito, ipinagpatuloy niya ang pagpino sa Ignis.Lumipas ang mga minuto.Sa isang kisapmata, lumipas ang isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Ang epekto ng Frost Pill ay halos nawala.Buti na lang at naubos na ni James ang halos lahat ng Ignis at kaunti
Sa loob ng manwal ng Three Fire Transformations ng Flame Art, nakasaad na ang tagal ng epekto ng Frost Pill ay tumagal lamang ng humigit kumulang 1,000,000 taon. Kaya, kinailangan ni James na sumipsip at irefine ang Ignis sa loob ng panahong ito. Kung hindi, magiging imposible para sa kanya na irefine ang Ignis gamit ang kanyang kasalukuyang lakas kapag nawala ang epekto ng Frost Pill.Sa kasamaang palad, ang limitasyon sa oras ay ganap at hindi umaayon sa oras na ginugol sa totoong mundo. Kaya, ang epekto ng Frost Pill ay mawawala pa rin kahit na gumugol si James ng isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Lumapit si James sa Ignis at tumayo ng isang metro ang layo dito.Ang Ignis ay naglalagablab ng matindi at ang nakakapasong mga alon ng init ay nahuhugasan siya ng tuluy tuloy. Natunaw ng mataas na temperatura ang yelo sa kanyang katawan. Gayunpaman, ang kanyang katawan ay patuloy na nilagyan ng Cold Energy, na nakatulong sa kanya upang labanan ang init.Matapos inumin ang Frost Pi
Umalis si Wotan sa Palace of Compassion.Tumayo si James sa bangin, pinagmasdan ang malalim na kalaliman sa unahan niya at nakita ang isang bola ng puting apoy sa ibaba. Ang apoy ay patuloy na kumikislap ng paiba iba at nagbabago ng mga hugis. Kasabay nito, nagbuga ito ng napakainit na init. Bilang karagdagan, ang bola ng apoy ay protektado ng isang formation. Kung hindi, mas mataas pa ang temperatura sa lugar.Kahit na sa kasalukuyang cultivation rank ni James, mahirap tiisin ang init. Nagsimula siyang pawisan ng husto at tumulo iyon sa kanyang damit.Nagsalubong ang mga kilay ni James. Alam niyang hindi magiging madali ang pag absorb ng Ignis. Kahit na nakuha niya ang Frost Pill, isa pa rin itong mahirap na gawain. Kung matagumpay niyang na absorb at napino ang kapangyarihan ng Ignis, matutupad niya ang mga kinakailangan para macultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art. Labis na tataas ang kanyang lakas kapag natutunan na niya ang Three Fire Transformations ng Flame Ar
Si Wotan ay lubos na nagtitiwala sa kanyang sariling lakas. Gayunpaman, si James ay isang cultivator na may hindi masasabing potensyal. Siya ay isang tao at naabot na ang median ng Seventh Stage ng Omniscience Path. Bilang karagdagan, nakuha niya ang Three Fire Transformations ng Flame Art.Nabawasan ang kumpiyansa ni Wotan habang nakatayo sa harap ni James.Ngumisi si James at sinabing, "Hindi pa tayo nakakarating sa huling stage. Kung talagang mapawalang bisa ko ang formation sa paligid ng Planet Desolation, talagang gagawin ko ito at tutulungan kitang umalis."Ng marinig ito, gumaan ang loob ni Wotan. Malaki ang pananalig ni Wotan kay James at naniwala siya na sa kalaunan ay magiging isa siya sa mga pinakatanyag na cultivator sa Greater Realms kung mabubuhay siya.Kapag dumating ang oras na iyon, ang paniniil ng Ten Great Races ay magwawakas at ang mga tungkulin ay mababaligtad. Ang Human Race na nagdurusa sa lahat ng mga taon na ito ay muling babangon at magiging isa sa mga pan