Lumapit si Cynthia at tinulungan niya si Benjamin na tumayo.“Uncle, ayos ka lang ba?” Nag-aalala siyang nagtanong.Binugbog nila si Benjamin hanggang sa mamaga ang kanyang mukha, at tumutulo ang dugo mula sa gilid ng kanyang bibig."Hindi, ayos lang ako." Umiling si Benjamin at sumagot. Ngumiti si Yuri. "Dahil sinabi ni Ms. Dawn na siya na ang magbabayad ng nasira niya, ayos na ang lahat."Pagkatapos, humarap siya kay Benjamin at sinabing, “Umalis ka na.”“James…” Tumingin si Benjamin kay James at nag-alinlangan siyang magsalita.May gusto sana siyang sabihin ngunit hindi niya magawang magsalita.Hindi na niya son-in-law si James dahil hiniwalayan na ni James si Thea.Tumingin si James kay Benjamin at humarap siya kay Cynthia.“Bakit ikaw ang magbabayad para sa kanya? Marami ka bang pera? May pera ang mga Callahan at hindi nila kailangan ang pera mo.” Ang sabi ni James.“James, hindi ba siya ang…” Napahinto si Cynthia noong bigla niyang naalala na hiniwalayan na ni James s
”Gumagawa ka ng gulo ng walang dahilan. Tinatamad akong makipag-usap sa’yo.” Nagsindi ng sigarilyo si James at hindi niya pinansin si Thea.Noong sandaling ito, dinala ni Yuri si Benjamin sa kanila.“Thea, nabasag ng tatay mo ang isang jade plate mula sa six hundred AD hanggang nine hundred AD period na nagkakahalaga ng three million eight hundred thousand dollars. Bibigyan kita ng discount. Three million and five hundred dollars na lang ang babayaran mo. Pagkatapos, pwede mo nang kunin ang tatay mo.”Galit na galit si Thea noong nakita niya ang bugbogsaradong mukha ni Benjamin habang kinakaladkad siya ng ilang maskuladong lalaki.Tumalikod siya at sinisi niya si James, “Anong ginagawa mo, James? Tutal nandito ka naman, bakit hinayaan mong bugbugin nila ang tatay ko?”Alam ni Thea ang kakayahan ni James. Walang laban kay James ang mga maskuladong lalaki na ito.Nasa Sovereign Antique Shop si James ngunit hinayaan niyang mabugbog ng husto ang kanyang tatay.“Kumilos na ako para t
Sa lounge area ng Sovereign Antique Shop.Naglalaro pa rin ng Plants Vs. Zombies si James, ngunit patuloy na sumusulpot sa kanyang isipan ang itsura ni Thea.Siguro nga tama si Cynthia tungkol sa kanya. Hindi niya hinayaan na siya ang magbayad at gusto niya na papuntahin nila Yuri si Thea sa shop para makita niya siya.Marami siyang gustong sabihin kay Thea, ngunit hindi siya makapagsalita noong muli niya siyang nakita.Pakiramdam niya ay hindi na niya ito kailangan pang sabihin.Magulo at komplikado ang kanyang damdamin.Hindi niya inasahan ang nararamdaman niya.Napakamaunawain din ni Cynthia at hindi na niya ginulo si James.Mabagal na lumipas ang oras.Paglipas ng sampung minuto, lumapit sa kanya ang ilang maskuladong lalaki na nakasuot ng itim na suit. Ang isa sa kanila ay may bitbit na itim na safe sa kanyang mga kamay.“Sir, dala na namin ang pinapakuha niyo.”Tumango si Yuri. “Sige.”Tumingin siya kay James at sinabing, “Mr. Caden, doon tayo sa opisina ko para buksa
Pinigil ni James ang kanyang paghinga.Nanood ding maigi si Cynthia.Gusto din niyang malaman kung ano ang nilalaman ng kahon na binili ni James sa halagang 100 milyon. Kasabay nito, gusto rin niyang malaman kung bakit nakay James ang susi na kailangan upang mabuksan ang kahon.Sa ilalim ng mga titig ni Cynthia, dahan-dahang pinihit ni James ang susi. Click!Umalingawngaw ang isang malakas na tunog. Bahagyang bumukas ang kulay tansong kahon. Napako ang tingin ni James sa kahon. Nasa loob ng kahon ang isang nakatuping kalatas. Maingat niya itong nilabas mula sa kahon.Gawa sa kakaibang materyales ang sinaunang kalatas na ito, na nakatulong upang mapreserba ito ng maayos. Kasabay nito, may kabigatan din ang kalatas na ito. Binuklat ito ni James at nilatag niya ito sa mesa. Napakalaki ng sinaunang kalatas na ito, umabot sa isang metro ang haba nito noong binuklat niya ito. "A-Ano 'to?" Tiningnan ni Cynthia ang mga larawan sa sinaunang kalatas at naguluhan siya. "I
Sa isang courtyard house sa Capital ng Sol.Ito ang mansyon ng Emperor, ang tahanan ng Emperor—ang pinuno ng Five Commanders at ang commander ng Red Flame Army.Nakabalik na sa Capital ang Emperor.Sa ilalim ng isang gazebo sa courtyard.Isang lalaking nakasuot ng itim na suit ang nakikipag-usap sa isang binata na nasa dalawampung taong gulang."Brother Caden, ilang taon tayong hindi nagkita. High school ka pa lang noong huli kitang nakita. Bakit ka naparito?" Ang lalaking nakasuot ng itim na suit ay ang Emperor. "Mr. Johnston, yung totoo, nakatanggap ang pamilya ko ng balita na natagpuan sa Cansington ang kahon na nahukay mula sa sinaunang libingan ng Prince of Orchid Mountain. Nalaman din namin ang nasa kamay ito ngayon ng isang miyembro ng pamilya ni Thomas. May dalawang rason kaya ako pinapunta dito ni Lolo. Ang isa ay upang kunin ang kahon, ang isa naman ay upang patayin ang natitirang miyembro ng pamilya ng traydor na si Thomas."Pinaliwanag ng binata ang kanyang motibo
Ngumiti ang Emperor at hindi na siya nagsalita.Di nagtagal, naglakad palapit sa kanila ang isang lalaki at babae. Ito ay sila James at Cynthia.Agad na tumayo ang Emperor at inunat niya ang kanyang mga braso upang yakapin si James.“James, ang tagal nating hindi nagkita!”Inangat ni James ang kanyang paa at sinipa niya ang Emperor at sinabi niya na, “Huwag ka nang magkunwari. Alam mo kung bakit ako nandito.”Agad na iniwasan ng Emperor ang sipa niya at umatras siya ng ilang hakbang.“Anong ibig mong sabihin, James? Hindi ko alam kung bakit ka pumunta dito.” Ang sabi ng Emperor ng may naguguluhang ekspresyon.“Ikaw si James?”Umalingawngaw ang isang boses.Narinig ni James ang boses at lumingon siya sa pinagmulan nito.Tumayo ang isang binata na nasa dalawampung taong gulang pa lamang. Nakasuot siya ng puting damit, na nakatingin ng masama sa kanya.“Sino ka?” Sumimangot si James.Tumingin si Bobby kay James at kalmadong nagsalita, “Ako si Bobby Caden.”Lalong nagsalubong
“Haha!”Tumawa si Bobby na para bang narinig niya ang pinaka nakakatawang biro sa buong buhay niya. "Anong sinasabi mo, James? Ang lakas naman ng loob mo na hingin sa'kin ang Moonlit Flowers on Cliffside's Edge. Ang mga Caden ang tagapangalaga ng Moonlit Flowers on Cliffside's Edge. Ikaw ang apo ng traydor sa pamilya ng mga Caden. Latak ka lang ng isang pamilya na karapatdapat lang mamatay. Dapat ka ring mamatay gaya nila!"Nagdilim ang mukha ni James. Dahan-dahan siyang naglakad palapit kay Bobby. Agad na lumapit ang Emperor at tumayo siya sa harap ni James. "Anong balak mong gawin, James? Alam mo ba kung sino siya? Isa siyang miyembro ng pamilya ng mga Caden at ang susunod na magiging pinuno ng mga Caden. Apo ka lang ng traydor ng mga Caden. Malaking kabastusan na ang hindi mo pagluhod upang batiin ang susunod na pinuno ng pamilya.""Umalis ka sa daanan ko," Sumigaw si James. Ang boses niya ay gaya ng isang malakas na kulog, dahilan para mabigla ang Emperor. Nahimasmas
Walang takot na nagsalita si Bobby, "James, pu*ang ina ka, isa kang makasalanan. Lumuhod ka sa harap ko ngayon! Kung hindi, mamamatay si Thea."Tumingin ng masama si James kay Bobby. "Hindi. Kailanman hindi luluhod ng ganun kadali ang isang lalaki. Bakit naman ako luluhod para sa isang bastardong gaya mo? "Asawa ko dati si Thea, pero hiwalay na kami ngayon. Isa kang hangal para gamitin siya laban sa'kin.""Saktan niyo siya."Inutusan ni Bobby ang tauhan niya sa kabilang linya. Sa isang construction site, sa Cansington. Nakatali si Thea sa isang upuan. Bantay-sarado ng mga lalaking naka itim ang buong lugar. Ang isa sa kanila ay may hawak na patalim na nakatutok sa mukha ni Thea. Noong matanggap niya ang utos, agad niyang hiniwa ng patalim ang mukha ni Thea. Agad na nagkaroon ng isang malaking sugat sa kaliwang pisngi ni Thea noong dumaan ang patalim sa kanyang mukha. Nagsimulang tumulo ang dugo mupa sa kanyang pisngi, at tumulo ito sa kulay puti niyang damit. Nakaram
Matagumpay na nilinang ni James ang Unang Pagbabago ng Three Fire Transformations ng Flame Art, ang Flame God Incarnation. Gayunpaman, ang pag master ng Ikalawang Pagbabago ay mas mahirap. Hindi maaaring linangin ito ni James sa loob ng maikling panahon.Gayunpaman, ang Unang Pagbabago ay sapat na sa ngayon. Inalis ni James ang Ignis at bumalik sa normal ang kanyang katawan. Pinunit niya ang kawalan, lumabas sa pinagtataguan at muling humakbang sa Desolate Grand Canyon.Agad niyang napansin ang hindi mabilang na mga nilalang na nakapaligid sa kanya. Napunta sa kanya ang mga tingin ng lahat."Lalong lumakas ang kanyang aura. Sa panahong ito, malamang na nag cultivate siya ng palihim at napabuti ang kanyang cultivation rank.""Bwisit. Kahit na mamatay tayo sa paparating na labanan, kailangan natin siyang sirain. Hindi natin siya papayagang umalis sa planeta na may Primal Mantra."Maraming powerhouse ang lihim na nakipagsabwatan sa isa't isa. Mayroon silang iisang layunin—ang alisin
Buong pusong nakatuon si James sa pag cucultivate.Matapos suriin ang Ignis, napagtanto ni James na hindi ito isang ordinaryong apoy. Sa halip, ito ay isa sa mga pinaka mahiwagang apoy sa langit at lupa. Magkakaroon si Ignis sa sandaling magwakas ang isang malaking mundo. Pagkatapos ng malaking pagkawasak ng mundo, isang Ignis ang lalabas sa abo nito. Gayunpaman, hindi lahat ng mga pangunahing mundo ay maaaring gumawa ng Ignis kapag sila ay nawasak. Mabubuo lamang si Ignis pagkatapos ng pagbagsak ng mundong katulad ng Primordial Realm.Bukod dito, isang maliit na halaga lamang ng Ignis ang mabubuo pagkatapos. Ang pagkolekta ng malaking halaga ng Ignis ay mangangailangan ng maraming mundo upang matugunan ang kanilang mga katapusan.Kilala rin si Ignis bilang Paglilinang ng Apoy, dahil ang mga ath ng langit at lupa ay nageexist sa loob ng apoy nito.Ang mga tao ay mga nilalang din sa ilalim ng langit at lupa at ang eexist sa pamamagitan ng paggana ng mga Path. Ang mga Path na ito ay
Matapos makabuo ng plano si James, hindi na siya nagtagal sa lugar. Pinutol din niya ang kawalan at nagtago sa loob ng mga bitak ng espasyo upang icultivate.Dahil ang formation ay lumiit patungo sa gitnang rehiyon, maraming mga powerhouse ang lumitaw na malapit sa Desolate Grand Canyon. Matapos itago ang sarili sa isang walang laman, bumuo si James ng time formation sa kanyang katawan.Pagkatapos, sinimulan niyang pag isipan ang Three Fire Transformation ng Flame Art. Ito ay isang mapangwasak na Supernatural na Kapangyarihan. Ang mga kinakailangan upang icultivate ito ay lubhang malaki ang kinakailangan. Una, kailangan ng isang makapangyarihang pisikal na katawan. Pangalawa, ang isa ay kailangang sumipsip at pinuhin ang isang Ignis. Pagkatapos matupad ang mga kondisyong ito, magiging karapat dapat ang isa na icultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art."Ang Unang Pagbabago ng Three Fire Transformation ng Flame Art ay God Incarnation.”“Ang Ikalawang Pagbabago ay Everlas
Nagpakita si Wotan na magulo ang buhok at malagim na sugat. May bahid ng dugo ang kanyang puting damit at mukha siyang pagod.Tumingin si James kay Wotan na nakakunot ang noo at sinabing, "Ikaw ang ika sampu sa Gold Rank ng Chaos Ranking. Sa one-on-one na laban, hindi ka matatalo ng mga cultivator sa Quasi Acme Rank. Malaki ang tsansa mong manalo sa isang laban laban sa isang Acmean. Paano ka napunta sa napakasamang estado?"Lumakad si Wotan, umupo sa lupa at malungkot na bumuntong hininga. "Huwag mo na akong tanungin tungkol dito. Wala akong araw ng kapayapaan mula nang umalis ako sa Palace of Compassion. Nagsama sama ang ilang Quasi Acmeans para tugisin ako nitong mga nakaraang taon. Kanina lang, hindi bababa sa 20 Acmeans ang humahabol sa akin. Nagawa kong makatakas ng napakahirap."Mula ng maghiwalay si James, nakahanap na si Wotan ng lugar na maaari niyang linangin. Gayunpaman, hindi nagtagal ay natuklasan ang kanyang kinaroroonan. Simula noon, palagi na siyang tumatakbo.Sa p
Maraming magagandang biyaya ang lumitaw sa panahong ginugol ni James sa pag cucultivate at ang iba't ibang nilalang ay walang katapusang nakipaglaban sa kanila. Ang ilan ay nawalan pa ng buhay sa matinding labanang ito. Ang mga malalakas lang ang natira sa huli.Kahit na pagkatapos ng 500,000 taon, walang iba kundi si James ang bumisita sa gitnang rehiyon. Ginugol ni James ang mga nakaraang taon sa pag cucultivate sa loob ng pagbuo ng oras at ang kanyang pag unawa sa mga Formation Inscription ay lumalim pa. Naglabas siya ng nakakatakot na aura at umikot sa kanya ang mahiwagang Formation Inscriptions.Boom!Biglang nagsanib ang Formation Inscriptions at isang nakakatakot na pwersa ang sumabog.Nabasag ang nakapalibot na kalawakan at ang mga shock wave ay bumagsak sa hangin.Ang lakas ng aura ni James.Dahan dahan siyang tumayo at kampante na tumawa. "Naabot na ng aking Formation Path ang Quasi Acme Rank."Matapos ang hindi mabilang na mga taon ng maingat na pagsisikap, sa wakas a
Umalis si James sa lugar, naiwan si Leilani. Naramdaman ni Leilani na blangko ang kanyang isip at tumayo siya sa kinatatayuan.Si James ay nagpakita ng nakakatakot na kapangyarihan. Naalala pa niya ang unang pagkikita ni James. Ginawa niya ang lahat para makuha ang pabor nito. Gayunpaman, siya ay naging napakalakas sa loob lamang ng maikling panahon. Maging si Leilani ay nag iingat sa kanya sa kanyang kasalukuyang cultivation rank.Agad niyang naunawaan na nagkamali siya sa pag atake kay Wotan. Kung hindi niya ipinagkanulo ang mga ito, maaaring naiwanan niya ng buhay ang Planet Desolation dahil naintindihan na ni James ang pagbuo sa paligid ng planeta. Baka buksan ni James ang formation at palabasin siya sa huli. Gayunpaman, nawalan siya ng pagkakataon.“Huff.” Walang magawa si Leilani.Samantala, nakaalis na si James. Ang balita ng pagpatay ni James kay Wynnstan ay agad na kumalat sa buong Planet Desolation at narinig ng lahat ang tungkol sa labanan. Si James ay naging isang exist
Alam na alam ng lahat ang background ni Wynnstan. Siya ay isang napaka prestihiyosong powerhouse mula sa Doom Race at may napakalaking lakas. Sa kabila noon, napakadali niyang naalis. Hindi lamang nawasak ang kanyang pisikal na katawan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi rin nakaligtas sa pagpatay.Matapos masaksihan ang pagkamatay ni Wynnstan, ang mga nakapaligid na nilalang ay natakot. Kahit ang mga gustong pumatay kay James ay natakot sa kanyang lakas.Napaatras ang lahat kay James."Anong uri ng apoy ang mga iyon? Bakit napakalakas ng mga ito?""Hindi ko pa nakita o nabasa ang tungkol dito dati.""Napakahusay niyang itinago ang kanyang lakas.""Sa palagay ko hindi niya ito itinatago. Dapat ay nakuha niya ito sa Palace of Compassion."…Matapos patayin ni James si Wynnstan, isang powerhouse ng Doom Race, ang lahat ay lubos na natangay. Hindi makapaniwala ang lahat ng naroroon, ngunit nasaksihan nila ito ng kanilang mga mata.Inalis ni James ang Ignis, at huminga ng malali
Ipinagmamalaki ni James ang pambihirang lakas. Alam ni Wynnstan na kung ang mga banta ni James ay tinakot ang mga nilalang na ito, magiging mahirap na patayin siya nang walang sama samang lakas ng lahat. Ang tanging paraan para patayin si James ay ang magkaisa sila.Pinagmasdan ni James ang mga nilalang na nanatili sa lugar. Sa pamamagitan ng paghihikayat ni Wynnstan, pinili ng maraming nilalang na huwag tumakas. Sumang ayon sila kay Wynnstan. Kung hindi nila pinatay si James ngayon at pinayagan siyang gumaling, sa huli ay papatayin niya silang lahat.Isang nilalang ang sumigaw, "Sabay sabay nating salakayin at patayin siya."Maraming nilalang ang agad na naglabas ng kanilang mga sandata.Tumingin si James sa kanila at mahinahong sinabi, “Malamang na hinihiling ninyong lahat na mamatay.”Dumadagundong ang mga simpleng salita niya. Ang kanyang boses ay nagpasabog ng ilang mga nilalang na may mas mahinang cultivation base, at sila ay natigilan sa takot."Sa tingin ko mas lumakas si
Nagpasya si James na umalis sa Palace of Compassion at pumunta sa Planet Desolation upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon bago gumawa ng anumang karagdagang mga plano.May ilang oras pa bago ang mapagpasyang labanan, kaya hindi niya kailangang magmadali sa kanyang paglilinang. Siya ay magiging sapat na malakas upang talunin ang lahat hangga't maaari niyang maabot ang Quasi Acme Rank at linangin ang Tatlong Pagbabagong Apoy ng Flame Art.Itinabi ni James ang Ignis at iniunat ang kanyang katawan, na naging tugon nito.Ang pagsipsip at pagpino ng Ignis ay epektibong nagpainit sa kanyang katawan. Kaya, ang kanyang pisikal na lakas ay mas matatag kaysa dati. Gayunpaman, hindi pa nito naaabot ang huling stage ng Quasi Acme Rank, ngunit sa kabutihang palad ay hindi siya nalalayo rito. Malamang na maabot niya ito sa lalong madaling panahon kung nakakuha siya ng ilang higit pang mga kayamanan.Matapos masipsip at pinuhin ang Ignis, pinili ni James na huminto sa paglilinang at naghanda na