Dati, puro mga ilegal ang ginagawa ni Xander. Hindi pa nga siya nakakapagsalita, pero sinisisi na agad siya ng binatang nasa harap niya. "Syempre pepreno ako at hihintayin ko ang red light! Masyado kang malapit sa likod ko at nabangga mo ako. Tapos ngayon sinisisi mo ako at pinapalabas mo pa na ako ang mali?" Tiningnan ni Xander ang kotse ni David at napansin niya na wala itong license plate, at wala rin itong insurance sticker sa windscreen nito. Agad siyang nasiyahan. "Bago lang 'tong kotse mo, tama? Well, alam mo, may yupi na sa likod ng kotse ko ngayon. Sapat na siguro na pambayad sa'kin kung ibebenta mo ang kotse mo at magdadagdag ka ng ilang milyon pa."Nanlambot ang mga binti ni David, at agad siyang bumagsak sa lupa. "Pasensya na talaga, sir. Pwede mo ba akong patawarin? Binili ko ang kotseng ito gamit ng lahat ng pera ko. Wala na akong pera para bayaran ka!" "Bakit napakayabang mo kung wala ka naman palang pera?" Sinipa ni Xander si David, nilapitan niya siya, at pina
Natataranta ang buong pamilya ni Thea pagkatapos kunin ng mga tauhan ni Xander si David. Nakidnap si David sa harap mismo ng traffic police, ngunit hindi nila siya sinubukang pigilan. Hindi sila mga tanga at naintindihan nila na ang isang taong nagmamaneho ng isang kotse na nagkakahalaga ng milyun-milyon ay siguradong isang tao na maimpluwensya. Hinablot ni Alyssa si Thea at nakiusap siya sa kanya, "Ikaw na lang ang makakapagligtas kay David ngayon. Hindi ba kakilala mo si Alex Yates? Dalian mo at tawagan mo siya!" "Su… Susubukan ko." Hindi kampante si Thea. Subalit, ngayong nakidnap ang kapatid niya, wala siyang ibang pagpipilian kundi subukan ito dahil sa sitwasyon. “Sorry, the number you dialed is temporarily unavailable.”Tinawagan ni Thea si Alex, ngunit hindi pumapasok ang tawag niya. "Tinawagan ko siya, pero hindi ko siya ma-contact." Ang sabi ni Thea. "Kung ganun ano pang pwede nating gawin? Si J-James! Hindi ba dati siyang sundalo? Hindi ba't sinabi niya na ma
"Huwag kang mag-alala, Mr. Smith. Malapit nang hiwalayan ni Thea si James."Kahit na walang kwenta si David, anak pa rin niya siya, kaya hindi niya kayang tumayo na lang at panoorin siyang malagay sa panganib. Higit pa dito, si James ay isang dating sundalo at sinasabi niya na may kilala siyang isang maimpluwensyang tao. Kung paghahambingin sila, mas pinili ni Gladys kung sino ang tunay na maimpluwensya. Mula sa mga Smith si Yoel at may malaking negosyo ang pamilya niya na bilyon-bilyon ang halaga. Ilang libong beses na mas maganda na makasal si Thea sa isa sa mga Smith kaysa sa manatili siyang kasal kay James. "Anong masasabi mo, Thea?" Tumingin si Yoel kay Thea. Talagang nakakatakot si Xander. Walang kwenta ang mga Smith kung ikukumpara kay Xander. Isa siyang tunay na gangster na walang pakialam sa pagkakaroon ng reputasyon o titulo. Subalit, may koneksyon ang kanyang ama kay Xander, at kumain pa nga sila ng hapunan ng magkasama.Isa pa, nabangga lang naman ang likod ng
Tumawag si Thea at pinaalam niya kay James na naayos na nila ang problema.Bumalik si James sa bahay at naghanda ng pagkain, hinintay niya si Thea at ang iba na makauwi para kumain ng tanghalian.Mabilis silang nakauwi.Pagpasok nila ng bahay, napansin ni James na may mali.Lahat sila ay may kakaibang ekspresyon sa kanilang mga mukha.May mga luha pa nga sa mga mukha nila Thea at Alyssa.Nagdududang nagtanong si James, “Thea, may problema ba? Akala ko ayos na ang lahat. Bakit hindi niyo kasamang bumalik si David?”Tumingin si Thea sa kanya at umiyak, naghihinagpis siya.“Anong problema?“Sabihin mo sa’kin kung may problema. Pwede kong ayusin ‘yun para sa’yo.” Ang sabi ni James sa kanya.“Ha…” Bumuntong hininga si Gladys.“Anong problema, mom? Bakit ka bumuntong hininga?” Ang tanong ni James.Gayunpaman, walang sinuman sa mag-anak ang nagsalita.Pumasok sila sa bahay at umupo. Agad na inihanda ni James ang mga mangkok at mga kubyertos, naghain siya ng kanin para sa lahat.
"Sir…Sir, Sorry. Pakiusap… pakiusap patawarin mo ako."Puro gasgas at pasa ang katawan ni David, ngunit nagpatuloy siya sa pagmamakaawa. Sa di inaasahan, biglang may taong dumating at nagsalita, "Mr. Xander, may taong dumating na sinasabi na dala niya ang pera na pang ransom sa batang 'yan.""Papasukin siya.""Masusunod."Dinala si Yoel papunta sa basement ng mga tauhan ni Xander. Napansin niya si David na nakabitin sa kisame at puro pasa dahil sa pambubugbog sa kanya. Agad na nanghina ang mga binti niya, at halos bumagsak na siya sa lupa. Gayunpaman, noong naisip niya na mapapasakanya na si Thea pagkatapos niyang iligtas si David, agad na nanumbalik ang tapang niya. Higit pa rito, maraming kwento tungkol kay Xander. Alam ni Yoel na tapat siya sa kanyang mga kaibigan at hindi siya basta-basta gagawa ng gulo. Lumapit siya kay Xander na nakaupo sa bangko, naglabas siya ng sigarilyo, at inabot niya ito sa kanya. Yumuko siya at ngumiti, "Hello, Mr. Xander. Ang pangalan ko a
Naglakad si James papasok sa basement.Higit sa dalawampung tauhan ni Xander ang nagtipon sa basement.Daan-daang mga security guard at dose-dosenang mga tauhan niya sa labas ang napabagsak na ni James.“James? Ikaw ba ‘yun?”Kukunin na sana ni Xander si David noong bigla siyang nakakita ng isang tao na naglalakad papasok sa basement. Nagdilim ang kanyang mukha, at sumigaw siya, “Alam mo ba kung saan ang lugar na ‘to? Dalian mo at lumuhod ka! Aminin mo ang pagkakamali mo at humingi ka ng tawad…”Lumapit si James sa kanila at agad niyang sinipa si Xander.Agad na tumilapon si Xander ng ilang metro palayo at bumagsak siya sa lupa, at napaungol sa sobrang sakit.Nabali ang ilan sa mga buto niya noong bumagsak siya at hindi siya makatayo.“Ikaw…”Hindi nagpadalos-dalos si Xander.Mula siya sa mundo ng mga kriminal, kaya nakakuha siya ng kaunting impomasyon tungkol kay James base sa mga atake niya.Siguradong isang sundalo na mula sa special forces ang taong ito.“James, tama? W
Kahit ang mga tauhan ni Xander ay hinahanap siya.Tumingin sila sa taas at nakita nila ang isang tao na nakabitin sa kisame ng basement.Nakadiin ang isang kamay niya sa pader na para bang may pandikit ang kanyang palad, at nakabitin sa ere ang buong katawan niya.Nagulat ang lahat.Anong klaseng technique ‘to?Mabilis na nahulog ang katawan ni James.Noong nahulog siya, humampas ang mga daliri niya sa paa sa baba ni Xander.Crack!Agad na nagkadurog-durog ang baba ni Xander. Kasabay nito, tumilapon ang kanyang katawan, at umikot-ikot siya sa lupa ng ilang beses, at napaungol siya sa sobrang sakit.Natakot ang mga tauhan ni Xander sa kanilang nakita.Sa kabila ng mga hawak nilang mga machete at mga electric baton, nagpatuloy sila sa pag-atras papunta sa pader.Habang nakatingin sila kay James, na parang si kamatayan, pinagpawisan silang lahat ng husto sa sobrang takot.Samantala, nasa sahig pa rin si Yoel, nagpapagulong-gulong at sumisigaw siya sa sakit.Sa oras na ito, pu
Pagkatapos pumunta ni James sa Prosperous Dynasty, bumisita siya sa Common Clinic.Hindi siya agad umuwi upang makita si Thea.Alam niya na hindi mangangahas si Yoel na muling pagnasaan si Thea, at di magtatagal ay tatawagan siya ni Thea para pabalikin sa bahay.Samantala, ang Blithe King, na natanggap ang tawag ni James, ay nanggagalaiti sa galit.Siya ang Blithe King at ang commander-in-chief ng Five Armies. Hindi siya isang utusan na tigalinis lamang ng mga kalat ni James!“Magpadala kayo agad ng mga tao sa Prosperous Dynasty. Tsaka, alamin niyo kung sino at ano ang pagkatao ng may-ari ng lugar!”Sumigaw ang Blithe King.Galit na galit siya at nagdulot siya ng pagkulog sa buong military region.Daan-daang mga military vehicle ang agad na pinadala sa lugar, at nagsimula nang kumilos ang intelligence team.Isang kilalang tao si Xander sa Cansington. May kinalaman siya sa mga ilegal na negosyo dati, at madali lang para sa Blithe King na alamin ang lahat ng tungkol sa kanya.W
Maraming magagandang biyaya ang lumitaw sa panahong ginugol ni James sa pag cucultivate at ang iba't ibang nilalang ay walang katapusang nakipaglaban sa kanila. Ang ilan ay nawalan pa ng buhay sa matinding labanang ito. Ang mga malalakas lang ang natira sa huli.Kahit na pagkatapos ng 500,000 taon, walang iba kundi si James ang bumisita sa gitnang rehiyon. Ginugol ni James ang mga nakaraang taon sa pag cucultivate sa loob ng pagbuo ng oras at ang kanyang pag unawa sa mga Formation Inscription ay lumalim pa. Naglabas siya ng nakakatakot na aura at umikot sa kanya ang mahiwagang Formation Inscriptions.Boom!Biglang nagsanib ang Formation Inscriptions at isang nakakatakot na pwersa ang sumabog.Nabasag ang nakapalibot na kalawakan at ang mga shock wave ay bumagsak sa hangin.Ang lakas ng aura ni James.Dahan dahan siyang tumayo at kampante na tumawa. "Naabot na ng aking Formation Path ang Quasi Acme Rank."Matapos ang hindi mabilang na mga taon ng maingat na pagsisikap, sa wakas a
Umalis si James sa lugar, naiwan si Leilani. Naramdaman ni Leilani na blangko ang kanyang isip at tumayo siya sa kinatatayuan.Si James ay nagpakita ng nakakatakot na kapangyarihan. Naalala pa niya ang unang pagkikita ni James. Ginawa niya ang lahat para makuha ang pabor nito. Gayunpaman, siya ay naging napakalakas sa loob lamang ng maikling panahon. Maging si Leilani ay nag iingat sa kanya sa kanyang kasalukuyang cultivation rank.Agad niyang naunawaan na nagkamali siya sa pag atake kay Wotan. Kung hindi niya ipinagkanulo ang mga ito, maaaring naiwanan niya ng buhay ang Planet Desolation dahil naintindihan na ni James ang pagbuo sa paligid ng planeta. Baka buksan ni James ang formation at palabasin siya sa huli. Gayunpaman, nawalan siya ng pagkakataon.“Huff.” Walang magawa si Leilani.Samantala, nakaalis na si James. Ang balita ng pagpatay ni James kay Wynnstan ay agad na kumalat sa buong Planet Desolation at narinig ng lahat ang tungkol sa labanan. Si James ay naging isang exist
Alam na alam ng lahat ang background ni Wynnstan. Siya ay isang napaka prestihiyosong powerhouse mula sa Doom Race at may napakalaking lakas. Sa kabila noon, napakadali niyang naalis. Hindi lamang nawasak ang kanyang pisikal na katawan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi rin nakaligtas sa pagpatay.Matapos masaksihan ang pagkamatay ni Wynnstan, ang mga nakapaligid na nilalang ay natakot. Kahit ang mga gustong pumatay kay James ay natakot sa kanyang lakas.Napaatras ang lahat kay James."Anong uri ng apoy ang mga iyon? Bakit napakalakas ng mga ito?""Hindi ko pa nakita o nabasa ang tungkol dito dati.""Napakahusay niyang itinago ang kanyang lakas.""Sa palagay ko hindi niya ito itinatago. Dapat ay nakuha niya ito sa Palace of Compassion."…Matapos patayin ni James si Wynnstan, isang powerhouse ng Doom Race, ang lahat ay lubos na natangay. Hindi makapaniwala ang lahat ng naroroon, ngunit nasaksihan nila ito ng kanilang mga mata.Inalis ni James ang Ignis, at huminga ng malali
Ipinagmamalaki ni James ang pambihirang lakas. Alam ni Wynnstan na kung ang mga banta ni James ay tinakot ang mga nilalang na ito, magiging mahirap na patayin siya nang walang sama samang lakas ng lahat. Ang tanging paraan para patayin si James ay ang magkaisa sila.Pinagmasdan ni James ang mga nilalang na nanatili sa lugar. Sa pamamagitan ng paghihikayat ni Wynnstan, pinili ng maraming nilalang na huwag tumakas. Sumang ayon sila kay Wynnstan. Kung hindi nila pinatay si James ngayon at pinayagan siyang gumaling, sa huli ay papatayin niya silang lahat.Isang nilalang ang sumigaw, "Sabay sabay nating salakayin at patayin siya."Maraming nilalang ang agad na naglabas ng kanilang mga sandata.Tumingin si James sa kanila at mahinahong sinabi, “Malamang na hinihiling ninyong lahat na mamatay.”Dumadagundong ang mga simpleng salita niya. Ang kanyang boses ay nagpasabog ng ilang mga nilalang na may mas mahinang cultivation base, at sila ay natigilan sa takot."Sa tingin ko mas lumakas si
Nagpasya si James na umalis sa Palace of Compassion at pumunta sa Planet Desolation upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon bago gumawa ng anumang karagdagang mga plano.May ilang oras pa bago ang mapagpasyang labanan, kaya hindi niya kailangang magmadali sa kanyang paglilinang. Siya ay magiging sapat na malakas upang talunin ang lahat hangga't maaari niyang maabot ang Quasi Acme Rank at linangin ang Tatlong Pagbabagong Apoy ng Flame Art.Itinabi ni James ang Ignis at iniunat ang kanyang katawan, na naging tugon nito.Ang pagsipsip at pagpino ng Ignis ay epektibong nagpainit sa kanyang katawan. Kaya, ang kanyang pisikal na lakas ay mas matatag kaysa dati. Gayunpaman, hindi pa nito naaabot ang huling stage ng Quasi Acme Rank, ngunit sa kabutihang palad ay hindi siya nalalayo rito. Malamang na maabot niya ito sa lalong madaling panahon kung nakakuha siya ng ilang higit pang mga kayamanan.Matapos masipsip at pinuhin ang Ignis, pinili ni James na huminto sa paglilinang at naghanda na
Malaking bahagi ng Ignis ang pumasok sa bibig, ilong at pores ni James.Bagama't naubos na ni James ang Frost Pill, sinunog pa rin ng apoy ang kanyang katawan. Hindi nagtagal, natatakpan ng mga duguang sugat ang kanyang balat. Nasunog din ang kanyang mga laman loob at meridian.Maliban doon, wala itong ibang ginawang pinsala.Ang kapangyarihan ng Frost Pill ay nagpoprotekta sa kanya at ang kanyang pisikal na lakas ay sapat na malakas upang matiis ang mga pinsala. Bukod dito, mayroon din siyang karunungan sa Life Path. Kaya naman, mabilis siyang makaka recover sa kanyang mga sugat hangga't siya ay nabubuhay.Pinatatag ni James ang kanyang sarili at ginamit ang kapangyarihan ng Life Path upang gamutin ang kanyang mga sugat. Kasabay nito, ipinagpatuloy niya ang pagpino sa Ignis.Lumipas ang mga minuto.Sa isang kisapmata, lumipas ang isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Ang epekto ng Frost Pill ay halos nawala.Buti na lang at naubos na ni James ang halos lahat ng Ignis at kaunti
Sa loob ng manwal ng Three Fire Transformations ng Flame Art, nakasaad na ang tagal ng epekto ng Frost Pill ay tumagal lamang ng humigit kumulang 1,000,000 taon. Kaya, kinailangan ni James na sumipsip at irefine ang Ignis sa loob ng panahong ito. Kung hindi, magiging imposible para sa kanya na irefine ang Ignis gamit ang kanyang kasalukuyang lakas kapag nawala ang epekto ng Frost Pill.Sa kasamaang palad, ang limitasyon sa oras ay ganap at hindi umaayon sa oras na ginugol sa totoong mundo. Kaya, ang epekto ng Frost Pill ay mawawala pa rin kahit na gumugol si James ng isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Lumapit si James sa Ignis at tumayo ng isang metro ang layo dito.Ang Ignis ay naglalagablab ng matindi at ang nakakapasong mga alon ng init ay nahuhugasan siya ng tuluy tuloy. Natunaw ng mataas na temperatura ang yelo sa kanyang katawan. Gayunpaman, ang kanyang katawan ay patuloy na nilagyan ng Cold Energy, na nakatulong sa kanya upang labanan ang init.Matapos inumin ang Frost Pi
Umalis si Wotan sa Palace of Compassion.Tumayo si James sa bangin, pinagmasdan ang malalim na kalaliman sa unahan niya at nakita ang isang bola ng puting apoy sa ibaba. Ang apoy ay patuloy na kumikislap ng paiba iba at nagbabago ng mga hugis. Kasabay nito, nagbuga ito ng napakainit na init. Bilang karagdagan, ang bola ng apoy ay protektado ng isang formation. Kung hindi, mas mataas pa ang temperatura sa lugar.Kahit na sa kasalukuyang cultivation rank ni James, mahirap tiisin ang init. Nagsimula siyang pawisan ng husto at tumulo iyon sa kanyang damit.Nagsalubong ang mga kilay ni James. Alam niyang hindi magiging madali ang pag absorb ng Ignis. Kahit na nakuha niya ang Frost Pill, isa pa rin itong mahirap na gawain. Kung matagumpay niyang na absorb at napino ang kapangyarihan ng Ignis, matutupad niya ang mga kinakailangan para macultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art. Labis na tataas ang kanyang lakas kapag natutunan na niya ang Three Fire Transformations ng Flame Ar
Si Wotan ay lubos na nagtitiwala sa kanyang sariling lakas. Gayunpaman, si James ay isang cultivator na may hindi masasabing potensyal. Siya ay isang tao at naabot na ang median ng Seventh Stage ng Omniscience Path. Bilang karagdagan, nakuha niya ang Three Fire Transformations ng Flame Art.Nabawasan ang kumpiyansa ni Wotan habang nakatayo sa harap ni James.Ngumisi si James at sinabing, "Hindi pa tayo nakakarating sa huling stage. Kung talagang mapawalang bisa ko ang formation sa paligid ng Planet Desolation, talagang gagawin ko ito at tutulungan kitang umalis."Ng marinig ito, gumaan ang loob ni Wotan. Malaki ang pananalig ni Wotan kay James at naniwala siya na sa kalaunan ay magiging isa siya sa mga pinakatanyag na cultivator sa Greater Realms kung mabubuhay siya.Kapag dumating ang oras na iyon, ang paniniil ng Ten Great Races ay magwawakas at ang mga tungkulin ay mababaligtad. Ang Human Race na nagdurusa sa lahat ng mga taon na ito ay muling babangon at magiging isa sa mga pan