Broken Marriage: My Wife Still Loves Her First Love

Broken Marriage: My Wife Still Loves Her First Love

Oleh:  Picky FlowerBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel4goodnovel
Belum ada penilaian
50Bab
4Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sa loob ng limang taon, tiniis ni Chancellor Gonzalez ang malamig na pagsasama nila ng asawa niyang si Francesca Peralta. His wife was a devoted Catholic woman; beautiful, elegant, and you can't help but to admire her from afar. Ayaw nito sa sobrang intimacy, kaya mahigpit itong nagtakda ng boundaries sa kanilang mag-asawa. Once a month lang siya nito pinapayagang maging malapit sa usaping kama dahil iyon ang clean day para dito. Kapag sumobra si Chancellor o may hindi ito nagustuhan sa kilos niya, hindi si Francesca magdadalawang-isip na itulak siya palayo at umalis. Masakit man, tiniis niya ang lahat dahil mahal niya ang asawa niya. Akala niya ganoon lang talaga ito; malamig, walang lambing sa katawan, at hirap ipakita ang pagmamahal. Pero naniwala pa rin si Chancellor na kahit papaano, may lugar siya sa puso nito bilang asawa. Hanggang sa araw na sumama siya sa isang rescue mission sa isang hotel na nasusunog. Sa gitna ng apoy at makapal na usok, nakita niya ang asawa na si Francesca na ligtas na nakakulong sa yakap ng ibang lalaki. At sa pagitan ng dalawa… ay isang batang masaya nilang pinoprotektahan na parang tunay na pamilya. Doon lang ni Chancellor na-realize ang masakit na katotohanan. Hindi malamig magmahal ang asawang si Francesca... Nagkataon lang na hindi siya ang lalaking minamahal nito...

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

Ang asawa ni Chancellor na si Francesca ay isang devout Catholic. Para kay Francesca, bawal ang sobrang pagnanasa.

Isang beses lang kada buwan, tuwing ika-16th day lang ito pumapayag na magsama sila sa kama bilang mag-asawa.

Kahit sa kama, kontrolado ni Francesca ang lahat. Oras, galaw, posisyon, pati ekspresyon ni Chancellor, kailangan sakto sa gusto ng babae.

Kapag nasosobrahan si Chancellor o nawawala sa kontrol, agad itong titigil at aalis nang walang emosyon.

Limang taon na silang kasal.

May mga sama ng loob si Chancellor, pero dahil mahal niya ang asawa, paulit-ulit niya iyong tiniis.

Akala niya kahit cold hearted si Francesca, kahit parang walang emosyon, mahal pa rin siya nito kahit papaano.

Pero mali pala siya.

Nalaman niya iyon noong ipinadala sila ng rescue team sa isang hotel na nasusunog.

Sa gitna ng sunog at makapal na usok, nakita niya ang asawa.

Magulo ang suot ni Francesca habang nakasandal ito sa dibdib ng ibang lalaki. May isang batang lalaki rin sa tabi nila. Parang isang totoong pamilya.

Hindi pa kailanman nakita ni Chancellor ang ganoong mukha ni Francesca.

Kahit halatang takot ito at nanginginig, mahigpit pa rin itong nakayakap sa lalaki habang marahang inaalo ang bata.

Biglang nanlamig ang buong katawan ni Chancellor.

Mainit ang paligid dahil sa apoy, pero parang nagyeyelo siya. Parang may kutsilyong tumarak diretso sa puso niya.

“Chancellor! Huwag kang matulala diyan! Ako na bahala sa pamilya na ’to. Pumunta ka agad sa kabilang kwarto!”

Napabalik siya sa sarili nang sigawan siya ng team leader. Agad itong sumugod papunta kina Francesca.

Napatingin si Francesca sa kanya, halatang nabigla.

Si Chancellor. Ang legal niyang asawa.

Kahit may fire mask siya, alam ni Chancellor na nakilala siya ni Francesca.

Nagtagpo ang mga mata nila. At sa sandaling iyon, parang may pumunit sa puso niya.

Pamilya silang tatlo. Si Francesca, ang lalaking yakap nito at maging ang bata sa pagitan ng dalawa.

Kung gano’n… ano siya?

Pero dahil emergency pa rin ang sitwasyon, hindi puwedeng magpaka-lugmok. Pinilit niyang alisin ang lahat sa isip at tumuloy sa rescue operation.

Tatlong oras bago tuluyang naapula ang sunog. Mabuti na lang at walang namatay.

Paglabas ni Chancellor sa hotel, mabigat pa rin ang dibdib niya.

Pero wala na sina Francesca. Kasama ang lalaki at bata, parang bula silang naglaho.

Ni isang paliwanag, wala siyang natanggap. Napangiti siya nang mapait.

Bigla niyang naramdaman na isa lang palang malaking biro ang limang taon nilang pagsasama.

*

Pag-uwi niya sa bahay, nadatnan niyang nandoon si Francesca.

Kakaiba iyon.

Madalas kasi itong umuwi nang madaling-araw dahil sa trabaho. Parang hinihintay siya nito.

Akala ni Chancellor, magpapaliwanag na ito.

Kung maipapaliwanag lang sana nito kung bakit nasa hotel ito, bakit parang pamilya sila ng ibang lalaki at bata…

Baka mapatawad pa niya.

Kahit sobrang sakit, baka kayanin pa rin niyang magbulag-bulagan dahil sa limang taon nilang relasyon. Pero walang paliwanag na dumating.

Pagkauwi niya, binuksan lang ni Francesca ang laptop at nagsimula ng video conference.

Mahigit isang oras itong nakikipag-meeting nang hindi man lang siya tinitingnan.

Parang walang nangyari.

Pagkatapos lang ng meeting ito nagsalita. Malamig ang tingin nito habang inaabot sa kanya ang isang dokumento.

“Adoption papers?”

Nanginginig ang kamay ni Chancellor habang nakatitig sa pulang title ng dokumento.

Tumango si Francesca.

“Hmm. Yung batang nakita mo kanina sa hotel. Starting today, aampunin natin siya.”

Napatingin siya rito nang hindi makapaniwala.

“Bakit? Ano bang relasyon mo sa batang ’yon? At ano bang meron kayo nung lalaking kasama mo?”

“Ang pangalan niya ay Leonard Castro. Siya ang father ni Dylan, ang batang aampunin natin. Work-related ang connection namin. Hanggang doon lang ang kailangan mong malaman.”

Parang sinaksak ulit sa dibdib si Chancellor.

Hindi iyon ang paliwanag na nais niya. Parang simpleng announcement lang ang ginawa nito. At higit sa lahat, parang wala siyang karapatang tumutol.

“Kung trabaho lang, bakit kayo nasa hotel? Bakit gano’n ang itsura mo nang makita kita?”

Kumuyom ang kamao niya.

“Francesca… sabihin mo nga sa akin. Anak mo ba talaga ang batang ’yon?”

Halos mawalan na siya ng kontrol sa tanong niya pero bahagyang kumunot lang ang noo ni Francesca.

“You’re overthinking.” Malamig ang boses nito. “Hindi ako magtataksil. Ang mga taong nagpa-practice ng faith, bawal lumihis sa way of God. Hindi ko sisirain ang pananampalataya ko para magtaksil lang.”

Napatawa si Chancellor nang mapait.

“Talaga? Eh ikaw rin ’yung nagsasabing bawal ang lust. Isang beses mo lang ako pinapayagan kada buwan. Pero bakit ang dali mong sumandal sa ibang lalaki?”

Mahigit isang libo’t walong daang araw silang magkasama. Hindi minsang nagduda si Chancellor sa asawa niya.

Lahat ng paniniwala nito, buong puso niyang sinuportahan.

Pero ngayon, pakiramdam niya ginagamit lang ni Francesca ang faith nito bilang dahilan. Lalong lumamig ang mukha ni Francesca.

“Malinis ang konsensya ko. Kung ano gusto mong isipin, bahala ka.”

Huminga ito nang mabagal bago muling nagsalita.

“At dahil iniisip mong may relasyon ako sa ibang lalaki, simula ngayon hindi mo na kailangang pumunta sa kwarto ko tuwing 16th every month.”

“Tutal may bata na rin naman.”

Nanigas si Chancellor sa kinatatayuan pero hindi pa tapos si Francesca.

“Kung hindi lang dahil kailangan ng anak, hindi ako papayag sa 'yo sa ganung bagay. It’s meaningless to me.”

Parang piniga ang puso ni Chancellor.

Sa loob ng limang taon, ang akala niyang espesyal nilang sandali…

Para pala kay Francesca, isa lang iyong obligasyon. Isang bagay na tinitiis lang nito. Walang kahit katiting na pagmamahal.

Ang mala-diyosang babaeng minahal niya ay walang emosyon. At kailanman, hindi siya naging exception nito.

“Matulog ka na nang maaga.”

Isinara ni Francesca ang laptop at tumalikod.

Pero bago ito tuluyang makaalis, pinigilan siya ni Chancellor kahit halos madurog na ang dibdib niya.

“Tatanggapin ko ang pag-aampon kay Dylan. Pero please… respeto naman sana bilang asawa mo.”

Huminto si Francesca. Hindi ito lumingon.

“Hindi pwedeng ihiwalay agad ang bata sa tunay niyang ama.” Saglit itong tumahimik bago malamig na nagsalita. “Hindi ako ang walang respeto. Ikaw ang hindi marunong rumespeto sa sarili mo.”

Pagkatapos noon, tuluyan na itong umalis.

*

Buong gabi, hindi nakatulog si Chancellor. Paulit-ulit siyang nag-iisip habang nakahiga.

At sa pagitan ng antok at gising, parang may naririnig siyang tawanan mula sa kwarto ni Francesca.

Boses nito.

At boses ni Leonard.

Akala niya guni-guni lang.

Pero kinaumagahan, dumating si Dylan. Punong-puno ng gamit ng bata ang sala.

Habang inaayos iyon ni Francesca, bakas sa mukha nito ang saya. Tahimik na nakatingin si Chancellor.

Magulo ang damdamin niya. Ngayon lang niya nakitang ngumiti nang ganoon si Francesca.

Noong bagong kasal sila at unang lumipat sa bahay na iyon, napakalamig nito.

Sinabi pa nitong kailangang maging reserved at dignified.

Pero ngayon alam na niya ang totoo. Hindi dahil bawal kundi dahil hindi siya sapat para pasayahin ito.

Pagkatapos mag-ayos, hinawakan ni Francesca ang kamay ni Dylan at dinala ito sa kwarto para paliguan.

Mayamaya, may narinig na iyak ng bata mula sa loob.

Huminto rin ang tunog ng shower. Kinabahan si Chancellor.

Wala namang experience si Francesca sa pag-aalaga ng bata.

Baka nadulas o nasaktan si Dylan.

Kahit na sobrang sakit pa rin ng lahat, hindi niya kayang pabayaan ang isang bata.

At kahit nag-away sila kagabi, concern pa rin siya kay Francesca. Parang instinct na niya iyon matapos ang limang taon.

Kaya agad siyang lumapit at binuksan ang pinto. Pero pagpasok niya, agad siyang natigilan.

May panlalaking coat na nakasabit malapit sa pinto. Biglang bumigat ang dibdib niya.

Bahagyang bukas ang pinto ng banyo kaya kitang-kita niya ang nasa loob.

Umiiyak si Dylan habang nagtu-toothbrush dahil dumugo ang gilagid nito.

Kakagaling lang ni Francesca sa paligo at tanging tuwalya lang ang nakabalot sa katawan nito habang marahang inaalo ang bata.

Sa likuran nito…

Nakatayo si Leonard.

Hawak nito ang hair dryer habang pinapatuyo ang buhok ni Francesca.

Nakangiti pa ito habang tinutuksong duwag si Dylan.

May warmth sa pagitan nila. Ang gaan. Parang totoong pamilya.

Pero sa sarili niyang bahay, si Chancellor ang mukhang outsider.

Namutla siya agad at parang binagsakan ng kidlat. Nanghina ang tuhod niya at napaatras siya hanggang sumandal sa pader.

Nagulat si Leonard sa tunog at agad napalingon. Pagkakita kay Chancellor, halatang nag-panic ito.

“Mr. Gonzales, please don’t misunderstand.”

Nagmadali itong magpaliwanag.

“Hinatid ko lang si Dylan kagabi. Ayaw niya akong paalisin kasi bata pa siya, kaya dito muna ako natulog.”

“Kasama ko lang siya bilang ama niya. Wala talagang ibang nangyari…”

Pero habang nagsasalita ito, lalo lang sumasakit ang dibdib ni Chancellor.

Doon lang niya tuluyang na-realize. Kaya pala may narinig siyang boses kagabi.

Hindi pala iyon imagination. Buong gabi palang nasa kwarto ni Francesca si Leonard.

At ang pribilehiyong iyon…

Hindi man lang niya naranasan bilang asawa nito.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
50 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status