Share

Kabanata 9

Author: Crazy Carriage
Ang babae ay ang nakababatang kapatid ni Tommy at anak na babae ni Howard, si Megan Callahan.

Sa sandali na pumasok siya, napansin niya si Thea at James. Hindi niya mapigilan na titigan sila.

Tapos lumapit siya kay Lex at pinakita sa kanya ang article sa kanyang phone.

Nakita ni Lex ang litrato ni Alex na nakayuko kay Thea, ang kanyang kamay ay nakaunat. Siya ay nabigla.

Iyon si Alex Yates, ang chairman ng Celestial Group.

Sa Cansington, kahit ang The Great Four ay kailangan sumunod sa kanyang patakaran.

Kinuha niya ang kontrata sa lamesa at kinumpirma na ito ay talagang order para sa isang daang milyong dolyar. Siya ay tumawa. “Ha ha, mahusay, Thea. Ikaw ay talagang isang Callahan! Oras na para sa Eternality Group na sumikat!”

“Paano si James, lolo?”

“Ano? Si Joel Xavier ay nandito?” Isang may edad na babae ang pumasok.

Ito ay si Gladys, ang ina ni Thea.

Napansin niya si Joel sa sandali na pumasok siya at dumiretso papunta sa kanya, malaki ang ngiti sa kanyang mukha. “Ikaw siguro si Joel. Marami ang narinig ko tungkol sayo! Ano sa tingin mo kay Thea? Kung gusto mo siya, sayo na siya.”

“Mom.” Si Thea ay sobrang galit na pumadyak siya. Nakatingin kay Lex, siya ay halos mapaiyak. “Lolo, ginawa namin ang gusto mo. Nakuha namin ang order at kailangan mong sundin ang pangako mo.”

“Hmph.”

Mukhang nanlalait si Joel. “Ano ngayon kung meron kang kontrata? Tulad ng sabi ko, isang tawag lang ang kailangan para mapawalang bisa ang kontrata na ito.”

“Ang lakas ng loob mo…” Galit na tinuro ni Thea si Joel at tumingin kay Lex, nagmamakaawa sa kanya. “Lolo.”

Binaba ni Lex ang kontrata.

Hindi niya alam kung bakit si Alex Yates ay kailangan itong personal na asikasuhin.

Muli, hindi maitatanggi na ang Celestial Group ay malapit na partner ng mga Xavier. Kung mabastos nila si Joel, maaari na mawala ang kontrata. Higit pa dito, si Thea ito, hindi si James, na siyang nakakuha ng kontrata.

Humipak sa kanyang tobacco pipe, sinabi niya, “Thea, nakuha mo ang kontrata. Ito ay walang kinalaman kay James. Ganun pa din ang deisyon ko. Idivorce si James at pakasalan si Joel.”

“Tama iyan.” Si Joel ay mukhang mayabang na para bang alam niya na siya ay nanalo. Kapag si Thea ay sa kanya na, hahanap siya ng paraan para ligpitin si James.

Hindi siya naniniwala na si Lex Callahan ay babastusin siya para sa walang kwentang si James.

Kung mabastos nila siya, ang mga Callahan ay mahihirapan.

Masaya, sinabi ni Joel, “Matalinong desisyon, Mister Callahan. Ang ama ko ay magiging pinuno ng pamilya. Kung mapasaya mo ako, makukuha mo lahat ng order na gusto mo.”

“Honey…” Naiiyak na tumingin si Thea kay James.

Nakatingin si James sa kanya, tinatanong, “Ano ang gusto mo, Thea?”

Desidido, sinabi ni Thea, “Kasal na tayo ngayon. Asawa mo ako. Maliban kung patay ako, hindi tayo magdidivorce.”

Tumango si James at sinabi, “Tawagan mo si Alex Yates at ipaliwanag ang sitwasyon sa kanya. Tignan natin kung si Joel ay talagang totoo ng sinabi niya na kaya niyang ipawalang bisa ang kontrata. Kung si Joel ay merong ganitong kapangyarihan, kung gayon sa tingin ko mas magiging masaya ka kasama siya. Ano pa man ang kalagayan, mas mabuti ito kaysa sa manatili kasama ang mahirap na tulad ko.”

Ang mga Callahan ay tumingin kay James na may kaunting paghanga.

Ngumiti si Lex. “James, matalino ka. Huwag kang magalala. Tutuparin ko ang sinasabi ko. Matapos ang divorce, babayaran kita ng limang daang libong dolyar.”

Hindi alam ni Thea kung ano ang iniisip ni James. Nagaalala siya na si James ay nararamdaman na wala ng ibang pagpipilian pa.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni James. “Honey, huwag kang magalala. Sisiguraduhin ko na mananatili ka. Kung susubukan nila na itapon ka palayo, magpapakamatay ako.”

“Tawagan si Alex Yates.”

“Sige.”

Nilabas ni Thea ang kanyang phone at ang business card ni Alex.

Ng siya ay tatawag na, hinablot ni Gladys ang phone sa kanyang mga kamay. “Tama na ang kalokohan na ito! Ang basurang ito ay sumang ayon sa divorce! Bakit ang tigas pa din ng ulo mo? Anong mabuti ang mangyayari sa pananatiling kasama siya? Si Joel ay mas mabuti!”

Kinumpas ni Joel ang kanyang kamay, walang pakialam sa mundo. “Hayaan mo siya na tumawag para sumuko siya. Thea, tanungin mo kung ang Celestial ay gusto na makipagtrabaho sa mga Xavier o sa mga Callahan.”

Sumunod si Gladys at binigay pabalik ang phone kay Thea.

Si Joel ay mukhang siya na ang panalo.

Ang mga Callahan ay tanging second-rate na pamilya sa Cansington. Imposible ang Celestial na susuko sa partnership sa mga Xavier.

Ang tawag ay kumonekta.

“Mister Yates? Ako ito, si Thea Callahan. Nagpirmahan tayo ng kontrata kanina. Oo, ako ito. Sabi ni Joel Xavier na kaya niya ipawalang bisa ang kontrata na pinirmahan ko.”

Sa opisina ni Alex Yates.

Nagalit si Alex. Sumigaw siya, “Joel? Sinong Joel? Joel Xavier? Walang sino man ang may awtoridad para ipawalang bisa ang kontrata na pinirmahan ko.”

“Ang Megatron Group ng mga Xavier. Tinanong din ni Joel kung mas gusto mong makatrabaho ang mga Xavier o mga Callahan?” Nagsalita si Thea sa mahinang boses. Kung sabagay, ang mga Xavier ay parte ng The Great Four, at ang mga Callahan ay second-rate na pamilya.

“Okay, kalma, Thea. Hayaan mo na tignan ko at tatawagan kita kaagad pagkatapos.”

“Sige.”

Binaba ni Thea ang tawag.

Mukhang mayabang si Joel. “Kamusta ito?”

Sabi ni Thea, “Sabi ni Mister Yates na tatawagan niya ako muli.”

Matapos na binaba ni Alex ang tawag, kaagad siyang gumawa ng imbestigasyon.

Wala siya masyadong pakialam tungkol sa mga partnership ng kumpanya. Ang vice president ang madalas nagaasikaso nito.

Tinawag niya ang vice president, nalaman na ang Celestial ay pumirma ng kasunduan sa Megatron Group ng mga Xavier na hinayaan sila na mauna sa distribusyon ng mga order.

“Walton, tanggal ka na! Ligpitin mo ang gamit mo at lumayas!”

Inutusan ni Alex ang business department para kanselahin ang mga order ng Megatron. Simula ngayon, si Megatron ay hindi kailanman makukuha ang kanilang mga order.

Ng siya ay magawa ng kailangan paghahanda, tinawagan niya muli si Thea.

“Hi, Thea. Nakuha ko na ang lahat. Nakansela na namin ang lahat sa Megatron. Simula ngayon, ang Eternality Group ang merong unang prayoridad sa aming order. Masaya ka ba dito?”

Ang phone ni Thea ay naka loudspeaker.

Narinig ng lahat ang sinabi ni Alex.

Sila ay nagulat.

Tanging si Joel lang ang tumatawa. “Thea, sino ang tinawagan mo? Ang lakas ng loob niya, hindi ba? Ano ang tungkol sa pagkansela sa lahat sa Megatron at pakikipagtrabaho sa Eternality? Tanging hangal lang ang gagawa ng desisyon na ito. May binayaran ka ba para magpanggap bilang chairman ng Celestial?”

Malakas na nagsalita si Joel at ang loudspeaker ay nagpalakas ng boses niya. Malinaw na narinig ni Alex ang lahat.

Nawala ang kanyang pasensya. “Joel Xavier, tama? Simula ngayon ang mga Xavier ay tapos na!”

Matapos iyon, binaba niya ang boses niya at sinabi, “Thea, huwag ka magalala sa mga order. Walang sino ang magagawang magkansela sa kanila. Ang mga Xavier ay binigyan ka ng problema? Sandali lang. Aasikasuhin ko ito kaagad. Ang mga Xavier ay mababankrupt sa loob ng kalahating oras!”

Binaba ni Alex ang tawag.

Tapos, nagsabi siya ng ilang mga utos. “Wala akong pakialam ano ang gagawin mo. Gusto ko ang mga Xavier na mabankrupt sa loob ng kalahating oras!”

Si Alex Yates ang chairman ng Celestial Group.

Kahit na siya ay nagmula sa Capital, siya pa din ay makapangyarihang tao sa Cansington.

Kung gusto niya ang mga Xavier na mabankrupt, ito ay mangyayari.

Si James ay natuwa sa mga pangyayari. Nakatingin sa nalilitong ekspresyon ni Thea, ngumiti siya. “Thea, sa tingin ko si Mister Yates ay natutuwa sayo. Inaanak ka ba niya?”

Si Joel ay mukhang nababagot. Paano ang mga Xavier na mabankrupt sa loob ng kalahating oras?

Anong malaking kalokohan!

Sa sandaling iyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ama. “Ikaw g*go ka! Ano ang ginawa mo? Ang Celestial ay kinansela ang partnership sa Megatron!”

Si Joel ay walang masabi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4159

    Sa larangan ng digmaan, agad na namutla ang daan daang libong nilalang. Maraming Nine-Power Macrocosm Ancestral Gods ang hindi nakayanan ang kapangyarihan ng Sacred Blossom. Habang ang pwersa ay bumabalot sa hangin, sila ay agad na napawi, hindi man lang nag iwan ng bakas ng kanilang mga kaluluwa.Mabilis na umiwas sa pwersa ang ilang Quasi Acmean at umatras sa malayo. Ang mga hindi makaiwas ay inipon ang lahat ng kanilang lakas upang ipagtanggol ang kanilang sarili.Boom!!!Isang pagsabog ang yumanig sa larangan ng digmaan.Ang Sacred Blossom ay sumabog sa pira piraso at ilang mga powerhouse ang tumalsik, na naging sanhi ng pagluwa ng mga ito ng dugo.Nangyari ang lahat sa isang kisapmata. Binalot ng katahimikan ang larangan ng digmaan. Maraming nasawi sa daan daan at libo libong mga kalahok. Halos lahat ng Nine-Power Macrocosm Ancestral Gods ay namatay dahil sa pag atake ng Sacred Blossom. Iilan lamang sa Nine-Power Macrocosm Ancestral God na may mga emergency na maniobra ang ha

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4158

    Daan daang libong powerhouse ang sabay sabay na umatake kay James. Nakakatakot ang kanilang pinagsamang aura. Ito ay sapat na upang takutin ang isang powerhouse sa Quasi Acme Rank na mawalan ng lakas ng loob na lumaban.Swoosh!Isang mahabang espada ang lumitaw sa kamay ni Wotan. Ang mukhang ordinaryong espada ay biglang naglabas ng nakakasilaw na kinang at ang katawan ni Wotan ay agad na nagpakawala ng malakas na aura. Inilabas ni Wotan ang kanyang espada at nagkamit ng Sword Energies na sumugod patungo sa grupo ng mga nilalang.Sa sandaling iyon, ang mga Quasi Acmean sa taliba ay nagkaisa at nagpakawala ng isang malakas na pwersa upang depensahan laban sa pag atake ni Wotan. Sinusubukan lamang ni Wotan ang tubig at hindi ginamit ang kanyang buong lakas. Ang grupo ng mga powerhouse ay madaling nakaharang sa kanyang magaan na pag atake.Ngumiti siya at mahinang sinabi, "Nakakatuwa. Magiging masaya ang laban na ito ngayon." Pagkatapos niyang magsalita ay sinulyapan niya si James at

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4157

    Si Sigmund mula sa Devil Race ay humakbang pasulong. Tumayo siya sa pinakaharap at sinabing, "Wotan, si Forty nine ay isang tao. Siya ay kaaway natin parehas. Masyadong malaki ang potensyal na ipinakita niya at hindi natin siya maaaring hayaang umalis dito ng buhay. Kung hindi, siya ay magiging banta at magwawasak sa ibang lahi ng Greater Realm.""Hindi ko alam kung anong lahi ka, pero sana tulungan mo kaming patayin muna ang Forty nine.""Hindi mahalaga kung sino sa atin ang mabubuhay sa huli. Gayunpaman, dapat nating alisin siya."Matatag ang boses ni Sigmund.Ang prodigy ng The Ghost Race, si Xhafer, ay sumigaw din, "Tama si Sigmund. Kahit isa lang sa atin ang makakaalis sa lugar na ito, hindi maaaring ang taong iyon.""Sumasang ayon ako. Sabay natin siyang patayin.""Sana isaalang alang mo ang mga kahihinatnan, Wotan. Huwag kang mangahas na maging isang taksil sa mga lahi ng Greater Realm."Matapos patayin ni James si Wynnstan mula sa Doom Race, napagtanto ng lahat kung gaan

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4156

    Sa wakas ay lumitaw na ang utak sa likod ng buong kaganapan. Sa paghusga mula sa malabong pigura nito, malamang ay nagkaroon ito ng anyong tao. Gayunpaman, mahirap makita ang mukha ng pigura at makita ang kanilang kasarian. Ang boses ay tila matanda at paos, na nagbigay dito ng isang dominanteng kalidad.Ang daan daang libong mga nilalang ay tumingin sa pigura na lumitaw sa itaas ng Desolate Grand Canyon. Sinimulan ng lahat na hulaan ang pagkakakilanlan at rank ng pag cucultivate ng misteryosong utak. Walang exception si James. Napatitig din siya sa malabong pigura na nagpakita ng sarili.Inilabas niya ang kanyang Divine Sense, sinusubukang suriin ang pigura. Gayunpaman, nalampasan ng kanyang Divine Sense ang malabong pigura at hindi napansin ang presensya nito. Lumulutang ang pigura sa mismong harapan niya. Nakikita niya ito mismo, ngunit hindi ito masuri ng kanyang Divine Sense.Nagulat si James at naisip na ang nilalang ay dapat na may napakataas na rank ng pag cucultivate."Sa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4155

    Matagumpay na nilinang ni James ang Unang Pagbabago ng Three Fire Transformations ng Flame Art, ang Flame God Incarnation. Gayunpaman, ang pag master ng Ikalawang Pagbabago ay mas mahirap. Hindi maaaring linangin ito ni James sa loob ng maikling panahon.Gayunpaman, ang Unang Pagbabago ay sapat na sa ngayon. Inalis ni James ang Ignis at bumalik sa normal ang kanyang katawan. Pinunit niya ang kawalan, lumabas sa pinagtataguan at muling humakbang sa Desolate Grand Canyon.Agad niyang napansin ang hindi mabilang na mga nilalang na nakapaligid sa kanya. Napunta sa kanya ang mga tingin ng lahat."Lalong lumakas ang kanyang aura. Sa panahong ito, malamang na nag cultivate siya ng palihim at napabuti ang kanyang cultivation rank.""Bwisit. Kahit na mamatay tayo sa paparating na labanan, kailangan natin siyang sirain. Hindi natin siya papayagang umalis sa planeta na may Primal Mantra."Maraming powerhouse ang lihim na nakipagsabwatan sa isa't isa. Mayroon silang iisang layunin—ang alisin

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4154

    Buong pusong nakatuon si James sa pag cucultivate.Matapos suriin ang Ignis, napagtanto ni James na hindi ito isang ordinaryong apoy. Sa halip, ito ay isa sa mga pinaka mahiwagang apoy sa langit at lupa. Magkakaroon si Ignis sa sandaling magwakas ang isang malaking mundo. Pagkatapos ng malaking pagkawasak ng mundo, isang Ignis ang lalabas sa abo nito. Gayunpaman, hindi lahat ng mga pangunahing mundo ay maaaring gumawa ng Ignis kapag sila ay nawasak. Mabubuo lamang si Ignis pagkatapos ng pagbagsak ng mundong katulad ng Primordial Realm.Bukod dito, isang maliit na halaga lamang ng Ignis ang mabubuo pagkatapos. Ang pagkolekta ng malaking halaga ng Ignis ay mangangailangan ng maraming mundo upang matugunan ang kanilang mga katapusan.Kilala rin si Ignis bilang Paglilinang ng Apoy, dahil ang mga ath ng langit at lupa ay nageexist sa loob ng apoy nito.Ang mga tao ay mga nilalang din sa ilalim ng langit at lupa at ang eexist sa pamamagitan ng paggana ng mga Path. Ang mga Path na ito ay

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4153

    Matapos makabuo ng plano si James, hindi na siya nagtagal sa lugar. Pinutol din niya ang kawalan at nagtago sa loob ng mga bitak ng espasyo upang icultivate.Dahil ang formation ay lumiit patungo sa gitnang rehiyon, maraming mga powerhouse ang lumitaw na malapit sa Desolate Grand Canyon. Matapos itago ang sarili sa isang walang laman, bumuo si James ng time formation sa kanyang katawan.Pagkatapos, sinimulan niyang pag isipan ang Three Fire Transformation ng Flame Art. Ito ay isang mapangwasak na Supernatural na Kapangyarihan. Ang mga kinakailangan upang icultivate ito ay lubhang malaki ang kinakailangan. Una, kailangan ng isang makapangyarihang pisikal na katawan. Pangalawa, ang isa ay kailangang sumipsip at pinuhin ang isang Ignis. Pagkatapos matupad ang mga kondisyong ito, magiging karapat dapat ang isa na icultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art."Ang Unang Pagbabago ng Three Fire Transformation ng Flame Art ay God Incarnation.”“Ang Ikalawang Pagbabago ay Everlas

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4152

    Nagpakita si Wotan na magulo ang buhok at malagim na sugat. May bahid ng dugo ang kanyang puting damit at mukha siyang pagod.Tumingin si James kay Wotan na nakakunot ang noo at sinabing, "Ikaw ang ika sampu sa Gold Rank ng Chaos Ranking. Sa one-on-one na laban, hindi ka matatalo ng mga cultivator sa Quasi Acme Rank. Malaki ang tsansa mong manalo sa isang laban laban sa isang Acmean. Paano ka napunta sa napakasamang estado?"Lumakad si Wotan, umupo sa lupa at malungkot na bumuntong hininga. "Huwag mo na akong tanungin tungkol dito. Wala akong araw ng kapayapaan mula nang umalis ako sa Palace of Compassion. Nagsama sama ang ilang Quasi Acmeans para tugisin ako nitong mga nakaraang taon. Kanina lang, hindi bababa sa 20 Acmeans ang humahabol sa akin. Nagawa kong makatakas ng napakahirap."Mula ng maghiwalay si James, nakahanap na si Wotan ng lugar na maaari niyang linangin. Gayunpaman, hindi nagtagal ay natuklasan ang kanyang kinaroroonan. Simula noon, palagi na siyang tumatakbo.Sa p

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4151

    Maraming magagandang biyaya ang lumitaw sa panahong ginugol ni James sa pag cucultivate at ang iba't ibang nilalang ay walang katapusang nakipaglaban sa kanila. Ang ilan ay nawalan pa ng buhay sa matinding labanang ito. Ang mga malalakas lang ang natira sa huli.Kahit na pagkatapos ng 500,000 taon, walang iba kundi si James ang bumisita sa gitnang rehiyon. Ginugol ni James ang mga nakaraang taon sa pag cucultivate sa loob ng pagbuo ng oras at ang kanyang pag unawa sa mga Formation Inscription ay lumalim pa. Naglabas siya ng nakakatakot na aura at umikot sa kanya ang mahiwagang Formation Inscriptions.Boom!Biglang nagsanib ang Formation Inscriptions at isang nakakatakot na pwersa ang sumabog.Nabasag ang nakapalibot na kalawakan at ang mga shock wave ay bumagsak sa hangin.Ang lakas ng aura ni James.Dahan dahan siyang tumayo at kampante na tumawa. "Naabot na ng aking Formation Path ang Quasi Acme Rank."Matapos ang hindi mabilang na mga taon ng maingat na pagsisikap, sa wakas a

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status