Share

Kabanata 8

Author: Crazy Carriage
Nagkibit balikat si James. “Anong ibig mong sabihin? Ako’y isang ampon lamang. Paano ko posibleng makilala si Alex Yates?”

“Ah, ano ba naman. Paano ang tungkol sa House of Royals kung gayon?”

Nagpaliwanag si James. “Paano ko magagawang mabili ito? Ito ay pagmamay ari ng kaibigan ko. Lumaki kami ng magkasama sa ampunan. Siya ay nasa ibang bansa at alam na kailangan ko ng lugar na tutuluyan, kaya mabait niya akong hinayaan na manatili dito at bantayan ang bahay para sa kanya.”

“Talaga?” Nagdududa pa din si.

“Syempre. Bakit? Balak na idivorce ako kung ang House of Royals ay hindi akin? Medyo materialistik, hindi ba?”

“Hindi!” Napanguso si Thea. “Tinulungan mo akong gumaling at binigyan ako ng bagong kontrata ng buhay. Kasal na tayo ngayon at asawa mo ako. Hindi problema ang pera. Ako ang bahala sa atin!”

“Thea, pasensya! Kasalanan ko itong lahat!”

Sa sandaling iyon isang babae ang lumapit at tinapon ang sarili niya sa bintana ng sasakyan.

Ang kanyang buhok ay magulo at ang kanyang mukha ay namumula at namaga. Kung titignan, siya ay nagulpi.

Ang babae ay si Jane Whitman.

Malapit na nakasunod sa likod niya si Linus. Bayolente niyang hinatak ang buhok nito at hinagis siya sa sasakyan ng malakas.

“P*ta ka! Nawala ang trabaho ko dahil sayo! Papatayin kita!”

“James…” Nagsimulang magsalita si Henry.

Kinumpas ni James ang kanyang kamay. “Hindi natin ito problema. Tara na.”

“Honey…” Tumingin si Thea kay Jane, na matinding nasaktan. Nagaalala, tinanong niya, “Honey, magiging ayos ba ang lahat?”

Ngumiti si James sa kanya. “Nagkakaroon lang sila ng pagaaway ng magkarelasyon. Hindi tayo dapat makialam.”

“Thea, pasensya na. Hindi ko alam na kilala mo ang chairman. Pakiusap tulungan mo ako.” Napaluhod si Jane, nagmamakaawa kay Thea.

Matapos siyang gulpihin ni Linus, pumunta siya sa harap ng sasakyan. Naglabas siya ng isang pack ng sigarilyo na nagkakahalaga ng isang daang dolyar kada pack at binigay ang isa kay Henry. “Bro, hindi, mabait na ginoo, maaari mo bang ibaba ang bintana? Pakiusap pakausap ako kay Miss Callahan.”

Tumalikod si Henry para humingi ng pahintulot mula kay James.

Mabagal na tumango si James.

Binaba ni Henry ang bintana.

Pumunta si Linus sa likod at nagalok ng sigarilyo kay James.

Hindi ito kinuha ni James.

Naiilang na ngumiti si Linus. “Miss Callahan, kasalanan ko ito dahil hindi ko alam kung gaano ka kaimportante kay Mister Yates. Pakiusap bigyan mo ako ng pabor at sabihin sa kanya na huwag akong tanggalin.”

Naglabas siya ng sobre at inalok ito kay Thea. “Heto ang sampung libong dolyar bilang maliit na pasasalamat.”

Nakatingin si Thea kay James.

Nilagay ni James ang kanya braso sa paligid niya at ngumiti. “Darling, tara na. Kailangan natin ipakita kay lolo ang kontrata. Magiging opisyal na couple lang tayo sa kanyang pagpayag.”

Naintindihan ni Thea, sumasang ayon na tumango.

Higit pa dito, hindi niya kilala kung sino si Alex Yates at hindi matulungan kahit sino sa kanila.

Kasalanan naman nila ito.

“Henry, tara na.”

“Sige.”

Pinaandar ni Henry ang makina at umandar paalis.

“Thea…” Nanatiling nakaluhod si Jane sa sahig, matinding umiiyak.

Hindi siya pinansin ni Thea. Sa sasakyan, bumelat siya kay James, mapaglarong ngumiti. “Honey, sa tingin mo na pareho sila ay nawalan ng trabaho dahil sa akin?”

Sabi ni James, “Hindi tuluyan. Ang Celeestial ay malaking kumpanya at sila ay hindi kailanman hahayaan ang empleyado tulad ni Linus na sirain ang kanilang pangalan. Sa paraan ng pagabuso ng kanyang kapangyarihan, oras lang bago siya matanggal. Ang ginawa mo lang ay ang pabilisin ang mga bagay.”

Maluwag ang pakiramdam ni Thea matapos marinig ito.

Kaagad, sila ay dumating sa bahay ng mga Callahan.

Simula ng malaman ng mga Callahan na si Thea ay nabalik ang itsura niya, sila ay gumawa ng plano para sa kanya.

Inimbitahan pa ni Tommy ang kanyang kaibigan, plano na ipakilala si Thea sa kanya.

Ang kanyang kaibigan si Joel Xavier, ay isang babaero na hawak ang mundo sa kanyang kamay salamat sa yaman ng kanyang pamilya.

Kagabi lang, ang mga Xavier ay nakaranas ng malaking atake sa kamatayan ni Warren. Si Joel ay walang pakialam sa buong pangyayari. Ano ang magagawa niya? Hindi niya kayang buhayin ang patay.

Sa nagdaang mga taon, si Warren ay may kumpletong kontrol sa pamilya. Patuloy niyang binabawasan ang allowance ni Joel. Ngayon na patay na siya, ang ama ni Joel ay ang bagong patriarch.

Kapag ang kanyang ama ay nasa kontrol, siya ay magiging mas importante kaysa dati.

Higit pa dito, ang libing ni Warren ay simple at ang pamilya ay hindi nagluluksa.

Ayon kay Tommy, si Thea ay nabalik ang kanyang itsura at sobrang ganda. Siya ay nandito para makita kung gaano kaganda siya ngayon, dahil sa siya ay sobrang pangit bago ito.

Sa villa, ang mga Callahan ay nakapaligid kay Joel, sila ay halos parang pumupuri sa diyos.

Pakiramdam ni Tommy na importante siya. Nakaupo sa couch ang kanyang paa ay nakaekis, sinasabi, “Lolo si Joel ay mabuti kong kaibigan. Sinabi ko sa kanya kung gaano kaganda si Thea, na dahilan bakit siya nandito. Si Thea ay kailangan idivorce si James at maging girlfriend ni Joel.”

Ngumiti si Lex sa pagsang ayon. “Syempre. Ang batang si Joel Xavier ay perpektong pares para sa ating Thea…”

Ang mga papuri ng mga Callahan ay napunta sa isipan ni Joel at natuwa siya dito.

Ganito ang pagiging parte ng The Great Four sa Cansington. Saan man siya magpunta, merong mga taong naghihintay para puriin siya.

“Lolo.”

Sa sandaling iyon, si Thea ay pumasok kasama si James.

Sa sandaling siya ay nasa bahay, nilabas niya ang kontrata. Masaya, sinabi niya, “Heto ang kontrata ng Celestial Group. Ibig sabihin ba nito na si James ay pwedeng manatili?”

Napatayo si Tommy kaagad at tinuro si Joel na nakaupo sa couch. “Thea, hayaan mong ipakilala ko sayo si Joel Xavier. Kilala mo kung sino ang mga Xavier, tama? Ang mga pinuno ng The Great Four? Bakit hindi ka magsindi ng sigarilyo para sa kanya?”

Si Joel ay halos nagsimulang maglaway ng makita si Thea.

Kilala niya si Thea noon ng siya ay pangit. Ngayon na siya ay maganda na muli, siya ay mukhang parang diyosa. Mukhang ang pagpunta sa mga Callahan ay worth it. Si Thea ay mas maganda kaysa sa lahat ng ibang mga babae na kanyang pinaglaruan.

Sumumpa niya na si Thea ay makakasama niya sa kama.

Tumingin si Thea kay Joel. Ang kanyang tingin ay sobrang nakakailang. “Sino siya? Hindi ako magsisindi ng sigarilyo para sa kanya.”

“Magingat ka sa sinasabi mo,” Nanlamig na sinabi ni Lex. “Paano mo nagawang kausapin si Joel ng ganun? Humingi ka ng tawad kaagad.”

Kumumpas ng mabait na kamay si Joel. “Mister Callahan, huwag mong maliitin si Thea. Gusto ko ang mga matigas ang ulo. Atsaka, ano ang tungkol sa pagkuha ng order mula sa Celestial?”

Minadali ni Tommy ang pagpapaliwanag.

Saka napansin ni Joel si James, na nakatayo sa likod ni Thea. Inakala niya na si James ay ang driver. Sino ang nagakala na siya ay ang asawa ni Thea, na pinili mismo ni Lex?

Ang kanyang ekspresyon ay nandilim. “Mister Callahan gusto ko si Thea. Iannul niyo kaagad ang kasal. Kung hindi, ang kailangan llang ay isang tawag mula sa akin at ang kontrata sa Celestial ay mawawalang bisa. Huwag mong kalimutan na ang mga Xavier ay ang pinaka malapit na business partner ng Celestial Group. Nasa amin ang pinakamalaking parte bago ang mga order ay ibigay sa ibang mga negosyo.”

Hindi halos lumingon si James kay Joel. “Narinig ko na si Warren Xavier ay patay na. Ikaw ay Xavier, hindi ba? Bakit ka nandito sa halip na magluksa sa bahay niyo?”

“T*ngina mo.” Tumayo si Joel at hinablot ang kwelyo ni James, tinaas ang kanyang kamay para sampalin siya.

Sinalag ni James ang sampal. Mahina, tinulak niya si Joel palayo.

Kahit na si James ay hindi halos gumamit ng lakas, si Joel ay natumba pa din, bumagsak sa couch. Ito ay nagpagalit lang lalo sa kanya. Siya ay parte ng The Great Four, sanay sa pinupuri ng lahat. Ngayon, ang walang kwentang ito ay tinulak siya? Malala pa, sino siya para banggitin ang kanyang patay na lolo?

Alam ng lahat ang tungkol sa kamatayan ni Warren, pero walang naglakas loob na banggitin ito.

Maliban kay James Caden.

Naglabas si Joel ng switchblade at tinapon ito sa sahig. Nanlalamig, inutos niya, “Hiwain mo ang isa sa iyong kamay at bubuhayin kita. Kung hindi, papatayin kita mismo!”

Tumayo si Tommy, nakangiti ng malaki. “Joeel, maupo ka at magsigarilyo. Kumalma ka. Masyadong madali para sayo na ligpitin ang basura na ito. Huwag kang magpigil dahil sa amin. Kahit na kung mamatay siya, walang may pakialam. Kapag namatay siya, si Thea ay sayo na.”

Si Thea ay galit, ang kanyang ngipin ay nagngingitngit.

Umupo si Joel at parang papatay na tinitigan si James. “Para sa iyong sinabi kanina, yari ka. Walang sino ang magagawang mailigtas ka.”

Ngumiti si James, hindi pinansin silang lahat.

Kung sila ay wala sa bahay ng mga Callahan, si Joel ay patay na ngayon.

Si Thea ay binigay ang kontrata kay Lex sa sumusukong paraan. “Lolo, ginawa namin ang sinabi mo sa amin. Kung makukuha namin ang order mula sa Celestial, kikilalanin mo si James bilang asawa ko. Ang order na ito ay hindi lang nagkakahalaga ng tatlumpung milyon. Ito ay nagkakahalaga ng isang daang milyon. Pakiusap tignan mo ito.”

“Ano? Isang daang milyon?” Si Lex ay nagulat.

“Lolo, dapat mong marinig ito! Ang chairman ng Celestial Group ay inimbita si Thea sa kanyang opisina ng personal!” Sa sandaling iyon, isang babae ang pumasok sa kwarto, ang kanyang ekspresyon ay hindi makapaniwala.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4538

    ‘Wala akong ideya kung ano ang nakatala sa loob ng aklat na ito. Bukod pa rito, kung tatahakin ko ang landas na ito, ano ang mangyayari sa akin kapag tuluyan ko nang nabuo ang Damon Eyes?’ Maraming tanong at alalahanin si Saachi sa kanyang isipan.Sa huli, hindi pa rin niya magawang buksan ang libro at basahin ito.…Sa kabilang banda, lumipat na si James sa isang bagong silid sa isa pang espirituwal na bundok.Kumuha siya ng isang libro na may malinis at maitim na pulang pabalat. Ito ang Blood Mantra na ibinigay sa kanya ni Thea. Habang maingat niyang binubuklat ang unang pahina ng libro, nakita ni James ang mga linya ng kakaiba at mahiwagang inskripsiyon sa pahinang iyon. Noon lang, ang mga inskripsiyong iyon ay tila gumagalaw at lumulutang sa hangin. Di nagtagal, nagsimulang mabuo ang mga salita sa isang banyagang sulat sa harap ng mga mata ni James.Si James lang ang taong nakakita ng mga salitang iyon dahil hawak niya ang libro. Kung may isang taong papasok kay James ngayon,

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4537

    Matagal na nag usap sina James at Lief. Kalaunan, napagpasyahan nilang bumalik sa mga espirituwal na bundok ng santa at sabay na umalis sa restawran.…Sa loob ng isang tahimik na manor na matatagpuan sa gitna ng mga espirituwal na bundok na pagmamay ari ng Saintess, nagsasanay si Saachi sa loob ng isang silid.Nagliliwanag siya sa isang dalisay at puting liwanag mula ulo hanggang paa. Ang kulay ng kanyang mga mata ay naging misteryoso at parang panaginip. Para bang nakikita ang kaakit akit na tanawin ng mga kalawakan sa loob ng mga ito.Bigla na lang, isang pagsabog ng Enerhiya ng Espada ang tila lumitaw sa harap ng mga mata ni Saachi at bigla nitong pinigilan si Saachi sa paggamit ng kanyang mga kapangyarihan. Ang mga kahanga hangang kulay ay agad na nawala mula sa mga mata ni Saachi. Tumulo ang dugo mula sa gilid ng kanyang mga mata habang ang kanyang mga iris ay tila naging mapurol at malabo.Habang umuubo ng dugo si Saachi, nawalan siya ng balanse at bumagsak sa sahig.Sa ka

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4536

    Nagawa ni James ang mga konklusyong iyon matapos niyang obserbahan ang kanyang kapaligiran at ang kalagayan ng universe.“Ito ay dahil gusto nating mabuhay, syempre.” Nagpasya si Leif na maging matapat.Pinayagan na si James na malayang gumala sa kanilang universe. Alam ni Leif na laging malalaman ng lalaki ang kanyang ibabahagi sa pamamagitan ng pagtatanong sa iba pang mga naninirahan sa kanilang universe.“Narinig mo na ba ang tungkol sa Distrito ng Aeternus?” Tanong ni Leif.Tumango si James. Nabasa niya lang ang tungkol sa Nine Districts ng Endlos mula sa libro kanina. Ang Distrito ng Aeternus ay nakalista bilang isa sa siyam na distritong ito.Paliwanag ni Leif, “Ang Distrito ng Aeternus ay isa sa siyam na distrito na bumubuo sa Endlos. Bagama't ito ang may pinakamababang rank sa iba pang mga distrito, isa pa rin silang pwersang dapat isaalang alang. Sa kasamaang palad, sumiklab ang isang digmaang sibil doon at pinatay ang pinuno ng kanilang distrito. Upang mabuhay, iniligtas

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4535

    Ang bawat isa sa Siyam na Distrito ng Endlos ay sumasaklaw sa isang nakakagulat na malawak na lugar dahil sampu sampung libong universe ang matatagpuan sa mga distritong ito. Bukod pa rito, ang bawat distrito ay may kanya kanyang Heavenly Path, na tinatawag na District Heavenly Path. Ang mga universe na matatagpuan sa loob ng rehiyon ng isang partikular na distrito ay dapat sumunod sa kani kanilang mga batas ng Heavenly Path ng kanilang distrito.‘Halos katulad iyon ng nangyari noong panahon ng Chaos.’ Naisip ni James.Pagkatapos, nakatagpo si James ng isang kawili-wiling impormasyon sa huling bahagi ng libro.“Ang nawawalang distrito.”“May tsismis na mayroon talagang sampung distrito sa Endlos noong unang panahon. Gayunpaman, dahil sa ilang hindi kilalang dahilan, ang isa sa mga distrito, ang Distrito ng Chaos, ay nagtago at nawala mula sa Endlos. Hanggang ngayon, wala pang nakakahanap o nakakahanap sa Distrito ng Chaos.”Ng matapos niyang basahin ang libro, marami nang natutuna

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4534

    Pagkalabas ni Saachi ng silid, lumabas din si James. Napansin niyang wala na ang mga lalaking nagbabantay sa pinto niya kanina.Kahit hindi niya magamit ang kanyang Path Powers, nakakagalaw pa rin si James sa napakabilis na bilis dahil sa kanyang pambihirang pisikal na kondisyon.Sa loob lamang ng ilang segundo, nakababa na si James sa espirituwal na bundok na kinaroroonan niya.Samantala, pumasok si Saachi sa pangunahing bulwagan na matatagpuan sa isang kalapit na espirituwal na bundok. Lumuhod ang lalaking nakasuot ng puting damit at bumati, "Ms. Saachi, nakausap mo na ba ang lalaki? May ibinahagi ba siyang impormasyon tungkol sa kanyang pinagmulan?"Si Leif Weimdell, ang lalaking nakaluhod sa harap ng santa, ay ang kanyang tapat na nasasakupan. Ang lalaki ay isang malaking makapangyarihang tao.Umiling si Saachi. "Hindi siya masyadong nagsalita at napagpasyahan kong huwag siyang pilitin para sa mga sagot."Nagdikit ang mga kilay ni Leif. "Hindi ba mapanganib na hayaang malayan

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4533

    Tumayo si James at bahagyang yumuko. Taos puso niyang pinasalamatan ang ginang. "Lubos akong nagpapasalamat sa iyong tulong."Mahinang ngumiti ang santa. "Wala lang iyon. Ang iyong katawan ay muling nag regenerate sa isang kamangha manghang bilis. Kahit na hindi kita ibinalik sa ating universe, ikaw ay ganap na nakabawi at nagkamalay sa loob ng sapat na panahon."Muling umupo si James. Nagtanong siya, "Maaari ko bang itanong kung ano ang lugar na ito? Saang universe tayo naroroon ngayon?"Walang kaalaman o impormasyon si James tungkol sa mga panlabas na hangganan, kaya sinisikap niyang mangalap ng maraming impormasyon hangga't maaari.Huminga ng malalim ang Saintess.Bahagyang kumunot ang noo ni James at nagtanong, "Anong problema?"Sumagot ang ginang, "Nasa isang maliit at madaling malimutang universe tayo ngayon. Hindi ito nananatili sa isang takdang lokasyon at matagal ng naglalakbay sa Endlos Void."Nag isip-isip si James, 'Maaari kayang ang Endlos Void ay may pagkakatulad s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status