Binuhat ni Darryl ang isang bato at nagpatuloy sa pagoobserba sa lupa habang inaalam kung paano niya isosolve ang Stonehenge Formation habang nakatayo sa kaniyang tabi si Yvette. Walang kaalam alam ang dalawa na hindi talaga umalis si Lord Kenny at sa halip ay nagtago lang ito sa madilim na bahagi ng lugar na iyon.Noong mga sandaling iyon ay nagsquat at gumalaw si Darryl sa batong nasa tulay.Napanguso rito si Lord Kenny habang nanlalamig ang kaniyang mga mata. Narealize niya na marami palang mga nakatagong lihim sa batong tulay na ito kaya nagpasalamat siya nang hindi siya direktang tumawid doon kanina. Nagisip siya sa kaniyang sarili habang nagdedesisiyong obserbahan ang mga susunod na mangyayari.Pagkatapos ng ilang oras ay pinunasan ni Darryl ang kaniyang pawis habang sinasabi na, “Nagawa ko ito! Nagawa ko nang makahanap ng paraan para isolve ang Stonehenge Formation, Yvette. Sumunod ka nang husto sa akin!”Sumigaw naman sa tuwa si Yvette habang sinasabi na, “Sinasabi ko na ng
Napatili si Yvette habang sumusugod para tulungan si Darryl na makatayo. “Okay ka lang ba, Darryl?”Halos maiyak na siya sa mga sandaling ito.Huminga naman nang malalim si Darryl habang kinocomfort si Yvette. “Huwag kang magalala dahil hindi ako mapapatay ni Lord Kenny kahit na gaano pa siya kalakas.”Hindi siya nagsisinungaling nang sabihin niya ito. Dahil sa diwatang kaluluwa ni Darryl ay wala nang magagawa si Lord Kenny kundi sugatan nang malubha si Darryl. Hinding hindi niya ito mapapatay maliban na lang kung marunong na itong pumatay ng mga taong may kaluluwa ng diwata.Samantala, nasabik naman nang husto si Lord Kenny nang makita niya ang nasugatan ng hustong si Darryl habang tumatawa nang malakas sa kaniyang puwesto. “Binalaan na kitang huwag pumasok sa libingan ng aming mga ninuno, Darryl. Pero hindi ka pa rin nakinig sa akin. Sigurado ako na nakatadhanang mapigilan ng libingan ang iyong enerhiya. Ilang taon din akong nagisip kung paano kita papatayin na nadala ko maging s
napansin ni Yvette ang pag-unat ng mga braso ni Lord Kenny pero hindi niya ipinakitang takot siyang mamatay. Sa halip ay sumigaw siya. “Bakit hindi ka pa umaalis, Darryl? Anong ginagawa mo?”Tumulo ang kaniyang luha dahilan ng paglabo ng kaniyang paningin. Malalim ang pagmamahal niya para kay Darryl at mas gugustuhin niyang mamatay nang mag-isa kaysa magkasama silang mamatay.Nadurog ang puso ni Darryl nang marinig niya ang babae. ‘Yvette, ang pilya mo! Anong punto ng buhay kung hindi mo na ako kasama?’Nakita niyang malapit nang mamatay si Yvette sa mga kamay ni Lord Kenny, nakita ni Darryl ang tulay na bato at bigla siyang nagkaroon ng ideya. “Pakawalan mo na siya ngayon, Lord Kenny, kung gusto mong mapasaiyo ang kayamanan sa Hall of Fame.”Nagulat at huminto si Lord Kenny Bred. Nagtanong siya gamit ang malakas na boses. “Anong ibig mong sabihin?”Tinuro ni Darryl ang tulay na bato at nagsalita. “Stonehenge Formation ang tulay na iyon. Maliligaw roon ang mga papasok na hindi ala
Nang sandaling iyon ay naubusan ng pasensya si Lord Kenny at nagsimulang mag-undyok. “Hey! Tapos na ba kayong dalawa? Maaaring magbago ang isip ko kapag naghintay ako ng mas matagal.”Tinapik ni Darryl ang balikat ni Yvette. “Okay. Kumilos ka na.”Tumango si Yvette at nag-alangan siyang bitawan ang kamay nito at umalis.Mabilis na lumapit si Lord Kenny at malamig na nagsalita. “Tara na! Huwag mo akong niloloko.”Hindi siya nag-alala kung aatakihin siya ni Darryl dahil alam niyang mahina ito mula sa pagkakataob ng kapanyarihan nito at pag-atake sa kaniya.Hindi nagsalita si Darryl at humakbang siya sa tulay na bato. Sumunod sa likuran si Lord Kenny at pinagmatyagan ang bawat hakbang ni Darryl, ayaw niyang magkamali. Dali-daling lumapit ang isang payat na anyo pagkaapak nila sa tulay. Iyon ay si Yvette.Pagkabigay ng utos ni Darryl ay hindi talaga umalis ang babae at nagtago ito sa isang sulok kung saan hindi siya makikita ni Lord Kenny. Tahimik niyang sinundan ang mga ito nang mak
Sa puntong iyon, napagdesisyunan ni Darryl na ang butil ay ang kayamanang iniwan ni Janson. Ang nabanggit na makinarya ay para mabaling sa iba ang atensyon ni Lord Kenny.‘Makinarya?’ Nagulat si Lord Kenny sa kaniyang narinig at kaagad siyang tumingin sa paligid ng Hall of Fame. Tinakot niya si Darryl nang maghanap siya. “Kailangan mo akong tulungan sa paghahanap sa makina kung gusto mo pang mabuhay.”Mukhang planong kunin ni Lord Kenny ang Buhay ni Darryl, pero magagamit niya pa ang kaalaman at kasanayan ni Darryl sa mga pormasyon hangga’t hindi nito nakukuha ang mga kayamanan.Tumango si Darryl at nagkunwaring hahanapin ang makina kasama si Lord Kenny. Sikreto niyang ikinuway ang kaniyang kamay sa pintuan para sumenyas kay Yvette na kunin ang butil. Walang palyang pumasok si Yvette sa Hall of Fame nang mamtanggap niya ang pahiwatig ni Darryl.May narinig na ingay si Lord Kenny Bred at mabilis siyang tumalikod, pero huli na ang lahat. Pinanuod niya ang isang kisap matang pagkuha n
Tumayo si Lord Kenny at tumitig kay Yvette dahil sa paghihirap. ‘Hindi ba’t nakakatakot iyon? Kaya akong itapon ng ganito ng lakas na mayroon siya.’Nagtaka rin si Darryl kung bakit sobrang lakas ng enerhiyang nasa butil. Sa parehong sandali ay nag-alala rin siya dahil hindi magawang tiisin ni Yvette ang napakalakas na kapangyarihan.Napabulong sa sarili si Darryl, nilamon si Yvette ng makinang na sinag ng liwanag. Kasabay nito ang malupit na pagkalat ng enerhiyang mula sa sinaunang libingan sa Hall of Fame at nagtipon sa itaas ni Yvette.Unti-unting bumalik ang fairy soul ni Darryl sa ganoong pangyayari. Mabilis siyang lumapit kay Yvette nang walang pagdadalawang-isip nang bumalik ang fairy soul. “Yvette!”Katunayan ay kaya niyang kunin ang buhay ni Lord Kenny, pero napagtanto niyang hindi nakakatakot si Lord Kenny pagtapos nitong masugatan dahil sa anti-shock. Ang pinakamahalaga ay ang kaligtasan ni Yvette.Naramdaman ni Darryl ang paglakas ng enerhiyang nakakulong sa katawan ni
Galit na tumingin sa paligid si Darryl at malamig na nagsalita. “Sinong may gustong maunang mamatay? Halika!”Nag-echo ang kanilang boses sa sinaunang libingan at naramdaman ng lahat na paulit-ulit nila itong narinig. Nanginig sila sa takot dahil tunay siyang bayani ng Nine Mainland at labis na kakaiba ang kaniyang kapangyarihan.Nagkatinginan ang lahat dahil sa takot, pero walang nagtangkang lumapit.Bigla niyang narinig ang malamig na boses. “Darryl!”Pagtapos ay kumilos na sila at gumawa ng daan para sa darating. Iyon ay si General Grunt. Malupit ang aura nito at naging tahimik ang paligid.‘General Grunt?’ Kumunot ang noo ni Darryl at nanuya. “Bilang espesyal na sugo mula sa Godly Region, hinahanap mo rin ba ang kayamanan na nasa libingan na ito?”Tumalikod siya para magsalita nang magsalita ang lalaki.Namumula pa rin ang mukha ni Yvette dahil sa pagkalito. Mukhang hindi niya kayang magtiis pa.Hindi sumagot si General Grunt sa panunuya ni Darryl pero tumitig lang siya kay
”Darryl!” Bahagyang nanginig ang naguluhang si Yvette.Tanging ang humingi ng tulong lang ang magagawa ng nakatali at walang tunay na abilidad na si Yvette. Mas lalong lumaki ang ngiti ni Grunt sa nasaksihan niyang nakakaawang senaryo.Nagpatuloy siya habang nanatili sa kaniyang mga labi ang nakakakilabot niyang ngiti. “Nilabag mo ang batas ng langit dahil prinotektahan mo ang demonyo. Makakatanggap ka ng mga pananakot mula sa publiko kapag lumabas ang balitang ito. Maaaring malakas ka pero sa tingin mo ba ay mas marami kang nakakagat kaysa sa nangunguya? Wala kang tyansa laban sa lahat ng sektang mula sa mundo ng pag-cultivate.”Inilabas ni Grunt ang kaniyang kapangyarihan at lumipad palapit kay Darryl nang magsalita siya.Sa parehong sandali ay sabay-sabay sinugod ng mga nakapalibot na elite na mga sekta si Yvette.“Umalis ka!” Sigaw ni Darryl; nanginig sa galit ang kaniyang boses nang saktan niya si Grunt gamit ang kaniyang palad.Mukhang labis na nainis si Darryl sa kinilos n