Share

CHAPTER 9

Author: Gael Aragon
last update Huling Na-update: 2025-09-12 08:02:19

NAKAUPO si Jacob sa gilid ng kama at humahagikgik pa. Talagang siyang-siya ito sa kalokohang ginawa.

Nilapitan niya ito at tinitigan sa mga mata. “Akala ko ba may truce na tayo kagabi?” tanong niya rito. Pinipigilan niya ang sariling huwag kumawala ang inis na nadarama.

Umiling si Jacob. “We haven’t play in the mud. So, the deal is not yet sealed,” ang napakatalinong sagot nito at binigyan siya nang nakakalokong ngiti.

Ngunit hindi siya patatalo rito. “Pero kung ipagpapatuloy mo ang mga kalokohan mo sa akin, hindi talaga natin gagawin iyon,” makahulugang sabi niya.

Bigla itong napaisip habang nakatingin sa kaniya. Sinusukat nito kung totoo ba ang lumabas sa bibig niya.

Hindi siya natinag. Nakipagtitigan pa siya nang husto rito.

Napabuntonghininga ang bata. Nasiguro nitong hindi siya nagbibiro. At ito na mismo ang unang nagbawi ng tingin.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   WAKAS

    “MAHAL, gising ka na. Baka magalit na si Enrico,” ani Leandro sa natutulog pa ring asawa. Sa araw na iyon nila ihahatid ang kanilang panganay sa condo nito. Nahikayat na rin kasi sa wakas si Francesca sa desisyon ni Enrico na bumukod na sa kanila. Iyon daw ay para mas matuto pa itong maging independent. College naman na nga kasi ito. “Can I sleep more?” “No. Gusto mo bang mag-ala Hulk Hogan ang anak natin? Alam mo naman na mainipin ang isang iyon.” Tumayo si Leandro at hinila ang asawa pero nananatili pa rin itong nakapikit. “Alright. Kung ayaw mong bumangon, ganito na lang.” Niyuko niya ito at hinalikan sa tungki ng ilong. Pagkatapos, sa talukap ng mga mata nito, noo, pisngi, hanggang sa sakupin niya ang mga labi nito. Hindi niya tinigilan ang asawa hangga’t hindi ito tumutugon sa kaniya. Madali nitong ipinulupot ang mga braso sa batok niya at hinatak siyang muli pahiga. Napangiti si Leandro at sinaluhang muli ang kaniyang asawa sa kama. Mabilis siyang pumaloob sa kumot nila at

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 119

    “SAAN ba talaga tayo pupunta, mahal?” paanas na tanong ni Francesca sa asawa, habang dahan-dahan silang bumababa ng hagdanan. Alas-tres iyon ng madaling araw at pareho pa silang nakapantulog.Tumigil ito at sandaling sinilip ang kwarto ng kanilang mga anak, pagkuwa’y hinarap siya.“Shhh . . . Basta. You’ll see . . .” nakangiting tugon ni Leandro na hindi binibitawan ang isa niyang kamay.Natatawang naiiling na lang siya. Leandro never fails to surprise her. At ngayon nga ay tatlong taon na silang kasal.Parang mga magnanakaw na susukot-sukot silang lumabas sa may garden. Then, Leandro stopped and looked at her.“Close your eyes,” malambing na utos nito.Agad na ipikit ni Francesca ang kaniyang mga mata. Maingat siyang inalalayan ni Leandro papunta sa kung saan, hanggang sa tumigil ito at may kun

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 118

    TINULUNGAN nina Leandro sa pag-f-file ng kaso si Stephanie. Dahil na rin sa mabilis na pagkalap ng ahensya ni Bernard ng mga impormasyon laban kay Dyawne at sa mga ebidensyang hawak ni Stephanie, madali itong nababaan ng warrant of arrest. Binigyan din kaagad ito ng restraining order para hindi na malapitan pa sina Stephanie at Sarina. Noon lang nalaman ni Leandro na nagkaanak pala ito sa Dubai. Iyon din siguro ang rason kaya hindi nito nagawang silipin noon ang mga anak nila. Ang buong akala niya, wala talaga itong puso.Pero nang malaman niya ang mga pinagdaanan ng dating asawa, doon siya nakaramdam ng awa para dito. Hindi naman kasi nga bato ang puso niya. Isa pa, tama si Francesca, kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, mananatiling konektado ang babae sa mga buhay nila dahil ina ito ng mga anak niya. Kaya nga naniniwala na rin siyang walang rason para hindi niya muling ipagkatiwala ang mga anak dito, dahil napatunayan niyang mabuti rin ito

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 117

    “STEPHANIE . . .”“Hmm . . . ?” Nilingon siya nito habang nginunguya ang sushi na nasa bibig.Huminga si Francesca nang malalim bago binitiwan ang chopsticks na hawak at pinakatitigan ito sa mga mata.“How really are you?” tanong niya.“Ha?” Natawa ito, pagkuwa’y dere-deretsong nilunok ang nasa bibig. “Ano ba namang klaseng tanong iyan, Chesca? Of course, I’m fine! I’m totally fine.”“Really?”Sunod-sunod itong tumango. “Yes. Why do you ask?”Muli siyang humugot ng hangin sa dibdib. “Because you are not,” seryosong wika niya at hiwakan ang dalawang kamay nito. “You aren’t, Steph.” Hindi niya ito hinihiwalayan ng tingin.Malikot ang mga matang nag-iwas ito. “At paano

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 116

    “HI! Sorry I’m late!” masayang bungad sa kaniya ni Stephanie. Gaya nang dati, balot na balot ang katawan nito sa suot na pulang long-sleeve shirt at itim na slacks— at alam na niya ngayon ang rason sa likod niyon.“It’s okay. Hindi naman ako nainip dahil nagtitingin-tingin din ako ng mga p’wedeng mabili.”Naroon sila sa isang mall, sa labas ng isang home depot. Niyaya niya itong lumabas para makausap niya ito. Sinadya niya ring mag-girl bonding muna sila— shopping and groceries, para makondisyon muna ang sari-sarili nila. Hindi rin naman kasi madali ang gagawin niya.“Ano-ano ba ang gusto mong bilhin?” tanong nito sa kaniya.Nilingon niya ito nang may ngiti sa mga labi. “Ikaw, ano ba’ng gusto mong bilhin?”“Well, I wanted to redecorate my condo. Pabago-bago kasi ng taste si

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 115

    KINABUKASAN, dahil walang pasok ay kinausap nila ang kanilang mga anak. Kasama na rin si Enrico dahil ayaw naman nilang ma-left out ito. Karapatan din naman nitong malaman ang totoo, dahil ina pa rin ang turing nito kay Stephanie. Isa pa, pamilya sila, at ang pamilya dapat sama-sama sa pagharap sa mga problema.Ipinaubaya muna niya kina Yaya Lomeng at Helen ang kambal. Wala kasi roon ang byenan niya dahil may lakad daw ito. Mabuti na rin nga iyon kasi para hindi na ito mag-alala pa sa nangyayari.Kasalukuyan silang naroon sa opisina ni Leandro. Nakaupo silang apat ng kanilang mga anak sa harapan ng mesa ng kaniyang asawa, habang ito naman ay sa swivel chair nito. Katabi niya si Alejandro, na kapansin-pansin ang kakulangan sa pagtulog, habang si Jacob at Enrico naman ang magkatabi sa tapat nila na larawan sa mga mukha ang pagkalito.“Daddy, ano po’ng meron?” hindi na nakatiis na tanong n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status