2016“Saan ka na naman galing, Francesca?” Dumagundong ang boses ni Mr. Alexander Quijano, ang daddy ni Chesca, sa buong kabahayan. Nakaupo ito sa sala sa parting ’di gaanong nasisinagan ng ilaw.Napatigil si Francesca sa pag-akyat sa kwarto niya. Kauuwi lang niya galing sa birthday party ng isang kaibigan. Malalim na ang gabi at nakapagtatakang nag-aabang ang ama sa kaniya.“Did you know what time it is right now?” dagdag tanong pa nito. Tumayo ito at nilapitan siya.Wala akong pakialam kung anong oras na! sigaw ng isip ni Francesca, pero iba ang lumabas sa bibig, “I’m tired, Dad. Kung may sasabihin kayo, puwede bang bukas na lang?”Alam ni Francesca na isang mahabang sermon na naman ang aabutin niya sa ama, kaya inunahan na niya ito. Hindi na bago iyon. Simula’t sapul nang magkaisip siya ay hindi na naging maganda ang relasyon nilang dalawa. Palagi itong galit sa kaniya at tila walang pakialam. Mas tumindi iyon nang mamatay ang kaniyang ina. Nawalan siya ng kakampi, at alam niyang s
Last Updated : 2025-09-08 Read more