Short
Ang Lalaking Naka Maskara

Ang Lalaking Naka Maskara

By:  Octo MilerCompleted
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
1.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Mula nang mabutnis ako, hindi na ako ginalaw ng asawa ko. Gayunpaman, nakakahiya man, lalo lang naging sensitibo ang katawan ko. Tuwing gabi, naghahanap ako ng pisikal na koneksyon, hindi ko mapigilan ang isip ko na magpantasya ng kung anu-ano, iyon ay hanggang sa may lalaking naka maskara na pumasok sa bahay ko.

View More

Chapter 1

Kabanata 1

Hatinggabi na, at sa sobrang tahimik ng buong paligid ay naririnig ko ang ungol ng mga pusa mula sa malayo. Mag-isa akong nakahiga sa kama, hawak ang manipis na kumot sa pagitan ng aking mga binti, at hindi mapakali.

Sa kabila ng malamig na hangin mula sa air conditioning, naglalagablab sa init ang katawan ko, at halos walang naitulong ang kumot. Ilang beses akong umungol sa inis, hindi ko na matiis ang init na nararamdaman ko.

Di kalaunan, nakapagdesisyon na ako at inabot ko ang drawer ng aking nightstand, kinuha ko ang isang laruan na binili ko kamakailan. Bagaman mag-isa lang ako sa bahay, namula ang mga pisngi ko habang binubuksan ko ang packaging.

Nag-alinlangan ako sandali bago ko ito binuksan, sinunod ko ang mga instruction na kasama nito. Maririnig sa buong silid ang banayad na tunog nito, na di nagtagal ay sinundan ng tunog ng pagbilis ng paghinga ko.

Totoo nga ang mga review na nabasa ko online. Ang matinding ginhawa na dumaan sa buong katawan ko at ang init na kumalat sa buong mukha ko ay sapat na bilang patunay nito.

Limang buwan na ang nakakaraan mula nang huli akong makaramdam ng ganito. Naglaho ang tensyon mula sa mga binti ko, naiwan akong nakahiga doon, nilalasap ang sarap at ginahawa.

Habang nakahiga ako doon, bumaling ang isip ko sa huling beses na nagkaroon ako ng tunay na physical contact. Apat na buwan na ang lumipas mula noong umuwing lasing ang asawa ko.

Noong panahong iyon, madalas na kaminh mag-away at natutulog kami sa magkahiwalay na kwarto. Subalit, noong gabing iyon, napagkamalan niya akong ibang tao at nag-iinit siya ng husto. Naisip ko na isa itong pagkakataon para magkaayos kami, kaya hindi ako tumanggi.

Noong gabing iyon, nabuntis ako.

Ang pangalan ko ay Elizabeth Crane. Pinakasalan ko ang asawa ko, si Mark Russell, isang taon na ang nakakaraan, pagkatapos kaming maset up sa isang blind date. Sa unang dalawang buwan, ayos naman ang lahat, ngunit nagsimulang gumuho ang lahat pagkatapos nito. Inakala ko na ang pagbubuntis ko ang magiging dahilan upang maging maayos ang relasyon namin, ngunit sa halip ay naging mitya ito ng pagtatapos ng aming pagsasama.

Nang malaman ko na buntis ako, umalis sj Mark at sinabi niya sa’kin na ipalaglag ko ang bata. Sinabi niya na gusto niya ng divorce. Alam ko na nangangaliwa siya, pero hindi ko inasahan na ganun siya kasama, inabandona niya ang asawa at anak niya para sa ibang babae.

Hindi ako yung tipo na ipagduduldulan ang sarili ko sa isang lalaking ayaw sa’kin, kaya pumayag ako sa divorce. Gayunpaman, tumanggi akong ipalaglag ang bata. Buti na lang, may naipon ako mula sa trabaho ko noon bilang isang executive, kaya nagresign ako at nag-focus ako sa pag-aalaga sa sarili ko at sa baby.

Ang hindi ko inasahan ay kung gaano kalaki ang magiging pagbabago ng katawan ko habang buntis ako. Hindi ako mahilig sa pakikipagtalik noon, pero ngayon, lalo na sa second trimester, lalo akong nagiging uhaw sa pisikal na koneksyon sa paglipas ng mga araw. Masyado akong nahihiya upang tanungin ang doktor ko tungkol dito, kaya nagsimula akong humanap ng paraan upang maibsan ang nararamdaman ko kapag mag-isa ako.

Pagdating ng second trimester, stable na ang baby, kaya hindi na ako masyadong nag-aalala na baka magkaroon ng problema. Doon ako nagdesisyon na bumili ng isang laruan online bilang isang maliit na treat para sa’kin, at sa hindi ko inaasahan, mabisa ito. Sa katunayan, iniisip ko nang umorder ulit.

Noong mag-oorder na sana ulit ako, nakarinig ako ng kaluskos na nagmumula sa sala.

Mula nang umalis si Mark, mag-isa na lang akong nakatira sa bahay, kaya imposibleng magkaroon ng ibang tao sa bahay ko. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko—bumalik kaya si Mark? Siya lang ang nag-iisang may susi sa bahay na ‘to.

Nang maisip ko ang posibilidad na ‘yun, nataranta ako at itinago ko ang laruan sa ilalim ng kumot.

"Sino ‘yan? Mark, ikaw ba ‘yan?” Kabado akong tumawag.

Agad na tumigil ang mga ingay.

Kung hindi ito si Mark, sino?

Kumabog ng malakas ang puso ko habang dahan-dahan akong bumabangon mula sa kama, determinadong tingnan ito. Lagi kong pinapatay ang mga ilaw bago ako matulog, kaya madilim sa loob ng bahay.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto, halos hindi ko maaninag ang mga anino sa madilim na sala. Naglakad ako sa gitna ng dilim, kinapa ko ang daan ko papunta sa switch ng ilaw. Subalit, noong aabutin ko na ito, may dumaan na malakas na hangin sa akin.

Bago pa ako makasigaw, may naramdaman akong tao—matangkad at malakas—na humila sa’kin mula sa likod at idiniin ako sa may pader.
Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status