Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2021-07-12 10:24:47
 

 

Putragis! Bakit?! Anong kasalanan ko sayo, tadhana?!

“Mukha kang bulkan na malapit na sumabog.”

Nilingon ko si Aya sa tabi ko, “Aya, pakisagot nga kung bakit sila pa?”

Nagkbiti balikat siya, "Aba hindi ko alam? Ang malas lang talaga natin!”

Halos ingodngod ko mukha ko sa mesa habang ginugulo ang buhok ko. Wala na kaong pakielam kung makita nila akong nagkakaganito ngayon. Kahit na sabihin nila mukha akong timang o baliw, wala akong pake!

Pisti!

"Huy!” Hinampas ako ni Ira ng napakalakas sa likod dahilan para mapalingon ako sa kanya, “Akala ko ba move on na?"

"Eh kasi--"

"Ms Villaloso and company."

Miss Villaloso and company mo mukha mo!

Napatigil kaming tatlo sa pag uusap at nahihiyang tumingin kay Kurt. Takte lang ah, kung makatawag ng pansin akala mo di kilala.

Labas ko mga litrato mong papasa na maging meme eh!

"B-bakit po?" Si Aya ang sumagot.

Halos matawa ako at mawala sa poise nung marinig kong nautal si Aya. Minabuti ko nalang ibaba ang tingin ko habang nag pipigil tumawa. Take note! With matching hawak pa sa bibig yan para hindi makatakas ang ano mang tunog.

"Will you stop talking there? Paghihiwalayin ko kayo ni Paris," mariin at ma-autoridad niyang sabi.

“Will you stop talking there?” pang gagaya ko sa sinabi niya ng nakayuko pa rin.

"Are you saying something, Ms. Demopolous?"

Nag angat ako ng tingin at matapang na sinalubong ang mga mata niya, "May narinig ka?”Pamimilosopo ko.

Samut saring mga kumento ang narinig ko dahil sa pagsagot ko sa kanya. May iba na bumilib, at may iba na sinasabing manahimik nalang.

Hello? Ako ang anak ng may-ari ng school na ito noh. I can do whatever I want…..chos lang!

Mas lalong kumunot ang noo niya, at nag salubong ang dalawang kilay niya. Balak na niya sana akong lapitan sa pwesto ko, pero agad siyang hinawakan ni Wade sa braso.

"Leonda, palagpasin mo na muna ngayon sila Paris."

Oh ha? Pahiya much! Napala mo kasing epal ka.

Nilingon ko si Wade at nahuli kong nakatingin sa akin. Nag mouth ako ng salitang thank you at nakangit siyang tumango bilang sagot. Itinuro niya ang board na parang sinasabi na makinig ka na.

Kinalabit ako ni Ira sa likod, "Ikaw ah, pinoprotektahan ka ng crush mo. Ayieee!" sinundot-sundot pa niya tagiliran ko.

Nag pigil ako ng ngiti, “Pinagsasasabi mo dyan?"

Nakita ko na nakakunot ang noo ni Ethan sa tabi ko. Siguro, nawalan siya ng gana simula nang pumsok si Wade sa klase naming kanina. Masyado kasi akong maganda eh.

Kalma lang, ako lang ito!

Nag patuloy ang Art class namin ng wala ng satsat. Puro tungkol sa Asian art ang discussion niya, or should I say mga pinagsasasabi niya. May paminsa-minsan na halos mag gera kami ng mga mata ko, dahil bumabagsak ang talukap ng mga mata ko. Kulang nalang lagyan ako ko ng ballpen ang mata ko para manatiling nakadilat.

An gaga-aga ba naman kasi, ang boring ng klase!

"See you next week class," paalam ni Kurt na nag pagising sa tulog na sistema ko.

Matagal bago dumating ang next class namin kaya napag ispan naming makipag chikahan kay Wade muna habang hinihintay ang guro. Well, yung iba lang palang kaklase naming na mga sing-kapal ng encylopedia ang mukha, at mga feeling close, na akala mo naman eh may pinagsamahan.

“Kuya Wade, taken ka na ba?"

Napalingon ako sa kung sino ang nag tanong ng ganon, at sasapakin ko lang. Si walang hiyang, Carlos pala yung nag tanong non kaya pala ang lakas ng loob. Pagbaling ng tingin ko kay Wade ay nakangisi na siya. Ang mga kamay niya ay prenteng prente na nakalapat sa mesa, at bahagyang nakadukwang.

Weg keng genyen enebe

Aish Paris, ang landi mo na ah. Stop!

Tumikhim siya at bahagyang iginilid ang ulo pakaliwa, "Hindi pa."

"Pa? So meron?"

Epal talaga iyang si Carlos na iyan! Sarap tapalan ng tape eh!

Ako na ang sumagot para kay Wade, "May ka-MU iyan."

Dahil sa biglaan kong pasingit sa usapan nilang dawa, ay nakuha ko ang atensyon ng mga tao na nandito ngayon. Nakita ko pa kung paano paglaruan ni Wade ang kanyang pangibabang labi gamit ang kanyang daliri, habang nakatingin sa akin.

Napalunok ako ng ilang beses saka napapahiyang nag baba ng tingin. Ang lakas ng loob ko sumingit ng usapan ng may usapan eh.

Siniko ako ni Aya, "Bitter lang teh?"

Ngumuwi ako, "Boses bitter ba?"

"Mhm, slight lang."

"Kuya Wade, may nagustuhan ka ba before sa batch namin?" Biglang tanong ni Chia.

Isa pa itong si Chia eh! Kung malapit lang siya sa akin, ay pinagsasabunot ko na buhok niyan. Tatapalan ko rin ng tape bungaga nito eh.

Nakita kong lumingon si Wade sa akin sandal habang nakangisi. Hoy! Don't tell me sasabihin niya yung tungkol last year na umamain siya sa akin! Parang gusto ko manapak pag binunyag niya iyon. Kami nga lang dalawa ang nakakaalam ang tungkol sa pa gamin niya sa chat eh. Ay, hindi lang pala kaming dalawa. Sila Aya rin pala may alam.

Mabuti nalang at binawi naman niya agad ang tingin at umakto ng normal. Nakahinga ako ng maluwag pero pinaglalaruan ko pa rin ang mga daliri ko.

Tumikhim ulit siya, "Meron, inamin ko sa kanya dati," nakangising aniya.

Ayieeeeeee!

Sana all!

"Sino yan kuya Wade?"

Pigilan niyo ako, mukhang may masasapak ako.

Napapikit ako ng mariin at nag dasal na sana hindi niya sabihin. Naikuyom ko rin nag kamao ko habang iniintay ang sagot ni Wade. Nang dumilat ako ay nakita ko na nakatingin na siya sa akin na parang kanina pa ako pinagmamasdan, ngunit agad siyang umiwas ng tingin.

"I choose not to mention her name,” seryosong sabi niya habang nakatingin pa sa akin, “it’s only between the two of us,” dagdag pa niya bago niya bawiin ang tingin sa akin.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig. Mabuti naman kung ganon ang isinagot niya, dahil kung hindi ay malilintikan talaga siya sa akin.

Bigla naman pumasok ang second class teacher namin. Science ang subject at laking pasasalamat ko na hindi ko siya kilala. Nanahimik na ang buong klase, na kanina ay parang mga nakawala sa hawla pagkapasok na pagkapasok niya sa silid.

"Nyemas, ayoko mag science," bulong ko at halos dumausdos na sa upuan ko.

Nilingon ako ni Ethan, "Kelan ka ba sinipag sa science, lalo na sa bio?" kumento niya.

Tinapunan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay, "Hindi naman ako tulad mo okay. Ang talino mo kasi eh, Mr Genius." Diniinan ko pa ang salitang Mr. Genius.

Biglang nag vibrate ang phone ko at pasimple kong kinuha iyon sa bulsa ko. Binuksan ko siya sa ilalim ng mesa para hindi halata.

From: pandak (Wade)

Hey, you listen ok? Pag ikaw nakuha ulit atensyon mo, di na kita ililigtas

Sinilip ko naman si Wade mula sa kinauupuan ko. Hindi siya nakatingin sa akin, bagkus ay nakatingin lang siya sa notebook na dala niya habang tinatapik ng daliri niya nag mesa. Pasimple ako nag tipa ng mesahe sa kanya.

To: pandak

Yes sir!

Nilagay ko na ulit ang phone ko sa bulsa ko at nakinig ‘kuno’ kay ate na nag tuturo ng bio namin.

Notes, notes, notes

"That's it for today, goodbye" paalam ni ate at umalis na ng room naming.

Paglabas niya ay saka palang nag tayuan ang mg akaklase ko, para mag unat. Initsya ko ang notebook ko sa ibabaw ng bag ko, bago harapin mga kaibigan ko.

"Ok, see you again later,” boses ni Wade iyon habang naglalakad siya sa platform, “Kumain kayo ah," dagdag nito, pero ang paningin ay nasa akin.

"Hoy Paris, huwag marupok," bulong ni Ira sa tabi ko habnag dala ang pagkain niya.

Sumulpot naman si Chia sa tabi nito, "Dyan lang ba kayo, sa labas?”

Tumango si Aya kahit nag aayos pa siya ng gamit, "Oo, tinatamad kami eh," humagikgik siya, “as usual.”

Lumabas na kami ng room para maisara na ang pinto. Si Wade ay inintay kami talaga makalabas ng room bago siya umakyat. Pumwesto na kaming apat sa tapat ng room at doon naupo. Dito ang teritoryo naming magkakaibigan, tuwing break time.

"Dyan lang kayo?" Tanong ni Wade bigla sa amin pagkapwesto.

Tiningala ko siya, "Yeah, para mabilis lang. Saka, sanay naman na sila na ditto lang kami.”

Nangunot ang noo niya, "May pagkain ka naman?" Tanong niya.

Yung mga kaibigan ko ay patay malisya lang, pero halata sa kanila ang pigil na ngisi. Pinaghahampas ko nga silang lahat, kaya napa-asik sila.

Nang lingunin ko ang tingin ni Wade ay nakangisi na ito sa akin.

"Yup,” tumango ako at pinakita ang pagkain ko, “May kanin naman akong kakainin.”

Matagal niyang tinitigan ang pagkain ko, "Rice? Hindi pa lunch ah."

Stop acting like you care, Wade Ashton Miller. Baka mas mahulog ako sayo niyan eh.

“It’s fine, ganito talaga ang Gawain naming magkakaibigan,” nginitian ko siya, “Lunch sa recess, recess sa lunch.”

Hindi siya umimik at matagal akong tinitigan, "May snacks ka ba for later?"

Umiling ako, “I can just buy anything later. I don’t know,” nag kibitz balikat ako, “it depends on my mood, if I still want to eat or not.”

Matunog siyang bumuntong hininga saka kumuha ng pera sa wallet na agad ko namnag inawat, "It’s okay Wade, no worries.”

"Are you sure?"

Nag thumbs up ako at tumago sa kanya bago siya sinenyasan na pumunta na sa faculty room na nakalaan sa kanila.

Nang mawala na si Wade sa paningin naming ay saka naman nag salita na ang barkada, "Ehem! May kinikilig dyan" asar ni Chia sa akin.

Inirapan ko sila, "Lah? Wala yun noh.”

"Sus, pero deep inside kinikilig yan," pang eechos ni Ira.

Si Aya ay nakasandal sa pader habang nag bibilang ng pera pero nilingon ako ng nakangisi, "Nako Paris, marupok."

Nasamid naman ako, "Wow ah! nag salita ang hindi," ganti ko.

Tumawa naman siya at nag kibit balikat lamang, "At least ako inaamin ko."

“Ay proud ka teh?”:

After 30 minutes ay nag bell na ulit kaya pumasok na kami sa loob. Hindi pa dumatating si Wade kaya wala pang nag babantay sa amin.

Isang buwan…..Isang buwan ko siya makakasama araw-araw dito.

Kalma self, isang buwan langh iyan. Mabilis lang iyan. Lilipas din iyan ng hindi mo namamalayan. KUMALMA KA!

 

 

 

 

 

 

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Larong Sinimulan Natin   About the Author

    About the AuthorJoanne Mae E. Dela Cruz also known as Jaydee is a 16 year old Filipino aspiring writer who dreamed of being a published writer someday. She started writing when I was 7 years old. Although she stopped writing for how many years, that didn't stop her from pursuing her dreams. She would like to share a simple quote that she believes in and that inspired her ever since.“If you have the talent, showcase it. If you have a dream, make it come true. Don’t be afraid of judgments, because it is part of our journey, that will mold us to be a better person. Trust the process, and everything will fall into the right places at the end of the day.

  • Ang Larong Sinimulan Natin   Epilogue

    EpilogueParis’ POV “Paris, ayos ka lang?” Naupo sa tabi ko si Kurt at hinawakan ang kamay ko.Umiling ako, “Kaibigan….karamay….at higit sa lahat, kapatid ang nawala sa akin at hindi kung sino lang, Kurt,” naramdaman ko ulit na bumagsak ang mga luha ko sa gilid ng mata ko.Sinamahan ako ni Kurt sa loob ng kwarto ko pag uwi namin sa Manila. Hindi rin nag abala na mag tanong si mommy tungkol sa nangyari sa Boracay, pero kutob naming ni Kurt na alam na niya ang nangyari.Mahigpit na hinawakan ni Kurt ang kamay ko, “Let’s fix this mess,” nahihirapan na sabi niya.Tinabig ko ang kamay niya at masama siyang tinignan, “How could you!” Tinuro ko siya, “Ang usapan, si Wade lang, bakit pati si Aya kailangan mong idamay?” Naiiyak na sabi ko.Napalunok si Kurt at hahawakan n asana ako, pero sinampal ko siya, “Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa plano mo, Kurt,” malamig ang pagkakasabi ko non saka ako lumabas ng kwarto.Kurt’s POVAs soon as Paris walked outside, I was

  • Ang Larong Sinimulan Natin   Chapter 38

    Naiwan kami ni Kurt dito sa kwarto kinabukasan para makapag usap pa. Ang balak ay paaakyatin ang dalawa, which is sila Aya at Wade, dito sa kwarto, or basta tawagin sila"Paris, ngayon na ba talaga?""Kurt, wala na tayong oras. Sabihin na natin ngayon. It's now or never!""Pero--""Kurt, Paris, ano sasabihin nyo sa amin?"Napalingon kami pareha sa may pintuan nung mag salita bigla si AyaThis is itNag lakad ako papunta kay Wade, "Usap tayo""Ok...." naguguluhan nyang sagot sa akinHinatak ko sya pababa, hindi ko alam kung saan ko ba sya kakausapin dahil nawawala ako sa sariliSorry, sorryNung makalabas kami ng cabin ay dinala ko sya sa seashore at hinarap sya, mata sa mata"Woah, kalma ka nga. Natatakot ako sa titig na yan eh. Ano ba kasi pag uusapan natin" inosenteng sabi nya"Wade, I need to talk to you" seryoso kong sabi at tumango syaPaano ko ba sisimulan? Sasabihin ko ba na isa lang itong pustahan? Na plando ang lahat?Saan ba?"Wade, I'm sorry b

  • Ang Larong Sinimulan Natin   Chapter 37

    Since sabi ni tita kanina na hindi kami umalis at mag pahinga nalang buong mag hapon dito sa cabin, naisipan namin ni Kurt na bumili nalang ng mga pang decorations para naman may dulot kamiNgayon, nag lalakad kami dito sa mall para tumingin ng pang party na design. Mga 4pm na kasi ng hapin, at nagkahilata pa rin sila sa cabin"Pwede na siguro ito noh" sabi ni Kurt habnag nakahawak sa isang plastic na may laman na lobo ng lettersMabuti nalang at artistic itong pinsan ko. Naisip nya kais na bumili ng balloons na may alphabet, tapos ilagay doon sa dingding ang pangalang Aya"Pwede na yan, bili nalang tayo dalawa" sabi ko at kumuha pa ng isaActually, hindi naman planado na kami bibili. Naisip nalang bigla namin ni Kurt na why not kami nalang ang mag ayos. Saka, sisirain na nga namin ang birthday ng kaibigan namin, hindi ba kami gagawa ng paraan para kahit papaano ma less ang pain"Balloons, check. Banner, check. Ano pa ba?" Tanong ko habang nakatingin sa phone ko k

  • Ang Larong Sinimulan Natin   Chapter 36

    Kinabukasan ay mga 4 ng umaga ay gising na silang siyam. Unahan pa nga kaming girls sa banyo at kung minamalas, ako pa pinakahuli. Nagising kasi ako ng 5 ng umaga, ako pinakahuli, kaya ako pinakahuli mag aayos"Morning" husky na bati ni Wade sa akinButi pa sya, nakaligo na at ang bango, eh ako? Bagong gising pa at ang baho pa ng hiningaEwwww"Morning" mahinang sabi ko habang lumalayo sa kanyaNatawa naman sya sa akin. Napalingon naman ako nung lumabas na si Zane mula sa banyo. Meaning tapos na sya at turn ko naIn-on ko ang heater at naligo na ako. Pagkatapos ay sinuot ko na nag damit ko na plad pants at isang loose shirt ulitDi ko naman gusto ang loose shirt nohNag patuyo lang ako ng buhok bago ko ipack ulit nag mga gamit ko. Pinababa naman kami ni tita sa kitchen para daw makapag breakfast na. 6:15 na kasi ng umaga at 7 daw aalis na, just like what tita said kagabiNatapos kaming mag breakfast ng mga 6:30 na kaya umakyat na kami ulit para ibaba na ang mga

  • Ang Larong Sinimulan Natin   Chapter 35

    Mabilis ang naging takbo ng mga araw at ngayon ay pupunta na ako sa bahay nila Aya, for the sleepover dahil bukas na ang aming flight going to BoracayMabuti nalang at na convince ni Kurt si mom kahapom, since kahapon lang nya ako pinaalam. Oo, alam kong biglaan pero sya kasi sisihin nyo"All set na ba ang mga gamit mo anak?" Tanong sa akin ni mom habang pinagmamasdan nya akong nag eempake na"Yes po" sagot ko at sinara ang zipper ng maleta ko"Susunduin ka ba ni Wade?" Tanong ni momSinabo ko na rin kay mom ang tungkol sa amin ni Wade, at hindi na raw sya nag taka na naging kami. Predicted na daw nya na magiging kami talaga"Yes po. Mga 1pm dadaanan nya ako dito" sabi ko at tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sahigNapalingon naman ako sa orasan na nandito sa kwarto ko. 11am palang kaya may time pa ako para makaligo at makakain ng lunch"Bumaba ka nalang mamaya ah after mong maligo at mag ayos" sabi ni mom bago nya isinara ang pintuan ng kwarto koPumasok ako sa w

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status