Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2021-07-12 10:24:47
 

 

After recess, nagsidatingan at nagpasukan na ang mga kaklase ko. Next class kasi namin ay Math kaya aligaga sila sa pag aaral.

Teka, may homework, seatwork o quiz ba?

Hinampas ko si Aya sa tabi ko, kaya magkasalubong ang dalawang kamay niya ng lingunan ako, “Ano?!” Asik niya.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong room naming na halos lahat ay nag aaral, “May homework, or quiz ba akong hindi alam?”

Gaya ko ay tinignan niya rin ang kabuoan ng room, “Ang alam ko wala,” sagot niya at tinignan na ako ulit, “kumalma ka nga.”

"Teh,” kinalabit ako ni Ira sa likod si Aya, kaya pati ako ay napalingon sa kanya, “pupunta ka sa party ng lolo ni Paris?" Tanong nito habang may hawak na notebook.

Nakita kong tumango si Aya, "Yep. Sinasama ako ni mama eh,” tinuro naman ako agad ni Aya, “Saka nandoon ka namna Paris, diba?"

"Yeah. Syempre lolo ko yun eh," sagot ko naman.

Binalingan ko naman ng tingin ulit si Ira, "Bakit, ikaw ba?"

Nag kibit balikat lang siya, "Not sure,” nilipat niya ang pahina ng notebook niya, “pero since nandoon naman kayo keri lang," nag angat siya ng tingin sa amin saka ngumiti.

Nilingon namin si Chia na nakatingin sa amin mula sa kinauupuan niya sa kabilang side. Magakasalubong ang dalawang kilay niya, habang pinagmamasdan kaming tatlo na mag usap.

"Wawa naman si Chia," mapangasar na sabi ni Ira, na syempre hindi narinig ni Chia.

Kaming magkakaibigan kasi ay kabilang sa mga negosyanteng pamilya, pero simple lang kung mamuhay. Kung tutuusin, mas gugustuhin ko nga na umakto na parang normal at middle class lang, kaysa umakto na mayaman eh.

Para sa akin kasi, wala naman kaso sa akin kung ikaw ay mayaman o hindi. Ang mahalaga masaya at maayos ang pamumuhay niyo.

Wala namna naging kaso kay mommy kung ganon ang gusto kong paraan ng pamumuhay. Sa totoo nga lang, siya pa nga ang nag turo sa amin ng kapatid ko na mabuhay ng payak. Ika ni mommy, mas mabuti na ang payak na pamumuhay kaysa marangya na pamumuhay.

Aanhin mo naman kasi ang karangyaan? Masasama mob a siya sa hukay mo? Hindi diba? Kaya hindi ko lubos maisip kung bakit ang daming tao na uhaw sa kayamanan, sa pera, sa kapangyarihan, gayong hindi naman nila iyon masasama sa kanila pag namatay sila.

Halos sabay kaming mga magkakaklase na lumingon sa pintuan, nang bumukas ito at niluwa sila Wade at si Ate Luckie. Nakaramdam ako na para bang bumara ang lalamunan ko, at para akong sinakal sa nakikita ko.

Aray ah

"Baka siya yung sinasabing ka-MU ni Wade," narinig kong kumento ni Ethan sa tabi ko.

Nag kibit balikat lang ako, kahit namna alam ko na ang sagot sa sinabi niya, "Ewan ko,” yumuko ako para hindi ko sila makita dalawa, “Wala naman syang sinabing pangalan, so baka siya nga," inatupag ko nalang ang pag labas ng gamit ko sa bag.

Nilingon naman ako ni Ethan, ng naka kunot noo, "Don't tell me nag seselos ka?"

Mula sa paglalabas ng gamit ko ay napatingin ako sa kanya, "Me? Jealous?” Turo ko sa sarili ko, saka hindi makapaniwalang bumugha, “Never."

Ang loko namna ay nginisian lang ako, at bahagya pang kinagat ang pang ibabang labi niya. Mukhang nagugustuhan niya akong asarin ah, "Ok sabi mo eh."

Hinawakan ko ang braso niya at pinatitigan siya, "Hindi ko gusto ang ngisi na iyan, Ethan," banta ko pero hindi lang niya ako pinansin.

Bahagya lang siyang tumawa na nagging dahilan ng pag labas ng dimple niya sa kaliwang bahagi ng pisngi niya.

Takte, gwapo sana kaso mapang asar eh.

"Bakit?” Tinaasan niya ako ng kilay habang nakangisi pa rin, “natatakot ka ba na baka sabihin mo kay Wade?" Makahulugang sabi niya.

Taas noo ko siyang tinignan, hindi nag papatinag, “"Baka kaya mo?" Panghahamon ko pa.

"Kayang kaya."

Nanalaki ang mga mat ako at balak sana siyang hampasin, kaso biglang tumungo ang kampana sa speaker. Hudyat na kailangan naming manatiling tahimik at hindi kikilos, sa loob ng isang minuto.

Nang matapos ang isang minuto, ay balak ko pa sanang kumprontahin si Ethan, nang mag salita na si Ate Luckie.

"Good morning class. I'm your math teacher, and I'm ate Luckie Perz,” pagpapakilala niya sa sarili habang nag lalakad sa platform, “but call me ms Perez up until the end of the month," dagdag pa niya saka tumigil sa mismong gitna ng platform para tignan kaming lahat.

Sa oras na nag tama ang paningin naming dalawa, ay nakita ko ang maliit na pang ngisi niya sa akin, saka ang pasimpleng pag sulyap kay Wade sa gilid. Halos ipanalangin ko na sa lahat ng mga Santo at Santa n asana matapos na ang isang oras, para hindi ko na siya makita pa,

Nang mag simula siyang mag turo, hindi ko namna ipagkakaila na magaling siya. Parang ang bawat salita na lumalabas sa bibig niya, ay alam na alam niya at praktisadong praktisado niya.

Ano naman ba nag laban ko dyan? Di hamak na matalino isya at heto ako……kulelat.

Habang nag susulat, ay nahagip ng mga mata ko ang kinaroroonan ni Wade. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa upuan niya, at paminsan minsan ay hinihikab pa. Nakatingin lang siya sa labas, habang pinaglalaruan ang ballpen sa daliri niya. Siguro para magising siya.

Napangisi ako saka binitawan ang ballpen ko, para kunin ang phone sa loob ng bulsa ko.

To: pandak

HEY! GISINGGGGGGGG! INAANTOK KA NA DYAN HAHAHAHAHA

Upper case talag para damang dama niya ang pang gigising ko sa kanya.

Nang maisend ko na iyon sa kanya, ay psimple kong binalik ang phone ko sa bulsa ko. Inabala ko na nag pag sulat ulit sa notebook ko, pero nakita ko pa kung paano maalimpungatan si Wade sa kinauupuan niya, dahil sa biglaang pag tunog ng phone niya.

Naitikom ko ang bibig ko habang nag susulat, upang pigilan ang sarili ko sa pag tawa. Nang mag angat namna ako ng tingin ay nakita ko na tinitignan pala ako ni Wade. Nakangiti siya, at umiiling iling saka binaba ang tingin niya sa phone niya. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pag vibrate nito sa loob ng bulsa ko.

From: pandak

Aish sorry. Magigising na po ok? No need to tell me in upper case letters, Paris. You listen now an d focus on your studies.

Balak ko na sanang mag reply pa ulit, nang mag vibrate ulit ang phone ko.

From: Pandak

Huwag lagi akong titigan. Matutunaw ako nyan HAHAHA JOKE

Nabitawan ko ang ballpen ko, at halos humagalpak ako ng tawa pero agad ko naman iyon pinigilan. Taena, ano sa tingin niya sa sarili niya, gwapo?

Pero gwapo naman siya

"Next week, we will be having a seatwork. Goodbye," paalam ni ate Luckie matapos ang isang oras.

Tumayo si Wade at hinatid si ate sa pintuan ng room naming. Hindi pa siya agad umalis doon, dahil saglit pa silang nag usap dalawa. May panahon na mapapatingin si Ate Luckie sa kinaroroonan ko. Saka palang siya bumalik nang maka akyat na si Ate Luckie.

Lihim akong napairap at matunog na bumuntong hininga.

Pakielam ko sa kanila?

"Hoy Paris, lutang ka na naman ghorl?"

Agaw atensyon ni Aya sa akin. Tamad ko namna siyang tinignan. Kelan ba ako titino ngayong araw?

"Yeah…."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko para matitigan ako ng maayos, "You're not,” umiling siya at nginuso ang harapan, “hindi mo nga napansin na nandyan kapatid mo oh."

Nanalaki naman ang mata ko at agad na napatingin sa kapatid ko na nakatayo sa front door. Mukha siyang may hinahanap sa room, at panigurado na ako iyon. Aish! Yung bunso namin napadpad na naman dito!

Tumayo ako at nag lakad ako palapit sa kanya. Nang makita ako ni Kisha, ay agad siyang nag pa kagra sa akin.

Hinalikan ko pa siya sa pisngi niya, "Where's your yaya?" Tanong ko habang nag lalakad kami pabalik sa upuan ko.

Inupo ko siya sa kandungan ko paharap sa akin. Ang dalawang kamay ko ay nakasuporta sa likod niya, par ahindi siya mahulog, "I don't know ate,” ngumuso siya, “last time po na nakita ko siya, may kausap syang guy," mahinang dugtong nito.

Tumaas naman ang isang kilay ko. Aba, may time pa lumandi iyon? Nawawala na nga ang alaga niya eh.

Bumuntong hininga ako, saka tinalian ko siya ng buhok, "Nevermind, dito ka muna ok?” Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya, “sumbong nalang natin siya kay mommy mamaya," nginitian ko siya.

"Hi Kish!" Masayang bati ni Ethan sa kapatid ko.

Nilingon naman siya ni Kisha, "Hi kuya Than," bati naman pabalik ni Kisha.

Kinuha niya sa akin ang kapatid ko at pinaupo sa kandungan niya. Nilaro laro nya ito kaya napangiti ako. Magaling talaga si Ethan pagdating sa bata. Sayang nga lang at wala syang nakababatang kapatid na aalagaan niya.

"Ehem…."

Napalingon ako sa gilid ko ng biglang may tumikhim malapait sa akin.

"Wade?"

Tinuro niya si Kisha, kaya naagaw ang atensyon ni Ethan, "Kapatid mo?" Tanong ni Wade sa akin.

Ngumiti ako at kinuha si Kisha kay Ethan, "Yep,” sagot ko at tinaas ang isang braso ni Kisha para ipakaway sa kanya, “Kisha, meet kuya Wade."

Tinignan siya saglit ni Kisha, "Hi kuya Wade!" Masayang bati nito at niyakap kaagad siya.

Weird

"Kish, dahan dahan lang ah baka masaktan si kuya Wade mo," paalala ko nang mapansin kong ang higpit ng yakap ni Kish kay Wade.

Tumawa bahagya si Wade habang yakap nito ang kapatid ko.

Tae ang gwapo!

"It's fine,” ginulo niya ang buhok ni Kisha ng bahagya, “Sanay ako sa mga ganito," ngumiti siya sa akin at maging sa kapatid ko.

Tumingala si Kisha kay Wade habang nakayakap pa rin, "Alam mo kuya, yang si ate,” tinuro ako bigla kay ananalki ang mata ko sa pagtataka, “napaka hopeless romantic"

Nanlaki naman agad ang mata ko sa sinabi ni Kisha. Aba, binubuking ako ng kapatid ko. Saka, saan niya nalaman iyan?

"Ha? Bakit naman?" Takang tanong ni Wade.

"Eh kasi, lagi syang umaasa sa guy na gusto niya. Alam naman nyang wala syang hope dun,” nakanguso at magkasalubong ang dalawang kilay ni Kisha, “Hmp, bad guy siya kasi hinurt niya ate ko," maktol pa ni Kisha.

Tumaas kilay ni Wade, "Do you know who he is?"

Tumahimik saglit si Kisha para isipin kung sino. Hay buti nalang hindi ko binabangit ang pangalang Wade sa kanya.

"I don't know po. Pero bad siya kasi hinurt niya ate ko,” maktol pa niya habang nakanguso.

Hinamas ni Wade ang bunbunan ni Kisha, "Don't worry, ako bahala sa guy na iyon ok?"

Lumiwanag ang mukha ni Kisha, "Really kuya?! Ok then."

Napabunting hininga nalang ako habang nakatingin kay Wade. Nang mag salubong kami ng tingin, ay napangiwi ako.

Kung alam mo lang na ikaw yun....... Nako!

 

 

 

 

 

 

 

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Larong Sinimulan Natin   About the Author

    About the AuthorJoanne Mae E. Dela Cruz also known as Jaydee is a 16 year old Filipino aspiring writer who dreamed of being a published writer someday. She started writing when I was 7 years old. Although she stopped writing for how many years, that didn't stop her from pursuing her dreams. She would like to share a simple quote that she believes in and that inspired her ever since.“If you have the talent, showcase it. If you have a dream, make it come true. Don’t be afraid of judgments, because it is part of our journey, that will mold us to be a better person. Trust the process, and everything will fall into the right places at the end of the day.

  • Ang Larong Sinimulan Natin   Epilogue

    EpilogueParis’ POV “Paris, ayos ka lang?” Naupo sa tabi ko si Kurt at hinawakan ang kamay ko.Umiling ako, “Kaibigan….karamay….at higit sa lahat, kapatid ang nawala sa akin at hindi kung sino lang, Kurt,” naramdaman ko ulit na bumagsak ang mga luha ko sa gilid ng mata ko.Sinamahan ako ni Kurt sa loob ng kwarto ko pag uwi namin sa Manila. Hindi rin nag abala na mag tanong si mommy tungkol sa nangyari sa Boracay, pero kutob naming ni Kurt na alam na niya ang nangyari.Mahigpit na hinawakan ni Kurt ang kamay ko, “Let’s fix this mess,” nahihirapan na sabi niya.Tinabig ko ang kamay niya at masama siyang tinignan, “How could you!” Tinuro ko siya, “Ang usapan, si Wade lang, bakit pati si Aya kailangan mong idamay?” Naiiyak na sabi ko.Napalunok si Kurt at hahawakan n asana ako, pero sinampal ko siya, “Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa plano mo, Kurt,” malamig ang pagkakasabi ko non saka ako lumabas ng kwarto.Kurt’s POVAs soon as Paris walked outside, I was

  • Ang Larong Sinimulan Natin   Chapter 38

    Naiwan kami ni Kurt dito sa kwarto kinabukasan para makapag usap pa. Ang balak ay paaakyatin ang dalawa, which is sila Aya at Wade, dito sa kwarto, or basta tawagin sila"Paris, ngayon na ba talaga?""Kurt, wala na tayong oras. Sabihin na natin ngayon. It's now or never!""Pero--""Kurt, Paris, ano sasabihin nyo sa amin?"Napalingon kami pareha sa may pintuan nung mag salita bigla si AyaThis is itNag lakad ako papunta kay Wade, "Usap tayo""Ok...." naguguluhan nyang sagot sa akinHinatak ko sya pababa, hindi ko alam kung saan ko ba sya kakausapin dahil nawawala ako sa sariliSorry, sorryNung makalabas kami ng cabin ay dinala ko sya sa seashore at hinarap sya, mata sa mata"Woah, kalma ka nga. Natatakot ako sa titig na yan eh. Ano ba kasi pag uusapan natin" inosenteng sabi nya"Wade, I need to talk to you" seryoso kong sabi at tumango syaPaano ko ba sisimulan? Sasabihin ko ba na isa lang itong pustahan? Na plando ang lahat?Saan ba?"Wade, I'm sorry b

  • Ang Larong Sinimulan Natin   Chapter 37

    Since sabi ni tita kanina na hindi kami umalis at mag pahinga nalang buong mag hapon dito sa cabin, naisipan namin ni Kurt na bumili nalang ng mga pang decorations para naman may dulot kamiNgayon, nag lalakad kami dito sa mall para tumingin ng pang party na design. Mga 4pm na kasi ng hapin, at nagkahilata pa rin sila sa cabin"Pwede na siguro ito noh" sabi ni Kurt habnag nakahawak sa isang plastic na may laman na lobo ng lettersMabuti nalang at artistic itong pinsan ko. Naisip nya kais na bumili ng balloons na may alphabet, tapos ilagay doon sa dingding ang pangalang Aya"Pwede na yan, bili nalang tayo dalawa" sabi ko at kumuha pa ng isaActually, hindi naman planado na kami bibili. Naisip nalang bigla namin ni Kurt na why not kami nalang ang mag ayos. Saka, sisirain na nga namin ang birthday ng kaibigan namin, hindi ba kami gagawa ng paraan para kahit papaano ma less ang pain"Balloons, check. Banner, check. Ano pa ba?" Tanong ko habang nakatingin sa phone ko k

  • Ang Larong Sinimulan Natin   Chapter 36

    Kinabukasan ay mga 4 ng umaga ay gising na silang siyam. Unahan pa nga kaming girls sa banyo at kung minamalas, ako pa pinakahuli. Nagising kasi ako ng 5 ng umaga, ako pinakahuli, kaya ako pinakahuli mag aayos"Morning" husky na bati ni Wade sa akinButi pa sya, nakaligo na at ang bango, eh ako? Bagong gising pa at ang baho pa ng hiningaEwwww"Morning" mahinang sabi ko habang lumalayo sa kanyaNatawa naman sya sa akin. Napalingon naman ako nung lumabas na si Zane mula sa banyo. Meaning tapos na sya at turn ko naIn-on ko ang heater at naligo na ako. Pagkatapos ay sinuot ko na nag damit ko na plad pants at isang loose shirt ulitDi ko naman gusto ang loose shirt nohNag patuyo lang ako ng buhok bago ko ipack ulit nag mga gamit ko. Pinababa naman kami ni tita sa kitchen para daw makapag breakfast na. 6:15 na kasi ng umaga at 7 daw aalis na, just like what tita said kagabiNatapos kaming mag breakfast ng mga 6:30 na kaya umakyat na kami ulit para ibaba na ang mga

  • Ang Larong Sinimulan Natin   Chapter 35

    Mabilis ang naging takbo ng mga araw at ngayon ay pupunta na ako sa bahay nila Aya, for the sleepover dahil bukas na ang aming flight going to BoracayMabuti nalang at na convince ni Kurt si mom kahapom, since kahapon lang nya ako pinaalam. Oo, alam kong biglaan pero sya kasi sisihin nyo"All set na ba ang mga gamit mo anak?" Tanong sa akin ni mom habang pinagmamasdan nya akong nag eempake na"Yes po" sagot ko at sinara ang zipper ng maleta ko"Susunduin ka ba ni Wade?" Tanong ni momSinabo ko na rin kay mom ang tungkol sa amin ni Wade, at hindi na raw sya nag taka na naging kami. Predicted na daw nya na magiging kami talaga"Yes po. Mga 1pm dadaanan nya ako dito" sabi ko at tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sahigNapalingon naman ako sa orasan na nandito sa kwarto ko. 11am palang kaya may time pa ako para makaligo at makakain ng lunch"Bumaba ka nalang mamaya ah after mong maligo at mag ayos" sabi ni mom bago nya isinara ang pintuan ng kwarto koPumasok ako sa w

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status