Share

Chapter 1

 

 

Early in the morning, habang nag lalakad ako dito sa campus kasama ang mga kaibigan ko, kapansin pansin na ang mga estudyante na masayang nag tatakbuhan sa corridor. Katatapos lang kasi ng Christmas break kaya puro sila chikang magkakaibigan, gaya namin.

Yung iba ay nagchichikahan pa sa kung saan sila nag bakasyon noong Christmas vacation. Ang iba naman ay nag aabutan pa ng regalo na nakalimutan ibigay bago mawalan ng pasok.

"Ano Rhea, move on na?"

Napalingon ako kay Zenaya (Aya for short) nang bigla siyang mag salita. Tatlo kaming magkakaibigan nag iikot, si Aya, saka si Chia.

"Naman!” Tumigil ako sa paglalakad para maharap sila pareha, “Iniwan ko na feelings ko sa kanya noong break eh," taas noo kong sagot.

"Di nga?” Pinasadahan ako ni Chia ng tingin mula ulo hanggang pa, “Knowing you, ang rupok mo kaya. Tsk,” umiiling na dagdag pa nito.

Hahampasin ko sana siya kaso agad siyang nakatakbo palayo. Pambihira! Ang lii- liit ang bilis tumakbo

Narinig kong tumawa si Aya sa gilid ko, "Tsk, yan si Chia ang liit nag bilis tumakbo," umiiling-iling pa ang loka.

"Small but terrible iyon eh," ngumisi ako, “katulad mo” pang-aasar ko sa kanya.

Matalim niya akong tinitignan,"Rhea, alam kong maliit ako, hindi mo na kailangan ipamukha."

Tinawanan ko lamang siya ng may kasamang hampas sa balikat, saka nag patuloy sa paglalakad. Naabutan nalang namin si Chia na nakatayo na sa kabilang dulo ng corridor, at magkakrus ang dalawang braso niya sa may dibdib habang tinitignan kami.

”Bagal niyo!”

Papasok na sana kami ng room nang makita ko ang isa pa naming kaibigan na nag lalakad papunta sa gawi namin,

"Ira!” Kinawayan ko siya, “ good morning!"

Tinignan niya lang kaming tatlo saka tipid na tumango bilang pag bati.

"Mamaya ko na kayo ililibre

Libre?

"Aya, ngayon na," hinihila siya ni Chia sa braso.

Hinawakan ko siya sa kabilang braso, "Oo nga Aya!"

Sinamaan niya kami ng tingin pareha at pinagduduro, "Yaman-yaman niyo tapos kung maka-asta parang hindi napapakain eh."

Binitawan siya ni Chia saka ako tinuro,"Oy Rhea, mayaman daw oh."

Tinabig ko nag kamay niya na nakaduro sa akin,”Ikaw hindi?"

"Mas mayaman ka naman."

Pumagitna si Aya sa amin dalawa, "Mamayang recess na. Malapit na mag bell oh," tinuro niya ang wall clock.

Napatigin ako sa labas kung saan mo makikita ang mga tao na aakyat papunta sa second or third floor. Itong room kasi naman ay nasa pinakababa ng building, kaya bawat tao na dadaan paakyat, ay makikita mo.

"Ay, may hinahanap," narinig kong sabi ni Ira

"Tch, naka move on na ako noh," pairap ako nag bawi ng tingin.

Naupo si Aya sa tabi ko, "Oh ayan na bebe mo," bulong niya at lumingon din sa labas, gaya ako.

Pinaliitan ko ang mga mata ko, para Makita ko yung crush----este EX crush ko. Caps lock, para dama! Higher siya sa akin ng dalawang taon, pero nagging magkaibigan kami dahil same organization kami ng sinalihan.

"Earth to Paris Demopolous!"

Napabaling ako kay Aya ng tawagin nya ako

"Iyan daw ang naka move on."

Nabalk ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Chia sa gilid ko. Oh, akala ko bumalik na siya sa pwesto nya?

“Name a scam,” nagtinginan silang tatlo nila Aya at Ira.

“Paris Rheanna Demopolous.”

Umirap nalang ako sa kanilang tatlo, nang magtawanan sila sa sarili ilang biro.

Natigil lang sila nang pumasok adviser namin. Si Chia ay pasimpleng bumalik sa pwesto niya na nasa kabilang side pa ng room. Nagkaroon ng mga announcements ek-ek, pero hindi ko na inabalang pakinggan iyon.

"Ms Demopolous.”

Gulat akong napatingin kay miss. Shems ah, lumulutang talaga utak ko ngayon!

"Yes mam," agaran akong sumagot.

Siniko ako ni Aya na ngayon ay nakatayo na. Nilibot ko ang tingin sa kwarto, lahat sila nakatayo at ako lang ang nakaupo. Agad naman akong tumayo at umaktong parang walang nangyari.

Kahihiyan!

"Paris?"

Tinignan ko ang katabi kong si Ethan, “"Oo, bangag ako," inunahan ko siya.

“Hindi ka natulog?” Bulong niya ulit.

Umiling ako, “Saktong tulog lang.”

"Huy, tumahimik nga kayong dalawa dyan," saway ni Aya sa amin pero ang tingin ay nasa harap.

Hindi na kami umimik parhe pakatapos. Habang nag darasal kami ay natanaw ko sa bandang labas na nag lalakad ang crush ni Aya.

"Ano?" Kunot-noong tanong niya.

"Si Kurt nasa likod," bulong ko.

Nanlaki ang mata nya at pasimpleng nilingon ang labas at sinilip ang bandang likod. Nandoon pa rin si Kurt na nakatayo at matalim na nakatingin sa amin.

Bumaling ang tingin ni Aya sa harapan ulit, "Tch, ano ginagawa nya dito?"

"Baka pinaiikot sya, you know Student Council President duties," bulong ko ulit.

Gong

Natapos ang buong morning praise ng hindi ako nakapag focus sa pagdarsal. Seryoso ba?

"Umakyat na," sabi ko kay Aya ng hindi pa rin siya mapakali sa pwesto.

Lumingon siya sa labas para siguraduhin ang sinabi ko, "Mabuti naman."

Bell

Inayos ko ang gamit ko na kakailanganin para sa Art class namin.

"Diba student-teacher month ngayon?" Singit ni Ethan.

Wala sa sarili akong tumango, “Mga higher batch ang teacher natin.”

As if on cue ay may lalaking estudyante na pumasok sa room at kinausap ang adviser namin. Sandali silang ganon hanggang sa nilingon kami ng adviser naming.

"Okay class, this is kuya Wade Miller. He will be your dviser for this whole student-teacher month,” anunsyo ni mam, “kilala niyo naman siya, diba?"

Literal na natigilan at nanigas ako sa kinauupuan ko. Parang hindi ko nga kayang iangat ang mukha ko at salubungin ang tingin niya.

Kumuyom ang kamao ko“Bakit siya pa?” Mahinang bulong ko sa sarili.

Naramdaman kong tinapik ako sa balikat ng mga kaibigan ko, “Relax ka lang. Wala na, hindi ba?” Nakangisi nilang aniya.

Umalis na ang adviser namin at pumalit doon sa pwesto niya si Wade. Parang gusto ko ngang mag excuse na mag clinic buong araw eh. O hindi kaya, ay lamunin na ako ng lupa.

Inabala ko nalang ang sarili ko sa ibang bagay, at sinisigurado ko talaga na hindi magkakasalubong mga mata namin.

Nang may pumasok na panibagong teacher, ay halos mahulog ako sa upuan ko. Nakanda samid din ako, gayong wala naman akong iniinom o kinakain.

May galit ba si tadhana sa akin? Kung meron, mag usap nalang kami oh, kaysa yung ganitong nananadya siya.

"Anyare sayo?" Tanong ni Aya.

"Tignan--"

"Good morning, I'm Kurt Leonda, your art class teacher for this whole student-teacher month."

Nakita ko rin kung paano nanigas si Aya sa kinauuopuan niya. Hindi niya kasi nakitang pumasok si Kurt sa room dahil inaayos niya gamit niya sa sahig.

Nagkatinginan kami pareha, "Bakit?"

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status