Ilang Araw Ang Nakararaan…
Sean Reviano POV
Napatitig si Sean sa screen ng telepono na naglalaman ng mga text mula sa kan’yang mga magulang at nagtatanong kung kailan siya uuwi.
Saglit siyang napatingin sa mga empleyadong nagkikita-kita sa meeting room. Muli niyang ibinalik ang telepono at sinulyapan si Via na hinawi ang mahabang buhok sa likod ng tenga.
Hindi niya maalis ang mga mata sa magandang mukha ng babae na nakatingin sa report nito. Napahinga siya ng maluwag at tumingin sa malayo.
Bahagya siyang tumikhim kaya nakuha niya ang atensyon ng nakakarami.
“Nasaan na tayo?”
“Nasa rating ng hotel and review report on the booking room platform, Sir…”
Nagpatuloy ang meeting, pero hindi maalis ng mga mata niya ang tingin kay Via na nagpapaliwanag tungkol sa Luna Star Hotel review report na medyo bumaba sa nakaraang buwan.
Sa kalagitnaan ng session ay nakita niyang parang nagde-daydream ang babae. Kaya agad niya itong pinagalitan para naman walang masabi ang lahat at hindi masabing may favoritism siya.
“Via?” tawag ni Sean nang mawalan ng focus ang babae.
“Viania Harper!” tawag niya ulit sa babae.
Hanggang sa pangatlong tawag, hindi pa rin tumitingin si Via na ikinabahala niya. With a calm face as usual, tinawag niya ulit si Via dahil hindi siya komportable nang makarinig ng mga bulong-bulongan mula sa paligid.
“Via!”
Napasinghap si Via, halatang gulat na gulat dahil hindi ito nakikinig. Nagbaba ito ng tingin dahil sa hiya, na ikinakonsensya naman niya.
“Via, kanina pa kita tinatawag, masama ba ang pakiramdam mo?”
“Hindi maganda ang pakiramdam ko simula kaninang hapon,” sagot ni Via, mukhang nag-aatubili at nagpatuloy, “Pasensiya na at nakaisturbo ako sa iyong konsentrasyon.”
Ang presensya lang ni Via ay sapat na para mawala ang konsentrasyon niya, ngunit siyempre hindi niya iyon sasagutin.
“Hindi … okay lang, kung wala kang sapat na lakas para dumalo sa meeting ay maaari ka nang magpahinga.”
“Sana nagsabi kang masama ang iyong pakiramdam bago pa man tayo nagsimula sa meeting.” Ngayon ay nakaramdam siya ng pag-aalala dahil sa lagay ni Via. Ang mga mata niya ay patuloy na pinagmamasdan si Via habang binubuksan ang dokumentong inilarawan nito.
“Back to our meeting, gusto kong pagbutihin natin ang serbisyo ng Luna Star at….”
...........
Pumasok si Daren sa study room ni Sean sa Luna Star. Lumapit ang kaibigan niya habang may dalang tambak na mga dokumento.
“Narinig ko kay tita na babalik ka sa Bicol,” sabi ni Daren habang inilalagay ang tambak ng mga dokumento sa mesa niya.
Tila atubili siyang magpaliwanag, ngunit sa huli ay tumango lang siya.
“Pinilit niya akong umuwi,” sabi niya.
“Saglit lang ako sa Bicol, pagkatapos ay pupunta ako sa Masbate City para tapusin ang isang proyekto na ibinigay sa akin ni Dad dalawang taon na ang nakakaraan.” Parang interesado namang nakikinig sa kaniya si Daren.
“Gusto ko rin sumama.” Isang matalim na sulyap ang ibinigay niya sa lalaki kaya tumikom ang walang prenong bibig ni Daren.
“Sa tingin mo gusto kong pumunta at trabahuin ang proyektong iyon? Kailan ka rito sa Luna Star, gusto ni Dad na magtayo ng bagong hotel sa Masbate City. I told him to hold off until Luna Star stabilize, he flatly refused. Napakatigas ng ulo ng matanda!” ungol niya habang binabasa ang mga dokumento na isa-isang dinala ni Daren.
“Hindi ba playground project iyon?” Nalilito ang mukha ni Daren dahil sa pagbabago ng plano.
“Kailan pa ito naging hotel?” Isinara niya ang dokumentong binabasa at ibinalik ang tingin kay Daren.
“Mula nang ipahayag ni Nicko Anderson na magtatayo siya ng isang palaruan hindi kalayuan sa kung saan pinlano ni Dad ang building na iyon. “ This time hindi na naitago ni Sean ang inis. Ang dati niyang kalmadong mukha ay naging maasim.
“Puwede ka namang lumipat sa ibang lugar.”
“Hindi naman ganoon kadali iyon, ang pag-re-research ay makakadagdag lang sa gastos. At iniiwasan ko ang mafia—ng iyon.”
Si Nicko Anderson ay bahagi ng Italian mafia at alam niyang may kahihinatnan ang pakikitungo niya sa taong katulad nito.
“Gutom na ako, kain tayo sa labas,” angal ni Daren na nagpasakit ng ulo niya. Ibinalik ni Sean ang mga papeles na muntik na niyang pirmahan, kung iisipin, kapag hindi siya susunod ay kukulitin siya ng lalaki. Mas nakakairita pa ang makulit nitong mukha kaysa sa tambak na papeles na nasa harapan niya kaya nagpasya siyang kumain sa labas kasama nito.
…..
“Saan tayo pupunta?” tanong niya pagkarating nila sa shopping center.
“Sa paborito kong bakery shop, dito mo gustong pumunta. Nakalimutan mo na ba?” Nang marinig ang salitang bakery shop ay naunang lumabas si Sean, napangiti si Daren.
Hindi niya maintindihan kung bakit gustong-gustong bisitahin ng matalik niyang kaibigan ang bawat bakery shop sa bayan.
Una siyang dumating sa shop, inobserbahan niya ng mabuti ang paligid, parang sinusuri niya ito na para bang expert sa building at binibigyang pansin ang bawat detalye ng gusali.
“Hoy, nandito tayo para bumili hindi para tingnan at obserbahan ang building,” bulong ni Daren habang sila ay tinititigan ng mga tindera. Para bang wala siyang pakialam at nagkibit balikat lamang habang ipinagpatuloy niya ang kan’yang pag-oobserba.
Pinagtuunan pa niya ng pansin ang bawat menu na naka-display. Halos ang dami niyang tanong lalo na sa mga sangkap sa paggawa ng mga mga iba’t-ibang uri ng pastry kaya nahihiya na si Daren sa pinaggagawa niya sa tindera.
“Bumili ka ba o nagpaplano ka ng bagong negosyo?” Para kay Daren, parang mas okay iyong huling tanong nito parang nga talaga itong gagawa ng sariling bakery shop. Sa dami ba namang tanong niya sa tindera.
“Magiging patok din kaya kapag gagawa ako ng ganitong negosyo?” biglang tanong niya, sasagot na sana si Daren nang siya na mismo ang sumagot sa tanong.
“Sa tingin ko kikita naman ito kapag sumikat. Kung tutuusin, wala rin siyang pakialam kung mabenta man ang mga cake niya o hindi.” Ngayon ay si Daren naman ang nalilito.
“Huh? Sino ba ang tinutukoy mo?” Ikinaway ni Sean ang kamay sa ere, hindi pinansin ang tanong kanina at saka inosenteng umorder ng maraming cake na nakadisplay sa salamin. Halos lahat niya binili bilang sample.
“Sabihin mo na lang na ayaw mong magsalita, huwag mong iwagayway ang iyong kamay nang walang pakundangan,” singhal ni Daren habang hinampas ang kamay ni Sean na nasa ere pa rin. With a satisfied smile, tumingin si Sean kay Daren habang dala-dala ang mga cake sa kamay niya.
“Tawagan mo ako kapag nakahanap ka ulit ng bagong shop,” sabi niya habang paalis na at iniwan si Daren na wala pang order.
…..
Isa-isang nireplyan niya ang mga mensahe galing sa kaniyang ina. Ipinaalam niya sa matanda kung kailan siya darating sa Bicol.
Aalis na sana siya ng kwarto nang biglang tumunog ang phone niya. Akala niya ay tumatawag ang kan’yang ina, nang hindi tumitingin sa caller Id, sinagot ni Sean ang tumawag.
“Hello,” sago niya.
“Hello, Sean. Ako ito si Eve. Nabalitaan ko sa tita mo na uuwi ka na, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?” tanong ni Evelyn sa kan’yang usual spoiled na boses.
Natawa si Sean doon at hindi na muna lumabas ng office.
“Sorry, akala ko kasi sobrang busy mo. Sa makalawa ako uuwi, doon na lang tayo magkita. Sa ngayon kasi sobrang busy ko,” paliwanag ni Sean na ayaw paghintayin ang mga subordinates sa meeting room.
Tumingin siya sa relo niya at makikitang magsisimula na ang meeting.
“Tatawag ako kapag may oras na ako,” sambit niya ngunit hindi sumang-ayon ang babae..
“Hindi ba nila kayang maghintay? Ang tagal na rin kasi nating hindi nag-uusap,” bulong ng dalaga sa kabilang linya.
“Hindi puwede, Eve. Busy rin kasi sila, hindi ako pwedeng mag-cancel lang ng meeting dahil lang sa gusto mong makipag-usap sa akin.” Harsh man kung pakikinggan, pero ayaw niyang masanay si Evelyn. Sa tono ng boses nito, para bang nakikita niya ang pagsimangot ng dalaga.
“Sige na nga, dakilang CEO. Tawagan mo ako kapag may oras ka, okay?” Natawa siya sa biro ng babae. Pumayag naman siya bago tuluyang naputol ang linya. Kakabukas pa lang ni Sean ng pinto ay biglang tumawag ang kan’yang personal secretary sa masiglang boses na ikinakunot ng noo niya.
“Sir, may dumating na package!” sigaw ng babae. Rinig na rinig niya ang tunog ng high heels nito na tumatama sa sahig.
Lumiwanag ang mukha niya nang maalala ang in-order niyang diamond ring.
Mabilis na kinuha ng kan’yang mga kamay ang package mula kay Altha.
“Salamat,” aniya, hindi niya namalayang ngumiti siya ng malapad na ikinagulat ng babaeng nasa harapan niya.
Hindi siya makapaghintay na buksan ito kaya agad na binuksan niya ang kahon at nakitang sobrang ganda nito, saktong sakto sa disenyong ginawa niya mismo.
Ito ay kasing elegante gaya ng inaakala niya, mas perpekto pa sa larawang ipininta niya. Napakagaan ng kan’yang mga hakbang habang naglalakad papasok sa meeting room, hindi maalis ang ngiti sa kaniyang labi dahil sa isang singsing na nakatago sa bulsa ng kan’yang pantalon.
Isang oras pa lang ay nasa kwarto na si Via at nakahiga sa kama nang biglang narinig niya ang tunog ng bell, napabuntong-hininga siya at nagmamadaling buksan ang pinto pero nakita niya si Sean na nakatayo sa harapan niya kasama si Carolus na nasa bisig nito. “Mommy!” tawag ng batang paslit na may malaking asul na bilog na mga mata. Nang makita iyon, nadurog ang puso ni Via dahil sa ilang sandali ay muntik na niyang makalimutan ang kinaroroonan ng anak na naiwan sa bahay kasama ang yaya. Agad na nabaling ang mga mata ni Via sa lalaking nakahawak sa kanilang anak na may inosenteng tingin. “Sabi niya ... na-miss niya ang kan’yang ina,” sabi ni Sean habang bahagyang ibinaling ang katawan sa gilid na dahilan upang bumagsak ang ulo ni Carolus sa dibdib ng kan’yang ama, at ang mga mata ng bata ay tila mabigat na pumikit.Nagkibot-kibot ang mga talukap ni Via nang makita sa harap niya ang mag-ama. Tumikhim si Sean dahil mukhang natulala si Via at nahihirapang magsalita. “Sa tingin ko
Hinigpitan ni Via ang kaniyang scarf sa leeg dahil sa malamig na hanging nakakapanghina ng buto. Binilisan niya ang kan’yang mga hakbang habang binabagtas ang bahagyang mahangin na mga lansangan sa Manila. Siguro, uulan ngayong gabi, kaya binilisan ni Via ang lakad niya. Kadadating pa lang niya sa tapat ng gusali ng Luna Star nang biglang may bumagal na sasakyan sa gilid ng kalsada kaya napilitan siyang huminto. Napairap siya sa hangin nang makita kung sino ang nasa manibela. “Pumasok ka na sa kotse o papaluin ko ‘yang bilugang puwet mo kapag nakauwi tayo sa bahay,” sabi ng lalaki na nakasandal sa bintana at tinitigan si Via.Sa halip na sundin ang mga sinabi ni Sean ay nagpatuloy si Via sa paglalakad at hindi napigilan ng lalaki na iparada ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Walang pakialam si Sean kung makakuha man siya ng ticket sa pulis dahil para sa kan’ya, ang pag-uwi sa sutil na babae sa harapa niya ang mas mahalaga. At sa sobrang pagmamadali ay agad siyang bumaba ng sasakyan
Nilagyan ni Via ng maligamgam na tubig ang bathtub at nilagay ang bomb bath doon nang biglang narinig niya ang tunog ng pagsara ng pinto ng banyo. Lumingon saglit si Via at napanganga, tiningnan niya si Sean na parang nagtatanong kung bakit ito naroon. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Via sabay tingin sa pinto. “Maliligo, of course,” sagot ni Sean na nagsimulang maghubad.Paano niya nagawang maligo at hinayaan lang si Caro na mag-isa sa labas? Hinugot ni Via ang isang tuwalya mula sa istante at isinuot ito saka nilagpasan ang kan’yang asawa ngunit ang mga braso ni Sean ay pumulupot sa kan’yang baywang kaya agad na napatigil si Via. “Binigyan ko siya ng laruan. Kaya huwag kang mag-alala, Baby,” mahinang sabi ni Sean na para bang nag-uusap sila tungkol sa isang kuting sa labas na naiwan mag-isa sa halip na sa isang sampung buwang gulang na sanggol.“Gosh! Paano kung umiyak siya, Sean? Walang nag-aalaga sa kan’ya ngayon,” protesta ni Via habang sinusubukang kumawala.Sa kasamaang
“Isekreto natin... sa lahat?” pabulong na tanong ni Via, sa harap mismo ng labi ni Sean. Dahil sa liwanag na naaninag mula sa mga gusali sa paligid kaya kumikinang ang kanilang mga basang labi.“Oo,” sambit ng lalaki na sinundan ng ungol nang dumaan ang tungki ng ilong niya sa likod mismo ng leeg ng dalaga dahilan para manginig ang katawan nito. Muling pumikit si Via nang mag-iwan ng bakas ng halik si Sean sa kan’yang sensitibong balat sa leeg. “Sean,” tawag ni Via na hindi maintindihan kung ano ang gusto ng katawan. “Yes, Baby,” sagot ni Sean habang hinihila ang bewang ni Via para magkadikit ang ibabang bahagi ng katawan nila. Napatalon si Via sa gulat nang maramdaman niyang may dumidikit sa kan’yang pagkababae na ikinatawa ni Sean ng mahina at sinadyang halikan ang labi ng babae. Noong una ay kinakantilan at tinutukso lang ni Sean ang pang-ibabang labi ni Via at kinagat-kagat ng marahan, pagkatapos ay ipinasok niya ang dila niya sa labi ng dalaga kaya medyo bumuka ang bibig ni
Napatingin si Sean sa kan’yang wrist watch. Makalipas ang labin-limang minutong paghihintay, bumaba siya ng sasakyan at nagmamadaling umakyat sa hagdanan patungo sa apartment ni Via. Sinadya niyang bagalan ang mga hakbang para mas may oras si Via sa paghahanda. Agad siyang pumasok sa corridor nang biglang huminto ang kan’yang mga hakbang at nadatnan ang isang babaeng nakasilip mula sa apartment sa tabi ng kwarto ni Via. “Ikaw ba ang manliligaw ni Viania?” bulong ng babaeng ipinakita ang kalahating mukha nito at kanang mata lang ang ipinakita habang ang kabilang parte ng katawan ay nakaharang sa pinto. Nilagay ni Sean ang hintuturo sa labi niya na para bang sinasabi niyang manahimik at agad namang tinakpan ng babae ang kaniyang bibig gamit ang isang kamay habang tumatango, saka dahan-dahang isinara muli ang pinto ng apartment. Matapos matiyak na walang nang isturbo, kumatok si Sean sa marupok na pinto ni Via. Mula sa kan’yang nakatayong posisyon, masasabi ni Sean na kadalasan ay
Tumitibok pa rin ang puso ni Via nang makabalik siya sa kan’yang silid. Hindi pa rin nawawala ang kaniyang takot. Kahit ang isang tanong ay pumasok sa kan’yang isipan; paano kung pumasok si Devan sa opisina niya? Agad na ni-lock ni Via ang pinto dahil ayaw niyang may biglang pumasok sa kaniyang opisina. Sana lang ay hindi magtanong ang kan’yang amo na si Hadley. Pagbalik sa upuan, sinubukan ni Via na mag-focus sa pagkumpleto ng mga dokumento sa computer ngunit hindi pa rin siya mapakali. Agad niyang hinanap ang AC remote para mapababa ang temperatura ng kwarto. Isang tunog ng mensahe sa kan’yang telepono ang agad na nagpagising kay Via. Umaasa siyang si Sean iyon. Sean: [Okay ka lang?] Nabato si Via ng ilang minuto nang mabasa niya ang mensahe. Nag-type siya ng ilang salita, pagkatapos ay binura muli, hindi niya sigurado kung ano ang sasabihin.Huminto ang daliri niya nang nabasa ang kaniyang tinipa ‘hindi okay’ at agad niyang ipinatong ang ulo sa mesa habang nasa tabi niya ang