Si Viania Harper ay may lihim na relasyon sa isang CEO kung saan siya nagtatrabaho. Noong una, tinanggap niya ang gusto ni Sean Reviano na siyang CEO ng kompaniyang pinagtatrabahuan niya ngunit lahat ay nagbago nang magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan na naging sanhi ng pagkasira ng kanilang relasyon. Si Sean ay isang CEO ng Luna Star Hotel, isa s’ya sa pinakasikat na bilyonaryo hindi lamang sa Amerika kung ‘di sa Europa at Asya. Sa bawat pakikipagrelasyon niya ay laging may tatlong alituntunin. No commitment. No pregnancy. No wedding. Subalit nang dumating si Viania sa kan’yang buhay ay nagbago ang lahat.
Lihat lebih banyakTitig na titig si Via sa lalaking natutulog, ito ang kan’yang iniibig at minamahal, si Sean Reviano. Ang pagmamahal na bumubugso sa kan’yang kalooban ay hindi na niya mapigilan. Gustong-gusto niyang sabihin ang tatlong sagradong mga salita, ngunit tiyak na matatapos ang kanilang relasyon kapag sinabi niya iyon. Pilit niyang kinakagat ang kaniyang labi at nilulunok ang katagang ‘pagmamahal’ para lang mapanatili ang kanilang walang kinabukasang relasyon.
Marahan n’yang hinaplos ang pisngi ni Sean at napangiti. Tumibok nang mabilis ang kan’yang puso nang magdikit ang kanilang balat. Tumigil sa ere ang kan’yang malambot na kamay nang gumalaw ang lalaki. Nagpakawala ito ng mahinang ungol kaya napakagat s’ya sa kan’yang labi, naalala kasi niya ang nangyari kagabi.
Hindi inalis ni Via ang titig sa napakagwapong mukha ni Sean, para sa kanya ay sobrang perpekto nito, ang kan’yang matangos na ilong, matigas na panga at broken chin. Kitang-kita rin niya ang dalawang dimples na nagpadagdag sa kan’yang perpektong mukha.
Naalala niya ang una nilang pagkikita, noong pumasok siya sa interview room, ni minsan ay hindi nag-angat ng ulo si Sean nang magtanong ang dalawa niyang kasama tungkol sa qualifications niya sa pag-a-apply ng trabaho.
Namumula pa nga ang kan’yang pisngi noon nang makita s’ya ng HRD interviewer matapos siyang mahuling nakasulyap sa perpektong mukha ni Sean.
Napapaisip s’ya kung ano kaya ang kulay ng mga mata ni Sean nang mga oras na ‘yon.
Tama. Asul, kasing lalim ng karagatan.
Ngayon ay nakabukas na ang mga mata ni Sean, titig na titig din ito sa kanya.
“Nasisiyahan ka ba sa pagtitig sa akin?”
Nanginig ang katawan niya nang marinig ang namamaos na tinig ng lalaki. Ni minsan ay hindi niya pinangarap na marinig ang namamaos na boses nito tuwing umaga.
“Hinding-hindi ako makokontentong titigan ang mukha mo,” nahihiyang sagot niya.
Napatawa nang mahina ang lalaki at kinantilan s’ya ng halik sa labi.
“Anong oras na?” tanong ni Sean habang nag-iinat at humihikab.
Napatingin siya sa orasan sa nightstand katabi ng lalaki.
“Maaga pa, alas singko pa lang,” walang ganang sagot niya.
Sisikat na naman kasi ang araw at maghihiwalay na naman sila. Spending their day at the office na hindi nagpapansinan.
Minsan nasasabi niya sa kan’yang sarili na hindi pumayag sa set-up ng relasyon nila pati na ang mga alituntunin na binigay nito sa kaniya simula noong nagsimula ang kanilang relasyon.
Naalala niya noon ang sinabi ni Sean sa kanya- “No Commitment. No Pregnancy. No Wedding. If you still want to have an affair with me, tawagan mo ang numerong ito.”
Noong una, akala niya malakas siya at ang puso niya, pero nagkakamali siya, thinking that an ounce of cotton was not lighter that an ounce of steel. Habang tumatagal ay mas lalo s’yang nahihirapan.
“Mayroon pa tayong dalawang oras, may oras pa para makapag-loving-loving,” saad ni Sean at hinila siya para yakapin. Siniil siya ng halik nito hanggang sa lamunin na naman sila ng pagnanasa.
……………………
Kakasimula pa lang ng tanghalian subalit kumalat na agad ang tsismis tungkol sa balitang engagement ni Sean Reviano sa isang magandang modelo. Puno ng ingay ang canteen ng Luna Star Hotel dahil sa mga empleyadong nagbulong-bulongan tungkol sa balita.
Noong una ay nagbibingi-bingihan lang si Via, subalit hindi niya mapigilang mairita, maging ang sekretarya ni Sean na si Altha ay sobrang ingay din. Sa kasamaang palad, ang mesang kinauupuan nito ay nasa harap niya lang kaya hindi niya mapigilang marinig ang usapan.
“Hindi pa man nililinaw ni Mr. Reviano ang lahat pero iyong nabasa ko kanina ay totoo. Palagi silang nakikitang magkasama sa bawat event na dinadaluhan ni Sir,” sambit ni Amber sa grupo.
“Oo, totoo ‘yan! Kahapon nga ay nakita rin silang magkasamang kumakain sa Moon Cafe,” wika naman ni Reina na hindi nagpapahuli.
“Sabi niya ay close na raw sila noong bata pa. Childhood friend kumbaga kaya hindi na ako magtataka na ikakasal sila ngayon. Si Evelyn ang anak ng isang shipping company conglomerate, hindi rin sila magkakalayo ng status ni Sir Sean.”
Hindi niya namalayan na ang kutsarang hawak-hawak niya ay mababali na dahil sa malakas niyang pagdiin nito.
“Geez, guys, tingnan niyo! Bagay na bagay sila, ‘di ba?”
Mabilis na umakyat si Cece sa mesa at winagayway ang kan’yang telepono sa ere. Ipinakita ng babae sa lahat ang isang litrato ni Sean kasama ang isang babae.
Ang dalawa ay nakayakap sa isa’t-isa wearing their smile and elegant luxury clothes matapos mag-attend sa Gala event.
Sa isang sulyap, nakita niya ang babaeng kasama ni Sean. She felt insecure with her body na hindi gaanong balingkinitan at katangkaran. Kahit ang makeup nito ay napaka perpekto, malinis at alam niyang alagang-alaga ng daang-daang mga espesyalista ang balat.
“Kung sana gan’yan din ang mukha ko kasing ganda nang sa kaniya at galing sa isang mayamang pamilya, lahat ng problema ko ay malulutas na! Nakakainggit naman ang kan’yang perpektong mukha!” wika ni Amber habang nakatingin sa picture.
Napatawa na lang si Altha sa naririnig niyang papuri mula sa katrabaho roon sa babaeng nagngangalang Evelyn. Ngumiti siya nang tipid at napailing, nawalan na siya ng ganang kumain. Napakahirap sa kanya na lunukin ang pagkain.
“May sakit ka ba? Mukhang hindi ka okay,” tanong ni Kezia na katabi niya. Ang dalaga ay hindi kabilang doon sa grupo ng mga humahanga sa boss nila.
“Biglang sumakit ang aking tiyan,” pagpapanggap niya.
“Gosh! Wait, gamitin mo ito!” saad ni Kezia habang tinitingnan siya nang nakaawa at inilahad sa kanya ang eucalyptus oil.
“Salamat, magiging okay rin ako,” saad niya at kinuha ang oil na ibinigay sa kanya.
“Naniniwala ka ba roon sa tsismis?” tanong sa kaniya ni Kezia.
Napakibit-balikat siya. “Hindi ko alam, siguro totoo iyon. Iyong katotohanang dikit na dikit sila sa picture ay sapat na ebidensya na totoo ang tsismis na yun.”
Ngumuso si Kezia at napailing. Aniya, “kung walang paglilinaw, ang tsismis ay mananatiling tsismis.”
Napayuko siya at tamad na tiningnan si Kezia. Gusto niyang matapos na ang breaktime. Maging ang mga tenga niya ay may sariling buhay, nakikinig sa mga usapan sa paligid. Bulong niya sa sarili niyang mas maiging nang magtanong kaysa sa hulaan niya ang mga nangyayari sa paligid, ngunit pinipigilan siya ng kan’yang isip hanggang sa ang kan’yang mata at tenga ay naging bingi sa katotohan.
………
Kakasimula pa lang ng meeting ngunit gusto na niyang matapos iyon. Gusto niyang umidlip para pagising niya ay bumalik ang kagustuhan niyang magtrabaho. Halos lumilipad ang kan’yang isip kung saan, ngunit agad siyang nataranta nang marinig niya ang pamilyar na boses ng lalaki, kaya lahat ay napatingin sa kaniya.
“Via, kanina pa kita tinatawag may sakit ka ba?” Bagama’t normal ang boses ng lalaki ay naroon pa rin ang pag-aalala sa boses nito.
Tumikhim siya at nagsimulang magsalita, nahihiya siya dahil sa kanya na naka-focus ang lahat.
“Hindi maganda ang pakiramdam ko simula pa kaninang umaga,” sagot niya at nagpatuloy, “Pasensiya na sa isturbo.”
“Kung hindi pala maganda ang pakiramdam, huwag ka nang uma-attend ng meeting, just take a rest.”
Si Sean ay kilala bilang isang mapagmalasakit na lider, kahit na minsan ay may pagka-strict at disiplinado, pero ang kalusugan ng kan’yang mga empleyado ang palaging prioridad ng lalaki.
“Basta tandaan mo, sabihan mo lang kami kung hindi pala maganda ang pakiramdam mo bago pa man magsimula ang meeting,” saad sa kanya ni Sean habang binubuksan ang mga dokumento sa harap niya.
“Back to the meeting, gusto kong pagbutihan natin ang serbisyo ng Luna Star’s service at…”
Naging okay naman ang meeting as usual, pero siya ay hindi maka-focus. Binaling niya ang kaniyang atensyon kay Sean na nakaupo sa upuan. Nadadarang s’ya sa boses ng lalaki na halos palagi niyang naririnig kada gabi, binubulong ang matatamis at masasamyong salita sa mainit nilang pagsasalo.
Nagtatanong siya sa kan’yang isip, hanggang kailan kaya siya masisiyahan sa setup nila?
Hanggang kailan pupulupot ang makikisig na braso nito sa kaniyang katawan at pro-protektahan habang binabangungot siya tuwing gabi.
Hanggang kailan niya ma-e-enjoy ang matitigas nitong dibdib na laging nakasuot ng formal black suit habang nasa trabaho o marahil- ito na ang huling araw ng kasiyahan niya. Talaga namang she was in a dilemma dahil walang makakapantay sa pigura ng lalaking si Sean Reviano sa buhay niya.
Isang oras pa lang ay nasa kwarto na si Via at nakahiga sa kama nang biglang narinig niya ang tunog ng bell, napabuntong-hininga siya at nagmamadaling buksan ang pinto pero nakita niya si Sean na nakatayo sa harapan niya kasama si Carolus na nasa bisig nito. “Mommy!” tawag ng batang paslit na may malaking asul na bilog na mga mata. Nang makita iyon, nadurog ang puso ni Via dahil sa ilang sandali ay muntik na niyang makalimutan ang kinaroroonan ng anak na naiwan sa bahay kasama ang yaya. Agad na nabaling ang mga mata ni Via sa lalaking nakahawak sa kanilang anak na may inosenteng tingin. “Sabi niya ... na-miss niya ang kan’yang ina,” sabi ni Sean habang bahagyang ibinaling ang katawan sa gilid na dahilan upang bumagsak ang ulo ni Carolus sa dibdib ng kan’yang ama, at ang mga mata ng bata ay tila mabigat na pumikit.Nagkibot-kibot ang mga talukap ni Via nang makita sa harap niya ang mag-ama. Tumikhim si Sean dahil mukhang natulala si Via at nahihirapang magsalita. “Sa tingin ko
Hinigpitan ni Via ang kaniyang scarf sa leeg dahil sa malamig na hanging nakakapanghina ng buto. Binilisan niya ang kan’yang mga hakbang habang binabagtas ang bahagyang mahangin na mga lansangan sa Manila. Siguro, uulan ngayong gabi, kaya binilisan ni Via ang lakad niya. Kadadating pa lang niya sa tapat ng gusali ng Luna Star nang biglang may bumagal na sasakyan sa gilid ng kalsada kaya napilitan siyang huminto. Napairap siya sa hangin nang makita kung sino ang nasa manibela. “Pumasok ka na sa kotse o papaluin ko ‘yang bilugang puwet mo kapag nakauwi tayo sa bahay,” sabi ng lalaki na nakasandal sa bintana at tinitigan si Via.Sa halip na sundin ang mga sinabi ni Sean ay nagpatuloy si Via sa paglalakad at hindi napigilan ng lalaki na iparada ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Walang pakialam si Sean kung makakuha man siya ng ticket sa pulis dahil para sa kan’ya, ang pag-uwi sa sutil na babae sa harapa niya ang mas mahalaga. At sa sobrang pagmamadali ay agad siyang bumaba ng sasakyan
Nilagyan ni Via ng maligamgam na tubig ang bathtub at nilagay ang bomb bath doon nang biglang narinig niya ang tunog ng pagsara ng pinto ng banyo. Lumingon saglit si Via at napanganga, tiningnan niya si Sean na parang nagtatanong kung bakit ito naroon. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Via sabay tingin sa pinto. “Maliligo, of course,” sagot ni Sean na nagsimulang maghubad.Paano niya nagawang maligo at hinayaan lang si Caro na mag-isa sa labas? Hinugot ni Via ang isang tuwalya mula sa istante at isinuot ito saka nilagpasan ang kan’yang asawa ngunit ang mga braso ni Sean ay pumulupot sa kan’yang baywang kaya agad na napatigil si Via. “Binigyan ko siya ng laruan. Kaya huwag kang mag-alala, Baby,” mahinang sabi ni Sean na para bang nag-uusap sila tungkol sa isang kuting sa labas na naiwan mag-isa sa halip na sa isang sampung buwang gulang na sanggol.“Gosh! Paano kung umiyak siya, Sean? Walang nag-aalaga sa kan’ya ngayon,” protesta ni Via habang sinusubukang kumawala.Sa kasamaang
“Isekreto natin... sa lahat?” pabulong na tanong ni Via, sa harap mismo ng labi ni Sean. Dahil sa liwanag na naaninag mula sa mga gusali sa paligid kaya kumikinang ang kanilang mga basang labi.“Oo,” sambit ng lalaki na sinundan ng ungol nang dumaan ang tungki ng ilong niya sa likod mismo ng leeg ng dalaga dahilan para manginig ang katawan nito. Muling pumikit si Via nang mag-iwan ng bakas ng halik si Sean sa kan’yang sensitibong balat sa leeg. “Sean,” tawag ni Via na hindi maintindihan kung ano ang gusto ng katawan. “Yes, Baby,” sagot ni Sean habang hinihila ang bewang ni Via para magkadikit ang ibabang bahagi ng katawan nila. Napatalon si Via sa gulat nang maramdaman niyang may dumidikit sa kan’yang pagkababae na ikinatawa ni Sean ng mahina at sinadyang halikan ang labi ng babae. Noong una ay kinakantilan at tinutukso lang ni Sean ang pang-ibabang labi ni Via at kinagat-kagat ng marahan, pagkatapos ay ipinasok niya ang dila niya sa labi ng dalaga kaya medyo bumuka ang bibig ni
Napatingin si Sean sa kan’yang wrist watch. Makalipas ang labin-limang minutong paghihintay, bumaba siya ng sasakyan at nagmamadaling umakyat sa hagdanan patungo sa apartment ni Via. Sinadya niyang bagalan ang mga hakbang para mas may oras si Via sa paghahanda. Agad siyang pumasok sa corridor nang biglang huminto ang kan’yang mga hakbang at nadatnan ang isang babaeng nakasilip mula sa apartment sa tabi ng kwarto ni Via. “Ikaw ba ang manliligaw ni Viania?” bulong ng babaeng ipinakita ang kalahating mukha nito at kanang mata lang ang ipinakita habang ang kabilang parte ng katawan ay nakaharang sa pinto. Nilagay ni Sean ang hintuturo sa labi niya na para bang sinasabi niyang manahimik at agad namang tinakpan ng babae ang kaniyang bibig gamit ang isang kamay habang tumatango, saka dahan-dahang isinara muli ang pinto ng apartment. Matapos matiyak na walang nang isturbo, kumatok si Sean sa marupok na pinto ni Via. Mula sa kan’yang nakatayong posisyon, masasabi ni Sean na kadalasan ay
Tumitibok pa rin ang puso ni Via nang makabalik siya sa kan’yang silid. Hindi pa rin nawawala ang kaniyang takot. Kahit ang isang tanong ay pumasok sa kan’yang isipan; paano kung pumasok si Devan sa opisina niya? Agad na ni-lock ni Via ang pinto dahil ayaw niyang may biglang pumasok sa kaniyang opisina. Sana lang ay hindi magtanong ang kan’yang amo na si Hadley. Pagbalik sa upuan, sinubukan ni Via na mag-focus sa pagkumpleto ng mga dokumento sa computer ngunit hindi pa rin siya mapakali. Agad niyang hinanap ang AC remote para mapababa ang temperatura ng kwarto. Isang tunog ng mensahe sa kan’yang telepono ang agad na nagpagising kay Via. Umaasa siyang si Sean iyon. Sean: [Okay ka lang?] Nabato si Via ng ilang minuto nang mabasa niya ang mensahe. Nag-type siya ng ilang salita, pagkatapos ay binura muli, hindi niya sigurado kung ano ang sasabihin.Huminto ang daliri niya nang nabasa ang kaniyang tinipa ‘hindi okay’ at agad niyang ipinatong ang ulo sa mesa habang nasa tabi niya ang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen