LOGINNalugi ang negosyo ng mga magulang si Hannah Jimenez, kaya walang nagawa ang mga ito nang kunin siya ng malupit at cold na businessman man na si Cedric Rama upang maging kabayaran sa pagkakautang. Inalila niya ito para sa sariling kagustuhan at kalayawan kahit siya ang tunay na alipin ng sarili niyang pag-ibig. Ngunit hanggang kailan kaya magtiis ni Hannah kung hindi lang damdamin ang nasasaktan? Makakalis pa ba siya sa kulungan mula kay Cedric kung magkaiba ang sigaw ng puso at isip niya?
View More“P-Pakiusap, Cedric, huwag mo akong saktan,” pakiusap ni Hannah. “W-Wala naman akong g-ginawang masama…”
Nagsimula siyang manginig. Kaya pinagmasdan ni Cedric Rama ang pagsusumamo niya.
“Ano ang gagawin ko sa iyo kapag umakit ka pa ng ibang lalaki?” tanong nito, naghihintay na magsalita siya.
“A-Alam mo na hindi ko iyon ginawa kahit minsan.”
Halos pabulong at nanginginig ang boses ni Hannah dahil sa takot, ngunit napadaing siya sa sakit nang mas lalo siyang idiin ni Cedric. Lalong umiyak si Hannah habang iniisip kung kailan matatapos ang paghihirap niya sa lalaki.
“Siyempre, ginawa mo, baby… Palagi mo akong pinaparamdam ng ganito.”
“Hindi ko ginawa!” humihikbi niyang pagmamakaawa na pakawalan siya.
“Ano ang magagawa mo para tumigil ako? Hmm?”
Bakit napakawalang-puso ni Cedric?
Bakit may kundisyon pa para tigilan niya ang pananakit sa kanya?
“Bakit mo ba ito sa akin palaging ginagawa?” tanong ni Hannah na may hikbi.
“Dahil…” Hinaplos ni Cedric ang basang pisngi niya gamit ang isa niyang kamay. “Pagmamay-ari kita,” bulong nito na muntik na siyang halikan.
“Wala akong ginawang masama sa iyo para ganituhin mo ako!” Tumaas ang boses ni Hannah kaya napaigik siya nang muling humigpit ang hawak ni Cedric sa panga niya.
“Hindi pa rin ba malinaw sa iyo na kapag pagmamay-ari ko, walang ni isang pwedeng ibang humawak?” Impit siyang napairit nang hawakan naman siya ni Cedric sa leeg. “At kapag nakuha ko na, gagawin ko ang lahat ng gusto ko.”
“At pati ang pagsasagot sa akin, hindi ko papayagan.”
Humigpit ang kapit ni Cedric sa leeg niya na naging dahilan para mahirapan siyang huminga.
“At huwag mong kalimutan na isa ka lang alipin ko, isang kawawang batang babae na palaging nagtatangkang tumakas sa akin, pero alam nating dalawa na hindi mo magagawa, dahil ikaw ay…”
Mas humigpit pa ang pagkakahawak ni Cedric sa kanya kaya nagsisimula nang magdilim ang paligid ni Hannah. At bago siya mawalan ng malay, sinabi ni Cedric ang bagay na palagi nitong sinasabi para lang ipaalala at sirain siya…
“Pambayad lang sa utang ng iyong ama.”
**
Yakap niya ang sarili na tanging puting kumot lang ang nagtatakip sa kanyang kahubdan. Nagising si Hannah sa sarili niyang kama kinaumagahan na wala nang ni isang saplot sa katawan. Ano pa nga bang bago, kahit wala siyang malay, wala pa rin itong patawad.
Ang akala niya ay hindi na siya magigising pa, akala niya katapusan na niya, hindi pa pala. Mapait na lang siyang napangiti…
Nagdesisyon si Hannah na tumayo na pero ramdam na ramdam niya pa ang panginginig ng kanyang mga binti at pananakit ng gitnang bahagi niya. Si Cedric ang lalaking nakauna sa lahat sa kanya. Kailan lang siya nag-labing-walong taong gulang nang makuha siya nito dalawang buwan na ang nakalipas…
Nagkaroon ng problema sa negosyo ng pamilya niya noong mga panahong iyon. Nagkaroon ng bankruptcy dahilan para magkaroon ng kalat-kalat na utang ang kanyang ama dahil sa pagkalulong sa masamang bisyo at sugal.
At ang isa sa mga nalapitan at napangakuan niyang ibabalik agad ang perang nahiram ay si Cedric Rama. Nang hindi naibigay ng ama ni Hannah ang naipangakong bayad sa araw na naipangako, humingi ito ng collateral o pamalit sa nahiram na malaking halaga na hindi rin biro ang laki. Handa na sanang patayin ni Cedric ang mga magulang niya kasama siya, ang bawat miyembro ng pamilya, ngunit bigla itong natigil nang makita siya.
At doon, nagmistula si Hannah na isang laruang manikang kinuha na lang basta mula sa mga magulang niya. Ikinalungkot niya nang malaman na pumayag ang mga magulang niya na kunin siya nang walang pagtanggi, walang pakiusap na huwag siyang dalhin. Basta na lang sila pumayag na nakasakit at nakadurog sa puso niya.
Ngunit, hindi pa rin niya kayang magalit sa kanila. Kahit kagalit-galit ang dinaranas niya ngayon dahil sa kagagawan nila, pakiramdam niya wala siyang ibang masisi dahil para saan pa, hindi na rin naman nito mababago pa ang sitwasyon niya.
Ngunit patuloy siyang nagdarasal na baka isang araw may mabuting puso ang makarinig ng bawat hinaing at pag-iyak niya sa bawat araw na lumilipas na naririto lang siya sa bahay ng binata para lang pagsilbihan ito, ibigay ang pangangailangan nito na dapat hindi niya naman ginagawa dahil hindi naman kami mag-asawa. Inaalila siya ni Cedric na para bang hindi buo ang araw nito kapag hindi niya ginagawa.
“Hannah, hija.”
Malambing na boses ni Manang Fe ang pumukaw kay Hannah habang nakatingin siya sa kawalan. Dali-dali niyang pinalis ang luha na naglalandas sa magkabila niyang pisngi at tumikhim, saka lang niya ito nilingon.
“Po? Manang?” Ngumiti si Hannah at nakitang ginagawaran siya ni Manang Fe ng naaawang tingin. Nakalimutan niya, nakakumot pa pala siya.
Tumayo si Hannah kaagad, itinago ang panlalambot niya. Humarap siya. “Susunod na po ako sa baba. Pasensya na, tinanghali po ako ng gising—”
Ngunit natigilan si Hannah nang mabilis siyang nilapitan ni Manang Fe at niyakap na para bang kasalanan nito.
“Pasensya ka na,” nahahabag nitong sambit at kumalas mula sa pagkakayakap kay Hannah. Hinawakan siya nito sa magkabilang braso, pinagmasdan siya at tumagal ang tingin sa leeg niya kaya napaiwas si Hannah ng tingin.
“Kasalanan ko. Kung hindi kita inutusan, hindi ito mangyayari, pero sumosobra na talaga iyang batang iyan!” Magkahalong galit at awa niyang sinabi. Siya ang mayordoma roon at siya rin ang nag-alaga kay Cedric simula nang maliit pa ito.
Nanginit naman ang mga mata ni Hannah pero sinikap niyang huwag magpakita ng kahinaan at ayaw na niyang mag-alala pa ito sa kanya. Sa loob-loob niya, masaya siya dahil may kahit isang tao na may pakialam sa kanya sa bahay na iyon kaya nagpapasalamat pa rin siya.
“Ayos lang ho ako, Manang. Hindi pa po ba ako masasanay?” Dinaan na lang ni Hannah sa biro at pagtawa kahit gumuguhit sa kanya ang pait. Nagawa na lang niyang isantabi dahil wala nang bago roon.
“Sige na po, magliligo at mag-aayos lang po ako, bababa na rin ho ako.” Muli na lang siyang ngumiti at kita ni Hannah na si Manang Fe na lang ang naluluha para sa kanya, pero tumango na lang din ito at ngumiti.
“Siya, sige… sumunod ka na lang at kumain. Ipinagtabi na kita. Nasa kusina.”
Tumango na lang si Hannah at nagpaalam na rin ito at saka lumabas ng silid niya. Saka siya muling napaupo sa gilid ng kama at mariing napapikit.
Isa na namang umaga, natapat pang araw ng linggo at siguradong buong maghapon si Cedric sa bahay.
Tanging kalansing lang ng pares ng kubyertos na tumatama sa plato ang tanging maririnig sa dining room habang may hawak si Hannah na pitsel ng orange fresh juice at kasalukuyan siyang nagsasalin sa baso ni Cedric na nakaupo sa sentrong upuan ng lamesa, panaka-nakang kumakain.
At ang mga kasambahay naman na kasamahan niya ay mga nakahanay sa may gilid mula sa tamang distansya lang, at walang ni-isang lumilikha ng ingay at walang nagtatangkang magsalita.
Kakain na sana si Hannah pero naudlot lang dahil saktong pagbaba niya, kabababa lang din ni Cedric. Mukhang tinanghali rin ito ng gising kaya mamaya na lang siya kakain.
Bahagya pang nanginginig ang kamay niya habang sinasalinan ang baso ng marahan sa takot na matapon. Kaya napasulyap si Cedric sa kanya na ikinahakbang niya paatras dahil sa natural na nitong matalim na mga mata.
Gusto ni Cedric na palagi siya ang magsisilbi rito habang walang ginagawa ang iba. Pero kahit ang tagal na niya itong ginagawa, hindi pa rin siya masanay-sanay dahil likas itong nakakatakot.
Lihim naman siyang nakahinga ng maluwag nang matagumpay niyang naisalin kaya makakalayo na rin siya kay Cedric sa wakas, pero nagulat siya nang hawakan nito ang pulsuhan niya nang akmang aalis na siya para sana dalhin ito sa kusina na alibi niya lang. Gusto niya lang talaga makasagap ng hangin.
Napangiwi si Hannah sa higpit ng hawak ni Cedric.
“I-Ilalagay ko lang po ito sa kusina—aray!”
“Sinabi ko bang umalis ka, hmm?”
Tila balewala kay Cedric ang pag-inda ni Hannah dahil marahas niya pa itong hinila, at sakto namang pasok ni Manang Fe at naabutan niya si Cedric sa ginagawa kay Hannah. Si Hannah ay napapangiwi at naluluha, pilit binabawi ang pulsuhan niya na balak ata nitong baliin.
“Cedric! Ano bang ginagawa mo sa bata?!” pagalit nito pero tila wala si Cedric na naririnig.
Nanatili lang ang tingin ni Cedric kay Hannah, hindi siya kumukurap habang pinapanood ang paghihirap sa mukha niya na napapaiyak na lang.
Ngayon pa lang, sinasabi na ni Hannah sa sarili na ang lalaking iyon ay walang konsensya at mas natutuwa pa kapag nakikitang nakakasakit.
Natigilan naman ang lahat at napaiwas ng tingin sa kanila nang balingan ni Cedric ang mga naroroon. Kitang-kita ang awa nila para kay Hannah, pero katulad niya, wala rin silang magawa. Sinalakay si Hannah ng kaba nang utusan ni Cedric ang mga ito na lumabas.
“All of you, get out. Leave us,” utos nito habang hawak pa rin ang pulsuhan ni Hannah.
Nataranta naman si Manang Fe. “Cedric—”
“Even you, get out of my sight,” agad nitong putol sa matanda na mababasa sa mga mata na hindi na ang binata ang batang dati niyang inalagaan.
Kaya wala na lang din nagawa ang matanda kundi ang lumabas kasunod ang mga kasambahay. Ayaw man nilang iwan si Hannah dahil alam na rin nila kung anong mangyayari sa kanya, napilitan silang i-lock ang pinto ng dining room para walang makapasok sino mang nasa labas.
Napaatras si Hannah nang tumayo si Cedric nang sila na lang dalawa.
Tumingala siya rito. Lumunok siya nang mariin.
Hindi siya binitawan ni Cedric; hawak pa rin siya nito.
“Ano na naman ang ginawa ko?” tanong ni Hannah habang namumula at maga ang kanyang mga mata.
Umiling siya. “W-Wala akong ginagawa para magalit ka—”
Ngunit natigilan si Hannah at napasinghap sa gulat nang ang kamay niyang hawak ni Cedric ay bigla nitong inihawak sa umbok ng pantalon niya. Sabay itong ngumisi nang mahawakan niya ang mala-blokeng tigas. Gusto niyang bawiin ang kamay niya pero hindi siya hinayaan ni Cedric.
“You feel it?” tanong nito na ikinagulat niya. “This is what you did, and it's very bad.”
At napa-irit si Hannah sa sunod nitong ginawa nang hinila siya at pinadapa ang kalahati ng katawan niya sa bakanteng lamesa na parteng walang nakapatong. Saka nito inilagay ang isang kamay niya sa likod niya. Napaigik siya at bumilis ang paghinga niya kasabay ng pag-inda dahil tumama ang tiyan niya sa kanto ng lamesa.
Napasinghap si Hannah nang dumungaw si Cedric kaya ramdam niya ang paglapat ng katawan nito sa likod niya. Suot ni Cedric ang puting t-shirt at siya naman ay nakamahabang cream princess dress at ang manggas hanggang pulsuhan niya dahil sa tinatago niyang mga pasa na siya rin ang may gawa.
Inilapit ni Cedric ang bibig sa tainga niya saka bumulong. “I was bored last night, you know?” Tumawa ito nang mahina na nagpaiyak kay Hannah.
“You were unconcious while I was f*cking you so hard and even I c*m multiple times in your pinkish p*ssy I didn’t get a chance to enjoy your beautiful body.”
Muli siyang napasinghap nang hawakan ni Cedric ang buhok niya at hinila para itingala siya rito habang ang bibig nito ay nanatiling malapit sa tainga niya.
“I will f*ck you much harder and rougher than last night.”
Nakatulala si Hannah habang nakaupo at nakasandal sa kama, nakatanaw sa labas ng bintana ng munti niyang silid. Tanging lampshade lang na nasa ibabaw ng maliit na lamesa tabi ng kama ang nakabukas na nagbibigay konting liwanag sa kanya.Gabi na sa labas, bukas ang bintana at isinasayaw ng hangin ang kulay asul at manipis nitong kurtina habang malayo ang tingin niya nang bumukas ang pintuan at pumasok si Manang Fe na may dalang tray ng pagkain.“Hannah, kumain ka. Kaninang tanghali ka pa hindi kumakain,” nagaalala na nitong sinabi nang makalapit sa kama at inilagay sa tabi ang tray. Hindi nag-abalang lingunin ni Hannah si Manang Fe.“Wala ho akong gana…” tamlay niyang sagot.Kaninang umaga lang siya iniuwi ni Cedric matapos ng isang linggo niyang pamamalagi sa ospital.Wala na rin naman naging imik pa ito, hindi na naulit pa ang pag-uusap nila noong araw na iyon na ipinagpasalamat niya. Hindi niya rin na rin siya ginambala at hinayaan siyang makapagpahinga hanggang ngayong nakauwi siya
Isang malakas na amoy ng antiseptic ang tumama sa ilong ni Hannah nang magkamalay siya.Nasaan siya? Malabo pa rin ang paningin niya pagkatapos niyang imulat ang mga mata at biglang tumama ang matinding sakit sa ulo niya na nagpa-daing sa kanya nang may lumapit sa kanyang isang nurse.Nasa ospital siya… dinala siya ni Cedric rito?“Huwag kayong kumilos, Ma’am! Sandali, tatawagin ko ho si Doc.” Nagmamadali na itong lumabas at mayamaya lang, bumalik nga ito kasama ang Doctor, pero may isa pang lalaking pumasok kaya nanlaki ang mata ni Hannah at nanigas siya sa kinahihigaan niya.Biglang nag-ingay ang aparato, hudyat na nagpapanic siya, kaya mabilis na nila siyang dinaluhan at lumapit din sa kanya si Cedric na may kakaibang emosyon sa mga mata na hindi niya lubos na maintindihan.Tila… pagsisisi na hindi niya mapaniwalaan dahil wala naman ito no’n…“Calm down, Ma’am. We’re here to check on you not to hurt you,” paniniguro ng lalaking Doctor nang makita nito ang takot at pamumutla sa mukh
Tinikman ni Hannah ang niluluto niyang beef soup para sa pagdating ni Cedric, gabi ng Lunes, saktong umuulan.Kaya napatingin siya sa labas ng bintana ng kusina, hawak ang sandok at kutsarang ipinangtikim niya. Sandali niya itong ibinaba at pinagmasdan ang bawat pagpatak ng ulan…Parang gusto niyang lumabas para damhin at hayaang pumatak ito sa kanya…Mabilis siyang napatalon sa gulat nang magsalita si Manang Fe mula sa likuran niya, na pumasok pala sa kusina.“Hannah, tapos na ba iyan? Parating na si Cedric.”Dali-dali namang kumilos si Hannah pagkasabi ni Manang Fe at in-off niya agad ang stove.“O-Opo, Manang. Tapos na.” Bahagya niya pang hinalo ang ilalim at inalis ang potholder na nakasuot sa kanang kamay niya, at mabilis siyang naghugas sa lababo at nagtuyo rin ng kamay. Hinubad na rin niya ang suot niyang apron.“Lalabas na ho ako at sasalubungin ko na po siya,” nagmamadali na niyang paalam at akmang lalabas na nga siya at lalagpasan na sana si Manang Fe nang hawakan siya nito
“P-Pakiusap, Cedric, huwag mo akong saktan,” pakiusap ni Hannah. “W-Wala naman akong g-ginawang masama…”Nagsimula siyang manginig. Kaya pinagmasdan ni Cedric Rama ang pagsusumamo niya.“Ano ang gagawin ko sa iyo kapag umakit ka pa ng ibang lalaki?” tanong nito, naghihintay na magsalita siya.“A-Alam mo na hindi ko iyon ginawa kahit minsan.”Halos pabulong at nanginginig ang boses ni Hannah dahil sa takot, ngunit napadaing siya sa sakit nang mas lalo siyang idiin ni Cedric. Lalong umiyak si Hannah habang iniisip kung kailan matatapos ang paghihirap niya sa lalaki.“Siyempre, ginawa mo, baby… Palagi mo akong pinaparamdam ng ganito.”“Hindi ko ginawa!” humihikbi niyang pagmamakaawa na pakawalan siya.“Ano ang magagawa mo para tumigil ako? Hmm?”Bakit napakawalang-puso ni Cedric?Bakit may kundisyon pa para tigilan niya ang pananakit sa kanya?“Bakit mo ba ito sa akin palaging ginagawa?” tanong ni Hannah na may hikbi.“Dahil…” Hinaplos ni Cedric ang basang pisngi niya gamit ang isa niyan






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.