5 years later,
Magbubukang-liwayway palang ay nakahain na sa lamesa ang mga pagkaing inihanda ni Anastasia para sa umagahan. Pritong itlog at hotdog at may pinaksiw na tilapya na ulam pa nila nung gabi habang ang kanin naman ay nakasalang sa rice cooker. Nagkukumahog siya upang maagang makarating sa bagsakan.Ganito ang buhay niya tuwing Martes at Biyernes. Para siyang trompo na umiikot pagkagising niya ng alas-kuwatro ng umaga. Kailangan niya kasing makauna sa magagandang klase ng gulay at isda na bibilhin sa bagsakan. Dahil kapag nahuli s'ya siguradong masisira na naman ang kanyang buong araw. Masaya s'ya sa t'wing nakikita ang mga preskong gulay na bagong ani ng mga magsasaka sa bukid. Minsan nga naisip n'ya, 'paano kaya kung sa bukid nalang sila tumira at magtanim ng iba't-ibang gulay.' Ngunit naisip naman n'ya na ngayon kailangan n'ya ring isaalang-alang ang kapakanan ng kanyang anak. Nais n'yang unahin muna ang siguridad at kinabukasan nito, total maayos naman ang kanilang buhay rito sa Bario Dos.Dala ang pulang motorsiklo na may top down, mabilis ngunit maingat n'ya itong pinatakbo patungo sa Lungsod ng Maravilis. Kalahating oras nang makarating s'ya sa Maravilis. Dahil medyo puno na ang palengke, halos magkaubusan nang parkingan sa labas. Marami na rin kasi ang naroon na namimili ng bultuhan. Dahil malaki ang palengke, kailangan pa n'yang maglakad patungo sa likurang parte upang mapuntahan ang paborito n'yang binibilhan, ang kanyang suki na si Nanay Sabel. "Andito na pala ang aking magandang suki." Nakangiting bungad ni Aling Sabel sa kanya. "Anak, bakit hindi mo dinala sina Tonton at Jeremy?!"Karamihan sa mga kakilala n'ya na matatanda ay anak ang tawag sa kanya. Kaya masayang-masaya s'ya dahil pakiramdam n'ya maraming nagmamahal sa kanya. "Nanay Sabel, napuyat po ang mga iyon kagabi. Palibhasa wala hong pasok ngayon kaya nakaabot sila ng alas-onse kakanood ng movie. May bago po kasing palabas sa N*****x alam mo naman ang dalawang 'yon mahilig sa fantasy." Mahaba n'yang paliwanag sa matanda. Naging malapit s'ya rito mula noong una s'yang nagawi rito upang mamili ng bultuhan, dahil na rin siguro sa wala itong anak, kaya malapit ang loob nito sa kanya. "Mabuti na rin 'yon anak, kesa sa online games ang kahuhumalingan ng dalawa."Ngumiti siya.Mula noong nakita nito ang dalawang bata nung minsan na dinala n'ya ang mga ito, nawiwili ang matanda na makipagdaldalan sa dalawa. Makikita sa mga mata nito ang pananabik na magkaroon ng sariling anak at apo. "Tama po kayo, Nay. Pero minsan pinahihintulutan ko naman silang maglaro ngunit may limit. Ayaw ko rin po kasi na hadlangan ang lahat na gusto nilang gawin, e mga bata pa po sila, para naman po ma-enjoy nila ang kanilang kabataan. Nakikinig naman po sila kapag sinusuway ko na tama na ang laro. Alam mo naman po kung gaano kabait ang dalawang 'yon." sagot niya habang abala sa pagkuha ng mga sitaw, talong at okra. "Maayos lang talaga ang pagpapalaki ninyo sa kanila kaya lumaki silang masunurin at mapagmahal na mga bata." puri ni Nanay Sabel sa kanya. "Salamat po, Nay! Binigay ko na po kasi ang lahat sa kanila. Nais kong bumawi dahil hindi ko man lang naranasan ang magkaroon ng totoong pamilya na magmahal saakin ng tunay." malungkot n'yang tugon.Naramdaman naman ni Aling Sabel ang lungkot sa kanyang boses. Tumayo siya't pnilapitan ang dalaga saka tinapik ang balikat. "Naku! Maaga palang iha nag-da-dramahan na tayo. Ano ka ba! Huwag kang mag-alala riyan marami kaming nagmamahal sa'yo!" tumawa siya sa tinuran ng matanda. "Okay lang po ako! Kayo talaga. Maraming salamat, Nay Sabel." "Walang anuman, anak. Mabuti naman kung ganoon." nakangiting sagot ng matanda habang pinagpapatuloy ang pag-ayos ng mga paninda nito.Nang makapili na s'ya ng mga bibilhin, binayaran n'ya na ito. Halos aabot rin ng apat na libo ang kanyang nabayaran bago s'ya nagdesisyong umalis.Alas-siyete e medya nang makarating s'ya sa bahay. Mabilis n'yang inayos ang paninda sa maliit na talipapa. Hindi nagtatagal ng ilang araw ang kanyang mga tinda dahil walang ibang talipapa roon. Karamihan pa naman sa mga nakatira roon ay nagtatrabaho sa factory at mga malalaking kompanya sa lungsod.Masaya at tahimik ang kanilang lugar. Kaya't nagustuhan na niyang tumira rito habang-buhay. Mababait ang mga taong nasa paligid nila malayo sa buhay na kinalakihan n'ya.Pumasok muna s'ya sa loob upang kumain dahil hindi pa s'ya nag-agahan bago umalis kanina.Nakatira s'ya sa bahay ng kanyang kaibigan. Ang bukod tanging tao na nag-alok ng tulong sa kanya noong siya ay nasa lansangan.Nasa harapan lamang ng bahay ang talipapa, na siyang pangunahin n'yang pinagkukunan ng pang-araw-araw. Sa gabi naman ay waiter siya sa isang sikat na club sa Lungsod, ang Infinite Club. Hindi na niya nagawang iwanan ang trabaho sa club dahil nakasanayan na niya ito, sayang din ang kita. Nais niyang mag-ipon para makapundar ng sariling bahay at lupa.Habang abala siya sa pag-re-repack ng asukal at asin sa talipapa, may biglang dumating sa kanyang likuran na hindi n'ya namalayan. "Oops, teka-teka matutumba ako. Anak naman e, nakakagulat ka!" napangiti siya ng makita ang gwapong mukha ng kanyang anak. Dahil maputi ito kaya agad na namumula ang mga pisngi sa tuwing maiinitan. Makapal ang kilay na parang kinorte. May mapilantik na mga pilik-mata. Ngunit karamihan ay naakit sa kanyang malalim na dimples sa pisngi. "Mama, I'm hungry!" paglalambing nito sa kanya habang hinahaplos ang maliit na tiyan. "Weee, paano ka naman magugutom gayong marami ang nilagay ko na snacks mo?!" sagot niya rito. Nag-aaral ito sa isang pribadong kindergarten na malapit sa kanila.Alam niya ang ibig nitong sabihin, dahil nais lang nito na lutuan n'ya ng paborito nitong chicken nuggets. Ilang araw na kasi itong hindi nakakain ng chicken nuggets kaya naglalambing sa kanya. "Okay po, mamaya nalang po ako kakain. Tutulungan ko nalang po kayo riyan sa ginagawa ninyo mama." saad nito. Natawa na lamang siya sa anak, saka umupo at niyakap ito ng mahigpit. "I love you son!" "I love you so much, Mama!"She smiled happily and messed up his shiny hair. "Okay, go change your uniform and I'll make our lunch ready."Nagbunga ang isang gabi na itinuring niyang malagim na trahedya sa buong buhay niya. Ngunit nang masilayan ang inosenteng mukha ng kanyang anak, ay parang isang bula na biglang naglaho ang sakit na pilit niyang kalimutan. Minsan napapanaginipan n'ya ang lalaki na nakadapa ito sa malaking kama.Marami ang nagsasabing hindi sa kanya nagmana ang kanyang anak. Kaya minsan naiisip niya gano'n ba kagwapo ang lalaking iyon? Nung sinabi ni Marga na ibinenta s'ya nito sa isang matanda, para s'yang sinakloban ng langit. Ngunit nang masilayan n'ya ang nakadapang lalaki sa malaking kama ng umagang iyon, parang may kung anong feeling ang kumudlit sa kanyang puso. Natuwa ba s'ya dahil hindi ito matanda?Ilang taon na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin sa kanyang isipan ang nangyari ng gabing iyon. Gabing hinding-hindi n'ya makakalimutan sa tanang-buhay n'ya.Matagal ng nakaalis ang kanyang anak pero nanatili pa ring nakatayo si Amber sa pintuan ng kanyang bahay. Naka ekis ang kanyang mga braso sa dibdib habang nakatingin sa kanyang bakuran. Ngayon lang niya napansin na matataas na pala ang mga halaman at damo sa paligid ng kanyang bahay. Matagal-tagal na rin kasi niyang hindi nabigyan ng pansin ito. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago pumasok muli sa kanyang kwarto.Bigla nalang sumagi sa kanyang isipan ang nakita kanina pagkatapos niyang naligo. Nasulyapan niya si Beth na nakatitig sa kanyang litrato na nakadikit sa dingding. Mukhang hindi pa ito kampante na titigan lang kundi inabot niya talaga ang frame na nakasabit. Kuha iyon noong siya ay anim na taon pa lamang. Kinunan siya ng litrato ng kanyang ama na si Ricardo habang nakatayo siya sa tabi ng carrousel. Kaarawan niya iyon. At sa araw ding iyon ay ipinagtapat sa kanya na hindi sila ang tunay niyang mga magulang. Kwento ng kanyang ina, natagpuan daw siya ng
Pagkarating ni Amber sa kanyang bahay pumasok sa kanyang isipan na tawagan si Lucas. Hindi na kasi siya nakapag paalam sa kaibigan dahil sa nagmamadaling umalis. Habang nasa biyahe siya kanina ay hindi mawala sa kanyang isipan ang boses ng babaeng tumawag sa kanya. Paano at saan nito nalaman ang kanyang number? Nung tawagan niya ito naka off na. Hindi niya alam kung totoo ba ang pinagsasabi nito or pinaglalaruan lamang siya. Pero paano nito nalaman kung saan siya naroroon. Bakit ayaw siya nitong pasamahin kay Ashton? Maraming tanong sa kanyang isipan na nais niyang malaman ang kasagutan ngunit… paano? Litong-lito na napasalampak si Amber sa kanyang higaan. Saglit siyang nawala sa isipin at nakatitig nalang sa kisame ng kanyang kwarto. Mayamaya tunog ng kanyang cellphone ang umagaw sa pagod niyang kaisipan. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi ng mabasa ang pangalan na rumihistro sa screen ng kanyang cellphone. “My love. How are you, baby?” Naiiyak niyang sambit. Hindi niya mapigil
“Anong ginagawa mo rito?” Sita ni Lucas kay Jane nang maabutan niya itong naghihintay sa pagdating ni Ashton. Alam niyang may binabalak itong gawin kaya todo bantay siya sa mga galaw nito simula pa kahapon. Pinandilatan siya nito ng mata. “Ano ka ba! Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa may ganang manita d'yan.” Asik nito sa kanya. Napaismid si Lucas sa sinabi ng babae. “Para sa akin? O, para sa'yo! Ginamit mo pa talaga ako. Aminin mo na kasi na may gusto ka sa kanya.” Nakangiting biro niya rito. Maganda naman si Jane, pero hindi niya lang maipaliwanag kung bakit parang may parte rito na ayaw niya. Matagal na silang magkakilala since elementary days. Naalala niya noong kabataan nila na halos hindi na sila paghihiwalayin dahil kung saan siya pupunta ay nakasunod ito sa kanya. Wala naman siyang magawa kasi wala siyang naging kaibigan noon dahil sa mga isyu ng kanilang pamilya. Si Jane ang naging kasangga niya palagi sa tuwing umaalis siya ng bahay kapag naririnig niya nagtatalo a
Halos kalahating oras nang nakatitig si Amber sa kisame ng kwarto. Blangko ang utak. Nakatakip sa kanyang katawan ang malaking quilts. Pagmulat niya ng mga mata kanina mag-isa nalang siya sa malamig at tahimik na kwarto. Tanging ang tunog ng kanyang cellphone ang naririnig niya sa mga oras na iyon. Notifications, hindi lang isa kundi marami dahil sunod-sunod. Ngunit wala pa rin siya sa huwisyo na abutin at buksan ang cellphone. Hindi kasi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Ang dati tahimik kasama ang kanyang kapatid ngayon hindi na niya maintindihan kung saan patungo. Hindi lang kasi simpleng dahilan ang pag-ayaw niya na makasama si Ashton habang-buhay kundi dahil na rin sa usapan nila ng mama nito. Wala siyang alam sa dahilan ng mama ni Ashton kung bakit ayaw nito sa kanya at bakit siya nito lihim na tinutulungan para makalaya.Nakaramdam siya ng lungkot nang mapagtanto na mag-isa lang siya sa kwarto paggising niya. Iniwan siya ni Ashton. Nakailang buntong-hininga
Malalaki ang hakbang na binaybay ni Ashton ang mahabang pasilyo ng Paradise Hotel na pag-aari ng pamilya nila. Kahit late na kailangan niyang makausap ng personal ang agent na humawak sa kaso ni Julianna. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang kanyang nararamdaman, para bang pinaliguan siya ng yelo dahil kahit mga kamay niya namamanhid kaya saglit niya iyong pinag salikop. Mayamaya lang ay nakarating din siya sa lugar na pinag-usapan nila. Hindi na siya nagpaalam pa kay Amber dahil alam niyang naliligo ito. Habang naglalakad maraming staff ng Hotel ang nakakakilala sa kanya at bumati. Naabutan niya ang isang matikas ang pangangatawan na lalaki, nakatayo sa tabi ng landscape. Hindi kasi niya pwedeng papuntahin sa opisina niya rito dahil ayaw niyang makilala ito ng mga taong lihim niyang pina-imbestigahan. “Mr. Enriquez!” Bati nito sa kanya sabay lahad ng kamay. “May update kana, tama ba?” Tanong niya rito. “Positive sir! May ugnayan nga sila. Plano na rin nila ang
Kahit ilang beses nang subukan ni Amber na buksan ang pinto ng kwarto ay ayaw gumana ng card key niya. Sa pagkakaalam niya ay bukas pa sila magcheck-out. Inis na naglakad siya patungong elevator upang bumalik sa ibaba. Pagdating niya sa reception nagulat nalang siya na sinabi nitong na-upgrade raw ang kanyang kwarto. Nangunot ang kanyang noo habang inaabot ang card mula sa receptionist. Lalo itong nangunot nang mabasa ang Presidential Suit sa card. Litong-lito na humakbang siya pabalik sa elevator saka pinindot ang 45th floor. Sinong nagdala ng mga gamit niya roon? Hindi kaya si Jane? Or si…! “Oh my goodness!” Natatarantang mutawi ng kanyang bibig habang hindi mapakali sa loob ng elevator. “Huwag naman sanang tama ang nasa isipan ko, Lord.” Impit niyang dasal.Habang naglalakad sa hallway wala pa rin sa sarili si Amber. Kahit panaka-nakay namamangha siya sa kagandahan ng Hotel ngunit hindi na roon natuon ang kanyang pansin. Hindi niya mawari kung ano ang dapat isipin nang tumapat s
Napahinto sa paghakbang si Amber ng mabasa ang pangalan ni Ashton sa screen ng kanyang cellphone. Agad niya iyong tinakpan bago pa makahalata si Jane. “Ahmm, Jane mauna ka na lang sa hotel, susunod nalang ako sagutin ko lang ‘to.” Tinaas niya ang cellphone na patuloy pa rin sa pagtunog.Tumango si Jane sa kanya. “Okay, wag kang magtagal baka maabutan ka ng ulan.” malambing nitong sagot bago tumalikod.May nakita siyang cottage na walang tao doon siya nagtungo saka sinagot ang tawag ni Ashton. “Where the h*ll are you now?” Bungad na sigaw ni Ashton sa kabilang linya.Inilayo niya sa tainga ang kanyang cellphone dahil parang mababasag ang kanyang eardrum sa lakas ng boses nito. “Ano ka ba! Ba't ka ba sumisigaw ha! Pwede naman tayong mag-usap ng mahinahon ah!” Naiiritang sagot niya rito. “Bakit ka sumama sa kanya riyan? Hindi ka talaga nag-iingat, Amber. Bakit ba ang tigas ng ulo mo ha!” Unti-unting huminahon ang boses ni Ashton sa kabilang linya.Nagtaka si Amber sa narinig.
Nakatulala si Ashton habang nakatingin sa labas ng kanyang opisina. Sumasayaw ang mga puno sa labas dulot ng malakas na hangin at may kasamang malalaking patak ng ulan. Ayon sa balita may bagyo raw na parating kaya pinag-iingat ang lahat. Sa mga ganitong panahon sumasama ang kanyang pakiramdam, mas gustuhin pa niya ang mainitan sa labas kesa ganitong panahon. Nakailang salin na siya ng vodka sa kanyang baso ngunit pakiramdam niya ay walang epekto iyon sa kanya. Napatingin siya sa kanyang relo, limang minuto bago sumapit ang alas-sais ng gabi. Naghihintay pa rin siya ng call back mula kay Amber. Ilang araw na kasi mula noong dinala niya ito sa restaurant ni Julianna hindi pa rin ito nagparamdam sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit kay Jane pa ito nakipag tulungan sa imbestigasyon tungkol sa kaso ni Julianna at hindi sa kanya, wala ba itong tiwala sa kanya? Hindi niya inaasahan na pagkatapos ng lahat na meron sila naglilihim pa rin ito sa kanya. Naalala niya kung paano nawala
Dumeritso si Ashton sa opisina ni Jane sa dulong bahagi ng restaurant. Hindi niya namalayan na ang babaeng kasama ay wala sa kanyang likuran. Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng mapansin na mag-isa lamang siya. Kumunot ang kanyang noo. Tinakasan ba siya ni Amber? Sigaw ng kanyang isipan. Muli siyang bumalik sa pinanggalingan upang hanapin ang babae, hindi pa naman siguro ito nakakalayo kung sakaling umalis man ito. Patingin-tingin siya sa paligid baka sakaling makita ito. Medyo abala pa naman ang restaurant ngayon at maraming customer na palabas at papasok. Sa dulong bahagi natanaw niya ang babaeng hinahanap, abala ito sa pagmamasid sa mga paintings na nakasabit sa dingding. Napailing na nilapitan niya ang babaeng walang pakialam sa kanyang piligid. Napansin niya na mahilig din ang dalaga sa mga obra ng mag-inang Garcia. Ilang beses na kasi niya itong nahuling nakatingin sa painting ng mga ito. Nakatayo s'ya sa likuran at ipinatong sa balikat nito ang kanan niyang kamay, ngunit par