Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle

Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-06-09
Oleh:  MichellaraBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 Peringkat. 1 Ulasan
9Bab
31Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Isang gabi bago ang kanyang kasal, muntik nang mapahamak si Jane sa tinatahak na liblib na daan nang harangin siya ng mga armadong lalaki. Sa gitna ng matinding panganib, desperado siyang tumawag sa kanyang fiancé na si Kian, ngunit sa halip na tulong ay pangungutya ang natanggap niya habang nasasaksihan ang kataksilan nito kasama ang sarili niyang pinsan na si Scarlet. Durog sa dobleng pagtataksil, dumating si Aviv Averoné, ang tiyuhin ni Kian, na siyang nagligtas sa kanya sa gitna ng kapahamakan. Dahil sa galit at desperasyon, nakiusap siya kay Aviv na ito na lamang ang pumalit bilang groom niya. Isang katahimikan ang namayani matapos ang kanyang pakiusap, ngunit kalaunan ay nagsalita din si Aviv kapalit ng isang malamig na kondisyon: kailangang gampanan ni Jane ang tungkulin bilang isang tapat na asawa at bigyan siya ng tagapagmana. Inakala ni Jane na ang kasal nila ni Aviv ay isa lamang malamig na transaksyon, ngunit unti-unti nitong ipinapakita na higit pa sa kasunduan ang nais nito mula sa kanya. Ngayong pag-aari na siya ng makapangyarihang tiyuhin ng kanyang dating fiancé, isang bagong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at pagnanasa ang magsisimula. Sa pagitan ng mapanganib na kasunduan at nagbabagang emosyon, mahahanap ba ni Jane ang tunay na kaligtasan sa piling ng lalaking kanyang pinili?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 001

Jane's POV

Umuulan habang tinatahak ko ang daan papunta sa charity gala ng mga Averoné. Dumaan ako sa isang liblib na shortcut dahil pinagmamadali na ako ng boyfriend ko na makarating kaagad sa destinasyon.

Ito ang huling gabi na dadalo ako sa isang magarbong event na hindi pa ako kasal. Dahil bukas ng gabi, sa Lorenzo Grand Hotel, doon gaganapin ang kasal namin ng tatlong taon ko nang fiancé na si Kian Averoné. Pero ang nananahimik kong diwa ay nagulo nang may natanaw akong itim na van sa may unahan.

Tumambol na lang bigla nang malakas ang tibok ng puso ko. Hindi pa man nakakalapit ang van ay naramdaman ko na ang matinding kilabot sa katawan. Akmang ililiko ko na sana ang minamaneho kong kotse nang humarang ang isa pang sasakyan sa likuran ng kotse ko.

Napahigpit ang hawak ko sa manibela, pinipigilang manginig ang katawan dahil sa labis na takot nang nagsilabasan na ang mga lalaking may kanya-kanyang bitbit. May bakal, may baseball bat, at kung ano pang pamalo. Sa kilos, tawanan, at porma nila, mukha silang mga siga o kriminal na sanay nang mangharang ng sasakyan para manggulo o mang-haràss.

Nanginginig ang mga kamay kong inilabas ang cellphone ko, halos hindi ko na nga mai-type ang password dahil sa panginginig. Nang makita kong online si Kian ay agad kong pinindot ang pangalan niya para sa isang video call.

Halos mapahiyaw ako sa labis na gulat dahil sa malakas na pagpalo ng lalaking may bitbit na baseball bat sa salamin ng kotse ko.

“P-Please... Kian. Answer my call,” pagdarasal ko bago naibaling ang mga mata sa lalaking sumilip sa butas ng nabasag na salamin.

“What a lucky night! It's a beautiful lady! This could be a fun night!” anunsiyo ng lalaki na nakangisi habang ngumunguya ng bubble gum. Napasilip din ang isa pa niyang kasama at ngumiti nang nakakaloko.

“Tingnan mo kung gaano siya katakot. Nakaka-excite namang makipaghabulan sa ganitong klaseng babae. Hahabulin at pagkatapos ay paliligayahin,” anito na may pagdila pa sa labi.

“B-Babe, help me!” agad kong saad sa paos at basag na tinig nang sagutin ng fiancé ko ang tawag ko. Pero imbes na mukha niya ang bumungad sa camera ay mga kaibigan niyang nakikipagharutan sa kani-kanilang partner.

Bago pa ako muling makapagsalita ay muli na namang pinalo ng lalaki ang bintana, dahilan para mas lalo pang lumaki ang butas sa salamin ng kotse. Napaatras ako nang ipasok niya ang kamay sa butas at siya na mismo ang nagbukas ng pinto.

“Labas!” agad na sigaw sa akin ng lalaki, pero napailing lamang ako habang naghahabol ng hininga at nanlalaki ang mga mata.

“Kian... b-babe...”

“Ohh, Jane?” aniya. Sa wakas ay sumagot rin siya, at naitutok na ang camera sa mukha niya. Pero bakas ang iritasyon sa mukhang bumungad sa akin.

“Kian, tulungan mo ako. Someone is attacking me! P-Please, puntahan mo ako rito! Papatayin nila ako!” hiyaw ko habang unti-unti nang naluluha at puno ng desperasyon ang tinig. Pero kasabay ng pagtawa ng lalaking bumasag sa salamin ay ganoon din ang pagtawa ni Kian.

“God, can't you see I'm busy? Stop making up stories para lang istorbohin ako. Papunta ka na rito sa gala, ’di ba? Just drive faster. Nag-iinarte ka pa diyan.”

Natulala ako.

“K-Kian, hindi ako nagbibiro!’ halos pumiyok ang tinig ko sabay lipat sa back camera para makita niyang hindi ako nagsisinungaling.”

“B-Binasag nila ang salamin ng sasakyan ko at pinapalabas na nila ako! They are going to assault me!” Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan nang tumulo.

Muling nagtawanan ang mga lalaking nasa harapan ko. Halatang nag-e-enjoy sila habang pinagmamasdan akong takot na takot sa kanila.

“Tsk. Binayaran mo ba ang mga ’yan para umakto at mautusan mo akong sunduin ka riyan?” Mas lalo akong natameme sa sinabi niya. Naisipan kong ibalik sa front camera ang tawag para makita ang walang pakialam niyang pagmumukha.

“Oh, c’mon, Jane. Ang dami-dami nang babaeng gumawa niyan sa akin para lang magpapansin, so stop it. Why not ask those guys to drive you here instead—para hindi ka na ma-late? Sabihin mo sa mga lalaking ’yan that you’re terrible at driving—terrible and boring at everything,” tuloy pa niya kasabay ng mapang-alipustang tawa.

“I c-can't believe you, Kian! Mamamatay na ako rito sa takot tapos... baliwala lang sa ’yo?!” hiyaw ko sa kanya. Naparolyo lang siya ng mga mata at kalmadong sumimsim ng alak.

“Arte mo. Kung ayaw mong dumalo rito, edi huwag! Umuwi ka na lang sa bahay ninyong malapit nang ma-remata,” tuloy pa niya na mas lalong nagpasikip sa dibdib ko.

“Baby, who’s that?” Isang malanding boses ng babae ang narinig ko sa kabilang linya.

Sumilip si Scarlet sa camera.

“Ohhh, it's your boring fiancée again,” aniya habang natatawa pa, bakas sa tono niya ang pang-uuyam.

“Hello, my dear cousin,” ani niya na may mapanuyang ngiti bago marahang tumawa. “Still the same plain, pathetic, and painfully boring girl no one could ever notice. Iyong tipo ng babae na hindi mapapansin ng kahit sino kung hindi lang dahil naaawa sila sa’yo.”

“Don't mind that bitch, baby,” tuloy pa niya bago hinalikan si Kian.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa phone ko. Hindi lang isang simpleng halikan ang ginawa nila; as in, naglaplapan silang dalawa habang nanonood ako.

After their torrid kiss, muli kong narinig ang mahinang pagtawa nilang dalawa. Hindi pa tapos ang paghaharutan nila dahil kumandong pa si Scarlet kay Kian bago niya ako kinausap.

“Oh, Jane. Do you think you’re lucky? Do you think you’re gonna marry a faithful rich bachelor? It’s a big NO. Because this man… he will never be yours,” nakangising saad niya sabay patay ng tawag.

Tuluyan na lamang akong natulala. Hindi lang kataksilan ang kanilang ipinakita sa akin, kundi kawalan ng awa, na kahit patayin pa ako ng mga lalaking nasa harapan ko ngayon ay ayos lang sa kanila.

Dahil sa labis na pagkatulala, hindi ko namalayan na nakalabas na ako ng kotse at nang may dumapong palad sa pisngi ko, doon lang ako bumalik sa aking sarili.

Inilibot ko ang tingin habang damang-dama ang hapdi ng pisngi ko dahil sa iginawad na sampal sa akin ng lalaki. Lahat sila ay nangisi sa akin, handang-handa nang simulan ang laro.

“Tumakbo ka na ngayon, Jane. Nang masimulan na natin ang masayang larong ito,” saad ng lalaking may piercing sa ilong at gilid ng labi.

“H-How did you know my name?” halos walang boses na tanong ko.

Nagkatinginan lamang silang lima na may nanatiling ngisi sa mga labi.

“Magbibilang kami ng tatlo. Dapat nakatakbo ka na,” singit naman ng lalaking mahaba ang buhok sabay gamit ng dulo ng hawak niyang metal stick at inilandas iyon sa gitna ng dibdib ko na agad ko namang ikinaatras.

“Isa...”

“Dalawa...”

“Tat—”

“TAKBO NA!” isang dumagundong na tinig ang umalingawngaw sa tahimik at medyo madilim na daan.

Dahil sa lakas ng boses na iyon, lahat ng atensiyon ay napunta sa lalaking sumigaw.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Ulasan-ulasan

Astraia Spring
Astraia Spring
Ang galing. More updates po plzz. Parang nasa loob ako ng libro habang nagbabasa. Highly recommended din sha. ✧(⁠✿⁠ ⁠♡⁠‿⁠♡⁠)
2026-06-08 19:24:36
2
0
9 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status