INICIAR SESIÓNKinabukasan.Alas-siyete y medya ng umaga. Mabilis ang naging takbo ng oras.Kahit puyat at nanginginig pa ang aking mga tuhod dahil sa tindi ng pagod at stress kagabi, pinilit kong ibangon ang aking mabigat na katawan.Mabilis kong inayos ang sarili ko— naligo at nagsuot na uniform.Inayos ko ang aking buhok sa harap ng salamin bago dahan-dahang lumabas ng aking silid.Dahan-dahan akong naglakad pababa sa malapad na grand staircase patungo sa kusina para ihanda ang liquid breakfast ni Ma'am Victoria.Ngunit bago ko pa man makuha ang blender sa island counter, kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng aking pajama uniform.Akala ko noong una ay ordinaryong notification lamang mula sa isang social media page ang natanggap ko.Ngunit nang makita ko ang pangalan ng nag-post, agad na nanlamig ang buong katawan ko at tila umurong lahat ng dugo ko sa katawan.Krizzy Montemayor.Mabilis kong binuksan ang notification, at doon... pakiramdam ko ay may isang dambuhalang bomba ang sumabog sa ak
“Yara. Are you his girlfriend?”Hindi ako nakasagot agad.Sa likod ng aking isipan, paulit-ulit na bumabalik ang sitawasyong meron kami— ako, siya at si Ma’am Victoria… paano kung chance ko na rin ito para kumawala?Dahan-dahan akong lumunok.“O-Opo... Sir.”Nang mabitawan ko ang mga salitang iyon, tila ba tuluyan nang naglaho ang huling natitirang hininga ko.Nanatili lang itong nakatingin sa akin, na para bang sinusuri kong nagsisinungaling ako.At sa isang maikling sandali, mas lalo pang nagdilim ang mukha ni Sir Erwin. Bahagya siyang napasandal sa kaniyang upuan, nakatitig lamang sa akin na para bang hinihintay niyang bawiin ko ang sagot ko.Ngunit nanatili akong nakayuko, tikom ang aking bibig.“Fine.”“Since that's your decision, I suggest you keep your personal affairs away mula sa mga responsibilidad ninyo sa bahay na ito. You're dismissed.”Agad akong tumayo, nanginginig ang buong tuhod habang halos hindi ko na maramdaman ang aking mga binti. “Thank you, Sir.”Hindi siya sumag
Pero sa isip-isip ko, hindi lang naman siguro dahil sa biglaang pagkakaroon ng relasyon ng dalawang empleyado niya ang dahilan ng galit niya. Paano kung talagang nagseselos siya? Paano kung...“Yes, Sir?”“Do you understand the gravity of what you're saying?”“Yes, Sir.”“Because I don't think you do.” Hindi sumigaw si Erwin, pero sa paraan ng pagkakabigkas niya ramdam ang gigil sa bawat salita niya.“I'm not asking whether you have feelings for her. I'm asking whether you understand the consequences of publicly declaring a relationship with an employee under my household.”“I understand, Sir.”“Do you?”“Yes, Sir.”“Then why the hell did you do it?”Humugot ng malalim na hininga si Carlos bago sumagot. “Because I believed it was necessary to prevent the situation from escalating. Ayaw ko po na gamitin o kontrolin ni Miss Montemayor ang sitwasyon para sirain ang pangalan ng pamilya ninyo, Sir.”“By lying?” putol ni Erwin, mas lalong nagtagis ang kaniyang panga.Hindi agad sumagot si Ca
Tahimik ang buong ikalawang palapag nang makarating ako sa tapat ng study room.Bahagyang nakabukas ang malaking pintuang mahogany at may manipis na liwanag na nagmumula sa lampara sa loob.Mula sa aking kinaroroonan, naririnig ko ang mahinang tunog ng pagbubukas at pagsasara ng mga dokumento.Kumatok ako nang dalawang beses, nanginginig ang aking mga daliri habang paulit-ulit na pumapasok sa utak ko kung bakit kami pinatawag ni Carlos ngayon? Hindi na ba pwedeng ipagpabukas?“Come in,” ang pamilyar, mababa, at baritonong boses ni Sir Erwin ay umalingawngaw mula sa loob na biglang nagpakabog ng dibdib ko. Naririnig ko palang ang boses niya, kinakabahan na ako.Dahan-dahan kong pinihit ang seradura at pumasok.Pagpasok ko, agad kong nakita si Carlos na nakatayo sa may gilid ng malaking bookshelf. Nakasuksok sa bulsa ng kaniyang pantalon ang isang kamay habang ang isa naman ay nakahawak sa kaniyang radio unit at sandali itong napatingin sa akin pagpasok ko.Si Sir Erwin ay nakaupo sa lik
"Baka may totoong boyfriend kana pala..." mahinang saad nito kaya mabilis akong napatingin sa kan'ya."W-wala ah!" agad na saad ko. Napachuckle nalang ito, "Well, mabuti naman dahil baka mamaya bigla nalang akong paambangan diyan sa labas." Saad niya na para bang nakalimutan niyang security personnel siya.Pero dahil doon, biglang bumalik sa isip ko na… kung yung pagsalo pa nga lang niya sa’kin ikinagalit na ni Sir Erwin, paano pa kaya ngayong sinabi nitong boyfriend ko siya?! At bakit si Sir Erwin na naman ba ang iniisip ko?!“O-okay lang,” mahina kong bulong, bago mabilis na nag-iwas ng mukha upang bumalik sa pagbabantay kay Ma'am Victoria.Pero sa bawat sandaling gumagalaw si Sir Erwin sa gitna ng hall, nararamdaman ko ang kaniyang matalim at nagbabantang mga mata na nakasubaybay sa bawat hakbang ko, nag-iiwan ng nakatutulig na takot sa aking kaibuturan.Ito na nga ba ang sinasabi ko! Kahit alam kong wala naman akong dapat katakutan dahil wala naman kaming relasyon, natatakot parin
Kailangan kong kumilos na para bang walang nangyari.At higit sa lahat, kailangan kong kumilos na para bang hindi ko nararamdaman ang nakalulunod na ilang dahil sa ginawa ni Carlos…Ngunit paano?Paano ako kikilos nang normal kung ilang segundo lamang ang nakalilipas ay basta na lang niyang inangkin na girlfriend niya ako sa harap mismo ng aking mga amo?Girlfriend.Napakagat ako sa loob ng aking pisngi, halos mulasahan ko muli ang pait ng sarili kong dugo. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak sa sobrang pagkabigla at nagwawalang takot.Wala sa hinagap ko na sa gabi ng isang napakalaking eskandalong muntik nang sumira sa buong pamilya Demetrio, at higit sa laha, hindi ko inaasahang bigla akong magkakaroon ng boyfriend sa gabing ito.Hindi ko man alam kung ano ba talaga ang motibo ni Carlos… o kung bakit niya iyon ginawa? Baka dahil siguro sa pag-aalala din sa amo namin? Na baka iyon ang pinakamadaling paraan para hindi magkaroon ng mas malaking gulo?Hindi ko alam! Kasi sa totoo l







