Kahit sa malamlam na liwanag, kitang-kita ko ang matinding pagod sa kaniyang tindig. Ang kaniyang suit jacket ay nakasabit na lang sa isang kamay, habang ang isa naman ay marahas na hinihila pababa ang kaniyang kurbata.Magulo ang kaniyang buhok at mabigat ang kaniyang paghinga. Nang isara niya ang p***o, umikot siya paharap sa sala. At doon, sa gitna ng malawak at madilim na espasyo, nagtagpo ang aming mga mata.Huminto siya sa paglalakad.Tumigil din ang pagtibok ng puso ko.Ang kaniyang mga mata ay madilim, may halong gulat, ngunit agad itong napalitan ng isang emosyong hindi ko kayang basahin.Noong mga nakaraang araw, sa tuwing magkakatitigan kami matapos ang insidente sa library, mabilis akong umiiwas dahil sa matinding hiya.Ngunit ngayon, gaya ng bilin ni Victoria, pinilit kong manatili sa kinatatayuan ko. Mananatili ako rito. Nanginginig ang aking mga tuhod, ngunit hindi ako gumalaw.Kailangan kong magpakatatag.Nakita ko kung paano humigpit ang hawak niya sa kaniyang suit jac
Last Updated : 2026-10-10 Read more