Share

Kabanata 1266

Author: Lord Leaf
Tumingin nang mapanghamak si Charlie kay Turk bago niya sinabi nang mapangmata, “Tawagin mo na lang akong Master Wade.”

Medyo nasorpresa si Turk. Anong era ba ito? Bakit may mga tao pa rin na tinatawag ang sarili nila bilang young master sa panahon ngayon?

Maaari ba na isa siyang young master na galing sa isang napakalakas, makapangyarihan, at malaking pamilya?

Kung gano’n, nakatagpo talaga siya ng isang napaka makapangyarihang tao!

Kaya, sobrang sabik ni Turk habang sinabi, “Ah, Young Master Wade, ang pamilya ko ay nasa negosyo kami ng harina. Mayroon kaming flour mill sa Aurous Hill. Marahil ay nasubukan mo na ang harina na ginawa ng pamilya namin dati. Ang brand ng harina ay ‘The Golden Family’.”

Kumunot ang noo ni Charlie at tinanong, “The Golden Family? Hindi ba’t iyan ang pangalan ng isang teleserye?”

Medyo nahiya si Turk habang sumagot siya, “Ah, sinusubukan lang naming sumabay sa uso. Ang teleserye ay nakatuon sa ginintuang pulbura, pero sa halip, harina ang ginagawa ng p
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6373

    Nang matauhan si Jacob, umiiyak na siya.Akala ng estudyante na may sakit siya at tinanong, "Mr. Wilson, gusto mo po bang tawagan ko ang asawa mo para sunduin ka?"Agad na sumulpot sa isip niya ang sarkastikong mukha ni Elaine, at nanginig siya sa takot. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya at nauutal na sinabi, "H-huwag na... M-may... may pumasok lang sa mata ko..."Halata namang hindi naniwala ang estudyante sa kanya at nagtanong siya nang may pag-aalala, "Bakit hindi mo po tawagan ang asawa mo? O tatawag na lang po ako ng taxi para sayo.""Hindi, hindi." Kumaway si Jacob at sinabi, "Tatawagan ko na lang ang manugang ko para sunduin ako. Kakabalik lang niya sa Aurous Hill, kaya hindi siguro ito problema."Pagkatapos nito, mabilis niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Charlie.Ilang minuto lang ang nakalipas, umalis si Charlie sa cafe at ihahatid na sana si Yolden sa kanyang sasakyan.Nang makita niya si Yolden na naglalakad papunta sa isang domestic new energy

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6372

    Kung may nararamdaman pa si Matilda para kay Jacob, tiyak na malakas ang epekto ng nostalgia strategy niya. Pero nagdesisyon na si Matilda na mag-move on, kaya walang kahit kaunting emosyon ang naantig sa kanya sa mungkahi ni Jacob. Sinabi niya habang may ngiti na humihingi ng pasensya, "Pasensya na, Jacob, naghihintay na si Yolden sa ibaba. May kailangan kaming pag-usapan. Paano kung sa ibang araw na lang? Pwede tayong mag hapunan, at ililibre kita."Hindi inaasahan ni Jacob na mabibigo ang nostalgia strategy niya.Ang orihinal niyang plano ay gamitin ang nostalgia para makasama si Matilda sa pagkain malapit sa school, tapos gamitin ang pagkakataon na bumalik sa mga dating lugar at mahinay na buhayin ang kanilang mga alaala noon.Dahil, ang pagbabalik sa mga dating lugar ang pinakamabisang paraan para muling pasiglahin ang lahat ng dating damdamin.Parang pag-inom ito ng tubig ng pasta pagkatapos itong lutuin.Pero hindi niya inaasahan na hindi magbabago ang ekspresyon ni Matilda

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6371

    Dati, nakikinig nang mabuti si Matilda, pero ngayon, nakayuko siya, abala sa kanyang cellphone , at sa mukha niya may bahagyang hiya at saya, parang sa dalagang babae.Naramdaman ni Jacob ang selos. Habang ginagawa ang presentasyon, hindi niya maiwasang isipin nang may sama ng loob, "Ano kaya ang pinag-uusapan ni Matilda at ng Yolden na iyon? Ang saya-saya niya..."Sa sandaling iyon, katatanggap lang ni Matilda ng mensahe mula kay Yolden. Sa mensahe, sinabi ni Yolden ang resulta ng usapan nila ni Charlie at ipinahayag ang kagustuhang maayos agad ang kasal. Nakita niya kung gaano kasabik ang minamahal niya na pakasalan siya, kaya naantig siya nang sobra.Sa sandaling iyon, tuluyan na siyang nahulog sa pagmamahal kay Yolden. Para sa lalaking ito, na may katulad na pinagmulan, edukasyon, asal, at pamumuhay sa kanya, wala siyang nakitang kapintasan sa kanya. Parang ginawa siya ng langit para sa kanya, halos perpekto ang lahat sa kanya na tugma sa kanya.Ang pinakamalaking kaibahan ng l

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6370

    Hindi walang basehan ang mga pag-aalala ni Charlie.Matagal na niyang alam na hindi pa tuluyang sumusuko si Jacob kay Matilda kahit na may relasyon na siya kay Yolden.Pagkatapos bumalik mula sa cultural exchange sa Korea, mas malungkot si Jacob kaysa dati—isang bagay na hindi niya ipinakita kahit noong na-bankrupt ang kanyang pamilya.Kung may kahit kaunting pag-asa pa para ayusin ang relasyon habang ang minamahal ay nakikipag-date lang sa iba, ang kanilang kasal ay halos katumbas ng sentensya ng kamatayan.Bukod dito, dahil mataas na antas ng katalinuhan nina Matilda at Yolden, pati na ang kanilang edad at karanasan sa buhay, malinaw na ang desisyon nilang magpakasal sa yugtong ito ng kanilang buhay ay nagpapakita ng kanilang hangarin na bumuo ng pangmatagalang kinabukasan nang magkasama.Ito ay nag-iwan kay Jacob ng walang kahit kaunting pag-asa.Sa sandaling ito, walang kamalay-malay si Jacob sa nakapangingilabot na balita at abala sa pagsasagawa ng workshop ng calligraphy an

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6369

    Pagkatapos nito, tinanong ni Charlie nang may kaunting kuryosidad, "Kailan ninyo napagdesisyunan ni Matilda na magpakasal?"Ngumiti si Yolden nang nahihiya at ipinaliwanag, "Naalala mo noong inorganisa ng lungsod ang cultural exchange trip namin sa South Korea? Doon ako umamin kay Matilda, at pumayag siya. Pagkatapos naming magsama ng ilang panahon, ramdam naming bagay kami sa isa’t isa. Sa edad namin, ayaw na naming ipagpaliban pa ang ganitong mahalagang desisyon, kaya napagdesisyunan naming sumunod na hakbang at bumuo ng pamilya nang magkasama."Nagpatuloy siya, "Noong nakaraang buwan, pumunta kami sa Lambonear ng ilang araw. Bumili ako ng singsing at nag-propose sa kanya sa tabi ng dagat, at pumayag siya. Humingi rin kami ng opinyon sa mga anak anim—sina Autumn at Paul—at pareho silang sumuporta. Parehong magaling at independent ang mga bata, kaya pinilit nila kaming magpakasal agad. Gusto kong maghintay hanggang sa bumalik ka para masiguro ang iyong schedule. Para sa kasal namin,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6368

    Sinabi ni Charlie nang walang pag-aalinlangan, "Sige. Kailan ka libre? Ipadala mo sa akin ang address, at pupunta ako para magkita tayo."Matagal nang nirerespeto ni Charlie si Yolden, hindi lang dahil mabait at talentado siya, kundi dahil matagal na rin silang magkakilala ng kanyang ina at nag-aral sa parehong paaralan.Mabilis na sinabi ni Yolden, "Kakarating ko lang galing Senior University. Weekend ngayon, at wala akong klase. Bakit hindi mo na lang ipadala ang address at magkita tayo?"Nag-isip si Charlie. Lampas alas-tres na ng hapon, kaya malamang nananghalian na si Yolden at may ilang oras pa bago ang hapunan. Hindi maganda na imbitahan siya sa Heaven Springs para mag-usap. Dahil matagal na rin siyang nakatira sa United States at marahil ay sanay siya sa pag-inom ng kape sa hapon, sinabi ni Charlie, "Paano kung ganito? May Starbucks hindi kalayuan sa university. Magkita tayo doon para sa isang tasa ng kape.""Sakto!" sinabi ni Yolden na may ngiti. "Iniisip ko kanina lang na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status