Nang marinig ni Magnolia ang mga sinabi ni Lilian, dumaloy agad ang mga luha sa kanyang pisngi.Nang makita ni Draco na pinapagalitan at pinapahiya ang kanyang nobya ng kanyang ina, hindi na niya ito natiis. Kaya, sinabi niya nang nagmamadali, “Ma! Mabubuhay kami nang magkasama ni Magnolia pagkatapos naming ikasal. Wala kaming pakialam sa ibang bagay basta’t mabubuhay kami nang mabuti at masaya. Kaya, hindi mo na dapat ito masyadong isipin pa. Hindi na maaga. Pwede bang ipagpatuloy na natin ang kasal ngayon?”“Imposible!” Tumingin nang nandidiri si Lilian kay Magnolia bago niya sinabi nang mapanghamak, “Hindi ko maisantabi ang galit na nararamdaman ko ngayon. Simula noong ikinasal ako sa ama mo, hindi pa ako nakakaranas ng malaking daing sa buhay ko. Malinaw na ang pamilya niya ang nakikinabang at umaakyat sa social ladder kung pakakasalan ka niya. Kaya, bakit parang tayo ang makikinabang sa kasal na ito? Kaninang umaga pa kami ng ama mo dito. Maaga ring dumating ang mga kamag-anak a
Noon pa man ay hindi na sang-ayon si Lilian sa kasal ng kanyang anak at ni Magnolia.Pero, ang dahilan kung bakit siya pumayag na magdaos ng kasal ngayong araw ay dahil ayaw niyang masisi hangga’t maaari.Kaya, nagpasya siya na ipahiya si Magnolia at ang pamilya niya ngayong araw. Gusto niyang ipagmukhang hindi niya maitingala ang kanyang ulo sa harap ng mga kamag-anak at kaibigan niya dahil sa mga magulang ni Magnolia. Gamit ito, mapupunta sa kanya ang mataas na moralidad at tatangging ikasal si Magnolia sa pamilya niya ngayong araw.Ito rin ay isang kinatawan ng kung anong ginagawa ng mga matatalinong magulang sa pang araw-araw na buhay nila.Hinding-hindi ibibigay ng mga matatalinong magulang ang huling salita sa mga anak nila sa tuwing nagtatalo sila ng mga anak nila.Kung gagawa sila ng isang determinadong desisyon an tanggihan ang desisyon ng kanyang anak nang walang duda, kung hindi ito makakalimutan o papalampasin ng mga anak nila sa hinaharap, siguradong kamumuhian o sisi
May dalawang malaking sales channel para sa harina niya. Ang isa ay ang mga malalaking supermarket, tulad ng Carrefour at Walmart. Ang isa naman ay ang mga medium-size na chain supermarket tulad ng mga supermarket na pagmamay-ari ng pamilya Morningstar.Ang industriya ng flour mill ay may medyo mababang teknolohiya at mabangis din ang kompetisyon dito.Maraming malalaking grain at oil brand tulad ng Bertolli at Adolphus sa Oskia. Medyo malalakas ang mga brand nila, kaya, medyo mabenta rin ang mga produkto nila.Bukod dito, may ilang lokal na flour brand sa bawat siyudad.Kaya, ang isang maliit na brand tulad ng sa kanya ay may tiyak na benta sa lokal at sobrang nakadepende ang benta niya sa mga sales channel.Kung bibigyan siya ng mga sales channel ng mas maraming display position at bibili ng mas maraming produkto niya, mas malaki ang kikitain niya.Pero, kung hindi siya bibigyan ng mga sales channel ng display position o bibili ng produkto niya, hindi niya mabebenta ang harina
Naligaw nang sobra at nalito si Lilian sa sandaling ito.Nakakaakit nga talaga nang sobra ang tatlumpung milyong dolyar. Pero, ang punto ay kailangan niyang sabihan ang anak niya na pakasalan ang isang buntis na babae.Hindi ba’t ito ang tinatawag na pagiging ama sa anak ng iba?Kahit na hindi na siya bata, may pang-unawa pa rin siya sa mga parirala na ito.Pero, nang maisip niya ang katotohanan na nag-alok na si Mr. Morningstar ng tatlumpung milyong dolyar na dowry at nag-alok din siya ng iba’t ibang paraan para suportahan ang pamilya nila, nasabik si Lilian sa kailaliman ng puso niya.Sa opinyon niya, basta’t handa siyang bigyan sila ng maraming pera, hindi malaking problema na maging ama ng ibang anak ang kanyang anak na lalaki.Pero, ang mahalagang punto ay madali niya lang maipapaliwanag sa mga kamag-anak at kaibigan niya ang mga bagay-bagay kung nabuntis ang babae ng isang Oskian. Sasabihin niya lang sa mga kamag-anak at kaibigan niya na nabuntis siya ng anak niya bago ito
”Para naman sa flour resources sa supermarket, halos lahat ito ay mapupunta sa pamilya ko. Kung papayag sila sa kondisyon ko, hindi na natin kailangan magpasya sa kahit anong petsa. Dahil, naghanda na ako ng handaan dito ngayong araw at wala pang pangalan na nakasulat sa wedding arch. Pwede mong hilingin kay Mr. Morningstar na ipadala dito ang anak na babae niya at ipagdaos ang kasal dito ngayong araw.”Pagkatapos niyang magsalita, ngumiti si Lilian at sinabi, “Madeline, buntis na ang anak nila kay mas mabuti para sa kanila na huwag nang patagalin ang bagay na ito. Mas maganda kung mas maaga. Bukod dito, Medline, kung tutulungan mo ako tungkol dito, bibigyan din kita ng dalawang milyong dolyar bilang pabuya!”Ang dahilan kung bakit sabik na sabik si Madeline sa bagay na ito ay dahil nangako na si Mr. Morningstar sa kanya na kung makakahanap siya ng taong handang tanggapin ang kanyang anak at ang sanggol sa tiyan niya, bibigyan niya si Madeline ng limang milyong dolyar bilang pabuya.
Nakaramdam ng kaunting ginhawa si Mr. Morningstar pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Ang lahat ng pag-aalala niya ay dahil sa takot na madumihan ang pangalan ng anak na babae niya, na sa huli ay maaapektuhan ang kasiyahan niya sa hinaharap.Ngayon, nasa harap niya ang isang magandang kandidato na maging manugang niya. Ang pinaka nakakagulat pa ay ayos lang sa kanya na ikasal agad at may nakaayos agad ng handaan para dito. Mahirap makahanap ng ganitong klaseng lalake.Kaya, pinag-isipan niya ito nang ilang sandali bago siya sumagot kaagad, “Walang problema! Bumalik ka at sabihin mo sa pamilya mo, limampung milyong dolyar! Walang kulang na dolyar, huwag kang mag-alala. Dadalhin ko agad ang anak ko. Pwede nating ayusin muna ang wedding ceremony sa panig ng groom, at pagkatapos ay iimbitahin ko ang pamilya at mga kaibigan ko bukas para mag-ayos ng kasal sa panig ko. Sa sandaling natapos ang mga seremonya, maituturing na kumpleto na ang kasal.”Sabik na sinabi ni Madeline, “Si M
Kumaway si Lilian. “Kung mangangahas siyang tumanggi, puputulin namin ng ama niya ang lahat ng relasyon namin sa kanya! Hindi ito ang oras para tumanggi siya!”Pagkatapos itong sabihin, naglakad si Lilian papunta kina Draco at Magnolia. Gamit ang malamig at madilim na boses, sinabi niya, “Draco, sasabihin ko lang ito. Kung hindi makakapaglabas si Magnolia ng tatlumpung milyong dolyar na dowry, wala man lang akong ganang isipin ang kasal!”“Tatlumpung milyong dolyar?!” Sinigaw ni Draco at Magnolia sa gulat!Hindi na napigilan ni Draco ang kanyang galit, at sinabi, “Ma, gano’n ka ba kahirap at nawala ka na sa pag-iisip mo? Kasasabi mo lang na sampung milyon, at sa isang iglap, binago mo ito sa tatlumpung milyon. Saan makukuha ng pamilya ni Magnolia ang gano’ng pera?! Kahit ang pamilya natin ay hindi kayang maglabas ng gano’n kalaki!”Sinunggaban ni Lilian ang manggas ni Draco at sinabi, “Sumama ka sakin, may sasabihin ako sayo.” Pagkatapos ay tumingin siya sa kanyang asawa at sumigaw
Pagkatapos makinig sa kalkulasyon, nagpasya agad si Mr. Scotson.Humarap siya sa kanyang anak at sinabi, “Draco, sayang kung hindi mo pipiliin ang asawang ito. Hindi lang na hindi sila nanghingi ng dowry, pero sa halip, inaalok ka pa nila ng sampu-sampung milyong dowry. Magandang pagkakataon ito!”Sumagot nang malamig si Draco, “Oo. Maganda nga ito. Mukhang ayos lang sa inyo na magkaroon ng apo na may ibang dugo.”Sinabi ni Turk nang walang bakas ng hiya, “Pagkatapos akong bigyan ng limampung milyong dolyar? Ayos lang! Ano naman kung may halong dugo na apo ito? Para sa limampung milyong dolyar, ayos lang sa akin kahit na may halong dugo ang anak ko!”Sinumbat ni Draco, “Huwag mo nang sayangin ang laway mo. Hindi ako papayag sa kasal.”Nagbuntong hininga si Turk. Mahigpit ang kanyang hitsura at matatag ang kanyang tono. “Anak. Kulang talaga ang karanasan mo. Hindi mo pa rin naiintindihan kung paano gumagana ang mga bagay. Hindi mo pa nararanasan ang sakit ng pagiging walang pera. D
Napangiwi si Antonio nang marinig ang hiling ni Charlie.Napakagat siya sa labi at pinilit ngumiti habang sinasabi, “Ayos, ang galing mong mangikil ng mafia!”Nagtanong si Charlie na may pagtataka, “Hoy! Mafia ka ba talaga?”Napangisi si Antonio, “Ano? Ngayon mo lang nalaman?”Pagkasabi noon, ibinalik niya ang one thousand US dollars sa kanyang pitaka at mayabang na sinabi kay Charlie, “Ngayong alam mo na kung sino ako, may oras ka pa para umalis ngayon.”Napailing si Charlie at sinabi nang nanghahamak, “Tulog ka pa ba? Gusto mong paalisin ako nang walang bayad?”Napakagat sa labi si Antonio at sinabi, “Totoy, kung hindi mo sasamantalahin ang pagkakataon na binibigay ko sayo, huwag mo akong sisisihin kung magiging bastos ako sayo!”Pagkatapos noon, inutusan niya ang mga tauhan niya, “Basagin ang mga binti niyan at itapon sa isang lugar na isang daang milya ang layo. Bilisan niyo, parating na ang VIP.”Agad na lumapit ang ilang lalaki kay Charlie habang pinagkuskos ang mga palad
Hindi niya hahayaan na palampasin ang ganito kagandang pagkakataon.Kaya matigas niyang sinabi, “Gusto ko ng cash, at dito ako maghihintay. Kapag hindi n’yo ako binayaran, hihintayin ko na lang ang pulis!”Kita kay Jilian ang kaba at desperasyon habang nagmakaawa siya nang mapait, “Sir, pakialis niyo lang ako rito, bibigyan ko kayo ng 200 thousand US dollars!”Hindi natinag si Charlie at patuloy na iginiit, “Cash ang gusto ko, at gusto ko ngayon din!”Halos maiyak na si Jilian habang balisa siyang lumilingon-lingon pabalik sa mansyon, takot na takot na baka habulin siya ng kanyang ama. Pero hindi siya binigyan ng kahit anong pagkakataon ni Charlie.Sa sandaling ‘yon, may isang matangkad at matabang lalaking naka-amerkana na lumapit nang mabilis kasama ang maraming tauhan. Nang makita ito ni Jilian, nawalan siya ng pag-asa dahil ang nasa unahan ay walang iba kundi ang kanyang ama, si Antonio.Galit na galit at naalarma si Antonio. Hindi niya inaasahan na pagkatapos masira ng damit
"Kikilan?!"Nang marinig iyon ni Charlie, agad siyang nagalit at biglang sumigaw, “Dumaan lang ako rito, wala naman akong inagrabyado, tapos bigla na lang akong binangga ng kotse ng babaeng ito. Natural lang na humingi ako ng bayad. Paano mo nasabing nangingikil ako? Huwag kayong manindak dahil mas marami kayo, at huwag niyong isipin na natatakot ako sa inyo!”Agad na bumunot ng baril ang miyembro ng mafia mula sa kanyang baywang, itinapat ito sa ulo ni Charlie, at malamig na sinabi, “Bumaba ka riyan! Kapag nagsalita ka pa ng kung anu-ano, babarilin kita!”Galit na sagot ni Charlie, “Letse! Ang galing mo rin pala. Babarilin mo ako sa harap ng maraming tao?”Sa oras na ‘yon, binuksan ni Angus ang pinto ng pasahero ng Chevrolet at itinaas ang hawak na cellphone habang malakas na sinabi, “Mr. Charlie, tinawagan ko na ang pulis!”Tumango si Charlie na parang kontento, tumingin sa mga miyembro ng mafia at malamig na sinabi, “Hindi niyo ba ako babarilin? Sige nga, barilin niyo ako dito
Pagkatapos niyang magsalita, binuksan niya ang headlights at inapakan ang gas para makaalis.Samantala, sa loob ng itim na sedan, mabilis na pinaandar ni Jilian ang kotse habang nakasuot ng puting evening gown. Kanina, sinadya niyang sirain ang suot niyang gown at ginamit iyon bilang dahilan para makalusot palabas ng main hall. Sa likod-bahay, may nakita siyang itim na sedan na may susi pa sa loob, kaya agad niya itong ginamit.Sa mga oras na iyon, hindi alam ni Jilian kung saan siya pupunta. Ang mahalaga lang sa kanya ay makaalis agad bago pa mapansin ng iba ang pagkawala niya.Pero habang kinakabahan siyang nagmamaneho palabas ng estate, biglang lumitaw ang isang Chevrolet sa mismong harap ng gate.Mabilis siyang napakadyak sa preno, pero kahit anong pilit niya, hindi niya ito maapakan kahit kaunti. Hindi alam ni Jilian, pero ito mismo ang hinihintay ni Charlie.Ginamit ni Charlie ang kanyang Reiki para harangan ang preno at manibela ng kotse, kaya kahit sino pa ang nagmamaneho,
Walang magawa ang dalaga sa loob ng kwarto at sinabi, “Sige na, tama ka na. Pero umalis ka muna. Kailangan ko munang mag-ayos at magbihis!”Malamig na sagot ni Antonio, “Bibigyan kita ng sampung minuto. Maghihintay ako rito.”Napilitan ang dalaga at sinabing, “Bahala ka. Kung gusto mong maghintay, wala namang pumipigil sa’yo.”Humagikgik si Antonio at malamig na binalaan, “Jilian, payo ko lang sa’yo, huwag mong subukang tumakas sa bintana. May tao na akong inilagay doon sa labas para magbantay. Kapag sinubukan mong lumabas, huhulihin ka agad nila at diretso kang dadalhin sa airport!”Biglang nagalit ang dalaga. “Walang hiya ka talaga!”Hindi natinag si Antonio sa panlalait ng anak niya. Ngumiti pa siya at sinabi, “Tandaan mo, Jilian, ang mga babaeng Sicilian ay nabubuhay para sa pamilya nila habang buhay! Ang pagtataksil sa pamilya ay kahihiyan para sa akin. Mas pipiliin ko pang ipadala ka sa Sicily at mag-alaga ng tupa habang buhay kaysa hayaan kang ipahiya ang pamilya natin.”N
Habang nangyayari iyon, minamaneho ni Charlie ang hindi kapansin-pansing Chevrolet papunta sa labas ng Zano Manor, kasama si Angus na halatang kinakabahan.Mula sa labas, kita nilang napakakulay at abala ngayon sa Zano Manor. Maliwanag ang buong lugar at maraming miyembro ng mafia na nakasuot ng itim na suit ang nakahanay sa magkabilang gilid ng pasukan, para bang may hinihintay silang napakahalagang bisita.Pagkakita niya nito mula sa malayo, napangiti si Charlie at sinabi, “Mukhang napakaganda ng timing natin. Parang may malaking okasyon ang pamilya Zano ngayon.”Napalunok si Angus sa kaba at tinanong si Charlie, “Mr. Wade, mukhang may daan-daang tao rito sa unang tingin pa lang. Papasok ba talaga tayo para gumawa ng gulo?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Hindi ba sinabi ko na gagawa tayo ng eksena sa kanila? Sundan mo lang ako mamaya. Bibigyan kita ng senyas para sa susunod na gagawin.”Pagkatapos ay idinugtong niya, “Pero kung talagang nag-aalala ka, pwede akong pumasok mag-isa
Sa halip, hinati nila ang lahat ng ilegal na transaksyon at ibinaba iyon sa mga mukhang walang kinalamang puppet gangs. Palihim nilang pinalalawak ang impluwensiya ng mga gang na iyon sa New York at sa buong East Coast para mas lumaki ang kapangyarihan at ilegal na kita ng kanilang grupo.Samantala, ang pampublikong imahe ng mga Zano, na pinamumunuan ng kasalukuyang ulo ng pamilya na si Antonio, ay todo-kayod sa pagpapaputi ng kanilang imahe at paglalapit ng sarili sa mga makapangyarihan sa lipunan.Alam na alam ni Antonio na kailangan din ng mga nasa mataas na lipunan ang mga grupong gaya ng mafia. Pero dahil sa pagkukunwari nila, hindi sila pwedeng makitang lantaran na nakikipagtulungan sa mafia. Kaya kung gusto ng isang mafia family na mapansin ng high society, ang unang dapat gawin ay linisin ang sarili nila.Sa madaling salita, hindi na sila naghahanap ng parang arinola na tinatago sa ilalim ng kama. Ang kailangan nila ngayon ay isang inidoro, malinis, walang amoy, at pwedeng i
Habang nagsasalita si Charlie, may plano na agad na nabuo sa isip niya.Dahil nasa New York na rin siya, naisip niyang ayusin na nang tuluyan ang ilang problema. Dahil pati ang Oskiatown at ang tindahan ni Uncle Janus na ilang dekada niyang pinaghirapan ay pinakialaman na ng mga Zano, wala na silang karapatang magreklamo kung magiging bastos siya.Kaya sinabi niya kay Angus, “Angus, magpalit ka ng damit. Sumama ka sa akin.”Tumingin si Angus sa limang miyembro ng Burning Angels at agad na nagtanong, “Mr. Wade, anong gagawin natin sa kanila? Paano kung patayin ko muna sila? Isang bala bawat isa, walang masasayang.”Takot na takot ang limang lalaki kaya nanginig sila sa kaba. Hindi nila inakalang ang maliit na chef na dati nilang inaapi sa punto na hindi siya nangahas na umutot ay handa na ngayong patayin silang lima!Nang makita ni Charlie na seryoso si Angus, ngumiti siya at sinabi, “Masyado pang maaga para patayin sila. Hayaan mo muna silang bantayan nina Uncle Janus at Daves. Hi
Pinasimulan ni Janus, na nasa tabi lang, ang pagpapakilala kay Charlie, “Matalino ang kasalukuyang pinuno ng mga Zano. Hinati niya ang dating simpleng operasyon sa ilang bahagi, tapos ang bawat hakbang ay ipinasa sa ibang grupo. Ang mga grupong ito ay nagtutulungan, nagba-balanse, at nagbabantayan sa isa’t isa.”Napataas ang kilay ni Charlie at sinabi, “Uncle Janus, pakipaliwanag pa nang mas detalyado.”Paliwanag ni Janus, “Base ito sa mga narinig at nakita ko lang mula sa labas, kaya maaaring hindi ito eksaktong tama, pero malapit-lapit na rin siguro.”Seryosong ipinagpatuloy ni Janus, “Sa totoo lang, ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga Zano ay ang smuggling at pagbebenta ng droga. Meron silang sariling gang para sa smuggling at isa pa para sa pagbebenta. Bukod pa roon, may mga mas maliliit silang grupo gaya ng Burning Angels, na ang trabaho ay sakupin ang mga teritoryo sa iba’t ibang bahagi ng U.S.”“Ang sistema nila ay pagpapakilos ng mga mababang-lebel na gang para palawakin