Share

Kabanata 3047

Author: Lord Leaf
Sa sandaling narinig ni Albert na sinabi ni Charlie na maghanda siya ng ilang simpleng tubig, sinabi niya agad, “Master Wade, gusto mo bang magtimpla na lang ako ng ilang Dragon Well tea at ipadala ito dito? Kapipitas lang ng mga tea leaves sa Sudbury noong nakaraang araw bago ito ipadala sa Aurous Hill. Medyo masarap ito.”

Hindi alam ni Albert kung bakit siya inutusan ni Charlie na maghanda ng ilang simpleng tubig. Kaya, ngumiti lang si Charlie at kumaway habang sinabi, “Hindi mo na kailangan mag-abala. Maghanda ka lang ng simpeng tubig.”

Habang nagsasalita siya, sinabi ulit ni Charlie, “Oh, siya nga pala, tulungan mo rin akong maghanda ng kutsilyo na pamprutas.”

Kahit na hindi alam ni Albert kung bakit, tumango agad siya habang sinabi, “Okay, Master Wade. Pupunta na ako at ihahanda ito at dadalhin ito dito!”

Hindi rin maintindihan nila Yule, Rachel, at Quinn kung bakit gusto ni Charlie na maghanda si Albert ng simpleng tubig at kutsilyo, pero hindi na nila ito tinanong.

Pagkatap
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6627

    Sa madaling salita, kung gusto ni Jimmy ng mas malaking pera sa susunod na sampung taon, kailangan niyang pataasin ang kikitain niya mula sa Ares LLC. Mas malaki, mas mabuti.Kaya sinabi niya kay Nate na handa siyang magtrabaho sa Ares LLC sa loob ng susunod na sampung taon. Hindi naman niya matatakasan ang kapalarang magtrabaho sa Oskia, pero teknikal na empleyado pa rin siya ng law firm at tumatanggap ng sahod, kaya ginamit niya iyon bilang baraha sa negosasyong ito.Pagkatapos ng biyahe niya sa Oskia, naintindihan niya na ang lipunan ay parang isang napakalaking food chain. Kung ang mga tulad ni Julien Rothschild ay pagkain lang para sa isang gaya ni Charlie Wade, mas nasa ilalim pa nang sobra ang taong katulad ni Jimmy.Pero kahit pagkain lang siya para kay Charlie, kaya pa rin niyang lamunin si Nate.Samantala, si Nate ay parehong natuwa at nabahala.Natural lang na matuwa siya dahil walang problema sa pagpapanatili kay Jimmy—handa pa itong pumirma ng sampung taong contract e

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6626

    Huminto sandali si Nate bago idinagdag, "Ang isang abogado ay laging nangangailangan ng lima hanggang sampung taon para makaipon ng karanasan. Kapag mahusay ang performance nila, ipo-promote namin sila at tataasan ang sahod, o gagawin silang partner kung talagang namumukod-tangi sila”“Alam mo naman kung paano gumagana ang pagiging partner sa mga law firm—may shares at may pagtaas. Mas mataas palagi ang kita ng partner at may nakalaang shares na pwedeng maging kanila pagkalipas ng lima hanggang sampung taon, at sa huli ay umaabot sila sa executive level. Sa kabuuan, ang sistemang ito ay para manatili ang mga partner sa firm at patuloy na bigyan tayo ng halaga."Itinaas ni Jimmy ang kamay niya para pigilan siya. "Alam na ng lahat iyan. Ang gusto kong malaman ay kung paano mo sila sinet-up at kung anong baho ang hawak mo laban sa kanila.""Ah, ganoon…" Medyo naasiwa si Nate, pero kalaunan ay napabuntong-hininga siya at sinabi, "Kapag na-promote na ang isang partner, kailangan namin ng

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6625

    Naghihintay na sa conference room ang lahat ng board member ng Ares LLC, at alam ng bawat isa na kaibigan na ngayon ni Jimmy ang mga Rothschild, kaya takot silang magmukhang bastos o nakaka-offend.Kahit nakatira pa sila sa New York o sa ibang lugar, maaga silang dumating at naghintay.Parang isa lang silang pangatlong antas na pamilyang maharlika sa isang pyudal na kaharian—wala silang kahit anong tsansang makalapit sa royal family hangga't hindi may napiling anak na babae bilang consort. Ngayon na biglang tumaas ang halaga ng isa sa kanila, umaasa ang buong pamilya na tuloy-tuloy ang pag-angat niya hanggang maging reyna, at madala ang yaman at prestihiyo pabalik sa kanila.Natural lang na ganoon din ang plano ni Nate.Isang bagay ang pagpawi ng galit ni Jimmy, pero hindi iyon ang pinakamahalaga—ang mahalaga ay kung paano pa siya mapapakinabangan ng Ares LLC pagkatapos nito.Pagpasok nina Nate at Jimmy sa silid para harapin ang mga board member, agad umalingawngaw ang malakas na

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6624

    “Sige!” ngumiti si Nate. “Nasa labas lang ang kotse ko. Tara na!”Umalis sila sa airport at sumakay sa Bentley ni Nate, at diretso siyang dinala ni Nate sa Ares LLC office sa Manhattan.Habang nasa biyahe, huminga si Nate na puno ng panghihinayang. “Tingnan mo, Jimmy—talaga namang pinagsisisihan ko ang ginawa ko kahapon. Matagal na tayong nagtatrabaho nang magkasama, at talagang pinapahalagahan kita. Kung hindi ako pinilit ng butler ng Rothschild, hindi ko kailanman iisipin na iwan ka. Sana maintindihan mo.”Hindi sumagot si Jimmy at sa halip ay nagtanong, “Sabi mo sa tawag na may alam kang dumi sa bawat partner. Anong klaseng dumi?”Hinaplos ni Nate ang kanyang ilong na may kaunting hiya. “Halos pareho lang ng ginagawa mo. Binabantayan namin ang mga madaling, high-profile na trabaho, tapos kumuha ng proxy na magpapaniwala sa client na kunin ang partner para trabahuhin ang kaso nang pribado. Makakatipid ang client sa bayarin, at mas gusto nila ito dahil madali lang.”“Karamihan sa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6623

    Kaya, pagkalipas ng labindalawang oras, si Jimmy Smith ay puro galit pa rin nang lumapag ang kanyang flight sa Kennedy Airport habang sabik na hinihintay siya ni Nate Ares.Hindi natulog si Jimmy sa buong biyahe dahil paulit-ulit niyang iniisip kung paano niya masisira ang kanyang boss.Ang taunang net profit ng Ares LLC ay nasa 500 million dollars, at bilang founder at pangunahing shareholder, kumikita si Nate Ellis ng hindi bababa sa 150 million kada taon.Para naman sa sampung top partners, tinantiya ni Jimmy na ang kanilang taunang sweldo, bonus, at commission ay aabot din ng humigit-kumulang 100 million sa kabuuan. Kahit na binabayaran sila ng 20% ng profit ng firm, ang halaga ng naiambag nila sa kumpanya ay dapat nasa 80%, kung hindi ay higit pa.Ngunit ngayon na may kasunduan na si Jimmy kay Julien, balak niyang gamitin ang impluwensya niya para mahikayat ang sampung partners na iwan ang firm. Kapag lumabas na sila sa Ares LLC, bababa nang halos kalahati ang taunang kita ng

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6622

    Si Jimmy ay naiwan na punong-puno ng nag-aalab na galit kay Nate.Kaya nang marinig niyang si Nate mismo ang susundo sa kanya sa airport, mabilis siyang sumagot, “Sige—may mga kailangan din akong pag-usapan sa iyo, chief. Ise-send ko na lang ang flight details ko mamaya.”“Oo naman, oo naman,” sabik na sagot ni Nate. “I-send mo lang kahit kailan. Magkita tayo!”Pagkababa ni Jimmy ng tawag at maibalik ang cellphone kay Julien, naiwan si Nate na pabalik-balik ang lakad sa loob ng kuwarto, pabulong na nagmumura. “Shit. Masama ito… siguradong hindi ito palalampasin ni Jimmy…”Nagulat ang asawa niya at nagtanong, “Ano bang nangyayari? Hindi ba’t katatanggal mo lang kay Jimmy? Bakit ibinabalik mo pa siya at susunduin mo pa sa airport?”“Huwag ka nang magsimula,” bumuntong-hininga nang masungit si Nate. “Si Julien Rothschild, ang tagapagmana ng pamilya Rothschild, ang tumawag sa akin para sabihing simpleng hindi pagkakaintindihan lang daw ang nangyari sa kanila ni Jimmy… Sa totoo lang, a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status