Share

Kabanata 4136

Author: Lord Leaf
Si Charlie lang ang nakakarinig ng lahat ng nangyayari sa labas ng pinto.

Naalala niya ang karanasan niya noong nakaharap niya ang mga ninja ng pamilya Fujibayashi sa Japan. Nararamdaman niya ang mga kilos sa labas gamit ang mga matatalas na pandama niya. Gumagamit ng shuriken ang mga kalaban sa labas bilang armas nila. Ito ang parehong armas na ginamit ni Fujibayashi Aota sa oras na iyon!

Sumimangot siya nang kaunti at sininghal nang mapanghamak. “Hmph. Japanese Ninja ito!”

Pagkatapos nito, tahimik niyang sinunggaban ang Soul Blade sa kanyang kamay.

Narinig ni Quinn ang mga bulong niya at tinanong sa sorpresa, “Charlie, anong sinasabi mo? Anong Japanese Nin-”

Bago niya pa matapos ang pangungusap niya, naantala siya ng isang tao na biglang sinipa nang pabukas ang pinto!

Pagkatapos, pinangunahan agad ni Kazuo ang pitong Iga ninja papasok sa kwarto.

Nang sumigaw ang dalawang babae sa takot, malamig na inutos ni Kazuo sa ninja sa tabi niya, “Patayin ang lahat maliban sa mga babae.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4137

    Ganap na natulala sina Janus at Quinn.Walang ideya si Quinn kung ano ang nangyayari. Samantala, hindi maintindihan in Janus kung bakit nakaluhod na ngayon at nagmamakaawa ang grupo na pumunta na may nakamamatay na layunin sa sandaling nakita nila si Charlie.Sila Janus, Quinn, at Dorothy ay walang ideya kung saan nanggaling ang takot ni Kazuo. Hindi nila maintindihan kung bakit natakot nang sobra si Kazuo nang makita si Charlie.Nararamdaman ni Kazuo ang abnormal na tibok ng puso niya, at sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya, sumasakit na ito.Hindi niya maiwasan na maalala ang nakakagulat na eksena na nakita niya sa Mount Wintry sa araw na iyon. Gumamit lang ng maliit na bato si Charlie at madali niyang napatay ang isang War King sa pamamagitan ng pagsipa ng bato sa kanya. Madali silang mapapatay ni Charlie kung hindi siya masaya!Walang magawa si Kazuo kundi patuloy na magmakaawa. Umaasa siya na pagbibigyan ni Charlie ang mga buhay nila.Pagkatapos ay sinabi ni Charlie haban

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4138

    Tumango si Charlie bago siya nagsalita, “Sa totoo lang, nandito ang isa sa mga mastermind sa likod ng pangyayari ngayong araw. Siya si Homer Fox, mula sa pamilya Fox ng New York.”“Gusto kong tulungan niyo ako na dukutin siya at kunin siya ayon sa plano na binanggit mo. Ipadala mo siya sa port, pero hindi kay Finley George. Magpapadala ako ng tao para tawagan ka at kunin siya. Pagkatapos nito, susundan niyo ang tauhan ko at aalis na kayo. Papanatilihin nila na ligtas kayo.”Hindi pa nakikilala ni Kazuo si Homer Fox sa personal. Pero, alam niya ang lakas at reputasyon ng pamilya Fox sa New York.Makapangyarihan ang pamilya Fox, at kahit ang pamilya Ito sa Japan ay hindi maikukumpara sa kanila. Sa kabila nito, inutusan sila ni Charlie na dukutin ang eldest young master ng pamilya Fox, at natakot siya nang sobra dito.Umiyak siya at nagmakaawa nang nagmamadali, “Master Wade… Sobrang hirap na ng buhay naming mga Iga ninja! Marahil ay magdala ng sakuna sa amin kung kakalabanin namin ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4139

    Gustong siguraduhin ni Charlie na maayos ang plano niya. Kinuha niya ang profile ni Homer sa kanyang cellphone mula kay Porter kanina, at binuksan ito. Pagkatapos, pinindot niya ang litrato ni Homer at binigay ang kanyang cellphone kay Kazuo at sa mga tauhan niya.Inudyok niya sila, ‘Tandaan niyo nang mabuti ang mukha ng lalaking ito. Kung pumunta siya dito kasama ang mga tauhan niya mamaya, pwede kayong maghintay hanggang sa pumasok siya bago niyo patayin ang lahat ng tauhan niya. Kung pupunta siya nang mag-isa, dukutin niyo agad siya at dalhin sa akin. Naiintindihan niyo ba?”Hindi nangahas si Kazuo na patagalin ang sagot niya, at tumango siya nang nagmamadali habang sinabi, “Master Wade, makasisiguro ka! Naiintindihan ko…”Tumango si Charlie at idinagdag, “Kung nagpadala siya ng tao para pumunta at suriin ang sitwasyon, hindi niyo kailangan kumilos. Papasukin niyo lang sila.”“Masusunod!” Seryosong sumang-ayon si Kazuo at tinitigan nang maingat ang litrato ni Homer. Sa huli, sin

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4140

    Sumang-ayon si Charlie, “Tama. Hinala ko rin na nagtatago si Finley sa pamilya Fox.”Pinagtampal ni Janus ang mga labi niya at sinabi, “Dahil balak mong ipadukot si Homer sa mga ninja na ito, mas mabuti na hayaan mo ang mga tauhan mo na kontrolin ang mga ninja na ito. Sabihan mo ang mga ninja na humingi ng malaking ransom sa pamilya Fox bago sila maglaho. Pagkatapos, aakalain ng pamilya Fox na ang mga ninja ang nandukot kay Homer. Sa sandaling iyon, susundan nila ang bakas ng mga ninja at ipagpapatuloy ang imbestigasyon nila.”“Kapag nalaman nila ang pagkakakilanlan ng mga ninja, pupunta sila sa Japan para hanapin sila. Pero, hindi nila sila mahahanap habang nasa kamay mo ang mga ninja. Mahahanap nila ang pamilya ng mga ninja at tatanungin sila para lang malaman na si Finley ang kumuha sa kanila.”“Bilang resulta, iisipin ng pamilya Fox na si Finley ang kumuha sa mga ninja na ito para dukutin si Homer. Kapag tinanong ng pamilya Fox si Finley, hindi maipapaliwanag ni Finley ang saril

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4141

    Namangha si Charlie sa mungkahi ni Janus, at sinabi niya, “Uncle Janus, maganda ang ideya mo! Gagawin ko iyon!”Sa parehong oras, hindi mapigilan ni Dorothy na sabihin, “Mr. Wade… Hindi ba’t kasasabi lang ni Kazuo na ang basurang iyon, si Finley, ay naghihintay sa kanya sa port? Bakit hindi natin hulihin si Homer dito at hulihin si Finley sa port? Bakit kailangan pa natin dumaan sa napakaraming proseso?”Ngumiti si Janus at ipinaliwanag, “Miss Dorothy, iba ang realidad sa mga pelikula. Sa pelikula na ‘Young and Dangerous’, madalas dinadala ng bida ang mga tauhan niya para pumatay ng mga tao kung saan-saan. Pero, sobrang bihira nito sa realidad. Karamihan ng mga crime organization ay may mahigpit na panloob na herarkiya at malinaw na paghihiwalay ng mga gawain. Ang lahat ay may papel sa organisasyon. Ang mga itinalaga na lumaban ay lalaban, pero ang mga itinalaga na mag-isip ay gagamitin lang ang utak nila. Bakit pa ilalagay ng commander ang sarili niya sa panganib?”Tumango rin si C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4142

    Kung hindi magpapakita si Quinn, sasabihan ni Homer ang dalawang president sa stage na imbitahin ang bisita. Gagamitin ang ni Homer ang palusot na marahil ay hindi narinig ng bisita ang talumpati niya at uudyukin niya ang dalawang presidente na hanapin si Quinn sa lounge.Pagkatapos, makikita lang ng dalawang presidente ang mga bangkay na nakahiga sa paligid ng Lounge at hindi nila mahahanap si Quinn sa lounge.Bilang resulta, magiging magulo ang eksena. Bilang host, mananatiling kalmado si Homer kaharap ang panganib. Tatawagan agad ni Homer ang pulis kapag nakita ang trahedya na nangyari. Sasabihan niya ang mga tauhan niya na isara ang ballroom at pigilan ang mga salarin na makatakas.Pagkatapos nito, mabilis na darating ang mga pulis at iimbestigahan ang eksena ng krimen. Malalaman nila na si Fisher ay isang major suspect at kukunin siya para tanungin. Sa huli, mapupunta sa direksyon ni Fisher ang kaso na ito at malalayo ito kay Homer.Maayos na naplano ang sunod-sunod na pangyay

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4143

    Pinagpawisan nang malamig si Harper nang marinig ito.Natakot siya at inisip nang palihim, ‘Aalis si Quinn? Kung aalis siya, hindi ba’t balewala na ang plano ni Master at ni Finley?!’Bilang pinaka pinagkakatiwalaan na assistant ni Homer, alam ni Harper ang halos lahat tungkol kay Homer. Nang palihim na pumunta si Finley sa New York, si Harper ang pumunta sa JFK para ibalik siya sa pamilya Fox.Alam ni Harper ang plano ni Homer ngayong araw, kaya hindi niya pwedeng hayaan na umalis si Quinn. Sinubukan niya silang antalain, at sinabi niya, “Walang signal? Imposible! May hindi ba pagkakaintindihan dito?”Sinabi nang matatag ni Charlie, “Sinabi ng mga bodyguard sa amin na biglang nawala ang mga signal ng walkie-talkie at cellphone, na sobrang kakaiba. Kaaalis lang nila para ipaalam ito sa mga bodyguard sa labas. Pupunta na sila at kukunin si Miss Golding.’Pagkasabi nito, nagpakita ng isang mahigpit na hitsura si Charlie at ipinaliwanag, “Kahit na hindi ito pagkakaintindihan, hindi n

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4144

    Wala siyang ideya kung ano ang ginagawa ng mga ninja, pero hindi niya pwedeng hayaan na umalis si Quinn nang gano’n lang. Kung hindi, mahihirapan siyang humanap ulit ng ganitong pagkakataon!Halos hindi na siya makapag-isip nang maayos, at tinawag niya agad si Harper, “Tara! Sasama ka sa akin!”Gusto lang panatilihin ni Homer si Quinn. Mag-iisip siya ng paraan para tawagan ang mga ninja mamaya at tingnan kung maaayos pa ang mga bagay-bagay. Hinding-hindi niya inakala na marahil ay isa itong patibong para sa kanya.Dahil, nasa teritoryo siya ng pamilya Fox. Hindi siya nag-aalala sa kahit anong panganib dito.Gusto ni Homer na manatiling sikreto ang mga ginagawa niya, kaya mas maganda kung mas kaunting tao ang may alam dito. Kaya, nagmamadali siyang sumugod sa lounge kasama lang si Harper.Dumating agad si Homer sa guest lounge at nakita na nakatayo si Quinn sa harap ng kwarto kasama si Charlie at ang iba.Alam ni Homer na balak umalis ni Quinn, kaya tinanong niya, “Oh, Miss Goldin

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5938

    Nahiya si Daves nang marinig niya ito. Totoong hindi naman ganoon kataas ang tingin niya kay Angus.Bukod pa roon, si Charlie ay isang estranghero na bigla na lang lumitaw, kaya hindi siya naniniwalang may kakayahan itong tulungan siya o si Angus na buhayin muli ang Oskian gang sa ilalim ng pang-aapi ng Burning Angels.Pero kailangan niyang aminin na si Angus, bagamat bata at kulang pa sa karanasan sa mundo, ay mas matapang kaysa sa kanya.Kahit wala siyang tiwala sa kakayahan ni Charlie, may sarili rin siyang pangamba. Kung tatanggihan niya ito, kailangan pa rin niyang magtago kung saan-saan, at baka wala na siyang pagkakataong makabawi sa buong buhay niya.Pero kung makikipagtulungan siya kay Charlie, baka may tsansa pa siyang makabalik at bumangon.Habang iniisip niya iyon, hindi niya naiwasang mapatingin kay Janus na nasa tabi lang.Sa tingin niya, si Janus ay isang kahanga-hangang tao.Kahit matagal na itong naipit sa pagluluto ng roast goose sa tindahang ito, siya pa rin a

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5937

    Pagkasabi noon, napakagat siya sa labi at mahigpit na sinabi, “Pero bago ako umalis sa United States, kailangan ko munang ipaglaban ang mga kababayan kong namatay sa Oskiatown! Kailangan kong makaganti, kahit ilan man lang sa kanila ang madala ko!”Gustong magsalita ni Janus pero napigilan niya ang sarili niya at napatingin na lang kay Charlie, hinihintay ang sasabihin nito. Tumingin si Charlie kay Angus at seryosong sinabi, “Angus, kung ikaw ang babaril, may dalawang pagpipilian ka. Una, papalabasin kita sa United States ngayong gabi. Tulad ng sinabi mo, hindi ka na babalik.”Pagkasabi niyon, saglit siyang tumigil, tapos tinaasan nang kaunti ang boses niya. “Ang pangalawa, manatili ka rito, at tapusin ang lahat ng dapat tapusin!”Nagtatakang tinanong ni Angus si Charlie, “Mr. Wade, ano pong ibig mo sa pangalawa?”Seryoso ang mukha at boses ni Charlie habang sinabing, “Manatili ka rito, tutulungan kitang buuin ang bagong Oskian gang. Simula ngayon, kahit sino pang manghamak sa’yo a

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5936

    Agad na natakot nang husto ang lima, pati na si Will, sa sinabi ni Charlie!Paano nila naisip na kahit tiniis na nila ang lahat ng kahihiyan at pagpapahirap mula kay Charlie hanggang ngayon, at umaasa pa rin sila na palalayain sila ni Charlie, pero sino ang mag-aakalang ilalabas pa ni Charlie ang lider ng Oskian gang at uutusan pa siyang patayin sila.Takot na takot ang lima, at halos hindi na malinaw ang boses ni Will habang may dugo sa bibig. “Mr. Wade… ginawa na po namin ang gusto mo… pakiusap, huwag mo po kaming patayin…”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Kung sapat na ang pakiusap para makaligtas, edi sana wala na kayong pinatay. Naalala niyo ba ‘yung mga biktima niyo? Nakiusap din ba sila bago niyo sila pinaslang?”Pagkasabi nito, hindi na pinansin ni Charlie si Will. Inilagay niya ang baril sa kamay ni Daves, tapos malamig niyang sinabi, “Bakit nakatayo ka pa rin diyan?”Halatang nag-aalangan si Daves habang nakatitig sa baril sa kamay niya. Malalim ang galit niya sa Burning A

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5935

    Napakunot-noo si Charlie at sinabi, “Halos isang daan kayo, tapos hahayaan niyo lang na magyabang ang limang hinayupak na ito dito sa Oskiatown?”Nahihiyang sagot ni Daves, “Mr. Wade, may suporta po kasi ang limang yan mula sa Burning Angels, at ang Burning Angels naman ay sinusuportahan ng mga Italian. Sila ang may hawak ng maraming gang dito sa New York, libo-libo ang mga tao nila. Wala kaming laban sa kanila...”Malamig na sinabi ni Charlie, “Kahit pa libo sila, ano naman? Hindi ko pa narinig na may gang fight dito sa United States na libo-libo ang kasangkot. Sa tingin mo ba, kaya nilang dalhin ang libo-libong tao sa Oskiatown?”Nahihiyang paliwanag ni Daves, “Mr. Wade, hindi niyo lang po siguro alam, pero napakabagsik ng mga taong ito. Ilang beses na silang pumatay ng mga importante naming miyembro, harap-harapan o palihim. Natakot ang mga tauhan ko, kaya isa-isa silang umatras.”Tinanong ni Charlie, “Ilan na sa mga tao mo ang pinatay ng Burning Angels?”Mabilis na sagot ni D

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5934

    Pagkarinig ni Angus sa utos ni Janus, agad siyang tumakbo palabas. Kahit komplikado ang komunidad ng Oskiatown, maliit na lugar lang ito. Kaya halos magkakakilala na ang lahat ng tao dito sa tagal ng pagsasama nila.Tulad ng pangalan nito, isa lang itong kalye, pero isang kalye na puno ng mga Oskian. Parang magkakapitbahay ang relasyon ng lahat dito.Kahit may mga kapitbahay pa ring tuso at makapal ang mukha, karamihan sa kanila ay nagtutulungan at sinusuportahan ang isa’t isa.Sa mga naunang taon, ang mga Oskian na bagong dating sa United States ay dumanas ng matinding diskriminasyon. Napilitan silang magsama-sama para mabuhay, at dito na rin unti-unting nabuo ang Oskian gang.Sa una, para maprotektahan ang sarili nila, nagsama-sama ang mga batang malalakas na Oskian para labanan ang mga umaapi sa kanila. Habang lumilipas ang panahon at lumalago ang lipunan, nagkaroon ng kanya-kanyang papel ang bawat isa. Yung dati ay nagtatanggol lang paminsan-minsan, ginawa na nilang trabaho ito

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5933

    Sinabi ni Angus, “Ang pangatlong beses ay dalawang noong nakaraang gabi. Nakaupo siya sa isang Cadillac na nakaparada sa kanto ng kalsada. Kakagaling lang ni Clinston ng Oskian gang mula sa nightclub nang hilahin siya ng nakababatang kapatid na lalaki niya papasok sa kotse. Pagkatapos, nakarinig ako ng putok ng baril at nakita ko ang pagsabog ng dugo sa likurang pinto ng kotse. Tinulak palabas ang katawan ni Clinston, tapos umalis na ang Cadillac…”Tumango si Charlie at tinanong, “Madalas bang inaapi ni Clinston ang mga tao dito sa Oskiatown?”Umiling si Angus at sinabi, “Medyo maayos naman dito sa Oskiantown ang Oskian gang. Oo, naniningil din sila ng protection fee, pero tinutulungan naman talaga nila kami lalo na kaming mga ilegal dito. Laging may mga nang-aapi sa amin, pero sila ang tumutulong sa amin. Tsaka makatuwiran ang singil nila. Sa totoo lang, kahit hindi kami nagbabayad ng tax dito sa America, hindi talaga pwedeng walang protection fee. Kaya kung tutuusin, mas disente an

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5932

    Isang kakaiba at nakakamanghang eksena ang nangyayari sa isang simpleng roast goose shop sa Oskiatown.Limang miyembro ng gang, na dati’y kinatatakutan sa Oskiatown dahil sa pagiging mabangis at mayabang, ay nakaluhod ngayon sa sahig, pilit na isinusubo ang mga gintong bala sa kanilang mga bibig.Makakapal at matataba ang 9mm na bala ng pistol, at mas masakit itong lunukin kumpara sa pinakamalalaking gamot.Wala pa silang baso ng tubig para inumin ang mga bala, kaya ang nagagawa lang nila ay kagatin ang kanilang mga ngipin at pilit na lunukin nang hilaw ang mga iyon.Pinakamalala ang sinapit ni Will.Dahil kapatid niya ang isa sa mga kabit ng boss ng Burning Angels, at dahil likas ang kanyang pagiging malupit, naging isa siyang mid-level manager ng Burning Angels. Ipinagkatiwala sa kanya ng boss ang pamamahala ng Oskiatown.Siya ang kinatawan ng Burning Angels sa buong Oskiatown.Pero sa oras na ito, sobrang kaawa-awa ang kalagayan ng leader na ito.Ang apat niyang kasamahan ay

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5931

    Natulala ang ilan at hindi napigilang matakot. Kung kaya ni Charlie na alisin ang ulo ng bala gamit lang ang mga daliri niya, paano pa kaya kung buong lakas niyang suntukin ang mukha ng tao? Baka madurog pati ang utak nila!Pero hindi nila maintindihan kung bakit biglang inalis ni Charlie ang ulo ng bala, at lalong hindi nila maintindihan kung anong koneksyon nito sa kapatawarang sinabi niya kanina.Tiningnan ni Charlie ang lalaki, tinaas ang bala na napaghiwalay na niya, bahagyang ngumiti, at sinabi, “Hindi ba gusto mong mapatawad? Eto ang kapatawaran ko. Mahirap lunukin ang buong bala, kaya hinati ko na para mas madali mong malunok.”Parang nahulog sa impyerno ang lalaki habang nakatitig kay Charlie sa takot. Hindi siya makapaniwala na manggagaling ang ganitong klaseng salita sa gwapong binatang kaharap niya.Paalala pa ni Charlie, “Ah, oo nga pala. Huwag mong kalimutan pasalamatan ang mabait mong tauhan. Siya ang tumulong sayo para makuha mo ang magandang pagkakataon ng kapatawa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5930

    Agad siyang napuno ng matinding takot nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie at ang halatang intensyon nitong pumatay.Sa oras na iyon, hindi na siya nagduda sa babala ni Charlie. Kapag hindi niya sinunod ang utos na lunukin ang mga bala, siguradong papatayin siya.Pero ang ideya na lulunukin niya ang mga bala ay labis na nakakatakot para sa kanya. Marahil ay madali lang lunukin ang mga ito, pero siguradong hindi simple ang paglabas nito.Sandaling pumasok sa isip niya kung gagamitin ba niya ulit ang pangalan ng Burning Angels para takutin si Charlie, o kung makikipag-ayos na lang siya gaya ng madalas gawin sa underworld, para makita kung kahit papaano ay magpapakita ng respeto si Charlie. Kapag kuntento ang dalawa, baka nga maging magkaibigan pa sila sa inuman.Hindi lang sa Oskia uso ang ganitong sitwasyon, kundi pati na rin sa buong America. Ang mahalaga, alam mo kung paano kunin ang kiliti ng kabila.Pero pagdating sa paghingi ng kapayapaan, hindi siya makalakas-

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status