Sa sumunod na araw, habang may suot na facemask sina Yahiko at Hiroshi habang nag-jogging sila sa Central Park, nagpaalam si Rosalie at ang mga magulang niya kay Charlie nang may malaking pasasalamat bago sila pumunta sa airport at kumuha ng flight pabalik sa Aurous Hill.Nanatili pa ng dalawang araw si Charlie sa New York. Pagkatapos magpalipas ng oras kasama si Nanako at ang ibang miyembro ng pamilya Ito ng dalawang araw, nagpaalam na rin nang nag-aatubili si Nanako kay Charlie bago bumalik ang pamilya niya sa Japan.Pagkatapos umalis ni Nanako, inutusan ni Charlie si Porter na dalhin si Clarissa, ang taong nagbigay ng kontrabando kay Elaine, pabalik sa New York.Ang totoong pangalan ni Clarissa ay Clara Holt. Sa mga nagdaang taon, nagtatrabaho siya bilang tauhan ni Martha. Ang pangunahing gawain niya ay magpanggap bilang isang businesswoman na may pekeng pagkakakilanlan na Clarissa Zinn at magbigay ng mga kontrabando na kailangan ilabas sa bansa sa mga mule na pinili ni Martha.
Sa sandaling ito, tumingin si Elaine sa babaeng guwardiya bago niya binaba nang mabagal ang magazine sa kamay niya at sinabi nang medyo hindi nasisiyahan, “Lucia, hindi naman sa gusto kong magreklamo tungkol sayo, pero masyadong boring ang mga magazine na binibigay mo sa akin sa mga nagdaang araw. Pangit, bastos, at walang matututunan sa mga kuwento sa magazine. Pwede mo ba akong bigyan na lang ako ng ilang kopya ng ‘Soulmates’?”“‘Soulmates’?” Ang babaeng guwardiya ay isang katutubong Oskian-American, kaya hindi niya alam kung ano ang Soulmates. Kaya, tinanong niya nang kinakabahan, “Elaine, ano ang ‘Soulmates’ na tinutukoy mo?”Sinabi nang mayabang ni Elaine, “Ang Soulmates ay isang napakalalim at pampanitikan na Oskian magazine. Ito ang paboritong literary publication ko nang napakaraming taon. Kung hindi dahil sa diskriminasyon, nanalo na ng Nobel Prize ang author ng Soulmates para sa Literature! Talagang laganap na ang imperyalismo!”Sinabi nang nahihiya ng babaeng guwardiya, “
Namutla ang mga mukha nina Chloe at Jacelyn sa takot dahil sa malamig na boses ni Elaine.Parang impyerno na ang mga buhay nila sa nakaraang ilang araw.Tiyak na mapapahamak sila dahil sa ginawa nila kay Elaine dati, kasama na ang mapaghiganting pagkatao ni Elaine.Sa una, bubugbugin at papahirapan sila ni Elaine, pero ngayon, unti-unti na niyang binago ito at pinapahiya na niya sila ngayon at tinatrato sila bilang alipin niya.Hindi pagpapakain sa kanila, paghahanap ng iba’t ibang uri ng trabaho para sa kanila, at ang panonood silang maghirap na parang mga bihag na kinulong nang hindi man lang nakakapaghinga, ang pinaka paboritong gawain ni Elaine.Halimbawa, kapag mainit, mahilig maglakad ng nakapaa si Elaine sa selda, kaya magpapalitan silang dalawa sa pagpupunas ng sahig ng nasa limang beses sa isang araw. Kung magiging madumi ang mga paa nila pagkatapos maglakad sa selda ng isang araw, hindi sila makakatulog sa gabing iyon. Habang natutulog ang iba, kailangan nilang lumuhod s
Habang iniisip niya ito nang masaya, sumugod ang Oskian na babaeng guwardiya kanina sa dining table niya at sinabi nang masaya, “Elaine, Elaine! May magandang balita, Elaine!”Nang makita ni Elaine ang sabik na ekspresyon niya, tumibok nang malakas ang puso niya, at hindi niya mapigilan na sabihin, “Anong magandang balita? Bakit sabik na sabik ka?”Ipinaliwanag nang nagmamadali ng babaeng guwardiya, ‘Elaine, nandito ang abogado mo!”“Ang abogado ko?!” Agad nanigas ang ekspresyon ni Elaine at sinabi, “Si Jakel White ba ito? Anong ginagawa niya rito?!”Sabik na sinabi ng babaeng guwardiya, “Nandito siya para makipagkita sayo. Sinabi niya na may ilang magandang balita siya na gusto niyang sabihin sayo sa personal.”Natulala si Elaine at kumunot ang noo habang sinabi, “Maaari ba… Maaari ba na nilinis na niya ang hinala sa akin?!”Sinabi nang walang pag-aatubili ng babaeng guwardiya, “Gano’n siguro. Kung hindi, paano ito magiging magandang balita?! Binabati kita, Elaine! Malapit nang
Natulala si Jakel dahil sa mga sinabi ni Elaine habang nanigas siya.Tinanong niya nang hindi namamalayan, “Madam Elaine, ano ang ibig mong sabihin ng ilang araw pa?”Galit na sinabi ni Elaine, “Ano pa ang ibig sabihin ng ilang araw pa bukod sa literal na kahulugan nito?! Sabihan mo lang sila na patagalin pa ito ng ilang araw at huwag silang mabalisa!”Biglang nahiya nang sobra si Jakel. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit gumawa si Elaine ng kakaibang hiling.Nalito siya at hindi niya mapigilan na itanong, “Madam Elaine, medyo nalilito ako. Hindi ba’t gusto mo na tulungan kitang lumabas dito sa lalong madaling panahon? Bakit ayaw mo na lumabas ngayon?”Sinabi nang seryoso ni Elaine, “Sa totoo lang, nahulog na ako sa lugar na ito, at sobrang palakaibigan ng mga tao dito. Marami na akong kaibigan dito na marahil ay hindi ko na ulit makikita. Dahil, hindi ako Amerikano, at malapit na akong bumalik sa Oskia.”Sa totoo lang, walang totoong kaibigan si Elaine dito, mga ilang tao
Sa totoo lang, ayaw din ni Charlie na palabasin nang maaga si Elaine sa presinto. Dahil, ayaw niyang makita si Elaine araw-araw.Pero, kailangan niya rin isipin ang asawa niya, ang pakiramdam ni Claire. Umalis siya sa Providence nang ilang araw, at sa mga nagdaang panahon, mag-isang pumunta sa school ang asawa niya, at kailangan niya rin mag-alala kay Elaine, na nasa presinto. Medyo mahirap ang mga araw niya.Kahit na sigurado si Charlie na kaya niyang palabasin si Elaine sa kahit anong oras, sa opinyon ni Claire, hindi pa rin siya magiging matatag kahit na sigurado siya sa sinabi niya.Dahil, sa pananaw ni Claire, pinagbintangan ang kanyang ina, gumawa ng isang malaking problema. Kung hindi siya maging maingat at gumawa ng kahit kaunting pagkakamali, pwede siyang hatulan ng habang buhay na pagkakakulong, kaya hindi magiging magaan ang pakiramdam ni Claire bago makalaya ang kanyang ina sa presinto.Ayaw ni Charlie na mag-alala pa si Claire, kaya balak niyang palabasin si Elaine sa
Kilala ni Charlie si Elaine.Alam niya ang istilo ng ugali ni Elaine at ang lohika ng pag-iisip niya.Ngayong nahulog na si Elaine sa Bedford Hills Correctional Facility at ang pakiramdam ng pagiging dominanteng tao doon, kung hindi niya seseryosohin ang pakiusap niya, siguradong mag-aatubili siya nang sobra at tatanggi siyang palayain sa presinto bukas.Kung gano’n, siguradong magkakaroon siya ng ilang reklamo laban kay Charlie sa tuwing maiisip niya ang magandang buhay niya bilang Mabangis na Multo ng Bedford Hills Correctional Facility.Kaya, ang pinakamagandang paraan ay hayaan si Elaine na magpasya na umalis nang kusa.Kahit na sobrang saya ni Elaine sa Bedford Hills Correctional Facility ngayon, hindi masyadong mahirap na hayaan siya na magpasya at umalis. Kailangan lang tanggalin ni Charlie ang tatlong sundalo ng Ten Thousand Armies para agad magbago ang saloobin ni Elaine at gugustuhin niyang umalis sa Bedford Hills Correctional Facility sa lalong madaling panahon.Hindi
Kaya, sinabi niya nang masaya, “Mahal kong manugang, ang galing mo talaga! Nakahanap ka talaga ng mga koneksyon sa napakalayong lugar tulad ng New York! Kamangha-mangha talaga ito!”Humagikgik si Charlie at sinabi nang kaswal, “Nagkataon lang din na may kliyente ako dito. Kung hindi, hindi ako makakatulong masyado.”Sinabi nang nakangiti ni Elaine, “Ah, mabuti at matutulungan mo ako! Mahal kong manugang, hindi na kita kakausapin pa. Tulungan mo akong tawagan si Claire at sabihin sa kanya na huwag mag-alala. Hindi mo rin kailangan maghintay sa New York. Pwede ka nang bumalik at samahan muna si Claire. Lalabas ako sa presinto makalipas ang halos sampung araw.”“Okay.” Sinabi ni Charlie, “Ipapaalam ko ito kay Claire mamaya, kaya hindi mo na kailangan mag-alala dito.”Sobrang saya ni Elaine pagkatapos ibaba ang tawag.Binaba niya nang masaya ang tawag, at nang tumalikod siya, nakita niya ng isang Aprikanong babae na nakapila sa likod niya habang hinihintay niyang gamitin ang telepono.
Sa halip, hinati nila ang lahat ng ilegal na transaksyon at ibinaba iyon sa mga mukhang walang kinalamang puppet gangs. Palihim nilang pinalalawak ang impluwensiya ng mga gang na iyon sa New York at sa buong East Coast para mas lumaki ang kapangyarihan at ilegal na kita ng kanilang grupo.Samantala, ang pampublikong imahe ng mga Zano, na pinamumunuan ng kasalukuyang ulo ng pamilya na si Antonio, ay todo-kayod sa pagpapaputi ng kanilang imahe at paglalapit ng sarili sa mga makapangyarihan sa lipunan.Alam na alam ni Antonio na kailangan din ng mga nasa mataas na lipunan ang mga grupong gaya ng mafia. Pero dahil sa pagkukunwari nila, hindi sila pwedeng makitang lantaran na nakikipagtulungan sa mafia. Kaya kung gusto ng isang mafia family na mapansin ng high society, ang unang dapat gawin ay linisin ang sarili nila.Sa madaling salita, hindi na sila naghahanap ng parang arinola na tinatago sa ilalim ng kama. Ang kailangan nila ngayon ay isang inidoro, malinis, walang amoy, at pwedeng i
Habang nagsasalita si Charlie, may plano na agad na nabuo sa isip niya.Dahil nasa New York na rin siya, naisip niyang ayusin na nang tuluyan ang ilang problema. Dahil pati ang Oskiatown at ang tindahan ni Uncle Janus na ilang dekada niyang pinaghirapan ay pinakialaman na ng mga Zano, wala na silang karapatang magreklamo kung magiging bastos siya.Kaya sinabi niya kay Angus, “Angus, magpalit ka ng damit. Sumama ka sa akin.”Tumingin si Angus sa limang miyembro ng Burning Angels at agad na nagtanong, “Mr. Wade, anong gagawin natin sa kanila? Paano kung patayin ko muna sila? Isang bala bawat isa, walang masasayang.”Takot na takot ang limang lalaki kaya nanginig sila sa kaba. Hindi nila inakalang ang maliit na chef na dati nilang inaapi sa punto na hindi siya nangahas na umutot ay handa na ngayong patayin silang lima!Nang makita ni Charlie na seryoso si Angus, ngumiti siya at sinabi, “Masyado pang maaga para patayin sila. Hayaan mo muna silang bantayan nina Uncle Janus at Daves. Hi
Pinasimulan ni Janus, na nasa tabi lang, ang pagpapakilala kay Charlie, “Matalino ang kasalukuyang pinuno ng mga Zano. Hinati niya ang dating simpleng operasyon sa ilang bahagi, tapos ang bawat hakbang ay ipinasa sa ibang grupo. Ang mga grupong ito ay nagtutulungan, nagba-balanse, at nagbabantayan sa isa’t isa.”Napataas ang kilay ni Charlie at sinabi, “Uncle Janus, pakipaliwanag pa nang mas detalyado.”Paliwanag ni Janus, “Base ito sa mga narinig at nakita ko lang mula sa labas, kaya maaaring hindi ito eksaktong tama, pero malapit-lapit na rin siguro.”Seryosong ipinagpatuloy ni Janus, “Sa totoo lang, ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga Zano ay ang smuggling at pagbebenta ng droga. Meron silang sariling gang para sa smuggling at isa pa para sa pagbebenta. Bukod pa roon, may mga mas maliliit silang grupo gaya ng Burning Angels, na ang trabaho ay sakupin ang mga teritoryo sa iba’t ibang bahagi ng U.S.”“Ang sistema nila ay pagpapakilos ng mga mababang-lebel na gang para palawakin
Nahiya si Daves nang marinig niya ito. Totoong hindi naman ganoon kataas ang tingin niya kay Angus.Bukod pa roon, si Charlie ay isang estranghero na bigla na lang lumitaw, kaya hindi siya naniniwalang may kakayahan itong tulungan siya o si Angus na buhayin muli ang Oskian gang sa ilalim ng pang-aapi ng Burning Angels.Pero kailangan niyang aminin na si Angus, bagamat bata at kulang pa sa karanasan sa mundo, ay mas matapang kaysa sa kanya.Kahit wala siyang tiwala sa kakayahan ni Charlie, may sarili rin siyang pangamba. Kung tatanggihan niya ito, kailangan pa rin niyang magtago kung saan-saan, at baka wala na siyang pagkakataong makabawi sa buong buhay niya.Pero kung makikipagtulungan siya kay Charlie, baka may tsansa pa siyang makabalik at bumangon.Habang iniisip niya iyon, hindi niya naiwasang mapatingin kay Janus na nasa tabi lang.Sa tingin niya, si Janus ay isang kahanga-hangang tao.Kahit matagal na itong naipit sa pagluluto ng roast goose sa tindahang ito, siya pa rin a
Pagkasabi noon, napakagat siya sa labi at mahigpit na sinabi, “Pero bago ako umalis sa United States, kailangan ko munang ipaglaban ang mga kababayan kong namatay sa Oskiatown! Kailangan kong makaganti, kahit ilan man lang sa kanila ang madala ko!”Gustong magsalita ni Janus pero napigilan niya ang sarili niya at napatingin na lang kay Charlie, hinihintay ang sasabihin nito. Tumingin si Charlie kay Angus at seryosong sinabi, “Angus, kung ikaw ang babaril, may dalawang pagpipilian ka. Una, papalabasin kita sa United States ngayong gabi. Tulad ng sinabi mo, hindi ka na babalik.”Pagkasabi niyon, saglit siyang tumigil, tapos tinaasan nang kaunti ang boses niya. “Ang pangalawa, manatili ka rito, at tapusin ang lahat ng dapat tapusin!”Nagtatakang tinanong ni Angus si Charlie, “Mr. Wade, ano pong ibig mo sa pangalawa?”Seryoso ang mukha at boses ni Charlie habang sinabing, “Manatili ka rito, tutulungan kitang buuin ang bagong Oskian gang. Simula ngayon, kahit sino pang manghamak sa’yo a
Agad na natakot nang husto ang lima, pati na si Will, sa sinabi ni Charlie!Paano nila naisip na kahit tiniis na nila ang lahat ng kahihiyan at pagpapahirap mula kay Charlie hanggang ngayon, at umaasa pa rin sila na palalayain sila ni Charlie, pero sino ang mag-aakalang ilalabas pa ni Charlie ang lider ng Oskian gang at uutusan pa siyang patayin sila.Takot na takot ang lima, at halos hindi na malinaw ang boses ni Will habang may dugo sa bibig. “Mr. Wade… ginawa na po namin ang gusto mo… pakiusap, huwag mo po kaming patayin…”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Kung sapat na ang pakiusap para makaligtas, edi sana wala na kayong pinatay. Naalala niyo ba ‘yung mga biktima niyo? Nakiusap din ba sila bago niyo sila pinaslang?”Pagkasabi nito, hindi na pinansin ni Charlie si Will. Inilagay niya ang baril sa kamay ni Daves, tapos malamig niyang sinabi, “Bakit nakatayo ka pa rin diyan?”Halatang nag-aalangan si Daves habang nakatitig sa baril sa kamay niya. Malalim ang galit niya sa Burning A
Napakunot-noo si Charlie at sinabi, “Halos isang daan kayo, tapos hahayaan niyo lang na magyabang ang limang hinayupak na ito dito sa Oskiatown?”Nahihiyang sagot ni Daves, “Mr. Wade, may suporta po kasi ang limang yan mula sa Burning Angels, at ang Burning Angels naman ay sinusuportahan ng mga Italian. Sila ang may hawak ng maraming gang dito sa New York, libo-libo ang mga tao nila. Wala kaming laban sa kanila...”Malamig na sinabi ni Charlie, “Kahit pa libo sila, ano naman? Hindi ko pa narinig na may gang fight dito sa United States na libo-libo ang kasangkot. Sa tingin mo ba, kaya nilang dalhin ang libo-libong tao sa Oskiatown?”Nahihiyang paliwanag ni Daves, “Mr. Wade, hindi niyo lang po siguro alam, pero napakabagsik ng mga taong ito. Ilang beses na silang pumatay ng mga importante naming miyembro, harap-harapan o palihim. Natakot ang mga tauhan ko, kaya isa-isa silang umatras.”Tinanong ni Charlie, “Ilan na sa mga tao mo ang pinatay ng Burning Angels?”Mabilis na sagot ni D
Pagkarinig ni Angus sa utos ni Janus, agad siyang tumakbo palabas. Kahit komplikado ang komunidad ng Oskiatown, maliit na lugar lang ito. Kaya halos magkakakilala na ang lahat ng tao dito sa tagal ng pagsasama nila.Tulad ng pangalan nito, isa lang itong kalye, pero isang kalye na puno ng mga Oskian. Parang magkakapitbahay ang relasyon ng lahat dito.Kahit may mga kapitbahay pa ring tuso at makapal ang mukha, karamihan sa kanila ay nagtutulungan at sinusuportahan ang isa’t isa.Sa mga naunang taon, ang mga Oskian na bagong dating sa United States ay dumanas ng matinding diskriminasyon. Napilitan silang magsama-sama para mabuhay, at dito na rin unti-unting nabuo ang Oskian gang.Sa una, para maprotektahan ang sarili nila, nagsama-sama ang mga batang malalakas na Oskian para labanan ang mga umaapi sa kanila. Habang lumilipas ang panahon at lumalago ang lipunan, nagkaroon ng kanya-kanyang papel ang bawat isa. Yung dati ay nagtatanggol lang paminsan-minsan, ginawa na nilang trabaho ito
Sinabi ni Angus, “Ang pangatlong beses ay dalawang noong nakaraang gabi. Nakaupo siya sa isang Cadillac na nakaparada sa kanto ng kalsada. Kakagaling lang ni Clinston ng Oskian gang mula sa nightclub nang hilahin siya ng nakababatang kapatid na lalaki niya papasok sa kotse. Pagkatapos, nakarinig ako ng putok ng baril at nakita ko ang pagsabog ng dugo sa likurang pinto ng kotse. Tinulak palabas ang katawan ni Clinston, tapos umalis na ang Cadillac…”Tumango si Charlie at tinanong, “Madalas bang inaapi ni Clinston ang mga tao dito sa Oskiatown?”Umiling si Angus at sinabi, “Medyo maayos naman dito sa Oskiantown ang Oskian gang. Oo, naniningil din sila ng protection fee, pero tinutulungan naman talaga nila kami lalo na kaming mga ilegal dito. Laging may mga nang-aapi sa amin, pero sila ang tumutulong sa amin. Tsaka makatuwiran ang singil nila. Sa totoo lang, kahit hindi kami nagbabayad ng tax dito sa America, hindi talaga pwedeng walang protection fee. Kaya kung tutuusin, mas disente an