Share

Kabanata 5

Author: Lord Leaf
Ang dalawang anunsyong inilabas ng Emgrand Group ay yumanig sa buong Aurous Hill na parang isang malakas na lindol.

Nang malaman ng pamilya Wilson ang pagbabago sa mga posisyon sa loob ng Emgrand Group, nasagot ang kanilang katanungan kung bakit nahinto ang kanilang pakikipagtrabaho sa pamilya White.

Mukhang ang bagong may-ari ng Emgrand ay hindi iniisip ang pamilya White.

Balik tayo sa punto, sino si Mr. Wade? Binili niya ang Emgrand Group na nagkakahalaga ng ilang daang bilyong dolyar nang ganun-ganun na lang—napakamakapangayarihang tao niya, hindi ba? Kahit ang pinakamayamang tao sa Aurous Hill ay hindi kayang gawin ‘yon.

Sa isang iglap, maraming mayayamang pamilya ay desididong gumawa ng aksyon. Gusto nila magkaroon ng maganda koneksyon sa misteryosong si Mr. Wade habang sa kabila ng kanilang mga isipan ay ninanais nilang ipakasal ang kanilang anak na babae sa kanya.

Bukod pa rito, ang anunsyong tungkol sa Emgrand Group’s investment na dalawang bilyong dolyar para sa pagpapatayo ng hotel ay talagang ikinagulat ng mga kumpanya sa konstruksyon at panloob na disenyo sa Aurous Hill.

Dalawang bilyon!

Maaari silang kumita nang malaki kahit sa pangangalakal lang ng mga basura sa gagawing proyekto.

Maraming kumpanya ang nagnanais na makasama sa proyektong ito, kahit na si Lady Wilson, na ang tanging hangad ay pera.

Sa mga sandaling ito ay parang nasa buwan si Lady Wilson. Dalawang bilyong dolyar na proyekto! Ito na ang pinakamagandang pagkakataon para sa pamilya Wilson na makakuha ng kontrata para sa malaking proyektong ito. Paniguradong magiging malaking bagay ito para sa kanilang pamilya kung mangyari man ito!

Dahil dito, nagpatawag siya ng daliang pagpupulong sa kanilang mansyon ngayong gabi upang pag-usapan kung papaano sila makakapasok sa malaking proyekto ng Emgrand Group. Lahat ay kailangang dumalo!

Sa gabing iyon, sa mansyon ng pamilya Wilson, ay dumalo si Charlie dahil na rin sa utos ni Lady Wilson na kailangang lahat ay dumalo.

Alam ni Charlie ang pinakapakay ni Lady Wilson sa pagpupulong na ito, kaya naman ay sinamantala niya ang pagkakataong ito para palakasin ang loob ni Claire.

Nang makita siya ni Harold, ang pinsan ni Claire, ay mapanghamak siyang inasar nito, “Grabe! Charlie Wade, ang kapal ng mukha mo. Saan ka humanap ng lakas ng loob para magpakita ka ngayon kay lola!”

Si Claire na may seryosong itsura ay nagsalita, “Tumigil ka na. Sinabi ni lola na kailangang dumalo lahat ng kasapi ng pamilya Wilson. Si Charlie ay aking asawa, kaya nangangahulugan itong kasapi rin siya ng pamilya Wilson!”

Sarkastikong tumawa si Harold. “Kasapi siya ng pamilya Wilson? Haha! Siya ay walang kwenta bukod sa pagiging isang manugang na nakatira rito!”

Ikinuskos ni Charlie ang kanyang daliri sa kanyang ilong dahil sa bahagyang pagkasabik at sinabi kay Claire, “Mahal, hayaan mo na siya, huwag ka nang makipagtalo pa sa kanya. Pumasok na tayo sa loob at naghihintay na si lola sa pagdating ng mga kasapi.”

Tumango si Claire at naglakad na patungo sa loob ng bahay nang hindi lumilingon kay Harold.

Ang mukha ni Harold ay biglang sumimangot at nainis, tila ba’y naghihintay ito na mapahiya sila mamaya.

Nang makapasok sila sa loob, umupo sa isang sulok sina Charlie at Claire.

Hindi nagtagal ay magarang dumating si Lady Wilson at opisyal nang nagsimula ang pagpupulong.

Si Lady Wilson ay umupo sa dulo ng lamesa. Kinatok niya ang lamesa at masayang sinabi ang kanyang panimulang salita, “Tayo, ang pamilya Wilson, ay matagal nang naghihintay sa ganitong klaseng pagkakataon sa loob ng maraming taon, isang pagkakataon na makakapagpabago sa ating pamilya, tungo sa tugatog ng social pyramid sa Aurous Hill! At ang pagkakataong iyon ay narito na ngayon!”

Siya ay nagpatuloy sa pagsasalita nang may malakas na boses, “Sa pagkakataong ito, ang Emgrand Group ay naglabas ng anunsiyo tungkol sa isang malaking proyekto na nagkakahalaga ng dalawang bilyong dolyar. Kung sino man ang makakapasok sa proyektong ito ay magkakaroon ng malaki at magandang benepisyo!”

“Bukod pa rito, ito ang unang malaking proyekto ng Emgrand Group matapos ang pagpapalit ng may-ari nito. Isa itong magandang pagkakataon para sa atin!”

“Kung magagawa nating makipagtulungan sa Emgrand Group at magkaroon ng magandang impresyon sa bagong chairman, ay paniguradong magiging makapangyarihan at sikat ang ating pamilya sa hinaharap!”

Ang ibang mga dumalo ay mapapansing mayroong ibang ekspresyon at malayo sa kasiyahang nadarama ni Lady Wilson.

Sa katotohanan ay wala namang bago sa kagustuhan ng pamilya Wilson na makasama sa trabaho ang Emgrand Group. Subalit, sa hinaba ng panahon ay palaging hindi pinapansin ng Emgrand Group ang hiling ng pamilya Wilson. Ano ang pumasok sa isipan ni Lady Wilson para maisip niyang mayroon silang tsansang makapasok sa proyektong ito ngayon? Hindi ito posible.

Dahil sa katahimikang bumalot sa silid, ay namula ang mukha ni Lady Wilson at sumigaw nang malakas dahil sa sobrang galit, “Bakit? Manhid na ba kayong lahat? Wala ba ni isa sa inyo ang may lakas ng loob na kumuha ng maliit na parte sa dalawang bilyong dolyar na proyektong ito?”

Lahat ng kasapi ay nagtinginan ngunit ni isa ay walang naglakas-loob ng magsalita.

Dahil dito ay lalong nainis si Lady Wilson, nagngitngit ang kanyang mga ngipin at sumigaw, “Makinig kayong lahat sa’kin! Kung sino man ang makakakuha ng 30 milyong dolyar na kontrata sa Emgrand Group ay magiging direktor ng ating kumpanya!”

Lahat sila ay napanganga na para bang may bombang sumabog sa loob ng silid.

Pinamunuan ni Lady Wilson ang kanyang pamilya at kumpanya gamit ang bakal na kamay, kaya naman ay hindi pa siya nagtalaga ng direktor ng kumpanya kailanman. Kung sabagay, ang pagiging direktor ay nangangahulugang pagiging makapangyarihan sa lahat ng oras, tanging tagapagmana lamang ng kumpanya ang pwede sa posisyong ito.

Ngayong ginamit na niya ang posisyong ito bilang gantimpala, marahil ay inaasahan niyang may kung sino man ang kukuha sa trabaho ito upang makuha ang magandang gantimpalang ito. Mababakas na talagang desidido siya makasama sa proyektong ito.

Kahit na ang gantimpalang kanilang matatanggap ay kaakit-akit, hindi ito madaling gawin.

Ang pagkakaroon ng kasunduan sa Emgrand Group at ng 30 milyong dolyar na kontrata? Marahil ay ito ng ang pinakanakakatawang biro sa buong siglo sa mata ng mga miyembro ng pamilya Wilson. Kahit na si Lady Wilson na mismo ang pumunta para kausapin sila, ay hindi pa rin ito siya pinapansin, paano pa kaya ang pagiging magkatrabaho.

Ang lugar ng pagpupulong ay nabalot ng katahimikan na parang isang simbahan.

Galit na kinalabog ni Lady Wilson ang lamesa at galit na nagsalita, “Lahat kayong miyembro ng pamilya Wilson, wala ba ni isa sa inyo ang kayang lumutas ng problema ng ating pamilya?”

Pagkatapos nito ay lumingon siya kay Harold. “Harold, ibibigay ko sa iyo ang trabahong ito!”

Pakunwaring tumawa ni Harold at mabilis na sumagot, “Lola, kahit na ang pamilya White ay pinaalis sa Emgrand Group. Ang ating pamilya ay mas mababa sa kanila, paano tayo magkakaroon ng tyansa sa Emgrand…”

Galit na sumagot si Lady Wilson, “Lapastangan! Paano mo nagagawang sumuko kahit hindi mo pa sinusubukan! Mas wala ka pang lakas ng loob kumpara sa talunang si Charlie!”

Sa totoo lamang ay walang ring kumpyansa si Lady Wilson sa bagay na ito, ngunit ayaw niya na maging pinuno ng isang pamilya palaging nasa pangalawa o pangatlong lebel antas ng social pyramid. Gusto niyang umangat ang estado ng pamilya Wilson kahit na sa kaniyang mga panaginip.

Tanging ang malaking proyekto ng Emgrand Group ang kanyang pag-asa upang makamit na ang kanyang matagal nang pangarap. Samakatuwid, hinding-hindi niya ito susukuan kahit na mahirap.

Sa kanyang isip, si Harold, ang pinakamatanda niyang apo, ay maluwag na tatanggapin ang kanyang pinag-uutos, subalit, sa hindi inaasahan ay tinanggihan siya nito sa harap niya mismo!

Si Harold ay labis na nalungkot at nalumbay. Walang sinuman na nasa tamang katinuan ang tatanggap ng imposible utos na ito. Sigurado siyang sisipain kaagad siya palabas sa sandaling tumapak siya sa harap ng pinto ng Emgrand Group.

Kung mangyari man iyon, hindi lang siya mabibigo sa iniutos sa kanya, siya rin ay iinsultuhin at aasarin dahil sa kabiguan niya. Kaya naman ay hindi niya kayang sundin ang kanyang lola anuman ang mangyari.

Si Lady Wilson ay tumingin sa iba pang kasapi at sumigaw nang malakas, “Paano naman ang iba sa inyo? Wala ba ni isa sa inyo ang may lakas ng loob na tanggapin ang hamong ito?”

Sa sandaling ito, tinapik ni Charlie si Claire sa balikat at bumulong, “Mahal, tanggapin mo ang misyon!”

Si Claire ay napatili dahil sa pagkagulat, “Baliw ka ba? Imposibleng makipagtrabaho ang Emgrand Group sa maliit na kumpanyang katulad natin!”

Bahagyang napangiti si Charlie at nagsalita nang may tiwala sa sarili, “Huwag kang mag-alala, siguradong magagawa mo ito!”

Labis na napadilat ang mga mata ni Claire dahil sa pagkagulat. “Sigurado ka ba?”

Seryosong tumango si Charlie at sinabing, “Siyempre, wala akong nakikitang anumang problema! Magtiwala ka sa akin at sulitin ang pagkakataon. Ang katayuan mo sa pamilya Wilson ay sigurado tataas sa hinaharap!”

Hindi maipaliwanag ni Claire ang kanyang nadarama, ngunit para bang nahipnotismo siya ng mga salita ni Charlie. Tumayo siya bago pa man niya maisip ang mga sinabi ni Charlie at nagsalita, “Lola, handa akong subukan ang inyong pinag-uutos…”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Darwin Prado
magolo ang kawento hlatang kinopya ...
goodnovel comment avatar
Darwin Prado
magolo ang kawento hlatang kinopya ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6143

    Pagkatapos magpahayag ni Keith, agad na sumang-ayon si Christian, "Kung may matibay na ebidensya na si Charlie, sinusuportahan ko rin iyon!""Oo, Pa!" tumango si Kaeden. "Buong-buo ang suporta ko sa desisyon mo."Naramdaman ni Merlin ang pag-aalala ni Keith kaya napailing siya at sinabi, "Suportado rin kita, pero kapag nangyari na ang lahat, magiging ayos lang ba si Lulu? Baka magalit siya kay Charlie?"Kumaway lang si Keith. "Hindi ganyan kamangmang ang pamilya natin. Mauunawaan niya iyon."Pagkatapos ay mariing sinabi ni Keith, "Pero bukod kay Charlie, tayong apat lang ang dapat na makaalam tungkol dito. Pagkatapos ng lahat ng ito, kahit ano pa ang maging reaksyon ni Lulu, huwag na huwag na natin itong babanggitin. Ililihim natin ito habambuhay."Sabay-sabay na tumango ang tatlo.Walang salitang kasunduan ang pinakamainam para sa ganitong sitwasyon.Sandaling natahimik si Keith, pagkatapos ay marahang pinunasan ang luhang dumaloy sa gilid ng mga mata niya. Matapos nito, sumago

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6142

    Kinuha ni Charlie ang file at pinag-aralan ito. Ang pangalan ng pasyente ay Joel Carr. Na-admit siya sa ospital matapos masagasaan ng sasakyan, at nagtamo ng maraming pasa at mabababaw na sugat. Pero wala namang pinsala sa mga buto o kalamnan niya, kaya mukhang hindi naman malala ang kalagayan niya.Lumingon si Charlie kay Pitt at nagtanong, "Hindi naman malala ang kondisyon niya. Hindi ba’t hindi na siya kailangan i-admit? Hindi ba sapat na i-obserbahan lang siya sa ER?"Napasinghap si Dr. Pitt at agad na nagpaliwanag, "Baka hindi niyo po alam, pero assistant ni Mr. Zekeiah Cash ang pasyente. Sikat si Zekeiah sa New York, at miyembro ng pamilya Acker ang asawa niya. Siya mismo ang tumawag sa hospital director para ipalipat ang pasyente sa ward sa 17th floor para doon gamutin.""Anong sabi mo?" napakunot-noo si Charlie. "Si Zekeiah Cash? Asawa ni Lulu Acker?""Oo!" tumango si Dr. Pitt.Pinisil ni Charlie ang kamao niya at nagngalit ang mga ngipin.Mukhang ang tatlong tao sa Ward

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6141

    Sinabi ni Ruby na si Mr. Chardon ang pinakamalakas sa apat na Earl.Pero kahit na hindi siya nagpakamatay, hindi pa rin niya kayang tapatan si Charlie.Kaya malinaw na kay Charlie kung gaano kadali para sa kanya ang patayin si Mr. Zorro.Pero iba ang may plano, at iba rin ang pagkakaroon ng tamang pagkakataon para maisakatuparan iyon.Alam ni Charlie na mahirap patayin si Mr. Zorro habang nasa New York.Ang makipaglaban sa gitna ng isang abalang lungsod ay mas makakasama kaysa makakabuti. Baka nga bago pa niya mapatay si Mr. Zorro, nai-broadcast na ito nang live sa internet.Kaya hindi matalinong hakbang ang direktang harapin si Mr. Zorro.Bukod pa rito, hindi niya rin maaaring gamitin ang Reiki para patayin ito agad sa isang iglap.Malamang na magdulot ito ng matinding kaguluhan at mga kakaibang balita kung biglang tamaan ng kidlat ang Manhattan Hospital at may isang tao roong mamatay.Ibig sabihin, kailangan niyang makaisip ng paraan para patayin si Mr. Zorro nang walang aba

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6140

    "Maabswelto?" tanong ni Charlie. "Kung ganoon, gaano katagal bago matapos ang lahat?"Sagot ni Julien, "Kailangan pa rin ng court hearing bilang bahagi ng proseso. Sa normal na sitwasyon, matagal iyon, pero dahil malaki ang naging epekto ng kasong ito, gusto ng judicial department na maresolba agad. Pinipilit din ng tatay ko na ituring ito bilang special case, kaya magpapadala ang korte ng New York ng team ng mga hukom sa ospital para magsagawa ng hearing at doon na rin ibaba ang hatol. Aalis sila sa loob ng ilang oras, at kung isasama ang lahat ng kailangang oras, matatapos ito mga lima pang oras mula ngayon, mga alas-siyete ng gabi."Nakahinga nang maluwag si Charlie nang marinig iyon.Kailangan pa ni Fleur ng hindi bababa sa sampung oras bago makarating. Kung maabswelto si Raymond sa loob ng tatlong oras, makakaalis na sila agad ng United States. Ipapabalik niya si Raymond sa Oskia, at hindi na maglalakas-loob si Fleur na habulin sila.Sa totoo lang, kahit habulin pa sila ni Fle

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6139

    Sa Ward 02, 03, at 04, may tig-aapat na ahente sa bawat kwarto, habang sa Ward 1701, bukod kay Raymond, may anim na ahente na mahigpit na nagbabantay sa kanya.Bukod pa roon, lahat ng ahente ng FBI ay may dalang mga totoong bala. Kapag may biglang sumugod babarilin nila agad ito nang walang pag-aatubili.Kapag may nangyaring putukan, siguradong lalala ang sitwasyon.Wala namang alitan si Charlie sa FBI, at ayaw din niyang atakihin nang walang awa ang mga ahenteng nagbabantay kay Raymond, kaya kung gagamit siya ng dahas sa ganitong sitwasyon, magiging imposible na ang solusyon.Pero wala ring matinong paraan kung magiging mahinahon lang siya.Hindi naman pwedeng sabay-sabay niyang manipulahin ang halos dalawampung tao, hindi ba?Kahit mapatakas pa niya si Raymond, magiging wanted siya. Ayon mismo kay Raymond, mas gugustuhin pa niyang mabulok sa kulungan kaysa maging isang wanted na kriminal.Habang naguguluhan pa si Charlie sa kung anong dapat gawin, biglang may lumabas na mensah

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6138

    Alam ni Charlie na mas low-profile na ngayon ang Qing Eliminating Society, kaya hindi niya inasahang makakasalubong niya sila sa biyahe niya ngayon sa New York.Pero ngayong bagong dating pa lang siya sa 17th floor ng Manhattan Hospital at may sugatang miyembro ng Qing Eliminating Society na agad na inilipat roon, imposibleng nagkataon lang iyon.Pakiramdam ni Charlie, si Raymond ang pakay ng Qing Eliminating Society, at ang dahilan kung bakit nila siya lalapitan ay dahil sa Four-Sided Treasure Tower.Mahinang sinabi ni Charlie sa sarili niya, "Sinabi sa akin ni Vera na nabanggit ni Marcius sa ama niya ang Four-Sided Treasure Tower, kaya malamang alam ni Fleur ang tungkol dito. Malamang siya lang din ang tanging tao sa Qing Eliminating Society na nakakaalam ng tunay na pinagmulan ng tore. At ngayong tinututukan na ng society ang lugar na ito, sigurado akong utos ito ni Fleur."Dahil dito, naging mas maingat si Charlie.Alam niya na bukod kay Fleur, may tatlong elder at isang earl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status