Share

Kabanata 6472

Author: Lord Leaf
Habang nagdiriwang si Jacob na naloko niya si Raymond, nakaganti, at kumita pa ng 200 thousand, si Charlie naman ay nag-iisip sa ikalawang palapag ng teahouse.

Alam niya agad na manloloko si Billy nung nakita niya ito, pero hindi niya maintindihan kung bakit bibili si Raymond mula kay Billy.

Totoo kaya na medieval talaga ang item tulad ng sinabi ni Raymond?

Pagpasok pa lang ng ideyang iyon sa isip niya, naging sigurado na si Charlie. Dahil sa kaalaman ni Raymond sa mga antiques, imposibleng magkamali siya sa Antique Street ng Aurous Hill.

Habang pinagpaguran ng biyenan niya at ni Zachary ang maayos na plano nila, iniisip pa rin ni Charlie kung paano nila tatanggapin ang balitang nakabili si Raymond ng bagay na nagkakahalaga ng milyon-milyon sa halaga lang na 300 thousand.

Samantala, pinanood ni Raymond si Billy habang umaalis at kinadado ang pinto mula sa loob bago niya muling sinuri ang bronze sculpture.

Sigurado siya sa sariling paningin niya na ito ay gilded bronze statue mula
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6472

    Habang nagdiriwang si Jacob na naloko niya si Raymond, nakaganti, at kumita pa ng 200 thousand, si Charlie naman ay nag-iisip sa ikalawang palapag ng teahouse.Alam niya agad na manloloko si Billy nung nakita niya ito, pero hindi niya maintindihan kung bakit bibili si Raymond mula kay Billy.Totoo kaya na medieval talaga ang item tulad ng sinabi ni Raymond?Pagpasok pa lang ng ideyang iyon sa isip niya, naging sigurado na si Charlie. Dahil sa kaalaman ni Raymond sa mga antiques, imposibleng magkamali siya sa Antique Street ng Aurous Hill.Habang pinagpaguran ng biyenan niya at ni Zachary ang maayos na plano nila, iniisip pa rin ni Charlie kung paano nila tatanggapin ang balitang nakabili si Raymond ng bagay na nagkakahalaga ng milyon-milyon sa halaga lang na 300 thousand.Samantala, pinanood ni Raymond si Billy habang umaalis at kinadado ang pinto mula sa loob bago niya muling sinuri ang bronze sculpture.Sigurado siya sa sariling paningin niya na ito ay gilded bronze statue mula

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6471

    Samantala, napabuntong-hininga si Raymond nang hindi nasisiyahan. “Hindi ko talaga kayang maglabas ng 400 thousand—sabi ko nga, wala pang gaanong mabenta dito sa shop ko kahit ang malaki ang ilalabas kong puhunan. Malapit na rin akong magbayad ng renta sa may-ari, at siguradong mamamatay ako sa utang kung gagastos ako nang ganoon kalaki…”Saglit na napasigaw si Billy, “Akala ko ba ay medieval ito at milyon-milyon ang halaga? Yayaman ka kapag nabenta mo ‘yan!”Napabuntong-hininga ulit si Raymond. “Hindi ganoon kadaling ibenta ang million-dollar antiques, lalo na kung maliit lang ang negosyo ko. Pwede ko rin ito dalhin sa auction, pero depende pa kung may mag-organize, at ang daming proseso at appraisal na kailangan.”“At sa ngayon, pakiramdam ko lang na medieval ang istilo nito pero hindi ako awtoridad dito. Sa dulo, ang mga eksperto at tiyak na grupo ang magpapatunay nito, at kapag nagkamali ako, ako ang sasalo ng lahat.”“At kahit tama ako at medieval nga, kailangan ko pa ring mag

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6470

    “Invest?!”Natulala talaga si Billy sa salitang iyon.Ano bang pinaggagawa ng tangang ’to? Hindi ito kasama sa script! Nasaan na ’yung mga tanong na dapat niyang itanong? Parang nag-exam ka na pang-grade school tapos biglang bar exam ang lumabas!Sa loob ng kotse, sinabi ni Jacob, “Ano bang iniisip ng hayop na ’yon? Talaga bang magbabayad siya ng 250 thousand?!”Napakagat-labi si Zachary. “Baka pain lang ’yan. Isipin mo—kapag tatanggapin natin, kailangan nating mag-iwan ng contact number.”“Pagkatapos nito, lolokohin niya tayo at sasabihing nabenta niya ng ito ng 10 million at kukunin natin ang five million. Syempre pupunta tayo, diba? Pagharap natin, baka tinawagan na niya ang pulis at ipapakita pa ang bronze sculpture bilang ebidensya. Hindi ba tayo mismo magpapahamak sa sarili natin?”Halos maiyak si Jacob habang ngumuso, “Pero sabi mo na hindi nakikialam ang pulis…”Umikot ang mata ni Zachary. “Oo, madalas hindi kasi iyon ang unwritten rule—pero pag dumating sa sukdulan at h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6469

    Pero hindi inaasahan nina Zachary at Jacob na lalo pa silang guguluhin ni Raymond nang tanungin niya si Billy, “Kung kaya mong maghintay, pwede mong iwan sa akin ang bronze sculpture bilang consignment. Kukunin ko lang ang 10% sa benta at sa iyo ang natitira—ayos ba iyon?”Napatingin si Jacob kay Zachary, nagulat, “Ano bang trip niya? Sobrang nadala na ba siya sa role niya?”Umiling si Zachary. “Hindi ko rin gets… gusto ba niyang kunin ang bronze sculpture para gawing ebidensya laban sa atin?”Kumunot ang noo ni Jacob. “Akala ko ba may ay may gentleman agreement sa negosyong ’to, at wala ring paki ang pulis?”Suminghal si Zachary. “Consignment daw, ibig sabihin ay hindi siya gagastos. Paano kung sabihin niya ito sa lahat ng antique dealers imbes na sa pulis? Mapapatunayan niyang matalino siya, magkakaroon pa siya ng pangalan… at anong gagawin natin? Babawiin ang bronze sculpture? Kung oo, mahihingi ba talaga natin ito?”“Puta!” mura ni Jacob. “Ano pang hinihintay natin? Sabihin mo

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6468

    Sa Treasure Measure, pati si Billy ay nahihirapan nang intindihin kung ano ang nangyayari.Bago siya pumunta, malinaw na sinabi ni Zachary na nandito siya para lokohin si Raymond Cole, kaya pumunta siya.Kaya ang trabaho niya ngayon ay sabihin na ang bronze sculpture na ito, na ginawa noong nakaraang siglo, ay galing daw talaga sa Renaissance era at pagkatapos ay ibenta iyon kay Raymond sa napakataas na presyo.Pero ngayon, mismong si Raymond ang nagsasabing medieval daw ito? Ano bang ibig sabihin noon?Kahit nalilito siya, sinabi niya, “Sir, kung sinasabi mong galing ito sa medieval era… magkano po kaya ito?”Nag-isip si Raymond at sinabi, “Medyo hindi sikat ang ganitong item, pero hindi ibig sabihin na walang bibili o walang may gusto nito. Ang problema kasi noon, maraming digmaan, at karamihan ng tanso ay ginagamit sa paggawa ng armas. Mababa rin ang production ng copper dahil sa rationing, kaya natural na bihira ang bronze tools para sa mga sibilyan.”“Karaniwan ang gilding p

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6467

    Hindi napigilan ni Zachary na ituro ang screen at sumigaw, "Putanginang talunan! Habang mas naiipit ka, mas lalo kang hindi dapat kabahan! Ano bang iniisip mo?! Nahulog ka na sa patibong ng gagong iyon!"Nainis din si Jacob, nagngangalit na, "Bwisit! Hindi ko akalaing tusong matandang lobo pala ang gago. Putangina naman!"Napabuntong-hininga siya at umiling. "Kalimutan mo na, Zachary—uuwi na ako para mag-empake, at aalis ako papuntang Dubai bukas ng umaga. Ikaw na ang bahala sa bronze sculpture at ipadala mo ang pera."Habang pababa na siya, bumuntong hininga si Zachary sa inis at humingi ng paumanhin, "Pasensya, Mr. Wilson… pero okay lang! Kahit pumalpak itong plano, hayaan mong gumawa pa ako ng isa para pabagsakin si Raymond Cole!"Hindi siya pinansin ni Jacob at tuloy-tuloy na lumabas ng sasakyan, pero biglang narinig sa cellphone ni Zachary ang boses ni Raymond, "Pwede kang kumalma. Hindi ko sinasabing nagsisinungaling ka. Iniisip ko lang na hindi ito Renaissance… kundi medieva

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status