Share

Kabanata 6

Penulis: Lord Leaf
Ang anunsyo ni Claire ay nagpadala ng isang alingawngaw sa buong silid, ang lahat ay napanganga sa sobrang gulat.

Inisip ng lahat na wala na sa kaisipan si Claire!

Ito ang pinakapangit na oras upang tumayo at magpasikat! Bukod sa malungkot na pagkabigo, wala na siyang ibang makukuha!

Ang Emgrand Group ang pinakamalaking kumpanya sa Aurous Hill at ang pamilya Wilson ay wala kundi isang hamak na langgam lamang sa kanila! Kung sino man ang tatanggap ng hamon ay mabibigo lamang!

Hindi maiwasanag mangutya nang sarkastiko si Harold, “Claire, sa tingin mo ba ay makakakuha ka ng kasunduan mula sa Emgrand Group?”

Nagpatuloy si Wendy na may pangungutyang tono pagkatapos ng kanyang kapatid na lalaki, “Claire, sino ka ba sa tingin mo, ano ang tingin mo sa Emgrand Group? Ang pagiging walang ingat at hindi makatwiran mo ay magpapahiya lamang sa atin, ang pamilya Wilson!”

Nagdagdag pa ang isang tao, “Tama si Wendy! Kung siya ay papaalisin ng Emgrand Group, magiging katawa-tawa ang pamilya natin sa Aurous Hill!”

Bugso ng dugo ang dumaloy sa mukha ni Clare at naramdaman niyang nag-iinit ang kanyang mukha sa kahihiyan.

Ang kanyang katayuan sa pamilya ay bumulusok simula noong pinakasalan niya si Charlie. Hindi lamang siya pinabayaan ng kanyang pamilya at siniko sa gilid ngunit kinutya rin ang kanyang mga magulang.

Naramdaman niya na kung siya ay makakakuha ng kasunduan sa Emgrand Group, mapapatag niya ang kanyang posisyon sa pamilya.

Ang pinakamahalaga ay ang kanyang mga magulang ay makakatayo ng tuwid at maipagmamalaki niya kung sino sila.

Ngunit sa ilalim ng mga sarkastikong komento at pagkondena, gusto niyang umatras sa kanyang katawa-tawang ideya.

Tumingin siya nang naiinis kay Charlie. Paano niya napilit siya at bakit siya nakinig sa kanya? Hindi dapat siya nagpahayag ng katawa-tawang mungkahi sa una pa lang…

Galit na galit si Lady Wilson habang siya ay nakikinig sa usapan ng mga manonood.

Walang nangahas an kunin ang gawain pagkatapos niyang magtanong nang ilang beses. Ngayong naging matapang si Claire at tumayo upang tanggapin ang hamon, nagsimula silang kutyain siya!

Hindi gusto ni Lady Wilson si Clare, ngunit sa sandaling ito, siya ay masaya dahil handa si Claire gawin ang imposibleng hamon kahit papaano, hindi tulad ng ibang miyembro na nagbibigay lang sa kanya ng problema.

Lalo na ang kanyang paboritonog apo, si Harlod! Talagang nakakabigo siya!

Dahil dito, malaki ang pagbabago ng saloobin ni Lady Wilson kay Claire. Agad niyang sinabi, “Tigilan niyo na ang kalokohan niyo, mga duwag! Ipapasa ko kay Claire ang pagkuha ng kasunduan sa Emgrand Group!”

Malambing na bumulong si Claire, “Huwag ka mag-alala, lola, susubukan ko ang lahat ng aking makakaya.”

Umihip ng hangin si Harold sa kanyang ilong at malamig na kinutya, “Susubukan mo ang makakaya mo, tapos? Papahiyain mo kami kapag nabigo ka!”

Nagtanong nang may pangungutyang tono si Charlie, “Harold Wilson, bakit mo kinukutya nang ganyang si Claire? Sa tingin mo ba ay hindi kwalipikado ang pamilya Wilson na makipagkoopera sa Emgrand Group?”

Hindi inaasahan ni Harold na ang talunan na si Charlie Wade ay nangahas na magsalita sa pagpupulong ng pamilya, lalo na sa pangungutyang tono.

Nang makita ang galit na unti-unting lumalabas sa mukha ni Lady Wilson, agad siyang nagpaliwanag, “Hindi, hindi gano’n ang ibig kong sabihin, sa tingin ko lang ay imposibleng makakuha ng kasunduan si Claure! Iyon lang!”

Tumawa nang naaaliw si Charlie at tinanong, “Paano kung nagtagumpay siya? Gusto mo bang pumusta?”

Palihim na ngumiti si Harold. “Sige, magpustahan tayo! Sa tingin mo ba ay matatakot ako sa sa banta mo? Anong gusto mong ipusta? Pakikinggan kita.”

Sinabi ni Charlie, “Kung magtatagumpay si Clare, luluhod at yuyuko ka sa aking paa at aaminin na nagkamali ka sa harap ng lahat. Kung siya ay mabibigo, ako ang luluhod at yuyuko sa iyong paa at aaminin na mali ako. Ano sa tingin mo?”

“Hahaha!” Tumawa nang malakas si Harold. “Hinuhukay mo talaga ang libingan mo, talunan! Sige, tatanggapin ko ang hamon mo!”

Tumango nang nalulugod si Charlie at sinabi, “Kayong lahat, kayo ang aming mga saksi. Kung sino man ang aatras sa pusta ay mamatay ang kanyang ama, ina, lolo, at lola!”

Sadya niyang binigyan-diin ang salitang ‘lola’ nang malakas at malinaw, dahil ayaw niyang sirain ni Harold ang kanyang pangako pagkatapos niyang matalo.

Hindi mangangahas na sirain ni Harold ang kanyang pangako pagkatapos ng ganitong pahayag. Kung talagang aatras siya, ang ibig sabihin ay sinusumpa niya ang kanyang lola, si Lady Wilson, na mamatay! Hindi siya kikilingan ni Lady Wilson nang gano’n lang!”

“Sige!” Inisip ni Harold na nasa panalong panig siya, ngunit ang hindi alam ni Harold ay tumalon siya sa bitag ni Charlie. Tumawa siya nang malakas at sinabi, “Kayong lahat, kayo ang aking saksi, hihintayin kitang lumuhod sa harap ko!”

Nagulat si Claire sa lahat nang nangyari at patuloy ang pagsenyas niya kay Charlie gamit ang kanyang mga mata, ngunit hindi hindi siya pinansin ni Charlie.

Walang pakialam si Lady Wilson sa pustahan. Ang pag-aalala lang niya ay kung makakakuha ba ng lugar ang Wilson Group sa listahan ng pakikipagtulungan ng Emgrand Group. Kung makakakuha sila, wala siyang pakialam kahit na tawaging papa ni Harold si Charlie, lalo na ang pagluhod sa kanya.

Kaya, mahinahon niyang sinabi, “Mabuti, iyon na ang lahat. Claire, mayroon kang tatlong araw upang makipagkasundo at makuha ang kasunduan. Makakaalis na ang lahat!”

***

Pagkatapos umuwi, ang mga magulang ni Claire ay hinarap ang magnobyo.

Ang ina ni Claire, si Elaine Wilson, ay naglalakad nang mabilis sa kwarto at sinabi nang nabalisa, “Claire, baliw ka na! Paano ka nakinig sa talunan at tinanggap ang gawain nang hindi nag-iisip?”

Ang ama ni Claire, si Jacob Wilson, ay lumingon kay Charlie at sinumbat, “Charlie, ikaw walang lunas na talunan, tinulak mo ang aking mahal na anak sa hukay!”

Ang kanyang mukha ay namula habang siya ay nagpatuloy, “Kung mabibigo si Claire, siya ay kukutyain ng buong pamilya, at ikaw! Kailangan mong lumuhod kay Harold na parang alila sa harap ng buong pamilya! Ang aking dignidad ay masisira!”

Sinabi nang tapat ni Charlie, “Ama, Ina, ang lahat ay ayos lang kung magtatagumpay si Claire sa negosasyon at makuha ang kasunduan, tama ba ako?”

“Anong negosasyon!” Sumigaw nang galit si Jacob, “Mayroon ka bang ideya kung gaano kalakas ang Emgrand Group? Hindi nila papansinin ang pangkaraniwang pamilya Wilson!”

Sinabi nang nakangiti ni Charlie, “Marahil ay may pumansin sa atin, hindi mo alam iyon. Sa totoo lang, mayroon akong tiwala kay Claire, sa tingin ko ay madaling makukuha ni Claire ang kasunduan.”

Kinutya nang mapang-asar ni Elaine. “Sa tingin mo? Sino ka, sa tingin mo ba ay ikaw ang nagmamamay-ari ng Emgrand Group? Isa ka lamang talunan, isang basura, paano ka nangahas na maging walang alam at kumpiyansa?”
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5992

    Dinala ng prison guard si Charlie sa pinto ng cell number 8.Nagtatawanan at nagkukuwentuhan ang mga preso sa loob. Pero nang sumigaw ang prison guard sa may pinto, agad silang pumila sa gitna ng selda.Tumayo ang dalawang guwardiya sa may pinto at binilang ang mga preso mula sa labas ng rehas. Pagkatapos, ginamit nila ang intercom para sabihing buksan ang pinto. Pumasok sila para inspeksyunin ang loob, at nang makumpirmang maayos ang lahat, kinumpirma nila ito sa prison guard sa likod ni Charlie. Tinapik ng guard si Charlie at sinenyasang pumasok na.Pagpasok ni Charlie, agad siyang sinalubong ng nakakasulasok na amoy na agad nagpakunot sa noo niya. Naamoy niya ang asim at kalawang, amoy-pawis at paa, na may halong baho ng kumot at lalo pang pinagrabe ng amoy ng inidoro.Kitang-kita sa mukha ni Charlie ang pagkadismaya, na taliwas sa ibang preso na tila wala namang pakialam sa baho sa paligid.Isa sa kanila, isang maskuladong puting lalaki na may balbas, ay natawa sa reaksyon ni

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5991

    "Oo, ako ang tinatawag niya." Tumango si Charlie sa lalaking may buzz-cut. "Ingat ka.""Pinalalaya ka na ba ngayon?" tanong ng lalaking may buzz-cut, halatang dismayado ang mukha. "Pero kararating mo pa lang."Tiningnan ng opisyal ang lalaking may buzz-cut at walang emosyon na sinabi, "Ililipat siya sa Brooklyn Prison.""Ano?!" sigaw ng lalaking may buzz-cut sa gulat at napatalon siya. Tapos sumigaw siya habang nakatingin sa likuran ni Charlie, "Bro, anong ginawa mo?! May pinatay ka ba? Sabi nila mas malala pa raw sa impyerno ang mga kulungan dito sa America. Mag-ingat ka doon!""Huwag kang mag-alala." Kumaway si Charlie nang hindi lumilingon. "Paalam."Dinala ng opisyal si Charlie sa isang tahimik na sulok ng opisina at bumulong, "Ginamit na namin ang fast-track procedure at ipapadala ka na agad sa Brooklyn Prison. May contact ako roon. Leandro ang pangalan niya, isang Brazilian. Alam niya lahat tungkol sa Brooklyn Prison. Hanapin mo siya pagdating mo roon at tanungin mo siya tun

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5990

    "Oo, pero sa barko."Napabuntong-hininga ang lalaking may buzz cut, halatang may bahid ng pagkadismaya. "Mas okay talaga ang barko. Pwede kang sumakay mula mismo sa bansa mo, tapos aabot lang ng isang buwan. Pero sa lupa, grabe ang hirap! Para kang dumaan sa impyerno! Akala ko talaga mamamatay na ako."May isang boses mula sa grupo na biglang sumingit, "Kalokohan. Hindi rin ganoon kaganda ang sumakay ng barko. Kahit papaano ay naglalakad ka sa lupa. Pero sa barko, baka kailangan mo pang lumangoy papunta sa pampang. Mga 60 kami sa barko noon, pero kalahati lang ang nakarating sa pampang. Sigurado akong inanod na ng alon 'yung iba."Napakagat-labi ang lalaking may buzz cut at napailing. "Grabe, sobrang nagsisisi na ako. Akala ko paraiso ang Amerika. Bwisit sila! Impyerno pala ito! Sabi pa ng agent, kikita raw ako ng seven o eight thousand dollars kada buwan kahit maghugas lang ng plato. Pagdating ko rito, nasa isang dosenang tao pa ang nag-aagawan sa isang plato sa restaurant!"Pagka

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5989

    Sa tanghali, habang kumakain si Charlie mag-isa sa isang restaurant sa Oskiatown, biglang umalingawngaw ang tunog ng mga sirena sa kalsada, at dalawang police car mula sa Immigration Bureau ang biglang huminto sa harap ng restaurant.Tahimik na pinagmasdan ni Charlie ang lahat. Wala siyang ipinakitang emosyon at patuloy lang siyang kumain nang nakayuko.Pumasok ang ilang pulis sa loob ng restaurant na may hawak na litrato at kinumpara ito sa mga customer sa loob. Bigla silang lumapit kay Charlie at malakas na nagtanong, "Ikaw ba si Charlie, 'yung pumasok dito sa United States galing Malaysia nang ilegal?""Ano?" Tumingala si Charlie at umiling na parang nalilito. "Hindi..."Tiningnan ulit ng pulis ang litrato, ngumisi nang mapanukso, at tinawag ang mga kasama niya, "Siya ito. Kunin niyo na siya!"Agad lumapit ang mga pulis, hinawakan si Charlie sa braso, pinatalikod siya, at pinosasan.Pumalag si Charlie nang hawakan siya, pero agad siyang tumigil nang may isang pulis na tila ba

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5988

    "Oo."-Pagkatapos mag-agahan, nagmaneho si Charlie papunta sa Shangri-La Hotel sa New York.Nagpareserba siya ng isang luxury suite para kay Janus dahil papunta na siya sa Brooklyn Prison ngayong araw. Nagpapahinga pa sila sa kwarto nang tumawag si Kathleen.Umalingawngaw ang boses ni Kathleen sa telepono. "Nasaan na kayo ngayon, Mr. Wade? Malapit na akong matapos. Kung okay lang sa inyo, pupunta na ako riyan at ipapaliwanag ko na ang mga detalye.""Nasa Shangri-La ako," sagot ni Charlie. "Pumunta ka na rito."Dumating si Kathleen sa hotel makalipas ang sampung minuto at magalang na yumuko kay Charlie. "Mr. Wade, ito na ang bagay na hiniling mo."Iniabot niya ang isang passport. "Malaysian passport ito. Pwede mong sabihing isa kang Malaysian Oskian. Walang entry record ang identity na ito sa U.S., kaya mas mababa ang tsansa na mabuking."Tumango si Charlie, kinuha ang passport, at binuksan ito. Larawan niya ang nasa loob, at ang pangalan niya ay Charlie Curtis. Hindi ito kapan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5987

    "Magpapasok ng tao sa loob?"Napabulalas si Kathleen at napasinghap sa gulat, "M-Mr. Wade! Ibig mong sabihin, gusto mong ako pa ang magpasok sayo sa loob?""Oo." Tumango si Charlie. "Pakiayos ang pekeng ID para makapasok ako sa Brooklyn Prison. Gusto ko siyang makausap."Nag-isip sandali si Kathleen at nagbabala, "Wala namang problema sa pagpapasok sayo, pero hindi ko maipapangakong makikita mo si Biden. Kasi nga, espesyal ang kaso niya, isang core member pa ng Rothschild ang mismong gumalaw para sa kanya. Kung ano man ang ginawa niya, siguradong malaki ang bigat kaya siguradong mahigpit ang pagbabantay sa kanya sa loob. Hindi siya madaling lapitan.""Huwag mo nang intindihin iyon." Napatawa si Charlie. "Gagawa ako ng paraan pag nakapasok na ako.""Sige. Kailan mo balak pumasok?""Sa lalong madaling panahon, kung pwede bago magtanghali. Kaya mo ba?"Matatag ang boses ni Kathleen, "Walang problema. Aayusin ko agad ito."Pagkababa ng tawag, nagtanong si Janus, "Pupuntahan mo ba s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5986

    Nangako si Kathleen, "Huwag kayong mag-alala, Mr. Wade. Hindi ko sasabihin kay Mrs. Wade ang tungkol dito."Dagdag pa niya agad, "Ngayon ko lang narinig ang tungkol sa pagkaka-aresto ni Biden. Huwag kayong mag-alala. Magpapahanap ako ng impormasyon at ipapaalam ko agad sa inyo kapag may nakuha na ako.""Sige." Nagpasalamat si Charlie. "Salamat, Miss Fox."Pagkatapos ng tawag, sinabi ni Charlie kay Janus, "Iimbestigahan iyon ni Miss Fox, pero baka matagalan ito. Bumalik muna tayo sa hotel sa New York para mag-almusal at magpahinga.""Walang problema." Tumango at ngumiti si Janus. "Kaso medyo malayo ang hotel mula rito, at baka dumating na rin ang balita sa loob ng kalahating oras kung mabilis si Miss Fox. Kumain na lang kaya tayo diyan?" sabay turo niya sa café sa kabila ng kalsada. "Bigyan mo lang ako ng kape at gising na 'ko buong araw."Sandaling nag-isip si Charlie at tumango bilang pagsang-ayon.Tumawid sila sa kalsada papunta sa cafe at umorder ng pagkain at kape. Tumawag na

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5985

    Tinikom ni Charlie ang kanyang labi at sinabi, "Okay lang 'yan. Pwede kong tanungin si Miss Fox tungkol dito. Mas maganda ang mga koneksyon at intelligent network niya dito sa New York kaysa sa atin."Pagkatapos noon, kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan si Kathleen.Tumunog ang telepono ng pito hanggang walong beses bago may sumagot. "Brad," sabi ni Kathleen. "Kumusta ang mga bagay sa Atlanta? Okay ba lahat?"Napagtanto ni Charlie na hindi magandang oras para mag-usap dahil gumamit si Kathleen ng ibang pangalan at pekeng mga tanong. Kasama niya siguro si Claire ngayon.Dahil dito, mabilis na sinabi ni Charlie, "Miss Fox, hindi magandang oras ngayon, tama? Tatawagan na lang kita mamaya.""Nasa New York ako ngayon, may ginagawa akong proyekto. Bigyan mo ako ng limang minuto, tatawagan kita ulit," sagot ni Kathleen."Sige," sagot ni Charlie at binaba ang tawag.Tumawag si Kathleen eksaktong limang minuto ang makalipas. Puno ng galang siyang nagsimula pagkasagot ni Charlie

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5984

    Sarado ang antique shop nang huminto ang sasakyan ni Charlie sa harap nito.Wala namang pakialam si Janus doon. Dahil, maaga pa, at iilan pa lang ang mga bukas na tindahan sa umaga.Pero si Charlie, na mas mapanuri, ay may napansin na kakaiba.Nakita niya ang kalawang sa bakal na pintuan at hawakan ng shop na parang matagal nang hindi nililinis.Tumabi siya sa kalsada sa tapat ng shop, plano niyang kumuha ng kape doon. Pero nang lumapit siya para tumingin, napansin niyang matagal nang hindi bukas ang shop. May sapot pa ng gagamba na nakabitin sa pinto.Pagsilip niya sa bintana, nakita niyang marurumi na ang mga display at mukhang matagal nang napabayaan.Napakunot-noo si Janus sa pagtataka. "Mukhang ilang buwan nang sarado itong lugar na ito.""Tama ka," tumango si Charlie. "Hindi ba’t maraming antique shops ang mga Cole sa Europe at U.S.? Baka nagpasya silang isara na ang branch dito."Napatingin si Janus sa thrift store sa tabi, at nakita niyang may mga tao sa loob kahit naka

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status