Sa entrance ng mansyon, ang butler ay yumuko kay Alex, ang postura niya ay may galang.“Paumanhin po sa abala. Sa po ay hindi niyo ito isapuso.”“Walang problema,” Ang sagot ni Alex.Biglang may dalawang bodyguard na lumabas.“Tumigil ka at sumunod ka sa amin pabalik sa kwarto, kung hindi ay babaril kami,” Ang sigaw ng isa, ang isa sa kanila ay inabot ang kanilang armas.Walang pagdadalawang isip, ang butler ay sinuntok ang mga bodyguard sa kanilang mukha.Napaatras sila, nabigla.“Mga tanga,” Ang galit na sabi ng butler.“Ang lalaking ito ay ang guest ni Mr. Kingston. Mag ingat kayo sa mga salita niyo, o papatayin ko kayong pareho.”Ang mga bodyguard ay naging mas maputla.Kahit kailan ay hindi pa nila nakita ang butler na naging ganitong galit at hindi man lang nila napagtanto kung paano sila sinuntok.Nabalitaan nila na ang butler ay minsang isang kinatatakutang assassin.“Pa… patawad,” Ang nauutal na sinabi ng isa sa mga bodyguard.“Ngunit malubha ang kondisyon ni Miss
Noong sina Dr. Jenkin at Charles ay sinusubukan pa rin unawain ang sitwasyon, ang butler ay dinala na sila palabas ng kwarto.“Butler!” Mabilis na protesta ni Charles.Ngunit singitan siya ng butler, “Young master, maghanda na kayo ng sasabihin sa tatay niyo. Papunta na siya dito.”Namutla si Charles.Sa loob ng kwarto, si Alex, ng hindi nagdadalawang isip, ay pinunit ang mga damit ni Jasmine, sa huli ay hubad na si Jasmine.Ngayon naman, hindi na siya humingi ng permiso kay Jessica, dahil ang kondisyon ni Jasmine ay kritikal na.Nilagay niya si Jasmine sa bathtub, at nilabas ang siyam na acupuncture needles.Habang pintik ni Alex ang kamay niya, ang mga karayom ay tila tumpak na napunta mismo sa katawan ni Jasmine.Ang tubig sa bathtub ay mabilis na naging kulay brown at naging mabaho ang amoy.Ito ay para bang ang mga lason mula kay Jasmine ay mabilis na lumabas ng kanyang katawan at napawalangbisa dahil sa mga kemikal sa bathtub.Nagbuhos si Alex ng isa pang palad ng ingred
Noong nakaraan, mabilis at masaya na pumunta si Alfred sa kanyang mansyon nang matanggap ang balita na ang anak na babae niya ay gumaling na sa wakas.May utang na loob siya sa tulong ni Master Alex at iniisip niya na kung anong regalo ang ibibigay niya bilang pasasalamat.Ngunit sa sandali na dumating siya sa bahay, ang unang bagay na nakita niya ay ang anak niya na walang hiyang sinigawan ang guard na saktan ang young master.Pinagpawisan sa kaba si Alfred, at ang puso niya ay tila naging yelo.Ang young master ay kailangan lang umubo ng kaunti, at ang buong Kingston Group sa Vancouver ay mapapalitan ng iba ng basta-basta lang.“Tanga ka!” Dahil sa galit at takot, sinipa niya si Charles papunta sa sahig.Samantala, ang butler ay mabilis na lumapit kay Alfred upang ipaliwanag ang lahat gamit ang mahinang boses.Sina Jessica at Dr. Jenkin, na narinig si Alfred na sumigaw, ay naglakad palabas ng kwarto upang tingnan ang nangyayari.“Tatay, bakit niyo po ako sinipa? Ang lalaking
“Tatay,” Naglakad si Jasmine palabas ng kwarto, at si Alfred ay mabilis na pumutna sa tabi niya. “Minnie, hindi pa maganda ang kalagayan mo, magpahinga ka muna.”“Ayos lang ako, tatay,” Ngumiti si Jasmine. “Kahit kailan ay hindi pa ako nakaramdan ng sigla na tulad ng ngayon.”“Minnie,” Tila masaya talaga si Alfred. “Halika, magpasalamat tayo sa doctor mo.”Humakbanmg pasulong si Jasmine, namumula at nahihiya. “Salamat sa paggamot sa akin.”“Walang anuman.”Si Albert ay naglabas ng dalawang set ng susi at magalang na binigay ito kay Alex.Ang isang set ay susi para sa limited edition ng pinakabagong Sports car na Bugatti La Voiture Noire, na may halagang $20 million.Ang isa pang set ay susi para sa mansyon, na nagkakahalaga ng $500 million.Minsan itong tinanggihan ni Alex, ngunit ngayon ay naisip niya na ito ang tamang oras.“Ito po ang isang kaunting pasasalamat. Alam ko na kaunti lang po ito sa inyo, pero sana ay tanggapin niyo ito. Sana po ay hindi ito masyado maliit para
“Sigurado ka ba na gusto mong kumain tayo sa lugar niyo, Sophia?” Ang tanong ni Chris.“Bakit hindi na lang natin piliin ang Vancouver First Restaurant? Ako ang sagot.”“Salamat, pero wala ako sa mood para doon. Alam mo naman kung ano ang umaabala sa akin,” Nagbuntong hininga si Sophia.“Wag kang mag alala. Ang dad ko ay nagtatrabaho na sa mga koneksyon niya. Sasabihan niya ako kung may positibong balita sa Kingston Enterprise.”Lumapit si Chris, umakbay sa baywang ni Sophia.Biglang sumigaw si Lyra na para bang nakakita siya ng isang multo.“Diyos ko!”“Anong nangyari?” Mabilis na pumunta si Sophia sa tabi ni Lyra.Binaba ni Chris ang braso niya at kumunot ang noo.“Nakita ko si Alex sa luxury car na dumaan. Mali ba ako ng nakikita?” Tanong ni Lyra, tumitig siya sa kotse at hindi makapaniwala.O baka ito ay isang taong kamukha lang ni Alex?Hindi siya sigurado.“Nagbibiro ka siguro!” Sabi ni Chris, umiling. “Hindi mo ba napansin ang license plate?”“Pero—”“Ang kotse ay
Pumasok si Alex sa store habang si Alfred ay naghihintay sa entrance.Sa oras na pumasok si Alex, binati siya ng malamig na hangin, at ang mamahaling alahas ay agad na kumuha ng kanyang atensyon.Ang store ay mahal ang dekorasyon, mula sa kisame hanggang sa mga pader.“Piliin natin ang pinakamahal na piraso dito para kay Sophia,” Naisip niya, ang mga mata niya ay tumingin sa mga kumikinang na alahas.“Mas gusto niya ba ang emerald, o diamond?” Bulong niya sa sarili, ang tingin niya ay dumaan sa kumikinang na mga hiyas.Kahit at pinakamurang mga earring sa Elegance & Co ay may presyo na higit sa $10,000, at sigurado si Alex na hahanga si Sophia.Matutuwa si Sophia na matanggap ang regalo, kasama ang imbitasyon sa banquet.Samantala, sa kabilang dulo ng store, may babaeng sinusuri ang mga alahas, kasama siya ng isang middle-aged na lalaki na may malaking tiyan.Ang babae ay nakatayo sa tabi niya, humahanga sa mga piraso na nasa display case.“Tommy, baby, hindi ba’t mukha akong
“Sir, please—” Ang sales representative ay sinubukang makialam.“Kailangan mong palabasin agad ang tanga na ito! Sinisira niya ang mood namin sa shopping, at hindi ako papayag dito,” Ang sabi ng lalaki.Humalukipkip si Beatrix, pinapanood na maganap ang sitwasyon habang may mayabang na ekspresyon, ang ulo niya ay nakatingala, nagpapakita ng kayabangan at kumpiyansa.Ang sales representative ay nasa mahirap na sitwasyon.Ayaw niyang pumili ng panig. Ano ba ang magagawa niya? Kung sumunod siya sa utos ng lalaki, magpapalayas siya ng isang customer.Ngunit, hindi niya rin gusto galitin ang matandang lalaki.Nagsalita siya sa kanyang intercom, sinabi niya, “Mr. Jerry, may sitwasyon po tayo dito. Pwede po ba kayong pumunta, please?”Sa loob ng isang minuto, may isang lalaki na may seryosong ekspresyon ang nagpakita.Si Jerry White, ang sales manager ng store, ay dumating.“Mr. Tommy!” Ang malakas na sabi ni Jerry, agad niyang nakilala ang middle-aged na lalaki, isang regular custome
Si Alfred ay alam na kung ano ang nangyari bago pa siya pumasok sa store, at galit na galit siya.Walang hiya ang sinuman na bastusin ang kanyang Young Master at tagapagligtas ng anak niya!Kung si Alex ay sinisi siya para sa pagiging hindi professional ni Jerry, ang lahat ng pagsisikap ni Alfred sa pagbuo ng mabuting reputasyon at pagkuha ng pabor ni Alex ay magiging para sa wala.Naramdaman ni Alfred ang pambihirang kagustuhan na parusahan si Jerry—ang walang kwentang lalaking ito na gumawa ng gulo at problema!Nararapat sa kanya na harapin ng malupit.Habang iniisip ang mga ito, agad na inutusan ni Alfred ang kanyang mga bodyguard na samahan ang isang middle-aged na lalaki at ang mayabang na mistress nito palabas ng store.“Kahit kailan ay ayaw ko na silang makita sa store na ito!” Ang babala ni Alfred.Nanood si Jerry, nawala ang kulay mula sa kanyang mukha, at ang kanyang mga mata ay napuno ng takot.Siya ay mukhang isang takot na manok habang nanginginig siya sa isang sul
“Kalimutan na lang natin siya,” Ang sabi ni Sophia, masama na ang mood niya.Napagtanto niya na hindi niya maiintindihan ang lalaking yun. “Magsisimula na ang banquet. Hanapin na natin ang mga upuan natin.”Ang banquet ay mayroong bilog na mga mesa, ang bawat isa ay may nakaupo na anim na bisita.Kapag mas malapit ang mesa sa harap, mas importante ang mga guest.Sa gulat nila Sophia at Lyra, noong tumingin sila sa kanilang invitation card, naka-assign sila sa pinakaharap—ang VIP table.“Chris, marami talagang ginawa ang tatay mo para makuha ang pinakamagandang invitation, no?” Komento ni Sophia.May proud na ekspresyon si Chris. “Syempre, ang tatay ko ay mahalaga talaga sa mga Kingston. Ito ang rason kung bakit sinabi ko sayo na wag mag alala sa partnership na ito—makukuha mo ito.”Habang kumilos sila patungo sa harap, nabigla sila na makitang sina Jasmine at Alex ay nakaupo na sa mesa nila, tumatawa ng malapit sa isa’t isa.“Alex,” Lumapit si Chris, halata ang irita sa boses ni
Si Lyra, na nakatayo sa tabi ni Chris, ay biglang sumingit, “Chris, bukas ang kasal mo. Baka subukan mong wag tumitig sa bawat babae na makita mo?”Kumunot ang noo ni Chris, tumingin siya kay Lyra ng naiirita. “Kailan pa ba naging krimen ang maging mabait?”“Mabait? May pagkakaiba ang pagiging mabait at pagiging isang manyak,” Sagot ni Lyra, pumanig siya kay Sophia.“Sige,” Bulong ni Chris, alam niyang hindi gumagana ang pakana niya. Humarap siya pabalik kay Jasmine.“Ganda,” Ang tawag niya ng nakangiti. “Bakit hindi ka sumama sa amin? Ang lalaking yan ay hindi nararapat sa atensyon mo. Is-scam ka lang niya para sa pera mo.”Dahan-dahang hinawakan ni Jasmine ang baba ni Alex at ngumiti siya.“Oh, Alex,” Ang mahina niyang sinabi. “Pera lang ang meron ako. Kung yun lang ang tanging rason para bigyan mo ako ng atensyon, bigay mo lang ang presyo mo. May one hundred million akong dala ngayo. Kung hindi pa ito sapat, sabihin mo lang sa akin—meron pa akong masa marami sa bahay.”“Binibi
Gusto lang itanong ni Sophia ng mabait—tulad ng payo sa kanya ng lolo niya—kung sino talaga si Alex.Naunawaan niya na hinusgahan niya si Alex sa simula pa lang, hindi niya binigyan si Alex ng patas na pagkakataon.Baka may bagay pa na maaaring maging maayos.Ngunit kailangan ba ni Alex na gawing mahirap ang lahat?“Alex, naiintindihan ko—galit ka sa akin sa pakikipag divorce ko sayo, at ngayon ay pinaparada mo ang bagong babae mo sa harap ko. Alam mo ba na ito ang eksaktong rason kung bakit iniwan kita?” Hindi pinigilan ni Sophia ang kanyang sarili.“Ako ang mali, huh?” Nagtaas ng isang kilay si Alex, nagpanggap na walang alam.“Binigyan kita ng maraming pagkakataon para bumawi, pero masyado kang walang alam para maintindihan ito!” Galit na sinabi ni Sophia, nauubos na ang pasensya niya.“Isang pagkakataon?” Mukhang nalilito talaga si Alex.“Hindi mo ba nakikita? Sinusubukan kitang kausapin ng pribado, sa halip, ipinagmamalaki mo ang ego mo at pinapalala ang lahat,” Malamig ang
Gabi na sa Heaven, ang pinaka eksklusibong club sa Vancouver—isang lugar kung saan nakikipag halubilo ang mga pinakamayaman.Ang gusali ay mukhang isang malaking glass dome, pinapakita ang kagandahan ng kalangitan sa gabi—ngunit ang view ay maaaring ayusin para maging tugma sa anumang gustong tema.Ngayong gabi, ito ay ginawang isang “Royal Gathering,” parang isang banquet na ipinagdiwang ang isang hari, isang reyna, at ang unang public appearance ng isang prinsesa.Ang dekorasyon ay classic ngunit elegante, puno ng mga iskultura na inspired sa antiquity, engranda talaga ito.Nagsimulang dumating ang mga bisita, naglakad sa mga hardin at humahanga sa mga fountain at ornate decoration.May isang sleek black Mercedes na huminto sa entrance, kung saan naghihintay ang red carpet.Bumaba ang isang nakakabighani na babaeng may suot na eleganteng evening gown, agad niyang nakuha ang tingin ng lahat.Pagkatapos, may isa pang magandang babae rin na dumating, nakuha ang atensyon ng lahat.
Nakaupo si Alex sa café table, malalim ang iniisip niya habang ang mga piraso ng alaala ay nagsimulang magpakita.Hindi niya maalala ang mukha ng nanay niya, pero naalala niya ang medal na binigay nito sa kanya.“Alex, kung nawala ka, gamitin mo ang medallion na ito para hanapin mo ang daan pauwi.” Ang boses ng nanay niya ay puno ng babala.Natandaan niya na sinabi sa kanya ng nanay niya na magtago siya, may taong humahabol sa kanila. Ngunit sino? Hindi niya ito malaman.Ang sumunod na alaala ay gumising siya sa bahay-ampunan, ang medal ay wala na mula sa kanya.Ito siguro ang mga alaala niya bago siya mapunta doon.Habang hawak ang malamig na medal, alam ni Alex na kailangan niyang hanapin ang kanyang nanay at bawiin ang nakaraan niya.Biglang nag ring ang phone niya.“Alex,” Mahina ngunit tense ang boses ni Jasmine.“Ano yun?”“Pwede mo ba akong tulungan at samahan sa banquet ko?”Gusto tumanggi ni Alex, ngunit naalala niya ang pangako niya kay Abraham—na siguraduhing makuh
“Alex, heto ang mga divorce papers na pinaghandaan ni Sophia. Ang kailangan mo lang ay piramahan ang mga ito,” Ang sabi ni Lyra, nilagay ang mga dokumento sa café table.“Nasaan si Sophia?” Tanong ni Alex, ang mga mata niya ay nakapokus kay Lyra.Kahit na may pambihirang kagandahan siya, ang bawat salita sa sinabi niya ay malupit.“Busy siya sa pagtransfer ng pera. Makinig ka, Alex,” Nagsalita si Lyra, malamig ang boses.“Habang sibilisado pa ako, pirmahan mo na lang ang mga papeles. Tapusin na natin ito. Hindi ka pwedeng magpatuloy sa pagscam sa kanya. Diyos ko, bitawan mo siya!”Nagbuntong hininga si Alex. Ang tanging rason niya sa pagpapakasal kay Sophia ay ang hanapin ang clues tungkol sa nanay niya at sundin ang kahilingan ng master niya.“Kung gusto niya makipag divorce, sasabihin niya sa akin mismo,” Ang kalmadong sagot ni Alex.Umiling si Lyra. “Alam kong hindi ka masaya tungkol dito, pero tanggapin mo na lang. Hindi ka nararapat sa kanya. Wag mo na itong pahirapan pa—pir
Ang boses ni Lyra ay puno ng galit habang sinabi niya, “Kahapon, sinasabi mo na ang invitation card at ang alahas ay mula sayo. At ngayon ay sinasabi mo na ang BioHealth Solutions—isang kumpanya na malaki ang kinikita araw-araw at may matagal na kasaysayan bilang isa sa pinakamalaki sa Vancouver—ay magiging bankrupt.”Tumawa siya ng mapait.“Talaga? Aabot ka sa ganitong taktika para sisihin si Chris! Aamin ako, consistent ka.”Ang ekspresyon ni Aex ay naging malamig habang tumingin siya sa kanila mula sa screen ng kanyang phone.“Ang mga Kingston ay puputulin ang koneksyon sa BioHealth. Ito ay magiging isang walang kwentang kumpanya,” Ang simple niyang sinabi.“Puputulin ang koneksyon ng Kingston family?”“Isang walang kwentang kumpanya?”Isa isa silang hindi makapaniwala habang nasa loob ng kwarto.“Kalokohan, lahat ng ito ay kalokohan. Paanong puputulin ng Kingston ang isang dekadang collaboration habang ang tatay ko ay nasa Los Angeles at nagbubukas ng isang bagong Kingston b
Nararamdaman ni Sophia na lumubog ang puso niya, na para bang sinasabi sa kanya na pagtaksilan niya ang lolo niya.Biglang sumingit ng mabilis si Mrs. Lancaster.“Sophia, kailangan mong bawiin ang $100 million mula sa walang kwentang lalaking yun. Kailangan natin ang pera para masiguro ang kinabukasan ng mga Lancaster sa Kingston.”“$100 million?” Mas lalong nalilito si Sophia.“Sabi-sabi na binigay mo sa isang kung sino lang ang $100 million para lang hindi ka suminping sa kanya!” Ngumisi si Mrs. Lancaster, puno ng paghamak ang kanyang boses.Ang lahat ng mga mata sa kwarto ay napunta kay Sophia.Si Lyra, na ang boses ay puno ng galit, ay nagtanong, “Binigyan mo ang loser na yun ng $100 million?!”“Hindi!” Mabilis na ipinagtanggol ni Sophia ang kanyang sarili, alam niya na mayroon siguradong isang pagkakamali.“Nagyayabang lang ulit siya. Binigyan ko lang siya ng $100,000 para may tirahan siya at hindi tumuloy dito. Saan naman ako kukuha ng $100 million?”Ngunit hindi naniniwa
Nagbagon ng pwesto sa upuan si Lady Lancaster. “Pag iisipan muna namin.”“Tandaan niyo,” Pilit niya, “ngayong gabi ang banquet, kaya kailangan niyo gumawa ng mabilis na desisyon. At dahil sinabi niyo na pakakasalan ni Chris si Sophia, kapag binigay niyo ang pera ngayong araw, sasabihin ko kay Chris na ibigay ang BioHealth Solutions kay Sophia.”Tumahimik ang buong kwarto.Nabigla ang mga Lancaster—ang kumpanya ni Chris ay lubos na mas malaki kaysa sa kumpanya nila.“Bakit?” Ang tanong ni Lady Lancaster, ang boses ay parehong nanginginig na may kasakiman at hindi makapaniwala.“Nasa Los Angeles ako ngayon para sa bagong Elegance & Co. branches,” Nagsinungaling si Jerry, “at kailangan ko ng tulong ni Chris para bumuo ng bagong BioHealth company dito.”“Dahil siya ang tanging anak ko, sino ang mas mabuting mag manage ng kumpanya sa Vancouver kaysa sa asawa niya?”Ang nanay ni Sophia, si Florence, ay naging masigasig. “Nanay, ito ay isang magandang pagkakataon para sa atin.”Samanta