Tumango nang bahagya si Tom. “Naisip mo ba na baka ganito si Naya dahil sa nanay niya?” “Oo.” itinikom ni Ava ang kanyang bibig at ngumiti. Pagkatapos, bigla siyang nakonsensya ulit. “Pasensya na, Mr. Lowe. Ang taong gustong puntiryahin ng nanay ni Naya ay ako. Hindi ko inaasahang madadamay ka rin.” “‘Wag mong sabihin ‘yan. Malinis ang konsensya natin, at hindi natin mahuhulaan ang susunod na hakbang ng mga taong may masamang intensyon. Maging totoo ka lang sa sarili mo at protektahan mo ang sarili mo. Sapat na ‘yun.” Kumalma si Ava sa sagot ni Tom. Talagang ganito ang pag-iisip niya. Tingin niya ganito ang iniisip ni Tom dahil matagal na siyang nasa mundo ng negosyo, kaya siguro sanay na siya sa ganitong nakakabagot na isyu. “Mr. Lowe, anong nangyari sa opisina? Parang maraming tao ang gumagawa ng ingay,” nagtatakang tanong ni Ava. Tumingin si Tom sa nagtatakang titig ni Ava nang maamo. “Siguro may inupahan ang babaeng ‘yun na magpunta para pahirapan ka. May inutusan na ak
Nang marinig niyang tinatanong siya ni Madeline nang ganito, pakiramdam ni Ava parang may biglang humihila sa puso niya. “Maddie, bakit ka nagtatanong nang ganito?” nautal si Ava sa sobrang kaba. Habang nagtatanong siya, inilabas niya ang kanyang phone. “Kinausap ko si Danny kagabi. Tingnan mo Maddie.” Nababahala niyang inabot kay Madeline ang phone.“Ayos lang naman siya noong kausap niya ako kagabi. Paanong may mangyayari sa kanya ngayon?” Kaagad na pinakalma ni Madeline si Ava. “Ava, huwag kang mabahala. Tingnan ko muna.” Kinuha ni Madeline ang phone at nakita ang mga mensaheng ipinadala ni Daniel kay Ava kagabi.“Ava, hindi mo siya nakausap sa phone, tama?” “Hindi.” umiling si Ava, habang lalong nagmumukhang kabado at seryoso. “Maddie, anong nangyari? May nangyari ba kay Danny?” Tumingin si Madeline sa nababahalang mata ni Ava. “Ava, kumalma ka at makinig ka sa akin. Maaaring walang nangyari kay Dan, pero nawawala siya.” “Ano? Nawawala?” nanlaki sa gulat ang mga mat
“Totoo ba ‘to?” tiningnan ni Ava ang mensahe nang hindi makapaniwala, nagtataka kung bakit hinihingian ng mga kidnapper si Madeline ng ransom. “Hindi ako sigurado kung totoo ito, pero sinabihan ko na si Jeremy na i-track ang number na ito. Talagang medyo kaduda-duda ito.” Biglang nabagabag si Ava sa paliwanag ni Madeline.“Hindi, kailangan kong pumunta sa bahay ni Danny. Kailangan kong makita kung talagang na-kidnap si Danny.” nagmamadaling tumalikod si Ava.“Sasama ako sa’yo, Ava.” sumunod si Madeline kay Ava.Sinundan sila ni Jeremy nang hindi nagsasalita. Sa kasalukuyang sitwasyon, talagang nag-aalala siyang baka mawala sa paningin niya si Madeline.Nakakapagtakang si Madeline ang gustong hingian ng pera ng kidnapper.Hindi nagtagal bago sila nakarating sa bahay ni Daniel.Bumaba ng kotse si Ava at sumugod sa gate. Nagkataon, nagmamadaling lumalabas ang nanay ni Daniel sa sandaling ito.Nang makita si Ava, nagbago nang husto ang mukha ng nanay ni Daniel.“Ava, niyaya mo
Nang marinig ni Ava ang alok ni Jeremy, nagtaka siya. “Bakit hindi ako pwedeng magpunta sa manor ng Mendez family para hanapin ang baliw na ‘yun? Habang pinapatagal pa ‘to, lalong mapapahamak si Danny.” “Pero kapag nagpunta ka para hanapin siya at talagang siya ang nagpadukot kay Daniel, edi pinapaalam mo lang sa kalaban. Baka lalo lang mapahamak si Daniel dahil dito,” ipinaliwanag ni Jeremy kung bakit niya pinipigilan si Ava. “Talaga bang may inutusan ang nanay ni Naya para gawin ito?” nagdududa pa rin si Madeline.“Gustong-gusto ni Naya si Dan, kaya paano niya magagawang saktan ang lalaking mahal na mahal ng anak niya?” “Gusto niyang sirain ang bagay na hindi niya makukuha. Ang taong makasarili tulad ni Naya ay siguradong gagawa ng ganitong bagay.” tinikom nang mahigpit ni Ava ang mga kamao niya.‘Danny, dapat maging ligtas ka.’ Tahimik na nagdasal si Ava sa loob niya. Kahit na tama si Jeremy, nang maisip ni Ava kung paanong baka nasa panganib si Daniel ngayon, hindi ma
Biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso sa mga sandaling iyon. Hindi siya sigurado kung lumabas ba si Esther sa kanyang kotse kanina lang, o kung may makakarinig ba sa tunog at lalabas upang tingnan ito. Sa kalagitnaan ng kanyang kaba at pagdududa, bahagyang narinig ni Ava ang tunog ng isang nagmamadali at wala sa ayos na yabag ng mga paa na nagmula sa malayo. Pagkalipas ng ilang sandali, naramdaman ni Ava na may isang matangkad na lalake na nakatayo sa may kabilang panig ng pader. “Bwisit, bumagsak ang pader ng lumang bahay na to,” hindi natutuwang reklamo ng lalake, “Sa tingin ko ay bago kagatin ng isda ang pain, baka namatay na ako sa bwisit na bahay na to dahil sa may kinulong ako dito.” Muling nagreklamo ang lalake bago naglakad palayo. Pinigilan ni Ava ang kanyang hininga. Nilabas niya ang kanyang ulo at inobserbahan ang direksyon na pinuntahan ng lalake. Subalit, mula sa sinabi ng lalake sa kanyang sarili kanina lang, nagawang tukuyin ni Ava na talaga ngang nakak
Sa harap ng pagdududa nila Jeremy at Madeline, napasimangot si Daniel. Mukha siyang namoblema. “Nang susunduin ko sana si Ava mula sa trabaho kahapon ng hapon, may nakasalubong ako na isang matandang babae na hirap maglakad. Nahiwalay siya sa kanyang pamilya. Naisip ko na dahil sa maaga pa naman, hinatid ko muna siya sa bahay niya, ngunit sino ang mag-aakala na malayo pala ang bahay niya? “Nang gusto ko sanang sabihin kay Ava, doon ko lang napagtanto na nawala ko na ang aking phone. Wala naman kotse sa paligid kung saan nakatira ang matandang babae, kaya naghintay pa ako hanggang nitong umaga.” Muling sumiangot si Daniel. “Hindi ko inaasahan na mangyayari ito.” Nagulat si Gina matapos niyang marinig ang sinabi ni Daniel. “Dan, ikaw ba… Hindi ba’t magkasama kayo n Ava kagabi?” “Hindi.” “...” bakas ang hiya sa mukha ni Gina. medyo nahiya siya nang maalala niya kung ano ang sinabi niya tungkol kay Ava kanina lang. Akal pa nga niya ay sinadya lang ni Ava na gawing komplik
Biglang nakaramdam ng matinding lamig si Ava sa kalagitnaan ng kanyang pagkahilo. Nanginig siya at tuluyang nagising dahil sa lamig. Sa kanyang malabong paningin, nakita ni Ava ang isang pigura na dahan-dahan na naglalakd palapit sa kanya. Nahirapan siyang tumingala at nakita niya ang isang pamilyar na mukha na may masamang ngiti sa luhaan nitong mga mata. Ito ay si Esther. Pumikit si Ava, at naalala niya kung ano ang nangyari bago siya nawalan ng malay, at dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. “Syempre, ikaw.” Huminga ng malalim si Ava at pinakalma ang kanyang sarili. Naalala niya, pero ng gumalaw siya, may sumipa sa kanya ng malakas mula sa kanyang likuran. Ang sipa na ito ay tumama sa kanyang likod, na nagdulot ng hindi mawaring sakit. “Ah!” Napasigaw si Ava sa sakit habang nakabaluktot siya, ang malamig na tubig na bumabasa sa buo niyang katawan ay nanunuot sa kanyang balat. Sa mga sandaling ito, hindi maganda ang kanyang pakiramdam, ngunit hindi pa din siya
Babala ni Esther ng may malagim na mukha. Sa mga sandaling iyon, wala na sa kanya ang imahe ng isang mahinhin at eleganteng babae. Para na siyang isang tusong tao na gumagawa ng mga kabaliwan at walang katuturan na bagay. Nakahiga sa lapag si Ava habang pinakikinggan ang walang humpay na pagmumura ni Esther saknayang mag tenga. Pagkatapos ay pinikit niya ang kanyang mga mata. Nagkamali siya. Masyado siyang nagpadalos-dalos nung ginawa niya ang hakbang na ito. Dapat ay pinakinggan niya si Madeline at hindi nagpadalos-dalos na hinanap si Esther. Dapat ay nanatili na lang siya sa Whitman Corporation at naghintay kay Jeremy na makahanap ng palatandaan bago siya kumilos. Ngayon, hindi na niya alam kung makakalabas pa ba siya dito ng buhay. Tahimik na naisip ni Ava, ngunit huli na para sa kanya na pagsisihan ang bagay na ito. Sa mga oras na ito, nag-aalala pa din siya tungkol kay Daniel sa kanyang puso. “Danny…”‘Nasaan ka na ba?‘Malapit ka lang ba sa akin?’Si Est