The President Wife Suffering

The President Wife Suffering

last updateLast Updated : 2026-02-26
By:  MsdimpleeeOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
204views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Una pa lang ay may gusto na si Lea kay Milo. Kaya noong magpasiyang pakasalan siya, ay walang pag-aalinlangan na pumayag siya. Iyon pala ay dahil lamang sa gustong makuha ni Milo ang posisyon sa kompanya. Tiniis ‘yon ni Lea para sa lalaki at baka sakaling magustuhan siya pero nagkamali siya. Hiniwalayan siya nito dahil bumalik na ang totoong mahal nito na si Glaiza Caspe? Anong gagawin ni Lea? Magtitis ba siya sa piling ni Milo gayong hiwalay lang sila sa papel? O ipaglalaban ang pagmamahal rito hanggang sa matutunan siyang mahalin ng lalaki at magkaroon ng pangalawang pagkakataon ang lahat?

View More

Chapter 1

Divorce Agreement

Dis oras na ng gabi ng lumabas si Lea ng police station. Umuulan sa labas. Napapatingin ang mga dumadaan sa babae dahil sa mga galos niya sa mukha. Magulong buhok at pilay na paa.

Hindi ‘yon pinansin ni Lea ang mga bulungan ng mga tao kasabay ng pagturo sa kaniya. Ibinaba niya ang tingin sa kaniyang sirang cellphone. Basag-basag na ang screen niyon. Sinubukan ni Lea na mag-dial gamit ang kaniyang dumugugong daliri.

“The number you have dial is either unattended or out of coverage area please try your call later.”

Iyon ang sabi ng kaniyang cellphone. Hindi niya talaga maaasahan ang taong malapit sa kaniya ngayong nagigipit siya. Kanina habang ginugulpi siya, dinial niya ang numero nito pero ganoon pa rin.

Napapikit siya ng tumama sa kaniyang mukha ang ulan dahil sa malakas na hangin. Pumikit-pikit siya para makita ang harap. Muli idinial ni Lea ang numero ng kaibigan. Nakahinga siya ng maluwag ng sagutin ‘yon ng nasa kabilang linya.

“Hello, may problema ba?” tanong ng lalaki na may malamig at malalim na boses. Mas hinigpitan niya ang hawak sa cellphone.

“Milo, may sasa..”

“Sir Milo, hinahanap ka po ni Ma’am Glaiza,” wika ng assistant ni Milo.

Hindi na natapos ni Lea ang sasabihin dahil sa pagsingit na ‘yon ng lalaki.

“Pasensiya ka na Lea, mamaya na lang tayo mag-usap. Nandiyan si Glaiza. Alam mo naman ‘yon.”

“Sandali Milo–”

Hindi na nasabi ni Leah ang mga nais sabihin dahil pinatay na ni Milo ang tawag. Muli idinial niya ang numero ng kaibigan pero out of coverage na naman. Napabuntong-hininga na lamang siya at tumingin sa harap. Medyo lumakas ang hangin at ulan kaya nababasa na rin si Lea. Nanginig ang kaniyang katawan dahil sa lamig.

Naramdaman na lamang niya ang pagpatong ng jacket sa kaniyang balikat. Natigilan si Lea at nag-angat ng tingin. Ang Editor In Chief, si Leandro. Sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

“Sino naman kaya ang may gawa niyan sa ‘yo, Lea?” nag-aalalang tanong ni Leandro. Napabuntong-hininga na lamang si Lea at napailing.

“Hindi ko kilala, chief. Basta noong pinalo ako, nasabunutan ko sila kaya nakakuha ako ng ilang hibla ng kanilang buhok. At may libag sila sa ilalim ng aking mga kuko. Kapag sumailalim ito sa DNA Test, malalaman agad ng pulisya at mahuhuli sila agad,” matapang na sagot ni Lea.

Natigilan si Leandro. Nagtataka ang lalaki dahil sa kung paano harapin ni Lea ang sitwasyon. Napakakalmado ng dalaga at hindi kababakasan ng takot at pangamba. Hindi niya tuloy maiwasang humanga rito.

“Huwag kang mag-alala, iimbestigahan namin ito ng pulido at maayos para mahuli na ang mga salarin. Gumagabi na, ihahatid na kita sa inyo,” paanyaya ni Leandro.

Sa mga oras na ‘yon ay pahirapan na ang taxi sa lugar na ‘yon dahil hindi ‘yon gaanong daanan ng sasakayan. Ngumiti si Lea sa lalaki at pumayag. Pumasok na sila sa loob ng sasakyan.

“Pasensiya ka na, chief dahil naabala pa kita.”

Natawa si Leandro at tinapik ang kaniyang balikat.

“Hindi ka naging istorbo sa ‘kin, Lea. Isa kang kaibigan at kasamahan sa trabaho. Hindi ako tutunganga lang sa isang tabi habang nagpapasarap ng buhay ang may gawa nito sa ‘yo. At tsaka abala ang iba sa kani-kanilang trabaho at ako lang ang hindi,” paliwanag ni Leandro. Pinagana na nito ang sasakyan.

“Dumating na pala rito sa Pilipinas ang ex-girlfriend ni Milo. Narinig ko lang sa mga kasamahan ko na sinundo raw nito ang babae sa airport. Alam mo naman, matinik sa tsismis ang mga pulis,” pagkukuwento ni Leandro.

Natigilan si Lea. Pakiramdam niya naging blangko ang kaniyang isip. Kaya pala hindi niya makontak si Milo ay dahil may kasama itong babae. Mabuti na lang at hindi ‘yon napansin ni Leandro.

Binaybay na nila ang daan papunta sa kanila. Nagbaba ng tingin si Lea. Pinagmasdan niya ang dugo sa kaniyang daliri. Habang nagdurusa siya sa pambubuogbog, si Milo ay masaya sa piling ng ibang babae. Nanikip ang dibdib ni Lea dahil roon.

Dahil ang hindi alam ng lahat, siya ay dating asawa ni Milo Sandoval.

Imbes na magpahatid sa kaniyang tinutuluyan, nagpababa su Lea sa mataong lugar para doon mag-abang ng sasakyan.

“Sigurado ka na dito na kita ibababa? Puwede naman kita ihatid sa inyo.”

“Hindi na Chief Leandro. Masyado ko na kayong naabala. Mag-taxi na lang ako lalo at malayo pa ako. Maraming salamat po sa paghatid sa ‘kin,” nakangiting tugon ni Lea.

“Eh kung iyan ang gusto mo, ikaw ang bahala. Mag-iingat ka Leah.”

Tumango si Lea. Hinintay muna niya na makaalis ang sasakyan ni Leandro bago siya pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay sa bandang Makati. Nang makarating siya ng bahay, tinanggal niya ang kaniyang sapatos sa labas. Narinig siya ng kaniyang nanay-nanayan na nagpalaki sa kaniya na si Maria. Lumabas ginang at napasinghap ng makita ang itsura ni Lea.

“Anak?! Anong nangyari sa ‘yo? Bakit may pasa ka sa mukha?” nag-aalalang tanong ni Maria. Lumapit ang ginang at tinitigan siya, napahawak ito sa kaniyang braso. Wala siyang naging reaksiyon na para bang manhid siya.

“Sinalakay ako habang nagsasagawa ng under cover investigation, nay.”

May tiwala si Lea kay Maria. Lahat ng mga nangyayari sa kaniya ay alam nito dahil isa rin ang ginang sa mapagkakatiwalaan niya. Kalmado lamang si Lea pero makikita ang takot sa mukha ng kasambahay.

Alam ni L ea ang hirap ng kaniyang trabaho bilang news reporter. Mapanganib at kailangan malakas ang loob. Pero hindi niya akalain na mangyayari ‘yon sa kaniya sa tagal niya bilang reporter. Pero ‘yon ang trabaho niya, kaya paninindigan niya.

Inilagay ni Lea ang mga sapatos sa shoe cabinet. Bakas pa rin sa mukha ng ginang ang pag-aalala habang pinapasadahan siya ng tingin.

“Balita ko bumalik na ng bansa si Miss Glaiza,” wika ni Maria. Ibinaba ni Lea ang tingin, natatakpan ang mukha ng dalaga ang mukha nito. Wala itong makitang ekspresiyon sa mukha pero nararamdaman ni Maria na malungkot siya.

“Siguro dahil.. Ahm.”

Hindi alam kung paano pagagaanin ni Maria ang loob ni Lea na hindi ito mao-offend. Tingnan siya ng dalaga at iwenestra ang kamaysa pangalawang palapag.

“Aakyat na po ako manang para makaligo. Puwede bang pakidala sa aking silid ang first-aid kit? Salamat,” magalang na utos ni Lea kay Maria.

Tumango na lamang ang ginang habang pinagmamasdan ang alaga na pinipilit na maglakad ng diretso. Napabuntong-hininga na lamang si Maria. Nagtungo siya sa kabinet at kinuha roon ang first-aid kit.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status